Unang meet up pa lang naming yun. Ayon sa kanya, February 10, 2006 daw, nakatakda siyang umalis patungong abroad. Dumating na ang kanyang visa at plane ticket na lang daw ang kanyang hinihintay. Sa puntong ito, nakaramdam na ako ng pagkalungkot . Kung kelan pa kami unti unting nagkakalapit. Tsaka naman siya mawawala. Kaya sa huling pagkakataon, humiling ulit ako ng isa pang meet up. February 3, 2006, (Friday), sinundo niya ako sa work. Usapan namin, doon na niya ako sa work ko pupuntahan at mula doon ay pupunta kami sa Bay Walk, na noong panahong iyon ay isang sikat na lugar sa Maynila na magandang tambayan. Isang magandang alala sa akin ang lugar na iyon. First time ko din kasing pumunta doon kasama ang isang kaibigan mula sa cyber.
Nang dumating ang huling gabi bago siya umalis, February 9, yon. Alam niyang naghihitay ako ng text message niya, na gaya ng sabi ko, hudyat ng aming mahabang pag uusap sa phone. Nakatanggap ako ng text message mula sa kanya. Pero hindi ito yung hudyat na sinasabi ko. Text message na nagsasabing hindi na daw siya makakatawag nung gabing iyon sapagkat abala daw siya sa page entertain ng kanyang mga bisita. Nagbigay daw kasi siya ng Despedida Party sa kanyang mga kaibigan sa kanila lugar. At malamang tulog na daw ako bago pa matapos ang party. Kaya, sa text pa lang daw ay nagpapaalam na daw siya. Wala naman akong nagawa kundi tanggapin na lang ang pangyayari. Nagbilinan na lang kami sa text . Na sabi ko ay ingatan niya ang kanyang sarili. Ganun din ang sabi niya. Yung time na yun ay sobrang lungkot ang aking naramdaman. Na feeling ko ay isang mahal sa buhay ang aalis at hindi ko na makikita.
Sa sobrang lungkot ko that time, matapos an gaming palitan ng text message. Dinaan ko na lang sa tulog. Inisip ko na lang na ganun talaga ang buhay. May aalis, meron ding daddating. Haaayyy.. Pero hindi ko din akalain. Himbing na ko sa pagkakatulog ay tumunog ang phone na katabi ko. Nung una ay hindi ko nabosesan. Dala siguro ng himbing ko sa pagkakatulog. Siya pala ang nasa kabilang linya. Hindi daw niya matiis na hindi daw ako nakakausap sa phone bago man lang daw siya umalis. Na ikina antig na puso ko. Sa ikling panahon ng pagkakakilala namin ay kahit paano pala ay malakaing bahagi na pala ang naitatak ko sa kanya. Habang nag uusap kami sa phone ay hindi ko napigilang lumuha. Luha ng pamamaalam sa isang kaibigan na matagal na mawawala. Hindi man niya sabihin, sa tono ng boses niya, na garalgal, alam kong naluluha din siya. Sandali lang kaming nag usap pero madamdamin. Hindi na ako nakatulog pa matapos kaming mag usap.
Sikat na ang araw, nasa work na ako, mga bandang alas 9 ng umaga , nakatanggap ako ng text message mula sa kanya. “Kuya, dito ko departure area. Waiting lang kami.” “Ingat ka palagi ah. Wag mong pababayaan ang health mo, bye... see you again” text niya. “Ingat ka” tanging na reply ko sa kanya kasunod ng pagpatak ng luha.
============================
to be continued.....
No comments:
Post a Comment