Showing posts with label friends... textmates.... sadness.... Show all posts
Showing posts with label friends... textmates.... sadness.... Show all posts

Friday, April 18, 2008

Sa kauna unahang pagkakataon... (last part)

Nafocus ang attention niya sa kanyang trabaho. Sa paminsan minsang pagchachat naming, unti unti na din kaming nagkakaroon ng problema. Andung magdudahan sa isat isa. Na noong bago pa lang kaming magkakilala ay hindi man lang sumagi sa isip naming ang magduda sa mga ginagawa namin. Siguro dala na din ng pagkatamlay ng aming pagchachat, hindi naming maiwasang mapag usapan ang mga bagay na nagiging dahilan upang umabot kami sa puntong kami ay nagsusumbatan.

Hanggang sa dumating ang isang pagkakataong hindi naming inaasahan. Isang surpresa ang binigay niya sakin. Na sobrang ikinabigla ko. Bisperas ng Bagong Taon noon, 3am na dito sa Pinas at kakatapos lang ng salubong sa Bagong Taon, samakatuwid ay papalapit lang ang 12midnight sa kanila. Nagkaroon kami ng chance na mag chat. Siyempre masayang makachat ang taong mahalaga sayo sa mga ganitong okasyon. Kakatapos lang ng Celebration nila ng Bagong Taon at naka concentrate na siya sa pakikipag chat sakin.

“Kuya, may iko confess ako sayo, siguro this time kailangan mo na malaman” chat niya

“Ano yun? Mukhang kinakabahan ako diyan sa iko confess mo ah” tugon ko.

“tagal na tayong magkakilala diba? At para lubusan mo na akong makilala, kailangan sabihin ko na sayo ito” na habang binabasa ko ang chat niyang ito ay samut saring bagay ang pumasok sa isip ko. Aaminin ba niyang isa siyang gay? Well kung yun man ang sabihin niya, kahit paano may idea na din ako tungkol sa pagkatao niya. Kung sa mga nakaraang chat naming ang pagbabasehan, mukhang ito lang ang hinihintay kong pagkakataon na ma confirm niyang isa nga siyang gay. Kaya kahit paano naihanda ko na sarili ko.

“ano, gay ka? Bakla Ka? Na nainilove ka na sakin? Hahaha ano?” pabirong chat ko pero may halong katotohanan.

“hahaha, luko… hindi yun” tugon agad niya.

“eh ano nga? Sabihin mo na. Pinasasabik mo naman ako masyado eh”

“ wag ka magagalit ah” kasi ganito…….”

“kuya, may karelasyon akong lalaki diyan sa manila”

“bago pa tayo magkakilala, karelasyon ko na siya”

“ 48 yo, mas may edad kesa sayo.”

“nasa friendster list ko siya pwede mong tingnan”

Matagal ako bago nakareply sa sinabi niya. Hindi ko maipaliwanag kung ano magiging reaksyon ko sa mga sinabi niya.

“kuya, natahimik na ka na. andiyan ka pa ba?”

“oo andito pa ko.. paulit ulit na binabasa mga sinasabi mo.” At sa puntong ito, naiiyak na ko. Gusto ko na itigil ang pagchachat naming. Na sa tinagal tagal ng aming pag cha chat,ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.

“bakit hindi ka na kumikibo diyan?” chat nya.

“Lam mo ba kung ano yung sinasabi mo ngayon at ano naging impact sakin?” “hindi mo alam kung ano nararamdaman ko ngayon… I feel I was cheated. Niloko mo ko”

“huh? Bakit? Pano kita niloko?” kayak o lang naman sinasabi to sayo para lubos mo akong makilala at ayaw ko nang patagalin pa ito”

“Kahit minsan ba hindi mo nahalata sakin ? Ngayon ko lang din sasabihin sayo to, tutal nagsasabihan na din lang tayo ng mga sekreto natin.”

“Im falling for you, mahal kita, matagal na.!”

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para sabihin sa kanya to. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.

“hindi ko alam kuya, na ganyan ka sa kin. Pero to be honest, nararamdaman ko kung gano mo ako kamahal pero hindi ko alam na ganyan katindi. “

“Noong una pa man, alam ko na ganyan ka na pero dahil sa pagmamahal ko sayo bilang kaibigan at kuya. Hindi ko pinanasin yun”

“Sorry kuya kung nasaktan kita ngayon sa mga sinabi ko… akin lang, ayaw ko na patagalan pa ito. Mas masasaktan ka pag sa huli ko pa sinabi.”

NAgtapos ang pagchachat ng hindi na ako nagpapaalam sa kanya. Bigla na lang ako nag out. Hindi ko makayanan ang sakit ng kalooban na dulot ng kanyang mga sinabi. Mabuti na lang at ako lang mag isa sa bahay nung time na yun at matinding pag iyak ang binuhos ko ng mga moment na iyon.

=============================

Gaya ng title ng blog ko. “sa kauna unahang pagkakataon”. Ito ang first time kung nag lakas ng loob na magsabi ng feelings ko para sa kapwa ko lalaki. Na sa tinatagal tagal ko dito sa mundo, isang 23 anyos na binata ang nagpabaligtad ng mundo ko. Yan ang “love story” ko ditto sa cyber. Sana nagustuhan niyo.

Sa kauna unahang pagkakataon... (fourth part)

Sa unang lingo mula ng umalis siya. Hindi siya mawala sa isipan ko. Nanibago ako na sa halos gabi gabing pag uusap naming ay this time wala na ako kausap sa phone. Maaga na akong nakakatulog. Wala na din akong natatanggap na mga SMS mula sa kanya. Na halos naging parte na ng aking pang araw araw na systema. Usapan naming, paglapag na paglapag ng eroplano niya ay mag tetext agad siya sakin. Pero nakalipas ang halos dalawang lingo wala akong natanggap na text mula sa kanya. Maski sa chat. Lagi ko siyang inaabangan, nagbabakasakaling naka online siya. Pero wala pa din. Kinundisyon ko na ang sarili ko na hanggang doon na lang talaga ang aming kabanata.

Pero isang araw, habang ako’y abala sa akin trabaho, nakatanggap ako ng SMS mula sa unknown number. “Kuya, ako to. Musta ka na? Miss na miss na kita!” “ sensiya ka na ngayon lang ako nakapag text sayo. Hindi pa kasi gumagana roaming number ko, cp ng sis ko gamit ko ngayon” magkasunod na text messages niya. Hindi ko maipaliwanag ang tuwang naramdaman ko that time. At sa sobrang excitement ko nang malaman na siya ang nag text, iniwan ko bigla ang trabaho ko.

Mula noon, palagi na ulit kaming nag tetext. Kamustahan siyempre. Halos lahat ng mga ginagawa niya ay tinitext niya sakin. Ganun din ako sa kanya. Malaking impact ang naibigay sakin ng taong ito, kung tutuusin sandali lang naman kami nagkasama ng taong ito pero, tingin ko, sa kanya na umiikot ang cyberworld ko.

Pitong buwan mula nang siya ‘g nangibang bayan, halos gabi gabi kami nag uusap sa pamamagitan ng YM. Bumalik ulit yun dating routine naming. Ang kaibahan nga lang, this time, sa YM chat na kami nagkakausap. Apat na oras ang pagitan naming. Nagmimiskol siya sa phone ko, gaya ng dato, ito’y isang hudyat na kami ay mag uusap sa chat. Past 12 midnight kung mag online siya, samakatuwid, past 4am na ditto sa pinas. Sa ganun oras lagi ako nag oonline para lang siya makachat. Tumagal ang ganung routine namin mula February hanggang August. At sa loob ng mga ganung buwan, naka 3 siyang exit sa tuwing mage expire ang kanyang visa. Nahinto lang ang ganung routine naming mula nang siya ay makahanap ng work. At doon na nag umpisa ang pananamlay ng aming pag uusap.

==================
to be continued............

Thursday, April 17, 2008

Sa kauna unahang pagkakataon... (third part)

Unang meet up pa lang naming yun. Ayon sa kanya, February 10, 2006 daw, nakatakda siyang umalis patungong abroad. Dumating na ang kanyang visa at plane ticket na lang daw ang kanyang hinihintay. Sa puntong ito, nakaramdam na ako ng pagkalungkot . Kung kelan pa kami unti unting nagkakalapit. Tsaka naman siya mawawala. Kaya sa huling pagkakataon, humiling ulit ako ng isa pang meet up. February 3, 2006, (Friday), sinundo niya ako sa work. Usapan namin, doon na niya ako sa work ko pupuntahan at mula doon ay pupunta kami sa Bay Walk, na noong panahong iyon ay isang sikat na lugar sa Maynila na magandang tambayan. Isang magandang alala sa akin ang lugar na iyon. First time ko din kasing pumunta doon kasama ang isang kaibigan mula sa cyber.

Nang dumating ang huling gabi bago siya umalis, February 9, yon. Alam niyang naghihitay ako ng text message niya, na gaya ng sabi ko, hudyat ng aming mahabang pag uusap sa phone. Nakatanggap ako ng text message mula sa kanya. Pero hindi ito yung hudyat na sinasabi ko. Text message na nagsasabing hindi na daw siya makakatawag nung gabing iyon sapagkat abala daw siya sa page entertain ng kanyang mga bisita. Nagbigay daw kasi siya ng Despedida Party sa kanyang mga kaibigan sa kanila lugar. At malamang tulog na daw ako bago pa matapos ang party. Kaya, sa text pa lang daw ay nagpapaalam na daw siya. Wala naman akong nagawa kundi tanggapin na lang ang pangyayari. Nagbilinan na lang kami sa text . Na sabi ko ay ingatan niya ang kanyang sarili. Ganun din ang sabi niya. Yung time na yun ay sobrang lungkot ang aking naramdaman. Na feeling ko ay isang mahal sa buhay ang aalis at hindi ko na makikita.

Sa sobrang lungkot ko that time, matapos an gaming palitan ng text message. Dinaan ko na lang sa tulog. Inisip ko na lang na ganun talaga ang buhay. May aalis, meron ding daddating. Haaayyy.. Pero hindi ko din akalain. Himbing na ko sa pagkakatulog ay tumunog ang phone na katabi ko. Nung una ay hindi ko nabosesan. Dala siguro ng himbing ko sa pagkakatulog. Siya pala ang nasa kabilang linya. Hindi daw niya matiis na hindi daw ako nakakausap sa phone bago man lang daw siya umalis. Na ikina antig na puso ko. Sa ikling panahon ng pagkakakilala namin ay kahit paano pala ay malakaing bahagi na pala ang naitatak ko sa kanya. Habang nag uusap kami sa phone ay hindi ko napigilang lumuha. Luha ng pamamaalam sa isang kaibigan na matagal na mawawala. Hindi man niya sabihin, sa tono ng boses niya, na garalgal, alam kong naluluha din siya. Sandali lang kaming nag usap pero madamdamin. Hindi na ako nakatulog pa matapos kaming mag usap.

Sikat na ang araw, nasa work na ako, mga bandang alas 9 ng umaga , nakatanggap ako ng text message mula sa kanya. “Kuya, dito ko departure area. Waiting lang kami.” “Ingat ka palagi ah. Wag mong pababayaan ang health mo, bye... see you again” text niya. “Ingat ka” tanging na reply ko sa kanya kasunod ng pagpatak ng luha.


============================

to be continued.....

Sunday, November 11, 2007

nag se senti lang....

centurion: ei musta na? long time no text ah...

him: hu u?

centurion: ay ganun? deleted mo na pala name ko sa phonebbuk mo. ok thanks na lang..

him: ei.. sino ka ba? baka kasi sa tagal ng di mo pag text.. na delete ko na number mo..

centurion: di bale na lang... thanks.. have a good day a head.

him: ok

==========

It's been a long while since the last time I sent this guy a text message. I dont know, we just stopped texting each other. I dont know what's the reason why. I've met this guy from cyber. I remember still could remember the first time i met this guy. He was just like a little kid who was longing to have a brother.. which according to him.. he's very happy that he finally met someone like me whom he can consider his elder brother. We've been texting each other almost everyday from 'til night ended up to dawn...thanks for the so called "unlimited text. We havent missed any single moment that happening to us. Trying to update each other on what we do, our whereabouts... And this lasted for about 3 months of constant texting. But we're never had to chance to see each other personally. We don't even have any idea of how we look like. We just enjoyed texting each other. As if we've been know each that long. He calls me "Kuya" for he is much younger than I am. And i call him "tol"...a term which is usually addresses by an elder brother who is much very close to his younger brother..

But now... sad to say and i feel bad.. it's all gone.. those happy moments we together thru texting. I just hope he misses me... and i wish him luck for he might found somebody whom he can really consider a big brother to him.

good luck tol... wish you all the happiness in this world.