Simula pa lang sa pagkabata, likas na talaga sa akin ang mamuhay na mag isa. Maging independent. Na hindi umaasa sa ibang tao. Bukod siyempre sa pamilya ko. Simula pa lang, natuto na akong hindi umasa sa tulong ng ibang tao. Natatandaan ko pa nga noong mga bata pa kaming magkakapatid, dahil na din sa kahirapan ng buhay, hindi kami nagkaroon ng kasambahay.Ako ang nagsilbing talaga pamahala ng aming bahay. Ang mga magulang ko kasi ay kadalasan wala sa bahay buong araw. Pareho silang naghahanap buhay at sa gabi lang umuuwi. At bago pa man sila umuwi at ayos na ang lahat sa bahay. Ako ang naghahanda ng kanilang tanghalian na inihahatid ko pa sa kanilang pabrika na pinapasukan. Ganun din ang mga baon ng aking mga kapatid sa tuwing sila ay pumapasok sa eskwela. Nagkataong kasing nasa panghapon ang oras ng aking klase kaya ako lang ang naiiwan sa bahay. At bago pumasok ay handa na lahat ang kanilang kakainin.
Nang ako'y magbinata, hindi gaanong naging masaya ang aking social life. Ang sabi nga nila, sa pagbibinata ng isang lalaki, kasabay nito ang ibat ibang experiences na dapat ay nararanasan ng isang karaniwang binata, tulad ng makipag barkada, tumambay kung saan saan kasama ang mga kaibigan, manligaw, na isang beses ko lang naranasan, na busted pa ako. Makipag laro ng basketball sa mga kaibigan at makipag jamming at gumawa ng mga kalokohan kasama ang mga barkada. Gaya ng panood ng mga porno kasama ang mga kaibigan na karaniwan sa mga edad na ito nararanasan. Halos lahat ito ay hindi ko naranasan.
Bahay-school at school-bahay lamang ang tanging naging routine ko araw araw. Kung magkaroon man ako ng barkada ay piling pili lang talaga. Para sakin, marami na ang dalawa para maging kaibigan. Maging sa school, pili lang din ang mga kaibigan ko. At mangilan ngila din ang mga kaklase kong naisama ko dito sa bahay.
Naging active lang talaga ang social life ko nang ako ay maka graduate ng college at mag umpisang magwork. Dito kasi sa panahong ito, nabibili ko na ang gusto ko at napupuntahan ko na ang mga gusto kong puntahan. Kasama ang mga kabigang nakikilala ko, natututo akong makihalubilo sa ibat ibang uri ng tao. Nature na din kasi ng work ko, kailangan ko din matutong i adjust ang sarili ko na maging palakaibigan pero dahil sa taglay kong magiging introvert simula pagkabata pa lang, piling pili pa rin talaga ang mga taong aking sinasamahan.
Matagal tagal na rin mula nang madiskubre ko sa sarili na isa akong PLU. Noong una hindi ko matanggap sa sarili ko na ganito ako. In denial pa ako kumbaga. Malaking parte ng buhay ko na nakipagsapalaran ako sa mundo ng mga straight. Nakailang relasyon na din naman ako sa opposite sex. Yun nga lang hindi nagtagumpay ang mga ito. Na para bang may hinahanap akong kulang sa buhay ko. Masaya din naman kung tutuusin ang mga naging relasyon ko dati. Pero parang may kulang talaga. Minsan nga naisip ko, ano ba talaga ang makapagpapaligaya sakin. Andiyan naman ang pamilya ko, na nagmamahal sakin, at ang mga kaibigan ko, na hindi man lagi na kasama ko, pero alam ko na sa tuwing kailangan ko ang andiyan sila para sa akin.
======================
to be continued............
======================
to be continued............
...dumaan at nagbasa.. saka na comments ha..
ReplyDeleteNakakarelate ako sa bahaging social life. Nagkataon lang na bago mahuli ang lahat ay nakahabol pa ako dun sa mga bagay na inaasam asam ko noon.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDelete@davo.. salamat sa pag daan at pag ko comment.. hehehe
ReplyDelete@mugen... hindi pa naman huli ang lahat para sakin... good thing... nakilala ko kayo.. at least kahit paano.. nakahabol din naman ng konti.. hehehe
nakakatuwa naman, halos parehas tayo ng childhood hehe likas na independent, loner, ako lang rin panghapon samin magkakapatid kaya si cedie at princess sarah ang naging kalaro ko hahaha
ReplyDeletesa pagbibinata ay di rin pangkaraniwan, di mabarkada (recently lang hehe), never nanligaw, di nakikapaglaro basketbol, wala masyado kalokohan at walang porno watching with friends. school-bahay lang!
nung college na lang ako naging mabarkada at pala gimik.
@red riding odin hood...
ReplyDeleteKaya di malayong maexperience mo ang mga naexperience ko.. hehehe
salamat pala sa pagbisita mo sa blog ko...