Thursday, April 17, 2008

Sa kauna unahang pagkakataon... (first part)

December 24, 2005 4:00pm

Isang taon mula ng matuto akong mag internet, at dahil na rin sa curiosity ko sa cyber world, unti unting lumawak ang kaalaman ko sa ganitong mundo nang ako'y pumasok sa chatroom ng YM. Christmas eve noon, taong 2005 nang may nakilala akong isang 23 anyos na binata mula sa bayan ng Montalban Rizal ang nagpaikot ng mundo ko sa larangan ng cyber space. Aksidente lang kung tutuusin ang aming pagkakakilala. Nagkataong nahilig akong pumasok noon sa "naughty" chatrooms ng YM. Napansin ko ang binatang ito na madalas makipagpalitan ng mensahe sa chatroom at tipong nang aasar. Kasama ang isa pang chatter, pinag tutulungan nilang asarin ang isa pang chatter. Dahil sa naaliw ako sa kanilang ginagawa, nag "mack" ako dito sa binatang ito. "Tol, ayos ah... ang galing mong mang asar sa room, naaliw ako sayo", PM ko sa kanya. "Ahh wala yun, pinagtitripan lang namin si.. (pangalan ng isang chatter na kanilang inaasar)" reply niya. "Mukhang napipikon na nga siya eh", kasunod na PM ko sa kanya. "Hayaan mo siya, ma epal kasi eh", tugon naman niya.

Dito nag umpisa lahat ang aming ugnayan. Subalit agad naputol ang pagpapalitan namin ng PM noong hapong iyon. Bigla na lang siyang nawala. Sa di malamang dahilan. Hindi na ulit siya nagparamdam. Dahil sa siya ang unang chatter na nakausap ko that time.. Nag iwan ako ng cellphone number sa offline message, at kung sakaling mag online ulit siya, tiyak na mababasa niya ito.

Hindi nga ako nagkamali, makalipas ang ilang araw, nakatanggap ako ng text message galing sa unknown sender. "Hi, musta? Ako yung ka chat mo before, nag iwan ka ng number sa offline message mo" ang eksaktong nilalaman ng text message. "Sino sa kanila? madami kasi kayong nakausap ko eh? hehehe " reply ko sa text niya. Na may halong pagbibiro, pero ang totoo, iniisip ko kung sino yung isang naka chat ko na pinagbigyan ko ng aking numero. "Ah ganun ba? sige, thanks na lang" reply, niya sa text ko. Na ramdam ko ay disappointed siya. Hindi pa man niya siya nakakapag reply ay naalala ko na agad kung sino yung binigyan ko ng number. "Ahhh ok,,, kilala na kita... ikaw si flamebuddy diba? hehehe, sensiya na... " tugon ko agad. "Akala ko di mo ko kilala, suplado ka pala." di ko alam kung galit siya o hindi. " Binibiro lang kita... hehehe... ikaw lang naman ang ka chat ko last time eh. at ikaw lang din ang pinag bigyan ko ng number ko." paliwanag ko. "Teka, bakit ka nga pala biglang nawala? Hindi ka man lang nagpaalam" follow up text ko sa kanya. "Sensiya na, naubusan kasi ako ng next card bigla na lang ako na log out" tugon niya.

Simula na yun ng aming mahabang pakikipag ugnayan sa isat isa. Kasunod noon ay ang aming halos gabi gabing pag uusap sa landline. Dito na kami unti unting nagkakilala.

==============

to be continued.....

2 comments: