Wednesday, April 23, 2008

Buhay PLU... (part 2)

Taong 2005 nang una akong maka experience ng kakaiba na taliwas sa naging buhay straight ko dati. Ang mundo ng cyberspace ang nagpakilala sakin ng ganitong karanasan. Siyempre sa umpisa nakaka excite. Tila ba ako'y isang bata na sabik sa atensyon ng mga taong nakikilala ko sa bagong mundong pinasukan ko. Dahil na din sa ugali kong pagiging introvert. Taglay ko pa din ang takot na makihalubilo sa mga tao. Namimili ako ng mga taong kikilalanin ko. Sa takot na din na baka may makakilala sa akin, sinisigurado ko munang sa malayong lugar at hindi ako kilala ng taong kakausapin ko. Naikwento ko na dito sa blog ko kung paano ako nag umpisa sa mundo ng cyber space at kung sino sino ang mga taong nakilala at nameet ko.

Noong una pa man, alam ko na sa sa kulturang Pilipino na ating ginagalawan, hindi pa rin talaga tanggap ang mapabilang ka sa ikatlong kasarian. Lalo na kung ang pamilyang kinalakihan mo ay isang typical na konserbatibo lalo na pag dating sa usapang kasarian. Sa pag kakaalam ko, wala sa pamilya namin in both sides ng parents ko ang may ganitong kasarian. Kaya tiyak na ikabibigla nila na malaman kung anong totoong kasarian meron ako.

Sa kultura nating mga Pilipino, ang babae, pag tumuntong sa edad na lagpas trenta,na hindi pa nag aasawa, isa lang ang iisipin ng mga tao, hindi siya biniyayaan ng kalikasan ng aking kagandahan. Pero kapag ang lalaki na tumuntong sa edad na ganito, pagdududahan agad ang kanyang kasarian. Napaka unfair diba? Masyadong tayong namihasa sa streotypecasting. Double standard ang pag iisip ng mga tao. Sa ganang akin, noong tumuntong ako sa edad na trenta, hindi naman ako pinag isipan ng ganoon ng aking pamilya o ng mga kabigan, naging saksi naman sila sa mga pinag daanan kong mga relasyon. Dagdag pa nito na noong high school pa ako ay nagbalak din akong pumasok sa seminaryo. Na akala nila ay pagpapari ang magiging bokasyon ko. Napepressure lang ako sa mga sinasabi nila na sa tuwing may kamag anak o kakilala ako na ikinakasal, palagi nilang akong tampuhan ng tukso, na kelan daw ako susunod na ikakasal. Kung alam lang nila... hehehe.

Mahirap. Mahirap ang buhay ng isang PLU. Andoon palagi ang takot. Takot na nagpapahina ng loob ko . The fear of rejection ng mga taong nakapaligid sayo. Lalo na sa edad kong ito. Mahirap tanggapin na kung kelan pa ako nagka edad ay tsaka ko pa natuklasang ganito pala ako. Ang isa pang laging pumapasok sa isip ko ay ang hinaharap. Will I grow old alone? ayaw kong isipin. Kinakampante ko na lang ang sarili na I would rather better be alone than to be with somebody I dont love and make my life miserable. At kapag may nagtatanong sakin kung may plano pa ba akong mag asawa o wala. Isa lang ang isinasagot ko. I don't know. If I'm destined to be single, and so be it. Ok lang, happy naman ako being single. And getting married is not an assurance to be happy. I know God has better plans for me. And I don't have fear of getting old alone. And I'll make sure I wont be a burden to my family....maaga kasi akong mamatay...

7 comments:

  1. "And I don't have fear of getting old alone. And I'll make sure I wont be a burden to my family....maaga kasi akong mamatay..."

    - i've always wanted to die at the age of 25 (22 nko ngyn)... pero dati un.. ngyn mdyo nagiba n ang outlook ko sa buhay.. im sure hindi ka magiging pabigat sa family mo, dahil ikaw ang tutulong sa knla...

    God bless

    ReplyDelete
  2. @punked
    ... thanks for visiting my blog...
    That's good. A positive outlook in life. What im trying to say is, I wont let my family worry about me when I get sick and be a burden to them. Ayaw kong pahirapan pa sila. Hindi mangyayari yun.

    God Bless you too..

    ReplyDelete
  3. May nakahanda akong entry about dying. Yun nga lang, sana matandaan ko siyang isulat sa susunod na linggo.

    ReplyDelete
  4. "... Ok lang, happy naman ako being single. And getting married is not an assurance to be happy... "

    We are responsible for our happiness. As I've read somewhere, we are actually obliged to make ourselves happy. And the best part is that we should never put it [our happiness] in other people's hands.

    Daming happiness po no? ^^

    ReplyDelete
  5. @makmak...

    thanks for commenting...

    that's true... tayo ang gumagawa ng ikaliligaya natin... we can be happy being alone...

    ReplyDelete
  6. "well ive been dying for the longest time, and bawat bahagi ng sarili ko na humihiwalay sa akin, sana dahilan ng pagkabuhay ng bawat taong nakasalamuha ko.."

    pagkatapos kong marinig sa kanya ang mga salitang ito, bumagsak ang ulan. sumabay dito ang kanyang mga pangarap..




    --- --
    wapaak!!! bigla ko na lang naiisip yan..he he he..parang ang gandang linya sa isang pelikula.. starring me of course, bilang Magdalene Margarette de Santa Catalina at si Alfred Vargas.

    thank you for the sudden burst of inspiration

    --- --

    i wish you alpha centauri all courage in the world.. ang pagiging simple ng entry na ito ang kahanga-hanga... by the way bolero ako. Wapak!

    ReplyDelete
  7. @davo...

    hehehe... may humahanga ako sa pagka wild ng imagination mo.. ang layo ng nararating ng isip mo.. hindi ko mawari.. hehehe

    at isa pa... mas bolero ako kesa sayo.. wekekeke

    ReplyDelete