Tuesday, April 8, 2008

corregidor adventure....

Gaya ng matagal ko na pangarap, natupad din ang magpunta ko sa Corregidor Island noong monday. Dahil nga sa holiday, sinamantala namin ang pagkakataong makapamasyal. Isa itong napakagandang experience para sakin. Maaga pa lang nasa CCP Complex na kami ng aking mga kasama kung saan naka daong ang ferry boat na aming sasakyan patungong Corregidor Island. Hindi kami umabot sa first trip na 7:30 ng umadga. Na dapat sana pala ay nagka reserve na kami ng mas maaga. Kaya sa 2nd trip na kami nakapag pa reserved. Tumataginting na Php 1, 999.00 ang bayad sa buong trip. Kasama na dito nag buffet lunch na naka abang na doon mismo sa island. Saktong 10:15 pa lamang ay lumulan na kami ng ferry boat. At saktong 10:30 kami pumalaot sa Manila Bay.

Habang lulan ng ferry boat, hindi ko matiis na tumingin sa bintana ng boat sapagkat napakagandang tanawin ang makikita sa labas. At habang kami ay nasa loob, may video presentation kaming pinapanood tungkol siyempre sa history ng corregidor island. Mga 12:15 nang kami ay dumaong sa pier ng island. May nakaabang sa amin na isang sasakyang tila ba parang malaking jeeney na bukas ang tagiliran. Ito ang nag hatid sa amin sa clubhouse kung saan nag aantay ang aming "buffet lunch". Isang napakasarap ng tanghalian.

At 2:30pm. nag umpisa na kaming mag tour around the island. Ibat ibang lugar ang aming napuntahan..


Nakakapagod, pero sulit naman. Halos hindi na kami magkanda ugaga sa pag kuha ng mga pictures. At sa tuwing kumakalembang na ang bell ng aming tourist guide na hudyat na kami ay lululan na ng sasakyan patungo sa susunod na destinasyon, palaging grupo namin ang nahuhuli. Panay kasi ang aming picture taking.. hehehe. Ang pinaka last destination namin ay ang Pacific War Memorial Museum, kung saan naka display ang mga memorabilia ng World War II. Iba't ibang war weapons na ginamit ng mga noond giyera laban sa mga hapon. Ang Malinta Tunnel na makikita sa larawan ay isang nakamamanghang istraktura na ginawa ng mga sundalong hapon. Ang tunnel na ito ay tagos sa magkabilang panig ng bundok.





Ang mga ruins ng mga old buildings na makikita din sa larawan ay sandyang prineserve upang mapanatili ang historical background nito. Nakamamanghang pagmasdan ang mga estrakturang nasa larawan. Na isip ko lang, ano kaya ang sitwasyon sa lugar na ito kapag sumasapit na ang gabi. Na ayon sa mga kwneto kwento ay madami daw mga multo.. Natapos ang aming tour mga bandang 5:15 ng hapon. at agad kaming sumakay pabalik ng ferry boat. Mga 6:45pm na kami nakarating ng CCP Complex. Salamat sa Diyos at nakarating naman kami ng maluwalhati at ligtas. Isa itong experience na hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko.




=======================================

sensiya na.. hindi pa ako masyadong marunong mag post ng mga pictures dito sa blog.. kay medyo dis arranged pa ang mga ito.. heheh

1 comment:

  1. Matagal na akong hindi nakakapunta sa corregidor. Nice trip ah. :)

    ReplyDelete