Thursday, April 17, 2008

Sa kauna unahang pagkakataon... (second part)

Nagkataong Christmas vacation ko that time kaya ok lang sakin ang makipag puyatan sa phone. At dahil sa unti unti na kaming nagkakakilala, nalaman kong “nocturnal being” din pala siya. Yung tipong gising sa gabi at tulog sa araw. Pero sa kaso ko, late sleeper ako pero early riser naman ako. Gawa ng ang pasok ko sa work ay 7:00 am. Kailangang 5:30 pa lang ay gising na ako.

Sa pag uusap din namin, nalaman kong bunso pala siya sa 4 na magkakapatid, at nag iisang lalaki. Na feeling ko, malakas ang hatak niya sa mga tulad ko na longing for a younger brother din. Lumaki kasi akong hindi kami naging close ng kuya ko. Kaya siguro gusto ko magkaroon ng kapatid na lalaki sa katauhan ng ibang tao. Nagkataong dito ko sa cyber world naisipang maghanap.

Lumipas ang ilang araw, palitan ng SMS, usap sa phone gabi gabi. Dito napansin kong unti unti na din siya napapalapit sa kin. Dahil sa madaling araw na kami usually nag start mag usap sa phone. Siya na ang tumatawag sakin. Pero bago siya tumawag, hudyat ng pag tawag niya ang nag tetext muna siya sa akin para malaman kung ako tulog na o gising pa. Pero sa totoo lang ay hinihintay ko lagi ang hudyat na iyon at hinihahanda ko na talaga ang sarili ko sa puyatan. At siya din ang dahilan kung bakit ako nag lagay ng extension ng phone sa aking room. Usapang magkausap kami ay walang sagabal.

Sa isang pag uusap naming sa phone. Nasabi niya sa akin na aalis na daw siya at pupunta sa ibang bansa. Hinihintay na lang daw niya ang visa niya. Andoon na daw kasi ang dalawang kapatid niyang babae na tutuluyan niya at susuporta sa kanya habang siya ang naghahanap ng work. Visit visa lang kasi ang kinuha niya visa. Na dalawang buwan lamang ang itatagal nito. At kung sakali daw hindi pa siya makahanap ng work sa loob ng dalawang buwan ay babalik na lang daw siya uli dito sa Pinas. Wala daw sana siyang balak sabihin sakin ang kanyang planong pangingibang bansa. Balak daw niya sanang sabihin sakin sa mismo time ng kanyang pag alis. Pero dahil daw sa napalapit na din daw ako sa kanya, ayaw daw niyang isipin kong unfair daw siya sakin kaya sinabi na din niya ang plano nya.

At dahil dito, ayaw kong dumating sa puntong sobrang manghihinayang ako na hindi man lang kami magkikita bago siya umalis, Kusa ko na siya inaya na magkita kami. Na agad naman niyang pinaunlakan.

January 22, 2006 nang una kaming magkita. Sa SM Fairview. Nagkataong nagpunta siya sa bahay ng girlfriend niya sa Bulacan, at padaan din naman siya sa SM Fairview, sumang ayon siyang makipag kita sakin. May usapan din kaming tuturuan ko siyang mag drive gamit an gaming sasakyan. Na ayon sa kanya, kakailanganin daw niya ang driving skills sa magiging work niya sa abroad.


======================

to be continued...........


No comments:

Post a Comment