Bata pa lang ako ay dog lover na ako. Sabi nga nila "Man's Best Friend" daw ang mga aso. Madami na ako naging alagang aso. Native house dogs lang naman (canis familiaris). Mahal kasi ang mag alaga ng breed dogs. Bukod sa maselan, mamumulubi ka sa pagkain. Na dapat ay dog food talaga ang ipapakain mo. Hindi gaya ng native dogs, yung mga tirang food lang namin ang pinapakain ko. Kaya imbes na masayang lang ang food, yung mga dogs na lang namin ang nakikinabang.
Isa isa kong ipakikilala sa inyo ang mga alaga ko.
Si "UNO" (nasa unang picture) ang pinaka boss sa mga aso ko. Takot sa kanya ang ibang aso. May policy siya na kapag lumalabas silang lahat ng gate, ay dapat huli siyang papasok. Pag may asong naunahan niya ng pagpasok, siguradong gulpi ang abot sa kanya.
Si "DOS"(2nd picture) . Ang kambal ni UNO. Ito na marahil ang pinaka kawawang aso ko. Lagi itong gulpi sarado kay Uno. Na naging dahilan kung bakit medyo mailap ang aso kong ito. Hindi siya masyadong makaporma pag nasa paligid ang kambal niyang si UNO. Kadalas nasa ilalim lang siya ng jeep. At lumalabas lang kapag siya ay kakain.
Si "JODI" (3rd pic). Siya ang pinaka matanda. At siya din ang pinaka nanay ng mga aso. Kapatid niya sila "UNO" at DOS" sa unang aso namin. Anak niya si "HOGAN" at si "SOSIONO".
Si "HOGAN" (4th pic). Ito ang pinaka bunso sa lahat ng aso ko. Pero siya ang pinakamalaki. Kumbaga sa tao, nagbibinata pa lang. Buddy buddy siya ni UNO. Minsan katulong siya ni UNO sa pag gulpi kay DOS. hehehe
Si "SOSIONO" (5th pic). Anak siya ni JODI. Ito yung aso ko na bagong panganak. At naiisang aso ko na may kulay itim na batik. Kailan lang ay nanganak siya ng isang tuta. Courtesy of "'UNO".
Ito yung pic ng bagong panganak na puppy(6th picture) . Mukha siyang daga diba? hehehe. Mga two weeks pa lang kasi kaya medyo pikit pa mga mata. Ang kaso nga lang... hindi pa man lumalaki ang puppy na ito.. may nag mamay ari na agad. Sana lang maalagaan niya ng mabuti itong puppy na to.
ang aso namin ay si Fifa ngayon.... mula sa fangalang Efifania De Los Santos Avenue (hindi ako ang nag fangalan ha)
ReplyDeletetapos si Japjap na isang jap pomereinian
--- --
Na miss ko rin Chippy, na sobrang bait. Si Baron na asong bahay, si Bartok, si Whitey (na kinagat ako ng 3 beses), tapos si December..
Ah patay na sila lahat.. sigh
--- --
at napakyut ng tutta! huwawwww!
ReplyDelete@davo... ganda ng pangalan ng dog mo... very unique..hehehe
ReplyDeleteako miss ko na rin mga dogs kong sila rambo, mitchie, jumong, kabang, niknok, jelo at ang pinak paborito kong aso na iniyakan ko nang mamatay.. si driggo... lahat sila ayun.. sa likod bahay namin nakalibing... grave yard ng mga namatay kong aso..