Friday, April 18, 2008

Sa kauna unahang pagkakataon... (last part)

Nafocus ang attention niya sa kanyang trabaho. Sa paminsan minsang pagchachat naming, unti unti na din kaming nagkakaroon ng problema. Andung magdudahan sa isat isa. Na noong bago pa lang kaming magkakilala ay hindi man lang sumagi sa isip naming ang magduda sa mga ginagawa namin. Siguro dala na din ng pagkatamlay ng aming pagchachat, hindi naming maiwasang mapag usapan ang mga bagay na nagiging dahilan upang umabot kami sa puntong kami ay nagsusumbatan.

Hanggang sa dumating ang isang pagkakataong hindi naming inaasahan. Isang surpresa ang binigay niya sakin. Na sobrang ikinabigla ko. Bisperas ng Bagong Taon noon, 3am na dito sa Pinas at kakatapos lang ng salubong sa Bagong Taon, samakatuwid ay papalapit lang ang 12midnight sa kanila. Nagkaroon kami ng chance na mag chat. Siyempre masayang makachat ang taong mahalaga sayo sa mga ganitong okasyon. Kakatapos lang ng Celebration nila ng Bagong Taon at naka concentrate na siya sa pakikipag chat sakin.

“Kuya, may iko confess ako sayo, siguro this time kailangan mo na malaman” chat niya

“Ano yun? Mukhang kinakabahan ako diyan sa iko confess mo ah” tugon ko.

“tagal na tayong magkakilala diba? At para lubusan mo na akong makilala, kailangan sabihin ko na sayo ito” na habang binabasa ko ang chat niyang ito ay samut saring bagay ang pumasok sa isip ko. Aaminin ba niyang isa siyang gay? Well kung yun man ang sabihin niya, kahit paano may idea na din ako tungkol sa pagkatao niya. Kung sa mga nakaraang chat naming ang pagbabasehan, mukhang ito lang ang hinihintay kong pagkakataon na ma confirm niyang isa nga siyang gay. Kaya kahit paano naihanda ko na sarili ko.

“ano, gay ka? Bakla Ka? Na nainilove ka na sakin? Hahaha ano?” pabirong chat ko pero may halong katotohanan.

“hahaha, luko… hindi yun” tugon agad niya.

“eh ano nga? Sabihin mo na. Pinasasabik mo naman ako masyado eh”

“ wag ka magagalit ah” kasi ganito…….”

“kuya, may karelasyon akong lalaki diyan sa manila”

“bago pa tayo magkakilala, karelasyon ko na siya”

“ 48 yo, mas may edad kesa sayo.”

“nasa friendster list ko siya pwede mong tingnan”

Matagal ako bago nakareply sa sinabi niya. Hindi ko maipaliwanag kung ano magiging reaksyon ko sa mga sinabi niya.

“kuya, natahimik na ka na. andiyan ka pa ba?”

“oo andito pa ko.. paulit ulit na binabasa mga sinasabi mo.” At sa puntong ito, naiiyak na ko. Gusto ko na itigil ang pagchachat naming. Na sa tinagal tagal ng aming pag cha chat,ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.

“bakit hindi ka na kumikibo diyan?” chat nya.

“Lam mo ba kung ano yung sinasabi mo ngayon at ano naging impact sakin?” “hindi mo alam kung ano nararamdaman ko ngayon… I feel I was cheated. Niloko mo ko”

“huh? Bakit? Pano kita niloko?” kayak o lang naman sinasabi to sayo para lubos mo akong makilala at ayaw ko nang patagalin pa ito”

“Kahit minsan ba hindi mo nahalata sakin ? Ngayon ko lang din sasabihin sayo to, tutal nagsasabihan na din lang tayo ng mga sekreto natin.”

“Im falling for you, mahal kita, matagal na.!”

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para sabihin sa kanya to. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.

“hindi ko alam kuya, na ganyan ka sa kin. Pero to be honest, nararamdaman ko kung gano mo ako kamahal pero hindi ko alam na ganyan katindi. “

“Noong una pa man, alam ko na ganyan ka na pero dahil sa pagmamahal ko sayo bilang kaibigan at kuya. Hindi ko pinanasin yun”

“Sorry kuya kung nasaktan kita ngayon sa mga sinabi ko… akin lang, ayaw ko na patagalan pa ito. Mas masasaktan ka pag sa huli ko pa sinabi.”

NAgtapos ang pagchachat ng hindi na ako nagpapaalam sa kanya. Bigla na lang ako nag out. Hindi ko makayanan ang sakit ng kalooban na dulot ng kanyang mga sinabi. Mabuti na lang at ako lang mag isa sa bahay nung time na yun at matinding pag iyak ang binuhos ko ng mga moment na iyon.

=============================

Gaya ng title ng blog ko. “sa kauna unahang pagkakataon”. Ito ang first time kung nag lakas ng loob na magsabi ng feelings ko para sa kapwa ko lalaki. Na sa tinatagal tagal ko dito sa mundo, isang 23 anyos na binata ang nagpabaligtad ng mundo ko. Yan ang “love story” ko ditto sa cyber. Sana nagustuhan niyo.

5 comments:

  1. Malungkot nga ang storya mo master. Pero... mabuti na lamang at sinabi niya sayo bago pa lalong lumalim ang tama mo sa kanya.

    ReplyDelete
  2. Malaki na din kasi ang na invest ko sa kanya... yung time, effort, money (gastos sa pambili ng prepaid internet cards) at higit sa lahat, yung feelings...

    But depsite of these.. laking leksyon ang naibigay sakin...Ngayon natuto na ako...

    ReplyDelete
  3. Hello. This post is likeable, and your blog is very interesting, congratulations :-). I will add in my blogroll =). If possible gives a last there on my blog, it is about the MP3 e MP4, I hope you enjoy. The address is http://mp3-mp4-brasil.blogspot.com. A hug.

    ReplyDelete
  4. Hello mp3..

    --- --

    hi alpha centauri.. hmnn.. ganun naman talaga eh.. may investment, wala naman nagsabi na magiging in order ang sequence ng buhay natin.

    ReplyDelete
  5. sa ngayon... ok na ulit sila.... maayos na ang lahat... nagkapaliwanagan na at naintindihan na nila ang sitwasyon ng bawat isa.... :)

    ReplyDelete