Showing posts with label PLU. Show all posts
Showing posts with label PLU. Show all posts

Wednesday, April 22, 2009

Muling Pagkikita... Kamusta na?

Me: ei... musta? may duty ka ulit ngayon?

Him: hmmm.. pauwi na.. lakas ng ulan..

Me: Gusto me meet tayo later? Merienda lang tayo.

Him: San ka ba? San tau kita?

Me: Dito lang anonas.. Meet tayo cubao.

Him: Ahh ganun ba? Kabababa ko lang ng jeep dapat pala dumiretcho nako doon

Me: para makapagkwentuhan na rin tayo.

Him: Ikaw. Ok lang naman sakin.

Me: Sige.. text kita maya.. punta lang muna ako bank.

Him: Sige kuya tara kita tayo, ayaw ko dito sa bahay. Anong time ka ba pupunta? Gusto ko na umalis dito house

Me: Wait lang.. andito pa ako sa bank. inaasikaso ko ATM replacement ko

Him: Ang lakas ng ulan dito sa bahay.. ok jus text me kung pupunta ka na..

Me: Sige... sandali lang to.. matatapos na din ako dito.. text kita pag paalis na ako.


========================================================

Almost 4 months na din kaming magkakilala ng taong ito. Nagkakilala kami sa isang thread forum ng guys4men dati. We had our first GEB and he was one of those whom I invited. But unfortunately.. hindi siya nakapunta. During that time kasi.. hindi yata siya pinayagan ng partner niya na pumunta. But still we continued texting and we became friends.

In one of our gatherings sa engkantadiya. I invited him to join. Though ang akala niya one on one meet lang namin. Hindi niya alam na isasama ko siya sa Videoke Sessions namin. Kaya nagulat siya na different guys ang nakikita at nakikilala niya. And after that gathering.. nagdesisyon akong gawin siyang isang engkanto. Part of our group. Fortunately.. everyone in our group accepted him. Warm welcome ang ibinigay sa kanya. Sa kagustuhan ko talagang mapasama siya sa group, we even gave him a name. Princesa gave him a name "anghel". Bagay daw sa name niya.

But certain events took place.. We parted ways. Hindi kami nagkasundo for some reasons. Ako na din ang nag alis sa kanya sa grupo namin. Sabi nga ni Princesa, "Hinahupit ng Dyosa". The group still managed to continue without his presence. Inisip na lang namin na bata pa talaga siya. Marami pang confusions sa sarili.

Then after a couple of weeks.. nagtagpo ulit ang landas namin. Nagkausap ulit kami sa text at sa chat. As if parang walang nangyari. Ganun pa din ako sa kanya. I still continue giving him advices na parang isang Kuya sa kanya. Though sometimes, medyo nakakainis din kasi, medyo may pagkamatigas din kasi ulo nitong taong ito. Moody kumbaga. Ayaw niya ng pinagsasabihan siya. Gusto din nya yung siya ang nasusunod. And because of that, nagkagalit ulit kami. And i promised myself not to contact him ever. I immediately deleted all his contacts with him, especially sa text at sa YM. Ayaw ko na siyang makausap pa. Matigas kasi ulo. Hindi lang sa taas pati na sa ibaba.. lols..

Then, about a week ago... one of the engkantos, si dukesa sent me a text message asking permission if he can give my number to "anghel". Though alam kong may contacts pa din sila nitong anghel na ito. Sabi ko ok lang na ibigay niya number ko. I realized namiss ko na din naman si anghel and its about time to forget the past. Kalimutan ang sama ng loob.

So there, nagtext siya sakin... kamustahan.. kung ano na nangyari afterall these times na hindi kami nag uusap. Nagkapatawaran, inayos ang hindi pagkakaunawaan. Nagsimula ulit.. or should i say na tinuloy ang dating pagkakaibigan. Maayos na ang lahat. back to normal na ulit. Parang walang nangyari.

Kanina nga.. nagkita ulit kami after almost 3 months. And i came to realize na itong taong ito ay sana maging panghabangbuhay na kaibigan. Hindi man siya ulit mapabilang sa grupo, sana manatiling isang tunay na kaibigan at "kapatid" panghabangbuhay.

Sayo iyo anghel,

masaya ako at muling nagtagpo ang landas natin. Isipin mo na lang na eto ulit ako para gumabay sayo at magbigay ng payo para sa ikabubuti mo. Sana maging matatag ka sa pakikibaka sa mundo ng mga PLU.


Wednesday, April 23, 2008

Buhay PLU... (part 2)

Taong 2005 nang una akong maka experience ng kakaiba na taliwas sa naging buhay straight ko dati. Ang mundo ng cyberspace ang nagpakilala sakin ng ganitong karanasan. Siyempre sa umpisa nakaka excite. Tila ba ako'y isang bata na sabik sa atensyon ng mga taong nakikilala ko sa bagong mundong pinasukan ko. Dahil na din sa ugali kong pagiging introvert. Taglay ko pa din ang takot na makihalubilo sa mga tao. Namimili ako ng mga taong kikilalanin ko. Sa takot na din na baka may makakilala sa akin, sinisigurado ko munang sa malayong lugar at hindi ako kilala ng taong kakausapin ko. Naikwento ko na dito sa blog ko kung paano ako nag umpisa sa mundo ng cyber space at kung sino sino ang mga taong nakilala at nameet ko.

Noong una pa man, alam ko na sa sa kulturang Pilipino na ating ginagalawan, hindi pa rin talaga tanggap ang mapabilang ka sa ikatlong kasarian. Lalo na kung ang pamilyang kinalakihan mo ay isang typical na konserbatibo lalo na pag dating sa usapang kasarian. Sa pag kakaalam ko, wala sa pamilya namin in both sides ng parents ko ang may ganitong kasarian. Kaya tiyak na ikabibigla nila na malaman kung anong totoong kasarian meron ako.

Sa kultura nating mga Pilipino, ang babae, pag tumuntong sa edad na lagpas trenta,na hindi pa nag aasawa, isa lang ang iisipin ng mga tao, hindi siya biniyayaan ng kalikasan ng aking kagandahan. Pero kapag ang lalaki na tumuntong sa edad na ganito, pagdududahan agad ang kanyang kasarian. Napaka unfair diba? Masyadong tayong namihasa sa streotypecasting. Double standard ang pag iisip ng mga tao. Sa ganang akin, noong tumuntong ako sa edad na trenta, hindi naman ako pinag isipan ng ganoon ng aking pamilya o ng mga kabigan, naging saksi naman sila sa mga pinag daanan kong mga relasyon. Dagdag pa nito na noong high school pa ako ay nagbalak din akong pumasok sa seminaryo. Na akala nila ay pagpapari ang magiging bokasyon ko. Napepressure lang ako sa mga sinasabi nila na sa tuwing may kamag anak o kakilala ako na ikinakasal, palagi nilang akong tampuhan ng tukso, na kelan daw ako susunod na ikakasal. Kung alam lang nila... hehehe.

Mahirap. Mahirap ang buhay ng isang PLU. Andoon palagi ang takot. Takot na nagpapahina ng loob ko . The fear of rejection ng mga taong nakapaligid sayo. Lalo na sa edad kong ito. Mahirap tanggapin na kung kelan pa ako nagka edad ay tsaka ko pa natuklasang ganito pala ako. Ang isa pang laging pumapasok sa isip ko ay ang hinaharap. Will I grow old alone? ayaw kong isipin. Kinakampante ko na lang ang sarili na I would rather better be alone than to be with somebody I dont love and make my life miserable. At kapag may nagtatanong sakin kung may plano pa ba akong mag asawa o wala. Isa lang ang isinasagot ko. I don't know. If I'm destined to be single, and so be it. Ok lang, happy naman ako being single. And getting married is not an assurance to be happy. I know God has better plans for me. And I don't have fear of getting old alone. And I'll make sure I wont be a burden to my family....maaga kasi akong mamatay...

Tuesday, April 22, 2008

Buhay PLU...

Simula pa lang sa pagkabata, likas na talaga sa akin ang mamuhay na mag isa. Maging independent. Na hindi umaasa sa ibang tao. Bukod siyempre sa pamilya ko. Simula pa lang, natuto na akong hindi umasa sa tulong ng ibang tao. Natatandaan ko pa nga noong mga bata pa kaming magkakapatid, dahil na din sa kahirapan ng buhay, hindi kami nagkaroon ng kasambahay.Ako ang nagsilbing talaga pamahala ng aming bahay. Ang mga magulang ko kasi ay kadalasan wala sa bahay buong araw. Pareho silang naghahanap buhay at sa gabi lang umuuwi. At bago pa man sila umuwi at ayos na ang lahat sa bahay. Ako ang naghahanda ng kanilang tanghalian na inihahatid ko pa sa kanilang pabrika na pinapasukan. Ganun din ang mga baon ng aking mga kapatid sa tuwing sila ay pumapasok sa eskwela. Nagkataong kasing nasa panghapon ang oras ng aking klase kaya ako lang ang naiiwan sa bahay. At bago pumasok ay handa na lahat ang kanilang kakainin.


Nang ako'y magbinata, hindi gaanong naging masaya ang aking social life. Ang sabi nga nila, sa pagbibinata ng isang lalaki, kasabay nito ang ibat ibang experiences na dapat ay nararanasan ng isang karaniwang binata, tulad ng makipag barkada, tumambay kung saan saan kasama ang mga kaibigan, manligaw, na isang beses ko lang naranasan, na busted pa ako. Makipag laro ng basketball sa mga kaibigan at makipag jamming at gumawa ng mga kalokohan kasama ang mga barkada. Gaya ng panood ng mga porno kasama ang mga kaibigan na karaniwan sa mga edad na ito nararanasan. Halos lahat ito ay hindi ko naranasan.


Bahay-school at school-bahay lamang ang tanging naging routine ko araw araw. Kung magkaroon man ako ng barkada ay piling pili lang talaga. Para sakin, marami na ang dalawa para maging kaibigan. Maging sa school, pili lang din ang mga kaibigan ko. At mangilan ngila din ang mga kaklase kong naisama ko dito sa bahay.


Naging active lang talaga ang social life ko nang ako ay maka graduate ng college at mag umpisang magwork. Dito kasi sa panahong ito, nabibili ko na ang gusto ko at napupuntahan ko na ang mga gusto kong puntahan. Kasama ang mga kabigang nakikilala ko, natututo akong makihalubilo sa ibat ibang uri ng tao. Nature na din kasi ng work ko, kailangan ko din matutong i adjust ang sarili ko na maging palakaibigan pero dahil sa taglay kong magiging introvert simula pagkabata pa lang, piling pili pa rin talaga ang mga taong aking sinasamahan.


Matagal tagal na rin mula nang madiskubre ko sa sarili na isa akong PLU. Noong una hindi ko matanggap sa sarili ko na ganito ako. In denial pa ako kumbaga. Malaking parte ng buhay ko na nakipagsapalaran ako sa mundo ng mga straight. Nakailang relasyon na din naman ako sa opposite sex. Yun nga lang hindi nagtagumpay ang mga ito. Na para bang may hinahanap akong kulang sa buhay ko. Masaya din naman kung tutuusin ang mga naging relasyon ko dati. Pero parang may kulang talaga. Minsan nga naisip ko, ano ba talaga ang makapagpapaligaya sakin. Andiyan naman ang pamilya ko, na nagmamahal sakin, at ang mga kaibigan ko, na hindi man lagi na kasama ko, pero alam ko na sa tuwing kailangan ko ang andiyan sila para sa akin.

======================

to be continued............

Wednesday, April 2, 2008

Hmmmm.... Bakit Ganun?

text mode... (april 2, 2008 9am to 12:00 noon)

Me: gandang umaga!

Him: Gud mowning din!

Me: Ei.. alam ko na kung bakit di siya nag text kahapon.. at alam ko na din yung raket na sinasabi niya sayo..

Him: Ano naman yun?

Me: Naging gym instructor pala siya kahapon sa isa sa mga junakis niya. hehehe

Him: Ahh ganun ba? well... isa lang masasabi ko... kung ayaw talaga hindi natin mapipilit.

Me: Bakit naman.? uy... may tampo.... hehehe

Him: Hindi man lang siya nag text kung tuloy o hindi... di ko naman siya tinitext kasi nga siya daw mag tetext sakin..

Me: May reason naman siya kung bakit di siya pwede eh.

Him: Bakit katext mo ba siya ngayon?

Me: Hindi... nabasa ko lang sa blog niya last night.

Him: Ano naman yung reason niya?

Me: Ciguro nakalimutan niyang mag text sayo kasi may nangyari sa kanya kahapon. Naka receive siya ng Joke. na akala niya namatay yung tropa niya. Eh diba April's Fool Day kahapon?

Him: Ahhh... ok.

Me: Baka nga nakalimutan nga lang niya dahil a nangyari... anyway dami pa namang time eh

Him: Teka... sino naman may sabi sayong tampo ako? Hindi no... wala sa bukabularyo ko ang tampo, hahahaha...

Me: Wala lang... feeling ko lang nagtatampo ka kasi hindi siya nagtext sayo.. hehehe

Him: Wala un!. It's not a big deal for me..

Me: Well ako medyo tampo pero hindi sa kanya... doon sa junakis niya.

Him: hahaha affected?baka may halong luha pa yan ah? hehehe

Me: Wala akong tampo sa kanya ... secured na ko sa kanya. doon sa junakis niya... medyo lang.. k

Him: ano ka ba naman.. dapat alam mo na mga kalakaran sa mga ganyan..

Me: sakin lang... mas madalas kong katext yung junakis niya kesa sa kanya.. pero hindi man lang nababanggit sakin na may plano silang ganun.

Me: Well.. ano nga naman ba K ko... di ko naman sila inu-obliga na sabihin lahat ng mga activities nila... diskarte nila yun.. hehehe

Him: Yun naman pala eh..

Me: wala lang... nag iinarte lang.. hehehe

Me: seriously... nakakaramdam ako ng history repeats itself.... parang nangyari na to dati.. hehehe

Him: haaaayyy... hayaan mo na nga yun...


Me: ngapala... musta na si ric? kelan daw uwi niya?

Him: yuy tuloy uwi niya sa April 16.

Me: Eh di gimik na naman kayo niyan.. hehehe

Him: Pano mo naman nasabi?

Me: Sus!.. diba nga.. isang aya lang niya sayo gimik agad kayo.. Sakin nga isang libong invitations pa bago ka pumayag na sumama sakin. hehehe

Him: Busy lang talaga..

Him: Ano ka.. yung mga gimik na yun pinag planuhan namin yun.. hindi yun ura uradang gimik yun.

Me: Asus naman.. magkaiba yata kayo ng sinasabi... dati nung ask ko sila kung bakit hindi man lang sila nang iimbita sagot nila biglaan lang yung gimik.. tapos ngayon sabi mo pinaplano at hindi ura urada... ano ba talga kuya? hehehe

Him:... Ayan ka na naman... kalimutan mo na nga yun... ang mahalaga... ok na tayo ay may communication na din tayo up to now.. wag mo na ibalik yung nakaraan..

Me: Wala na sakin yun no. Immune na ko... sanay na ko sa inyo... Im not longer affected.. hehehe

Him: that's gud!!

Me: No... it's the best... hehehehe

====================================================

Nag iinarte nga lang ba ako kanina? O dapat talaga akong mag tampo? feeling ko kasi. i was left behind. AGAIN?!!? Hindi naman sana... Mali lang siguro ang sapantaha ko. But seriously... on the part of this HIM.... may reason naman talaga siya kung bakit hindi siya nakapagtext... Eh ikaw ba naman ang biruin ng ganun eh... malamang mawawala ka sa katinuan... isip at puso mo ang affected pag ganun. And on the part of his JUNAKIS, kahapon din magkatext kami. I was telling him my planned activity for that day.. reply naman siya sa mga text ko. pero never niyang nabanggit na magkikita sila at tuturuan siya sa pag gigym niya. Samantalang between this junakis and HIM, mas madalas kaming magkamustahan kesa kay Him... Hindi na yata ako updated sa mga nangyayari ..... (Well kampantihin ko lang sarili ko) Baka nakalimutan lang talaga niya banggitin sa text.... sana...

Monday, March 17, 2008

Isang Tagay Pa Par!!

Last night, nagpaunlak ang isang dati nang kaibigan sa aking paanyaya na makipag inuman. Matagal tagal na din mula ng makilala ko ang taong ito. Mula siya sa g4m na dati kong sinalihan. September 2007 ko siya nakilala at mula noon ang patuloy pa din kaming nagkakausap sa pamamagitan ng palitan ng SMS. At isa siya sa mga unang PLU mula sa g4m na na meet ko.

Muntik pa ngang hindi matuloy ang inuman na ito. Paano ba naman... usapan namin ay 8pm... pero dahil sa matinding trapik na dinaanan ko patungo sa lugar na usapan naming magkikita kami ay inabot yata ng topak at pag kainis ang taong ito. Sa kalagitnaan ng trapik ay nag send siya ng message na wag na lang daw akong tumuloy ay siguradong tutubuan na daw ako ng ugat bago makarating sa lugar na aming usapan. Pero ganun pa man... inisip ko na lang na andun na rin lang naman ako sa ganung sitwasyon... tuloy ko na lang... mahirap na din naman para sa akin ang bumalik... dahil nga na ipit na din ako ang trapik. Pero nang mag text ako sa kanya na malapit na ako... medyo nabuhayan ako sa reply niya.. "sige daddy... ( daddy kasi ang tawag niya sakin.. hehehe)... antay na lang kita doon... saan ka na ba eksaktong andoon?"

Saktong 9pm na kami nagkita.... at mula doon sa meeting place namin.. binagtas na namin ang daan patungo sa lugar na kung saan kami mag iinuman. Habang nasa biyahe pa lang kami... pansin ko ang pagka ilang niya sa akin... natural lang yata talga na maging ganun siya... sapagkat sa chat at text lang naman talaga kami halos nag uusap. Ako habang nakatingin sa dinadaanan namin habang nag da drive ay paminsan minsan tumitingin sa kanya... habang nagpapalitan kami ng mga tanong at kamustahan.. kung ano na ang mga latest sa amin.... hawak niya ang cellphone niya at tila may katext siya na hindi niya maiwasang mag reply... Later.. sinabi din niya na sister daw niya ang katext niya na tumuloy daw sa night swimming kahit di daw niya pinayagan....

Mga 9:30pm nang kami at dumating sa lugar. Hindi siya gaanong familiar sa lugar kaya habang papalapit kami sa lugar ay nagmistulang tourist guide ako na tinuturo ang mga lugar na aming nadadaanan. Saktong may bakante lugar na paparadahan ng aming sasakyan... pagkababa namin sa sasakyan ay naghanap agad kami ng mapupuwestuhan. Sa bandang gitna at may bakanteng lamesa. Iniwan ko muna siya ay nagpunta na ako sa counter upang umorder ng aming inumin.

Tig tatlong bote ng San Mig Light ang aking inorder na may kasamang pulutan..Sa gitna ng aming kwentuhan... Narealize ko.. masaya pala siyang kasama.. Makwentong tao. Dami naming napagkwentuhan.. mga bagay bagay tungkol sa PLU life... Mga common friends namin... mga kakilala... Tama nga pala talaga ang kaibigang joms...na ok pala talaga kasama ang taong ito. Medyo parang bitin pa at umorder pa kami ng tig isang bote..

Nang medyo nakaramdam na kami ng medyo pagkahilo.. nag aya na siyang umuwi... Nag aala siya na kung ok lang daw ba ako.. since ako daw kasi ang driver... baka hindi ko na daw kayang mag drive pa... Na kung tutuusin... hindi pa ako nagkaproblema sa pag dadrive kahit medyo nakainom ako.. kaya nag assure ako sa kanya nag wag siyang mag alala at kaya ko pang mag drive.

Along the way ay nabanggit ko sa kanya yung nangyaring problema sa min noong bago pa lang kaming magkakilala... Isa kasi siya sa mga taong nang iwan sakin sa ere. Na noong una ay inakala kong tapat at totoong kaibigan. Na mas pinili niyang makisama sa mga ka age level niya. "Lam mo Vin, yung nangyari satin noon... wala na sana akong planong makipag usap pa sa inyo eh" Habang nag da drive... " Pero inisip ko na lang... ganun talga ang buhay... lahat naman tayo may choice sa buhay... eh nagkataong choice niyong mamimili ng kakaibiganin... pero... kung magtatanim ako ng sama ng loob wala ding mangyayari eh. ang mahalaga... ok naman tayo ngayon... sila marhk at justin...." "Sus naman si daddy... wala yun no... Hindi naman plinano yun eh.. nagkataon lang... tsaka... hindi naman tayo nawalan ng communication diba? andito pa naman ako... eto nga magkasama tayo diba? wag mo na isipin yun..past na yun"... tugon niya... Sabagay may point siya...

Dumating kami sa lugar kung saan siya nagpababa... "Oh pano daddy... dito na lang ako sa kanto... Salamat ah... Next time ulit... Sana meron pa... " Sana nga meron pa... Salamat din sayo sa pagpapaunlak mo sa aking paanyaya.... sa susunod na pagkikita...

Habang binagtas ko ang daan pauwi... nakatanggap ako ng SMS mula sa kanya... "Thanks daddy... ingat"..






Sunday, February 10, 2008

g4m.. signing off

Two nights ago, i finally decided to delete my account in guys4men.com. Maraming nag taka kung bakit bigla akong nag delete ng account. Simple lang ang reason ko. Nakakasawa din pala. Nawala na yung excitement ko. Hindi na ako nag eenjoy sa pag bisita sa site na yun. OO maraming nanghinayan. Lalo na yung mga naging members ng thread na ginawa ko. Yung Bahay Ng Mga Walang Mukha.

Noong una, natutuwa ako sa mga nangyayari doon. Nakilala ko yung mga taong gaya ko na nagtatagong tunay na pagkatao. Naging kaibigan ko naman sila. Tinuring nila akong leader. Nagpapasalamat naman ako sa tiwalang binigay nila. Yung iba nga naging textmates ko pa. And from time to time nagkakausap naman kami. Doon ako nagkaroon ng pagkakataong makakilala ng mga tunay na tao. Hindi yung puro sex lang ang laman ng utak. First time ko naka attend ng GEB o yung Grand Eye Ball na tinatawag. Yung maramihang meet up. Dati kasi.. pa isa isa lang ako makipag meet. Pero ganun yata talaga. Pag ang isang bagay na palagi mong ginagawa ay nakakasawa din pala. Wala ng excitement. Tuwing nag o online ako sa thread, yun at yun din na lang nababasa ko.. puro batian. kamustahan. wala nang excitement.

Yung mga naghihinayang. Kayo na lang magpatuloy ng thread natin. Keep it up. Pwede niyo pa namang ituloy yun kung gusto niyo eh. Doon sa mga naging friends ko sa g4m. Maraming salamat sa friendship. Especially to orbiter, rodddd, gcube, deathnote at whitelight.


Monday, December 31, 2007

Bata.. Bata... Paano maging bata????


Sa g4m, ang thread ng mga walang mukha na siguro ang isa sa mga pinak wholesome na thread. Kahit na nasa list siya ng sex forum, kakaiba pa din ang dating ng thread na ito. Kung mapapansin niyo, karamihan ng mga nagpopost dito ay halos mga kabataan (youngsters ika nga). Ito ang mga kabataan na mas piniling magpost sa thread ng mga walang mukha kaysa makipag kariran at makipagbalahuraan sa ibang thread. Nakakaaliw basahin ang kanilang mga postings. Ang mga pictures na nilalagay nila sa kanilang profile, na karamihan ay pictures ng mga anime, nagpapahiwatig na taglay pa din nila ang kainosentehan nila bilang mga bata. Na maski ako mismo ay nagaya ng din maglagay ng picture ng anime, yun nga lang ibinagay ko lang sa aking panahon, noong uso pa ang mga japanese robot cartoons, gaya nila Voltes V, Daimos, Mazinger Z at iba pa. Ako bilang mahilig din sa cartoons noong aking kabataan. Nakakatuwang isipin na sa edad kong ito ay naappreciate ko pa din ang mga cartoon characters o anime characters. Masarap mag feeling bata lalo na pag kasama mo ang mga bata. Sa tingin ko ay hindi naman masama ang magbalik sa papaging bata. Masaya ang maging bata. Wala masyadong iniisip na problema. Ang masama ay mag asta kang parang bata. Sabi nga " it's good to have a childlike attitude rather than to have a childish act". Iba kasi ang pagiging "feeling bata" kesa pagiging "isip bata". Magkaiba kasi ang childlike sa pagiging childish.

Naalala ko nga nung minsan ay sinamahan ko si deathnote, isa sa mga batang members ng thread. Naglibot kami sa Quiapo upang hanapin ang DVD copies ng POKEMON SERIES. Nakita ko sa kanya ang labis na katuwaan nang matapos ang halos na isang oras ng paglilibot ay nakita din namin sa wakas ang kanyang hinahanap na mga DVD copies, na ako pa mismo ang nakakita nga mga ito. Katuwaan hindi mo maipapagpapalit sa kahit anong bagay. At kakatuwang isipin na sa edad kong ito ay nakararamdam pa din ako ng pagiging bata. Maski ang mga kasama kong may mga edad na ay aminado din silang nag eenjoy silang kasama ang mga bata. Dito sa g4m, pagkasama ko sila, nakakabata ng pakiramdam, feeling ko mga kasing edad ko lang sila. hehehe.

Narito ang listahan ng mga "youngsters" sa thread ng mga Walang Mukha:

1. -DeathNote-
2. Levantine
3. zhera
4. shadowdance
5. jonas141
6. animedude
7. anonymous49
8. shadowrye
9. rodddddd
10. hawk

Salamat sa inyo mga bata...

Tuesday, October 2, 2007

Cyber Exploration ( Last Part)

Oktubre, taong 2005, unang pumasok si caretaker sa yahoo chat room.. nakilala niya si Alex, isang duktor ng medisina, 29 anyos, mula sa bayan ng Las Piñas. Sa una nilang pag uusap sa chatroom ay nagpalagayan agad sila ng loob. Mga ilang minuto lang silang nag usap sa chatroom nag tanungan agad sila ng mga personal na bagay gaya ng ASL o acronym ng salitang AGE, SEX at LOCATION na karaniwang tinatanong kapag nag uumpisa pa lang nag uusap ang dalawa tao sa chat room. Hindi pa man masyadong nagtatagal ang kanila pag uusap at hiningi agad ni Alex ang numero ng telopono ni caretaker upang sa gayon ay magkausap sila nang naririnig ang boses ng bawat isa. At agad na lumipat sila sa telepono at ipinagpatuloy ang kanilang pag uusap.

Sa umpisa, andoong magkahiyaan sila at maiging pinagkikinggan ang boses ng bawat isa na sa tingin nila ay mahalagang bagay na mag sisilbing daan kung ipagpapatuloy pa nila ang kanilang pag uusap. Hindi lingid sa bawat isa, gustong nilang marinig ang boses upang mapatunayan kung ito'y boses ng isang lalaki , astig o matigas na boses at hindi ang boses ng tinatawag na effeminate na salitang ginagamit para matukoy kung ang isang lalaki ay malamya sa kilos o pananalita. Si caretaker, sa simula pa lang ay matigas na ang kanyang boses at yun ang kanyang natural na boses na ginagamit sa pakikipag usap. Nang marinig niya ang boses ng kanyang kausap sa kabilang linya ng telepono, hindi pa man niya nakikita ang mukha at hitsura ng kanyang kausap ay nakasiguro na agad siya na ito'y isang matikas at astig na lalaki. Na ayon sa kanyang kausap, ito raw ay talgang astig at matikas sa kilos at pananalita, na lalong nagbigay ng interest kay caretaker upang ito'y kausapin.

Maraming bagay ang kanilang napag usapan nang gabing iyon na halos tumagal ng 5 oras at hindi man lang namalayan ang pagsikat ng araw. Isang bagay ang hindi pa nagagawa ni caretaker ang makipag usap sa telepono ng ganoong kahaba at katagal. Mula noon ay halos gabi gabi na silang nag uusap sa telepono. At sa tuwing sasapit na ang gabi, ramdam ni caretaker ang kasabikan makausap muli ang unang taong kanyang nakilala mula sa cyberworld.

Dumating ang buwan nang Nobyembre, isang buwan na ang nakakaraan mula nang una silang magkakilala ni Alex sa yahoo messenger. Isang gabi ng sabado, natanggap si caretaker ng isang text message mula kay Alex at ito'y nag aaya meet up. Katuwiran niya'y wala siyang magawa at gusto niyang uminom. Sa isip ni caretaker, isa itong bagong ideya at wala namang masama kung makikipag meet up siya kay Alex, kung sabagay. matagal na rin naman silang nagkakausap nito at siguro ito na ang pagkakataon upang magkakilala na sila ng lubos. Ngunit sa kabilang banda, takot ang naramdaman ni caretaker sapagkat hindi natural sa kanya ang nagkikipagkita sa isang tao ng basta basta. At nasa isip din niya kung ano ang idadahilan niya sa kanyang mga magulang kapag umalis siya ng bahay at siguradong uumagahin na niya ng uwi. Sa kabila noon, nanaig pa din sa kanya ang kasabikan makita at makasama ng personal ang unang taong nakilala at nakausap niya sa telepono ng matagal na mula sa cyber world. Kaya nagpasiya siyang mag reply sa text message ni Alex at sumang ayon sa imbitasyon nitong makipag kita

Sakay ng isang Bus, tumulak patungo si caretaker sa lugar na kanilang napag usapan. Habang nasa bus siya at patuloy silang nagpapalitan ni Alex ng mga text messages. Isang text message mula kay Alex ang nagsabing "Sir, wag kang mag expect sakin ha? Hindi ako gwapo." na may himig ng pag aalinlangan. "Ano ka ba? Hindi naman ako tumitingin sa hitsura ng tao no!" reply ni caretaker. Isang pagsisiguro na laging sinasabi niya sa tuwing si Alex ay nag aalinlangan at nagsasabing hindi daw siya gwapo.

Eksaktong alas nuebe ng gabi. dumating si caretaker sa lugar na kanilang pinag usapan. Malayo pa lang siya ay tanaw na agad niya si Alex na naka suot ng T shirt na grey at naka maong pang na sakto sa kanyang ibinigay na deskripsyon. Sa unang pagtama ng kanilang mga mata, nakaramdam si caretaker ng pagka ilang. Kung hindi lang niya nadidinig ang boses ni Alex., iisipin niyang hindi ito ang kanyang kausap sa telepono nang halos gabi gabi na walang puknat. Sapagkat kung ikukumpara ang boses sa hitsura ng kaharap at kausap ni caretaker, malayo ito at hindi mo mapagkakamalang isa siyang Doktor. Mataas na tao si Alex at kayumanggi ang kulay na kaiba sa mga karaniwang Doktor na nakikita niya. "Mukha siyang kargador hindi Doktor" sa isip ni caretaker. Hahaha

Nilakad nila ang daan patungo sa bahay na kanilang pupuntahan. isa itong boarding house na ayon kay Alex, dito siya nanirahan noong panahong siya ay isa pa lang estudyante sa medisina. Bumungad sa kanila ang may ari ng bahay, si Charlie, na sa unang tingin pa lang ay mahahalata mo na agad na hindi tunay na lalaki. Bago sila tumungo sa boarding house, sa daan pa lang ay sinabihan na agad ni Alex si caretaker tungkol sa pagkatao ni Charlie, na sabihin daw ni caretaker sakaling tanungin kung sino siya ay kasamahan siya ni Alex sa Clinic at isa siyang X-Ray Technician. At yun nga ang sinabi ni caretaker kay charlie nang itong tanungin.

Nagsimula na ang kanila inuman nang gabing iyon kaharap ang si Charlie na sa tingin at pakiramdam ni caretaker ay may duda sa kanyang pagpapakila. Masayang nakipag kwnetuhan si caretaker kila Alex at Charlie. Hanggang hindi nila namamalayan ang takbo ng oras. At sa mga sandaling iyon, nakaramdam na rin si caretaker ng pagkahilo dulot ng alak na kanila ininom. Sa isip ni caretaker, kung hindi magpapahiwatig si Alex ay magpapasiya siya umuwi ng lang siya ng bahay kahit sa ganung oras. Ngunit lingid sa kaalaman ni caretaker ay nakikiramdam lamang si Alex. At nang matapos ang kanilang inuman ay gusto na sanang magpaalam ni caretaker ng biglang. “ Dito ka na matulog, may vacant room sa itaas, doon sa dating room ko” sambit ni Alex. Biglang nakaramdam si caretaker ng pagkatuwa, ito lang ang kanyang hinihintay na pagkakataon, ang siya ay imbitahan ni Alex. “Baka nakakahiya kay Charlie.Uwi na lang ako, may masasakyan pa naman siguro ako” Pakitpot na tugon niya. “Hindi, ok lang kay Charlie yun, anyway, wala naman akong kasama sa room eh, alangan naming umuwi din ako ng Las Piñas?Sige na ditto ka na matulog” Pamimilit ni Alex.

Inakyat nila ang kwarto na sinsabi ni Alex. Isang kwarto na may dalawang Double Deck na kama. Kinuha ni Alex ang mattress ng isang kama at inilatag sa sahig. “Dito ka na mahiga, dito na lang ako sa isang kama” habang iniaabot ang isang unan kay caretaker. Kapwa silang walang imik ng mga sandaling iyon habang inaayos ang kani kanilang higaan.

Habang nakatalikod na nakahiga si caretaker, pinakikiramdaman niya si Alex ng mga sandaling iyon. Iniisip niya na kung sakaling magbigay ng motibong sekswal itong si Alex ay hindi siya magdadalawang isip na tumugon dito. Hindi nga nagkamali si caretaker. “ Halika dito sa tabi ko” mahinang boses mula kay Alex. “Anong sabi mo?” Pakunwaring hindi masyadong narinig ni caretaker kaya ito ay nag tanong. Na sa totoo lang, ay malinaw na malinaw sa kanyang pandinig ang mga katagang sinabi ni Alex. “Sabi ko, halika dito sa tabi ko at dito ka muna mahiga” Paulit na sinabi ni Alex nang medyo may kalakasan ng kaunti. Kasabay ng malakas na kabog ng kanyang dibdib, pabulong na sinabi ni caretaker sa kanyang sarili. “Yes!, ito na ang hinihintay kong pagkakataon”. Tumayo siya sa kanyang kinahihigaan at lumapit sa kama ni Alex at biglang umupo sa gilid nito.

Mabilis ang naging takbo ng mga pangyayari para sa kanilang dalawa. Wala nang salita na namutawi sa kanilang mga bibig. Namalayan na lang na kapwa sila walang nang damit at nilalasap ang sarap ng kanilang pagtatalik. Si caretaker, na sa una palang nang mag text sa kanya si Alex at mag aya ng meet up ay nasa isip na agad niya na mangyayari ang ganitong tagpo. Sa isip ni caretaker, natupad na ang isa sa kanyang mga pantasyang sekswal. Ang pakipag sex sa kapwa lalaki. Sa isang tao na minsan lang niya nakilala. Alam niya ang kanyang mga limitasyon pag dating sa sex. Alam niya kung ano ang kaya niyang gawin at ang mga hindi niya kaya. At nagkasundo sila ni Alex sa puntong iyon. At kapaw sila nag enjoy sa kanilang ginawa. At lumipas ang buong magdamag na pinagsaluhan nila ang sarap.

Kinaumagahan, naunan nang bumangon si caretaker mula sa kama ni Alex at masinsin niyang pinagmasdan ang kahubdan ng buong katawan ni Alex. Sa isip niya, si Alex na kaya ang taong makapagpapabago ng kanyang isipan. Na sa simulat simula pa lang at hindi pumasok sa isipan niya ang makipag relasyon sa kapwa lalaki.”Pero hindi, hindi ko kaya. At ayaw ko. Wala sa plano ko to.” tugon ng isang bahagi ng kanyang utak. Na para bang nagbigay sa kanya ng katinuan ng isip. Ginising niya si Alex at inaya itong mabihis at umalis.

Sa kanilang paghihiwalay, mga katanungan ang pumasok sa kanyang isipan. Matapos ang pangyayaring iyon sa kanilang dalawa ni Alex, ano na ang kasunod? Tuloy pa rin ba ang kanilang komunikasyon? Ganun pa din ba ang magiging pakikitungo sa kanya ni Alex? Nag enjoy ba si Alex sa kanilang ginawa? Masusundan pa ba ito o yun na ang una at huli?

Lumipas ang mga araw. Kahit isang text message ay hindi nakatanggap si caretaker mula kay Alex. Na labis niyang ipinagtaka at ipinag alala. Nagsend si caretaker ng text kay Alex upang malaman kung anong nangyari ditto at bakit hindi na ito nagtetext sa kanya. Isang text reply ang natanggap niya mula kay Alex na labis na ikinabigla at ikinalungkot niya. “ Hu u?” Mga katagang narereply kung ang nakatanggap ng message ay hindi niya kilala at wala sa kanyang phone book at number ng nagpadala ng text message. “Bakit Doc? Erased mo na agad ako sa phone book mo? Ang bilis naman?"Reply ni caretaker sa katext.” Si Sir to,” kasunod na text niya kay Alex.

Masakit man sa kalooban ni caretaker, alam na agad niya ang magiging takbo ng mga pangyayari sa kanilang dalawa ni Alex. Isang katotohanang na ayaw na ni Alex na magkaroon pa ng kaugnayan sa kanya. At lubos niyang napatuyan ito ng huling magtext siya kay Alex at nag reply ng “ Sir, leave me alone.. gusto ko nang magbagong buhay. Iwan ko na yung mga kalokohan ko dito sa cyberworld.”

Inisip na lang ni caretaker, nasayang lang ang mga panahon iniukol niya kay Alex at hindi naman siya naghahangad pa ng iba. Tanging pagkakaibigan lang ang lubos na kanyang pinaghihinayangan. At mula nga noon ay hindi na nagawa pang itext si Alex at inisip na lang niya na isa itong karanasan na magbibigay sa kanya ng leksyon.


------------------------------
Ito ang simula ng pag eexplore ni caretaker sa mundo ng mga PLU.