Monday, December 31, 2007

Bata.. Bata... Paano maging bata????


Sa g4m, ang thread ng mga walang mukha na siguro ang isa sa mga pinak wholesome na thread. Kahit na nasa list siya ng sex forum, kakaiba pa din ang dating ng thread na ito. Kung mapapansin niyo, karamihan ng mga nagpopost dito ay halos mga kabataan (youngsters ika nga). Ito ang mga kabataan na mas piniling magpost sa thread ng mga walang mukha kaysa makipag kariran at makipagbalahuraan sa ibang thread. Nakakaaliw basahin ang kanilang mga postings. Ang mga pictures na nilalagay nila sa kanilang profile, na karamihan ay pictures ng mga anime, nagpapahiwatig na taglay pa din nila ang kainosentehan nila bilang mga bata. Na maski ako mismo ay nagaya ng din maglagay ng picture ng anime, yun nga lang ibinagay ko lang sa aking panahon, noong uso pa ang mga japanese robot cartoons, gaya nila Voltes V, Daimos, Mazinger Z at iba pa. Ako bilang mahilig din sa cartoons noong aking kabataan. Nakakatuwang isipin na sa edad kong ito ay naappreciate ko pa din ang mga cartoon characters o anime characters. Masarap mag feeling bata lalo na pag kasama mo ang mga bata. Sa tingin ko ay hindi naman masama ang magbalik sa papaging bata. Masaya ang maging bata. Wala masyadong iniisip na problema. Ang masama ay mag asta kang parang bata. Sabi nga " it's good to have a childlike attitude rather than to have a childish act". Iba kasi ang pagiging "feeling bata" kesa pagiging "isip bata". Magkaiba kasi ang childlike sa pagiging childish.

Naalala ko nga nung minsan ay sinamahan ko si deathnote, isa sa mga batang members ng thread. Naglibot kami sa Quiapo upang hanapin ang DVD copies ng POKEMON SERIES. Nakita ko sa kanya ang labis na katuwaan nang matapos ang halos na isang oras ng paglilibot ay nakita din namin sa wakas ang kanyang hinahanap na mga DVD copies, na ako pa mismo ang nakakita nga mga ito. Katuwaan hindi mo maipapagpapalit sa kahit anong bagay. At kakatuwang isipin na sa edad kong ito ay nakararamdam pa din ako ng pagiging bata. Maski ang mga kasama kong may mga edad na ay aminado din silang nag eenjoy silang kasama ang mga bata. Dito sa g4m, pagkasama ko sila, nakakabata ng pakiramdam, feeling ko mga kasing edad ko lang sila. hehehe.

Narito ang listahan ng mga "youngsters" sa thread ng mga Walang Mukha:

1. -DeathNote-
2. Levantine
3. zhera
4. shadowdance
5. jonas141
6. animedude
7. anonymous49
8. shadowrye
9. rodddddd
10. hawk

Salamat sa inyo mga bata...

Bagong Taon... Bagong????

Ilang oras na lamang ay magpapalit na ng taon. Isang taon na naman ang sasalubungin ng buong mundo. Panibagong taon, panibagong pakikipagsapalaran. Ano nga ba ang bago sa bagong taon? Meron nga ba tayong aasahang bago?

Noong ako'y musmos pa lamang, tuwing sasapit ang New Year's Day, para sa akin. Isa itong engrandeng selebrasyon. Kung saan lahat ng tao ay naghahada sa pagdating ng Bagong Taon. Andung magsuot ng polka dot na damit, tumalon habang sinasalubong ang pagpasok ng bagong taon, mag lagay ng barya sa bulsa at alugin ito. Sa parte naman ng paghahanda ng pagkain. Kailangan daw mag lagay ng labindalawang klase ng ibat ibat prutas. At huwag daw mag hahanda ng manok sa araw ng bagong taon sa paniniwalang lilipad daw ang swerte sa pagpasok ng bagong taon.
Ganito ang nakagisnan kong mga tradisyon. Na sa tanda ko ay palaging ganito na lang kagi ang paraan ng pagdiriwang ng bagong taon.

Ngunit habang ako'y nag mamature at nagkakaisip, nag iiba na ang aking pananaw tungkol sa kung ano nga ba talga ang Bagong Taon. Para sa akin, ito ay isa lamang pagpapalit ng kalendaryo. Sa taon taong pagdiriwang ng New Year's Day, walang naman akong masyadong napapansin na pagbabago sa takbo ng buhay. Ang New Year's Resolution ay kadalasan ay hindi natutupad.. sa tanda ko... wala yata akong natupag na resolution. hehehe.. sa umpisa oo, pero sa katagalan ay balik lang ulit sa dati.

Sa ngayon, darating na naman ang isang bagong taon, at sa mga nakaraang taon, nakalimutan ko na yatang gumawa ng New Year's Resolution. hehehehe

well... wish ko lang sana.. maganda ang maging kapalaran ko sa bagong taon na papasok. Gud luck sa akin, sa pamilya ko at sa mga kaibigan ko. sa Bayang Pilipinas at sa buong mundo.




Friday, December 28, 2007

Isang Pasasalamat...

Christmas Party of Walang Mukha Thread.

My deepest and sincerest appreciation to those who attended the Christmas Party held at Music21 Plaza last December 26, 2007, 8:00 pm until 12:00 midnight.

1. Quasi Modo - who paid half of the fee. Thank you grandpa.. Though we were not able to talk too much, if you could only knew how thankful I am for your generosity.
2. ML - as always, you've done a great job again!!! Thank you very much.
3. enelooparin - Thanks again for helping ML.. you're a friend in deed.
4. deathnote - you're improving huh! A quick transformation... from silent type of guy to a very happy and cheerful one... Videoke lang pala ang katapat mo!.. hehehe
5. Gcube - thank you for coming. You came all the way form laguna just to be with us. Ganda pala ng voice mo.
6. Orbiter - Jay, you never disappoint your kuya. Kahit late ka na dumating... You are really a friend. You're always there whenever i need you. Thanks dude.
7. Whitelight - dude, you impressed me a lot. you're a "diva".. hehehe the next "pinoy pop superstar.
8. TopGun - dude, thanks for coming.... though nahihiya ako sayo.. nablocked kasi kita before sa thread namin... but still you were able to attend the party..Thanks to enelooparin.
9. Melvin (Tagay) - surprisingly... this guy from the other thread (Mga Walang Face Pic! Exculsive!!!) were able to make it. Salamat dude.. akala ko nagbibiro ka lang na pupunta ka.. Thank you talaga.


The party was really a success... more of this kind of gathering is expected to happen again. See you all guys again. What's next? Valentine's Party ba? hehehe or Summer Outing naman? hehehe


kakatuwang storya ng buhay pilipino....

Liham ni Bebeng



Registered nurse si Bebeng sa L.A. Kasama niya ang kanyang ina na nagpagamot doon. Namatay ang ina nito. Dahil sa kamahalan ng pamasahe pabalik sa Pilipinas, nagtipid si Bebeng. Pinauwi na lang niya ang kabaong ng kanyang ina na mag-isa.

Pagdating ng kabaong, napansin ng mga kapamilya niya na nakadikit ang mukha ng ina sa salamin ng ataul. Nagkomento tuloy ang isang anak, "Ay, naku! Tingnan mo 'yan... hindi sila marunong mag-ayos ng bangkay sa Amerika! Nakudrado tuloy ang mukha ng inay."

Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan ang kabaong. Aba ! May sulat na-nakastaple sa dibdib ng ina. Kinuha nila ito at binasa. Ang nilalaman ng liham na mula kay Bebeng:

Mahal kong tatay at mga kapatid:

Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang nanay sa pag-uwi riyan sa Pilipinas dahil napakamahal ng pamasahe. "Ang gastos ko pa lang sa kanya ay mahigit $10,000 na. Ayoko nang isipin pa ang eksaktong halaga. Anyway, ipinadala ko kasama ni nanay ang mga sumusunod...

Nasa likod ni nanay ang dalawampu't apat na karnenorte at isang dosenang spam. Ang adidas na suot ni nanay ay para kay tatay. Ang limang pares ng de-goma ay nasa loob ng dalawang asul na Jansport na backpack na inuunan ni nanay. Tig-iisa kayo.

Ang iba't-ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa puwetan ni nanay. Para sa mga bata ito. Bahala na kayong magparte-parte. Sana'y hindi natunaw. Ang pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni nanay ay para sa bunso ni ate. Gift Ko sa first birthday ng bata. Ang itim na Esprit bag ay para kay Nene.

Ate, nasa loob ng bag ang pictures ni inay, japanese version ng pokemon trading cards at stickers. "Suot ni nanay ang tatlong Ralph Lauren, apat na Gap at dalawang Old Navy t-shirts. Ang isa ay para kay Kuya at tig-iisa ang mga pamangkin ko. Maisusuot ninyo ang mga iyan sa fiesta.

Suot din ni inay ang anim na panty hose at tatlong warmer para sa mga dalaga kong pamangkin. Isuot nyo sa party.May isang dosenang NBA caps sa may paanan ni nanay. Para sa inyo, itay, kuya, dikong, Tiyo Romy. Bigyan nyo na rin ng tig-isa 'yung mga pamangkin ko at 'yong isa ay kay Pareng Tulume.

Ang tigdadalawang pares ng Nike wristband at knee caps na suot-suot din ni nanay ay para sa mga anak mo, diko, na nagbabasketball. Tigdadalawang ream ng Marlboro lights at Winston red ang nasa pagitan ng mga hita ni nanay.

Apat na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang dishwashing liquid, isang Kiwi glass cleaner at tig-aanim na Colgate at Aqua Fresh ang nakasiksik sa kilikili ni nanay. Hati-hati na kayo, huwag mag-aagawan.

Isang dosenang Wonder bra ( Victoria 's Secret ata ang tatak)gustong-gusto ni Tiya Iskang society natin, suot-suot din ni nanay. Alam kong inaasam-asam nyo 'yan, tiya. Anim na lipstick lang ang kasya sa bra. Ang Ro lex na bilin-bilin mo tatay, suot-suot ni nanay. Nakatakip sa Nike na wristband. Kunin mo agad, Itay.

May isinisik akong zip-loc sa bunganga ni Inay na naglalaman ng $759 dollars. Hindi na ako nakatakbo sa ATM. Puede na siguro sa libing iyon.

Iyong tong na makokolekta, i-time deposit niyo Kuya para pag namatay si Tatay may pambili na ng ataul.Ang hikaw, singsing at kuwintas (na may nakakabit pang anim na nail cutters) nagustong-gusto mo, ditse, ay suot suot din ni nanay. Kunin mo na rin agad, ditse. Ibigay mo ang isang nailcutter kay Jay bakla sa kanto.

Tanggalin niyo ang bulak sa ilong ng inay, may isiniksik ako 3 diyamante sa bawat butas. Ibangon niyo lang si inay at tiyak na malalaglag na ang mga iyon. Konting alog lang siguro ng ulo.

Marami pa sana akong ipaglalalagay kaya lang, baka mag-excess at si nanay pa ang maiwan. Basta parte-parte kayo, tatay, kuya, ate, dikong, ditse. Para sa inyo lahat ito. Bahala na kayo kay nanay.
Pamimisahan ko na lang siya rito.

Balitaan ninyo na lang ako pagkatapos ng libing. Alam ni ate ang email ko. Paki-double check ang lista kung walang nawala sa mga ipinadala ko.

Nagmamahal,
Bebeng


====================

Copy paste ko lang ito sa isang thread ng g4m..

Nakakaaliw basahin. Sa isang simple storya... inilalarawan ang ugali nating mga Pinoy. Gagawin ang lahat ng paraan para lang mapasaya ang mga mahal sa buhay. (close family ties ika nga). Nakakaaliw.. nakakatawa pero totoong nangyayari. Dinaan lang sa isang kakatuwang kwento. Ganyan tayong mga Pinoy. Resourceful, creative at unique!!!



Sunday, December 23, 2007

EB as in "Eye Ball"

guys4men.com - May 2007 nang ako ay pumasok dito sa site na ito.. Turo sa akin ng isang kaibigan na si PauloJudah... ang site na ito ang nagsilbing tambayan ko kapag ako ay nag iinternet. Dito sa site na ito… maari kang magtago ng iyong tunay na pagkatao at sa iyong totoong mundo. Maaari kang gumamit ng name na pwede mong gamitin na hindi ka makikilala. "caretaker" ang handle name na ginamit ko. Noong una, walang dating sakin ang site na ito. Puro pag vi-view lang ng mga profile ng mga members ang ginawa ko dito. Pero nang sinabi sakin ni PauloJudah na pumasok daw ako sa thread (na sa unang dinig ko ay hindi ko maintidihan at bakit thread ang tawag) at mag basa ng mga postings.Isa kakaibang experience to.. naaliw ako at nag explore… kaya gumawa ako ng thread. Ang thread ng mga Walang Face pics Exclusive!!!… Napansin ko kasi na karamihan ng mga members ay mga walang face pics. Ang thread na ito ay isa lamang experimento para sa akin. Gusto ko lang malaman kung gaano karami ang mga members na hindi naglalagay ng kanilang mga face pictures sa kanilang mga profiles. At hindi ako nagkamali... madami nga sila at isa na ako doon. At sa kauna unahang pagkakataon… nakipag meet ako sa mga taong tinuring kong mga kaibigan at walang bahid kamanyakan. Hehehe At dito ko nakilala at nakita ng personal ang mga sumusunod:

  1. Orbiter – call center agent (si pulsar / mugen / darkstar / kitsune) – Journalism graduate mula sa UST at kumukuha ng masteral degree sa UP ( Creative Writing)
  2. Str8manly – businessman mula din sa UP Diliman
  3. Marhk – overseas worker mula din ssa UP Diliman
  4. Tagay_mo_par – ECE graduate ng Adamson na nag aantay pa lang ng Board exam
At sa di inaasahan pangyayari, pansamantala kong iniwan ang site na ito. Nagdelete ako ng account dahil sa pag aakalang nagkamali ako ng site na pinuntahan. Sobra akong umasa sa mga taong una kong nakilala. Na ang akala ko ay mga tunay na kaibigan, yung tipong hindi ka iiwan hanggang sa huli. Sa apat na nabanggit sa itaas, bukod tanging si Orbiter lamang ang naiwan at nanatitiling tapat na kaibigan. Matapos ang mahigit na isang linggo, muli akong nagbalik gamit ang handle name na "centurion69". Gumawa ulit ako ng bagong thread. Ang thread ng Mga Walang Mukha (Bagong Bahay). At sa pagkakataong ito, dala ko na ang mga leksyong natutan ko sa pakikisalamuha sa mga members ng g4m. Na hindi lahat ng mga taong pumapasok dito ay puros kamunduhan lang ang alam. Muli akong nakipag kaibigan. At nakilala ko ang mga sumusunod.

  1. Incubus – businessman, taga Quezon City
  2. deathnote – (may sarili din blog – the book of deathnote) taga Antipolo kumukuha ng Abogasya sa UP Diliman
  3. Creon – call Center agent taga Manila
  4. Certified - kaibigan ni creon mula sa Pacita Laguna
  5. Room506 - kaibigan din ni creon mula sa Cubao, Quezon City
  6. Levantine – estudyante ng Computer Science sa Ateneo de manila
  7. Whitelight – Accountant – graduate ng UP Diliman
  8. Malibog – alson known as ML, a Businessman from Las PiƱas. Siya ang nag organize ng kaunaunahang GEB ng Thread ng Mga Walang Mukha
  9. Enelooparin - Businessman from Quezon City, kaibigan ni ML at kasamang nag organize ng GEB.
  10. GCube - dating OFW galing Bahrain. Mula sa bayan ng San Pedro Laguna
At ngayon nalalapit na Dec26, Christmas Party ng thread ng mga walang mukha, inaasahan kong makikita ko ng personal ang iba pang mga members na sa thread ko lang nakakausap. See you soon guys...



Saturday, December 22, 2007

Christmas Vacation Galore!!

Dec22, officially nag start ang long Christmas vacation namin... and it will end up Jan 2... January 3... back to work na ulit kami... ano ba nga activities ko nitong Christmas vacation? well.. malamang sa bahay lang ako. Pero may naka abang na akong schedules.. hehehe Isa na dito yung nalalapit na Christmas Party ng thread namin sa g4m.. Christmas Party ng mga walang mukha thread.. Excited na nga ako eh... sana maging masaya yung party.. Meron din ako imimeet na long time friend na uuwi ng Pinas galing ng Dubai... matagal na panahon din kaming hindi nag kita mula nung umalis siya papuntang Dubai. Mayroon din akong inaasahan mga bisita sa pupunta dito sa bahay.. well.. hindi naman masyadong busy ang vacation ko diba? hehehe

Pero higit sa lahat.. ang makapag pahinga sa work ang pinaka importang bagay ang magagawa ko nitong Christmas vacation... at siyempre ang makapiling ko ang buong pamilya... lalo na sa ganitong panahon... lagi kaming nagsasama sama.. isang Family Reunion.. hindi ko pwedeng ipagpalit ito sa kahit ano pang occassion... it only happens once in a year..




Monday, December 17, 2007

GLOBE "LIMITED TEXT"!!!! Promo

Grabe!!! wala na GLOBE Unlimited Text.... isa sa mga dahilan kung bakit ako naging masugid na Globe subscriber ay dahil sa kanilang promo na UNLITXT.. Kumpara sa Smart Unlimited..na kailangan pang mag antay ng oras... mula 11:00 pm hanggang 5:am para makapagregister.... dito sa Globe... mas madali kang makakapag register...at walang pinipiling oras... anytime of the day pwede kang mag register....

Pero bakit anong nangyari at wala na ang UNLITXT ng Globe? Paano na yan? limted na ngayon ang pag send at pag receive ko ng mga SMS.... wala na masyadong quotes... jokes.... MMS....haaay... at yung mga regular textmates ko ng Globe subscribers din.. i'm sure... sila din... nagtitipid na din sa pag tetext...

Isang itong pananamantala... palibhasa'y nasa peak season ngayon... kung saan inaasahang mas marami ang mag tetext... ngayon pa nila tinigil ang kanilang Promo... KARMA is the key word... yung mga may ari ng GLOBE... asahan niyo.. ito na ang umpisa ng pagka lugi niyo... GABAAN sana kayo!!!! hmmmpp!!!


Munting Kahilingan...

Malapit na mag Christmas Vacation... Christmas Party na namin sa work... wala pa akong nabibiling pang exchange gift. Maski yung mga gifts para sa mga inaanak ko wala pa din akong nabibili kahit isa.. haaayyy... reason? wala pa akong pera... waaaah... yung mga inaasahang incentives namin sa work... up to this time hindi pa din dumadating.... Yung 13th month pay na natanggap ko.. parang nauwi lang sa wala... hehehe.... Sa mga bills lang napunta...MERALCO... PLDT.... MAYNILAD.... haaay...ubos.... yung natira.. pagkakaalam ko.. T-shirt lang yata ang nabili ko... at dalawang bagong briefs.,.. hehehe

Wish ko lang... sana bago dumating yung araw ng Pasko.. at magdatingan na din lahat ng mga ini expect kong kaperahan.. para naman maging masaya ang Pasko ko.. hehehe. Talaga nga naman ang Pasko sa mga panahong ito... ay para lang sa mga bata... sa ating mga may edad na... isalang ang ibig sabihin nito... gastos.... gastos... at higit sa lahat GASTOS... hehehe

Pero sa totoo lang... wala naman akong ibang tanging hinihiling ngayon PASKO para sa sarili ko... kundi yung magkaroon na simple at masayang Pasko... yung makasama ko ang mga mahal ko sa buhay.... FAMILY and friends... yung lang.. masaya na ako... at magpasalamat sa Poong Maykapal... na sa kabila ng kahirapang dinaranas ng mundo... patuloy pa din Niya tayong ginagabayan.. at kundi naman dahil sa Kanya... wala tayong Pasko.... at eto pa din tayo... patuloy na nagsisikap na maging masaya at mayapa ang ating Pasko...

Saturday, December 15, 2007

December 15

(Kahapon pa dapat ito na ipost)....

Isang araw na hindi ko pwedeng kalimutan..

Ito ay birthday ng tatlong tao na nakilala ko mula sa cyber world..

CHARLES ....

JOMS...

CHRIS ...

I hope you had a wonderful day on your special day..... HAPPY BIRTHDAY!!! my friends...

Sunday, December 9, 2007

First GEB...

At last.. after a long wait and the postponement ... finally it was pushed through. The First ever Grand Eye Ball (GEB) has finally came into reality. It was December 8 of saturday at 5pm at the DB Bar along congressional ave, the much awaited GEB has finally held. This is actually the first ever GEB i've ever attended.. where a lot of people whom i've been seeing only from the thread which i created in G4M.... though previously... i've attended a GEB before... but it was just a few selected people.. and i can't consider it as a GEB... it was just a small meet up to few people.. in which one of the attendees came all the way from Italy and it was a home coming for him. Spent his two month vacation.

It was fun... i really had a great time...and this would not be made possible without the help of two members..thank you very much to Chris....for spending time in inviting the attendees.. not to mention the extra load he spent in calling the attendees using his own mobile phone... and of course to Louie... for helping Chris and for looking for a possible place where we can spend the GEB... it was really a nice place... Thanks to both of you guys... a job well done.

Although we were just few... 12 people to be exact... we really had a great time...




Those who attended the GEB

centurion
malibog
eneloop
orbiter
raptor
deathnote
whitelight
roddddd
corps
certified
iceman
room506

thank very very much guys.,..

Saturday, December 1, 2007

Malamig ang Simoy ng Hangin......

"Malamig ang simoy ng hangin... kay saya ng bawat damdamin.. Ang tibok ng puso sa dibdib.. para bang hulog na ng langit.."

Isang stanza mula sa isang tradisyonal ng kantang pamasko na aking narinig kanina sa radyo. Talagang nagbabadya na ng papalapit na papalit na araw ng Pasko. Kundi di nga lang ako ginising para bumili ng pandesal na aming i aalmusal ay malamang nasa higaan pa ako ngayon.. Sa sobrang lamig ngayong umaga.. walang taong hindi tatamarin bumangon sa kanyang higaan. masarap yatang manatiling nakahiga sa kanyang kama at kayakap ang unan habang nakabalot ng makapal na kumot. Ganito ang naging eksena ko kaninang umaga.

Ngayon.. December 1 na... ito na talaga ang umpisa ng paghahandaa ng nalalapit na pasko.. Pagkatapos ng November 30, Bonifacio day, Pasko na ang susunod na holiday. Kaya ito na talaga ang tamang panahon para mag countdown, 24 days to go na lang...

Well... ihanda na natin ang ating mga bulsa.. tiyak malaking gastos na naman ang naghihintay. Yung mga inaanak ko na umabot na yata sa mahigit na 3o... salamat kung maalala niyo ako at swerte niyo may pamasko kayo sakin..... hehehe at dun naman sa mga hindi makakaalala sa kin... well.. good luck na lang sa inyo... hindi ko kayo hahanapin.. hehehe

at sa mga kaibigan ko naman... simple lang naman ang nais ko ngayon pasko.... maalala niyo lang ako at batiin... sapat na sakin yun.. pero mas maganda kung kasabay ng pag bati eh.. may iaabot kayong regalo... hehehe joke!!!

at sa aking pamilya... sana'y masaya tayo ngayon pasko... na gaya ng dati.. at sa mga susunod pang mga pasko..

Friday, November 30, 2007

naudlot na plano....

Matagal na pinagplanuhan.... at sa isang iglap lang hindi natuloy... dahil sa isang kaguluhang dulot ng iilang tao.. buong bayan ay nabulabog.. animo'y isang giyera na... naglabasan ang mga sundalo't pulis.. mga baril... tangke at tear gas... nag patupad pa ng curfew hours mulang 12midnight hanggang 5am.... mga eksena na nangyari na noong panahon ng "matial law"... nauulit na nga ba?

kakalungkot isiping ito na sana ang pagkakataong makikita kita ang mga taong sa cyber lamang nag uusap. Mga taong mula sa isang "thread" ng isang site sa internet. Nabuo ang isang barkadahan... pagkakaibigan... na bihira lamang mangyari sa cyberworld.. Lahat ay kasado na sana.. ang lugar... ang mga taong pupunta.. nakagayak na lahat.. magkikita kita na sana... nang biglang... "Breaking News.... Ipapatupad ang Curfew mula alas dose ng madaling araw hanggang alas singko ng umaga"... Patay! pano yan... ang GEB?

Ngunit sa kabila nito.. minarapat na lang na huwag nang ituloy para sa kapakanan at kaligtasan ng nakararami...


There will always be a NEXT TIME!!!!


Friday, November 23, 2007

ABCD of me....

A - Age: I'm already 38…. Waaah. Lapit na akong mawala sa numbers ng lotto…heheh

B - Bands I'm Listening To Right Now: none in particular… basta maganda yung music… kahait sino kumanta..hehehe

C - Career: A teacher by profession…teaching high school physics.

D - Drink or Smoke: Winston Red/Lights…moderate smoker and occassional drinker.

E - Easiest Friends To Talk To: Simpleng tao… hindi maingay… may sense kausap…. Badtrip din ako sa KSP.

F - First Crush: I could still remember during my elementary days.. There was this girl classmate of mine named ROSELA TULIPAN… my seatmate actually…one of the reasons why I like going to school everyday is because of her.. Crush na crush ko talga siya.. Nasaan na kaya siya ngayon?

G - Gadgets: Nokia N70, Intel Celeron Desktop PC

H - Hobbies: internet surfing… chatting.. texting… Going to Malls… sometimes watching movies… Singing Videoke… May boses din naman ako kahit paano.. hehehe.

I - In love: Yes.. with my family and special someone.. bahala na kayo kung boy o girl siya.. hahaha

J- Junk Food You Like: Sweets..like banana que… turon… bibingka… ube… halaya.

K - Kidz : Sana bago ako naging ganito nagkaroon muna sana ako ng anak na lalaki...


O - One Wish You Have Now: I wish I have all the happiness in this world..

P - Phobias: Night Swimming sa beach… Ewan ko.. natatakot talaga ako mag swimming ng gabi sa beach,,, parang there will be something na hihila sa paa ko pag lumusong ako sa tubig…

Q - Favorite Quote: “Pag gusto… maraming paraan.. pag ayaw… maraming dahilan” I always believe in this saying…

R - Reasons To Smile: I have my family who loves me very much… I have a work .. and I have friends.

S - Sleeping Time: usually around past 1am… the earliest is 11pm.. and have to wake up at around 5:30 am in time for me to prepare myself in going to work…

T - TV Channels: IM not really a TV addict… Since dito sa bahay… mga KAPUSO mga kasama ko dito.. I have no choice but to see tv programs of channel 7.

U - Unknown Fact About You: They will still be unknown... Im a very discreet person...

V - Vegetable You Hate: okra... I really hate the veggie

W - Worst Habit: Wala Yata…

X - X-rays You’ve Had: Chest and Back X-Ray. And I have this on yearly basis since it is a part of our annual medical check up in government service.

Y - Yummy Foods: Anything with “gata ng niyog” I love it very much. I also like food with tomato sauce.

Z - Zodiac Sign: Taurus

Sunday, November 11, 2007

nag se senti lang....

centurion: ei musta na? long time no text ah...

him: hu u?

centurion: ay ganun? deleted mo na pala name ko sa phonebbuk mo. ok thanks na lang..

him: ei.. sino ka ba? baka kasi sa tagal ng di mo pag text.. na delete ko na number mo..

centurion: di bale na lang... thanks.. have a good day a head.

him: ok

==========

It's been a long while since the last time I sent this guy a text message. I dont know, we just stopped texting each other. I dont know what's the reason why. I've met this guy from cyber. I remember still could remember the first time i met this guy. He was just like a little kid who was longing to have a brother.. which according to him.. he's very happy that he finally met someone like me whom he can consider his elder brother. We've been texting each other almost everyday from 'til night ended up to dawn...thanks for the so called "unlimited text. We havent missed any single moment that happening to us. Trying to update each other on what we do, our whereabouts... And this lasted for about 3 months of constant texting. But we're never had to chance to see each other personally. We don't even have any idea of how we look like. We just enjoyed texting each other. As if we've been know each that long. He calls me "Kuya" for he is much younger than I am. And i call him "tol"...a term which is usually addresses by an elder brother who is much very close to his younger brother..

But now... sad to say and i feel bad.. it's all gone.. those happy moments we together thru texting. I just hope he misses me... and i wish him luck for he might found somebody whom he can really consider a big brother to him.

good luck tol... wish you all the happiness in this world.

Tuesday, November 6, 2007

journal ...

Back to work again... i have lots of things to do... dami ko kasing naiwan na trabaho. Bago mag bakasyon nitong Undas... may mga paperworks pa akong hindi natapos.. kaya eto ako ngayon.. nagkukumahog . Sabagay.. madali ko naman matatapos gamit ang computer.. sana nga lang matapos bago dumating ang deadlines... hehehe.

kanina nagdagdagan pa ang load ko... Ako kasi ang nagsubstitute sa isang kong kasamahan g nagmaternity leave. Wala naman ibang gagawa kundi ako.. Pansamantala lang naman ito.. habang hindi pa dumadating yung taong dapat hahawak ng load. Kaya isang sakripisyo para sa akin ang gumising ng mas maaga pa kesa na nakasanayan kong oras ng pag gising..Ang masaklap nga lang nito.... ito ay isang LIBRE!!! as in walang bayad.. huhuhu... Well... alang alang sa samahan.. at kaibigan ko naman yung nag leave.. kaya sakripisyo talaga..

Sana nga dumating na yung talang mag sa substitute na galing ng Division Office.. para balik ulit ako sa nakasanayan ko na.. hehehe


Sunday, November 4, 2007

Todos Los Santos Reunion....


November 1, 2007, maaga pa ay nagpunta kami sa sementeryo kasama ang buong pamilya... dinalaw namin ang puntod ng mga yumaong kamag anak. Lolo ko, lola ko, auntie ko at pinsan kong lalaki na magkakatabing nakabaon, anim na talampakan sa ilalim ng lupa. Nagsidatingan din ang iba pa naming kamag anak mula sa ibat ibang lugar. Ito'y isang pagkakataon na itinuturing naming "Family Reunion" mula sa side ng father ko. Masayang natitipon tipon... may kanya kanyang dala ng ibat ibang uri ng pagkain. Batian, kamustahan at umaatikabong kwentuhan at tawanan. Ganito lagi ang eksena sa tuwing nagkikita kita ang buong angkan.

Sa isang banda.. naisip ko habang ako'y nakatingin at nagsisindi ng kandila sa puntod ng aking mga yumaon kamag-anak. "Mabuti pa kayo at tahimik na... samanatalang kami dito.. ay patuloy pa din nakikibaka sa takbo ng buhay". Simpleng mga kataga pero malalim ang kahulugan.

Totoo nga naman diba? Ang mga yumao na.. wala nang iba pang iniisip na problema.. kasi nga patay na sila. Tahimik na ang buhay nila. Samantala tayong mga buhay pa. Sandamakmak na problema pa din ang patuloy nating kinakaharap. At hindi lang natin alam kung kelan ito matatapos. Bukod tanging Diyos lamang ang nakakaalam.


Natapos ang buong maghapon... unti unting nagsipag uwian na ang aming mga kamag anak. baon ang mga alaalang minsan lang sa isang taon nila nararanasan, ang makipagkitang muli sa mga kamag anak.. Nagsipag gayak na rin kami.. niligpit ang mga gamit.. ang tent.. mga silya at lamesa.. at isinakay na lahat sa sasakyang nakaparada sa di kalayuan. At bago pa kami tuluyang nakalabas ng sementeryo ay nakibaka pa muna kami sa mabagal na pag usad ng trapiko bunsod ng halos pagkakasabay sabay ng labas ng mga saksakyan na halos tumagal ng kalahating oras.

Sa aming mga kamag anak... Hanggang sa muling pagkikita... Same time.... same place.. same occassion...

Friday, October 26, 2007

I'm Back!!!!

It's been a long time since i posted my last blog here.

well.. what's new with me right now? hmmm let me think.... ahhh i've got a new phone... hehehe. i bought it last october 13... from the money i received from GSIS early this october. It's a new cellphone... this time i'll make it sure i have to be extra careful. Remember my previous entry? In which i've lost my 2 cellphones... hmmm.. this time... i'll take care of it. Mahal kaya ang bili ko dito... sana naman wag na mawala..

whatelse?

hmmm... i'll think first...

to be continued....

Tuesday, October 2, 2007

Cyber Exploration ( Last Part)

Oktubre, taong 2005, unang pumasok si caretaker sa yahoo chat room.. nakilala niya si Alex, isang duktor ng medisina, 29 anyos, mula sa bayan ng Las PiƱas. Sa una nilang pag uusap sa chatroom ay nagpalagayan agad sila ng loob. Mga ilang minuto lang silang nag usap sa chatroom nag tanungan agad sila ng mga personal na bagay gaya ng ASL o acronym ng salitang AGE, SEX at LOCATION na karaniwang tinatanong kapag nag uumpisa pa lang nag uusap ang dalawa tao sa chat room. Hindi pa man masyadong nagtatagal ang kanila pag uusap at hiningi agad ni Alex ang numero ng telopono ni caretaker upang sa gayon ay magkausap sila nang naririnig ang boses ng bawat isa. At agad na lumipat sila sa telepono at ipinagpatuloy ang kanilang pag uusap.

Sa umpisa, andoong magkahiyaan sila at maiging pinagkikinggan ang boses ng bawat isa na sa tingin nila ay mahalagang bagay na mag sisilbing daan kung ipagpapatuloy pa nila ang kanilang pag uusap. Hindi lingid sa bawat isa, gustong nilang marinig ang boses upang mapatunayan kung ito'y boses ng isang lalaki , astig o matigas na boses at hindi ang boses ng tinatawag na effeminate na salitang ginagamit para matukoy kung ang isang lalaki ay malamya sa kilos o pananalita. Si caretaker, sa simula pa lang ay matigas na ang kanyang boses at yun ang kanyang natural na boses na ginagamit sa pakikipag usap. Nang marinig niya ang boses ng kanyang kausap sa kabilang linya ng telepono, hindi pa man niya nakikita ang mukha at hitsura ng kanyang kausap ay nakasiguro na agad siya na ito'y isang matikas at astig na lalaki. Na ayon sa kanyang kausap, ito raw ay talgang astig at matikas sa kilos at pananalita, na lalong nagbigay ng interest kay caretaker upang ito'y kausapin.

Maraming bagay ang kanilang napag usapan nang gabing iyon na halos tumagal ng 5 oras at hindi man lang namalayan ang pagsikat ng araw. Isang bagay ang hindi pa nagagawa ni caretaker ang makipag usap sa telepono ng ganoong kahaba at katagal. Mula noon ay halos gabi gabi na silang nag uusap sa telepono. At sa tuwing sasapit na ang gabi, ramdam ni caretaker ang kasabikan makausap muli ang unang taong kanyang nakilala mula sa cyberworld.

Dumating ang buwan nang Nobyembre, isang buwan na ang nakakaraan mula nang una silang magkakilala ni Alex sa yahoo messenger. Isang gabi ng sabado, natanggap si caretaker ng isang text message mula kay Alex at ito'y nag aaya meet up. Katuwiran niya'y wala siyang magawa at gusto niyang uminom. Sa isip ni caretaker, isa itong bagong ideya at wala namang masama kung makikipag meet up siya kay Alex, kung sabagay. matagal na rin naman silang nagkakausap nito at siguro ito na ang pagkakataon upang magkakilala na sila ng lubos. Ngunit sa kabilang banda, takot ang naramdaman ni caretaker sapagkat hindi natural sa kanya ang nagkikipagkita sa isang tao ng basta basta. At nasa isip din niya kung ano ang idadahilan niya sa kanyang mga magulang kapag umalis siya ng bahay at siguradong uumagahin na niya ng uwi. Sa kabila noon, nanaig pa din sa kanya ang kasabikan makita at makasama ng personal ang unang taong nakilala at nakausap niya sa telepono ng matagal na mula sa cyber world. Kaya nagpasiya siyang mag reply sa text message ni Alex at sumang ayon sa imbitasyon nitong makipag kita

Sakay ng isang Bus, tumulak patungo si caretaker sa lugar na kanilang napag usapan. Habang nasa bus siya at patuloy silang nagpapalitan ni Alex ng mga text messages. Isang text message mula kay Alex ang nagsabing "Sir, wag kang mag expect sakin ha? Hindi ako gwapo." na may himig ng pag aalinlangan. "Ano ka ba? Hindi naman ako tumitingin sa hitsura ng tao no!" reply ni caretaker. Isang pagsisiguro na laging sinasabi niya sa tuwing si Alex ay nag aalinlangan at nagsasabing hindi daw siya gwapo.

Eksaktong alas nuebe ng gabi. dumating si caretaker sa lugar na kanilang pinag usapan. Malayo pa lang siya ay tanaw na agad niya si Alex na naka suot ng T shirt na grey at naka maong pang na sakto sa kanyang ibinigay na deskripsyon. Sa unang pagtama ng kanilang mga mata, nakaramdam si caretaker ng pagka ilang. Kung hindi lang niya nadidinig ang boses ni Alex., iisipin niyang hindi ito ang kanyang kausap sa telepono nang halos gabi gabi na walang puknat. Sapagkat kung ikukumpara ang boses sa hitsura ng kaharap at kausap ni caretaker, malayo ito at hindi mo mapagkakamalang isa siyang Doktor. Mataas na tao si Alex at kayumanggi ang kulay na kaiba sa mga karaniwang Doktor na nakikita niya. "Mukha siyang kargador hindi Doktor" sa isip ni caretaker. Hahaha

Nilakad nila ang daan patungo sa bahay na kanilang pupuntahan. isa itong boarding house na ayon kay Alex, dito siya nanirahan noong panahong siya ay isa pa lang estudyante sa medisina. Bumungad sa kanila ang may ari ng bahay, si Charlie, na sa unang tingin pa lang ay mahahalata mo na agad na hindi tunay na lalaki. Bago sila tumungo sa boarding house, sa daan pa lang ay sinabihan na agad ni Alex si caretaker tungkol sa pagkatao ni Charlie, na sabihin daw ni caretaker sakaling tanungin kung sino siya ay kasamahan siya ni Alex sa Clinic at isa siyang X-Ray Technician. At yun nga ang sinabi ni caretaker kay charlie nang itong tanungin.

Nagsimula na ang kanila inuman nang gabing iyon kaharap ang si Charlie na sa tingin at pakiramdam ni caretaker ay may duda sa kanyang pagpapakila. Masayang nakipag kwnetuhan si caretaker kila Alex at Charlie. Hanggang hindi nila namamalayan ang takbo ng oras. At sa mga sandaling iyon, nakaramdam na rin si caretaker ng pagkahilo dulot ng alak na kanila ininom. Sa isip ni caretaker, kung hindi magpapahiwatig si Alex ay magpapasiya siya umuwi ng lang siya ng bahay kahit sa ganung oras. Ngunit lingid sa kaalaman ni caretaker ay nakikiramdam lamang si Alex. At nang matapos ang kanilang inuman ay gusto na sanang magpaalam ni caretaker ng biglang. “ Dito ka na matulog, may vacant room sa itaas, doon sa dating room ko” sambit ni Alex. Biglang nakaramdam si caretaker ng pagkatuwa, ito lang ang kanyang hinihintay na pagkakataon, ang siya ay imbitahan ni Alex. “Baka nakakahiya kay Charlie.Uwi na lang ako, may masasakyan pa naman siguro ako” Pakitpot na tugon niya. “Hindi, ok lang kay Charlie yun, anyway, wala naman akong kasama sa room eh, alangan naming umuwi din ako ng Las PiƱas?Sige na ditto ka na matulog” Pamimilit ni Alex.

Inakyat nila ang kwarto na sinsabi ni Alex. Isang kwarto na may dalawang Double Deck na kama. Kinuha ni Alex ang mattress ng isang kama at inilatag sa sahig. “Dito ka na mahiga, dito na lang ako sa isang kama” habang iniaabot ang isang unan kay caretaker. Kapwa silang walang imik ng mga sandaling iyon habang inaayos ang kani kanilang higaan.

Habang nakatalikod na nakahiga si caretaker, pinakikiramdaman niya si Alex ng mga sandaling iyon. Iniisip niya na kung sakaling magbigay ng motibong sekswal itong si Alex ay hindi siya magdadalawang isip na tumugon dito. Hindi nga nagkamali si caretaker. “ Halika dito sa tabi ko” mahinang boses mula kay Alex. “Anong sabi mo?” Pakunwaring hindi masyadong narinig ni caretaker kaya ito ay nag tanong. Na sa totoo lang, ay malinaw na malinaw sa kanyang pandinig ang mga katagang sinabi ni Alex. “Sabi ko, halika dito sa tabi ko at dito ka muna mahiga” Paulit na sinabi ni Alex nang medyo may kalakasan ng kaunti. Kasabay ng malakas na kabog ng kanyang dibdib, pabulong na sinabi ni caretaker sa kanyang sarili. “Yes!, ito na ang hinihintay kong pagkakataon”. Tumayo siya sa kanyang kinahihigaan at lumapit sa kama ni Alex at biglang umupo sa gilid nito.

Mabilis ang naging takbo ng mga pangyayari para sa kanilang dalawa. Wala nang salita na namutawi sa kanilang mga bibig. Namalayan na lang na kapwa sila walang nang damit at nilalasap ang sarap ng kanilang pagtatalik. Si caretaker, na sa una palang nang mag text sa kanya si Alex at mag aya ng meet up ay nasa isip na agad niya na mangyayari ang ganitong tagpo. Sa isip ni caretaker, natupad na ang isa sa kanyang mga pantasyang sekswal. Ang pakipag sex sa kapwa lalaki. Sa isang tao na minsan lang niya nakilala. Alam niya ang kanyang mga limitasyon pag dating sa sex. Alam niya kung ano ang kaya niyang gawin at ang mga hindi niya kaya. At nagkasundo sila ni Alex sa puntong iyon. At kapaw sila nag enjoy sa kanilang ginawa. At lumipas ang buong magdamag na pinagsaluhan nila ang sarap.

Kinaumagahan, naunan nang bumangon si caretaker mula sa kama ni Alex at masinsin niyang pinagmasdan ang kahubdan ng buong katawan ni Alex. Sa isip niya, si Alex na kaya ang taong makapagpapabago ng kanyang isipan. Na sa simulat simula pa lang at hindi pumasok sa isipan niya ang makipag relasyon sa kapwa lalaki.”Pero hindi, hindi ko kaya. At ayaw ko. Wala sa plano ko to.” tugon ng isang bahagi ng kanyang utak. Na para bang nagbigay sa kanya ng katinuan ng isip. Ginising niya si Alex at inaya itong mabihis at umalis.

Sa kanilang paghihiwalay, mga katanungan ang pumasok sa kanyang isipan. Matapos ang pangyayaring iyon sa kanilang dalawa ni Alex, ano na ang kasunod? Tuloy pa rin ba ang kanilang komunikasyon? Ganun pa din ba ang magiging pakikitungo sa kanya ni Alex? Nag enjoy ba si Alex sa kanilang ginawa? Masusundan pa ba ito o yun na ang una at huli?

Lumipas ang mga araw. Kahit isang text message ay hindi nakatanggap si caretaker mula kay Alex. Na labis niyang ipinagtaka at ipinag alala. Nagsend si caretaker ng text kay Alex upang malaman kung anong nangyari ditto at bakit hindi na ito nagtetext sa kanya. Isang text reply ang natanggap niya mula kay Alex na labis na ikinabigla at ikinalungkot niya. “ Hu u?” Mga katagang narereply kung ang nakatanggap ng message ay hindi niya kilala at wala sa kanyang phone book at number ng nagpadala ng text message. “Bakit Doc? Erased mo na agad ako sa phone book mo? Ang bilis naman?"Reply ni caretaker sa katext.” Si Sir to,” kasunod na text niya kay Alex.

Masakit man sa kalooban ni caretaker, alam na agad niya ang magiging takbo ng mga pangyayari sa kanilang dalawa ni Alex. Isang katotohanang na ayaw na ni Alex na magkaroon pa ng kaugnayan sa kanya. At lubos niyang napatuyan ito ng huling magtext siya kay Alex at nag reply ng “ Sir, leave me alone.. gusto ko nang magbagong buhay. Iwan ko na yung mga kalokohan ko dito sa cyberworld.”

Inisip na lang ni caretaker, nasayang lang ang mga panahon iniukol niya kay Alex at hindi naman siya naghahangad pa ng iba. Tanging pagkakaibigan lang ang lubos na kanyang pinaghihinayangan. At mula nga noon ay hindi na nagawa pang itext si Alex at inisip na lang niya na isa itong karanasan na magbibigay sa kanya ng leksyon.


------------------------------
Ito ang simula ng pag eexplore ni caretaker sa mundo ng mga PLU.

Sunday, September 30, 2007

Cyber Exploration ( First Part)

Kelan ba nag umpisa ang lahat? halos isang dekada na ang nakakaraan.. mula ng matutong gumamit ng computer si caretaker. Sa umpisa ninais lang niya na magkaroon ng kaunting kaalaman sa paggamit ng computer. Naalala niya nung mga unang pagkakataon na siya ay gumamit nito.. halos masira ang kanyang ulo ka sa kakaisip kung ano at paano ang gagawin kapag nagkamali siya ng kanyang napindot sa keypad at may kakaibang nakita sa monitor. Parte na siguro yung ng kanyang pag e explore. Naisip niya, kailangan niyang matutong gumamit nito upang mapadali ang kanyang trabaho at para maging updated na rin sa takbo ng makabagong teknolohiya. May mga pagkakataon din gumagastos siya ng malaking halaga para lang bumili ng mga gamit sa kanyang computer gaya ng printer, speaker, mga harware devices gaya ng camera at head set.

Sa umpisa, inakala niya na ang paggamit ng computer isa lamang paraan upang mapadali ang kanyang gawain. Dito nag umpisa ang lahat. INTERNET... isang kakaibang bagay na natutunan ni caretaker sa paggamit ng computer. Bago pa lang siyang natututong gumamit ng computer ay nadidinig na niya ang salitang ito at hindi niya gaanong binigyang pansin ito sapagkat nakatuon lang siya sa kung paano ito gagamitin . Palibhasa'y bagong bagay ito para sa kanya, naging masidhi ang ang kanyang hangarin na matuto ng bagay na ito.

Ang yahoo messenger ang nagmulat sa kanya ng mga bagay na hindi sa tanang buhay niya ay hindi niya akalaing kanyang mararanas. Si caretaker kasi isang typical na late bloomer pag dating sa ganitong larangan...Kasabay ng pagkakaroon ng cellphone, isang bagay na kung saan mapapadali ang pakikipagkomunikasyon ito'y maari din niyang magamit upang makipag meet up sa mga taong kanyang makikilala sa internet.

Ang yahoo chat room ang isa sa madalas niyang pinapasukan tuwing siya ay nag oonline sa yahoo messenger... dito sa room na ito niya nakilala ang ibat ibang uri ng mga tao na ang tanging dahilan ng pagpasok sa room na iyon ay pawang kamunduhan lamang.

to be continued...

Saturday, September 29, 2007

when it rains... it pours.....

the last blog i posted here was about my bad experience i had last wednesday.... now another terrible experience.. just happened to me this morning....

before i go to sleep... usually have chats with my friends... either by phone or by text messages.. and i see to it before get off from my bed... the first thing i do is to look for my cellphone... to find out if there are unread text messages received...

this morning.... it was a shocking experience... my cellphones... two cellphones were gone ....nokia 3350 and nokia 6085.... and nowhere to be found... as far as i remember... before i go to sleep last night... they were beside me... which i usually do... put them beside me... and sometimes use them as my alarm clock... but since it is saturday the next morning.. i did not set the alarm...

i immediately get off form my bed.... asked my mom if she had seen my cellphones... i tried calling my cellphone using my landline... at first.. somebody answered .. a voice of a man... then... he immediately turned it off... the next thing i've heard was the voice prompt which says.."the number you dialed cannot be reached"....

when i looked around... i realized... somebody might have stolen the cellphone from my window... and looking at the back yard... my mom noticed that traces of footsteps were found in the floor and my window was widely opened and there was a stick also found...which was used to get my cellphone.. since my bed is just adjacent to my windows...

we already reported the incident to the authority....

OMG!..... another cellphones were lost...

Really... when it rains... it pours!!! "Pag inabot ka nga naman ng kamalasan...."

Friday, September 28, 2007

A bad day for me... NADUKUTAN AKO!!!



Last wednesday i rode on a jeep... from east avenue going to philcoa...there were four guys who rode with me... nauna lang ako ng konti sa kanila... may may napansin akong kakaiba... pero binalewala ko lang.. one of the four guys who sat beside me... ginigit git ako sa upuan...... i just looked at him... he was about in his 40's... i was not aware.... dinidukutan na pala ako... before i get off from the jeepney it's usually my habit of checking my wallet in my pocket .... napansin ko yung wallet ko nauupuan ko na... nagpasalamat pa nga ako at buti na lang hindi nawala yung wallet ko.... and i didn't look what's inside my wallet.

The next day.... my friend told me.. he was a victim of pickpocketing... his wallet was slashed off and his money were taken without him noticing it. His wallet was left with him without his money... I was even proud to tell him that I almost got the same experience... but to my surprise... i was really a victim too... it was only today that i've realized that the incident last wednesday proved that i was a victim too when i looked for the money i have in my wallet... My God! I've lost P3,500.... The money i've been keeping... it's gone! I've realized... one of the guys who sat beside me was the one who stole my money... after getting all my money... he left my wallet.... that's the time where i've noticed my wallet was no longer inside my pocket. Nadukutan na pala ako...

It's a new modus operandi... dudukutan kayo ng wallet .. kukunin ang lamang pera at iiwan sa inyo ang wallet niyo.........INGAT KAYO MGA PARE.....

Tuesday, September 25, 2007

Ang mga kalaro ko noon, , , , (adapted)

Ang mga kalaro ko noon....

TO ALL THE KIDS WHO WERE BORN IN THE

1950's, 60's and 70's !!

First,
some of us survived being born to mothers who smoked and/or drank while they carried us. ( sioktong ang inumin)

They took aspirin, ate blue cheese dressing, fish from a can ( brand : ligo ), and didn't get tested for diabetes.

Then after that trauma, our baby cribs were covered with bright colored lead-based paints, pati na yung laruang kabayu-kabayuhan.

We had no childproof lids on medicine bottles, doors or cabinets and when we rode our bikes, we had no helmets, no kneepads , sometimes wala ngang preno yung bisikleta.

As children, we would ride in car with no seat belts or air bags – hanggang ngayon naman, di ba ? ( jeep )

Riding in the back of a pick up on a warm day was always a special treat. ( maykaya kayo pare ! )

We drank water from the garden hose and NOT from a bottle ( minsan straight from the faucet)

We shared one soft drink with four friends, from one bottle and NO ONE actually died from this. Or contacted hepatitis.

We ate rice with tinunaw na purico ( dahil ubos na ang star margarine), nutribuns na galing kay macoy and drank sopdrinks with sugar in it, but we weren't overweight kasi nga..... .

WE WERE ALWAYS OUTSIDE PLAYING!!

We would leave home in the morning and play all day, as long as we were back when the streetlights came on. Sarap mag patintero, tumbang preso , habulan taguan….

No one was able to reach us all day ( di uso ang celfon , walang beepers ). And we were O.K.

We would spend hours building our trolleys or slides out of scraps and then ride down the street, only to find out we forgot the brakes. After running into the bushes a few times, we learned to solve the problem.

We did not have Playstations, (Atarri uso noon, mayaman ka na pag meron ka nun) Nintendo's, X-boxes, no video games at all, no 99 channels on cable (5 channels lang ang TV noon) , no video tape movies, no surround sound, no cell phones, no personal computers, no Internet or Internet chat rooms....... ...WE HAD FRIENDS and we went outside and found them!



We fell out of trees, got cut, broke bones and teeth and there were no

lawsuits from these accidents
. The only rubbing we get is from our friends with the words…..masakit ba ? pero pag galit yung kalaro mo,,,,ang sasabihin sa iyo…..beh buti nga !



We play in the dirt , wash our hands a little and ate with our barehands…we were not afraid of getting worms in our stomachs.



We have to live with homemade guns – gawa sa kahoy, tinali ng rubberband , sumpit , tirador at kung ano ano pa na puedeng makasakit…..pero walang nagrereklamo.

made up games with sticks
( syatong )and cans ( tumbang preso )and although we were told it would happen, wala naman tayong binulag o napatay….paminsan minsan may nabubukulan.



We r ode bikes or walked to a friend's house and knocked on the door or rang the bell, or just yelled for them!




Mini basketball teams had tryouts and not everyone made the team. Those who didn't had to learn to deal with disappointment. Walang sumasama ang loob.



Ang magulang ay nandoon lang para tignan kung ayos lang ang bata….hindi para makialam.



This generation
of ours has produced some of the best risk-takers, problem solvers and managers ever!



The past 50 years have been an explosion of innovation and new ideas.



We had freedom, failure, success and responsibility, and we learned



HOW TO

DEAL WITH IT ALL!




And YOU are one of them!

CONGRATULATIONS!




You might want to share this with others who have had the luck to grow up as kids, before the government regulated our lives for our own good.



and while you are at it, forward it to your kids so they will know how brave their parents were.



Kind of makes you want to run through the house with scissors, doesn't it?!






PS - The big type is because your eyes
may not be able to read this…. at your age

ok lang ba kaibingan?

pakipasa nga ito sa mga tunay mo na kaibingan para makaalaala pa

Sunday, September 23, 2007

nakaka enjoy pala... nakakaaliw!!!

sa tinagal tagal ko na dito sa net... ngayon ko lang na nadiskubre itong pag gagawa ng tinatawag na "blog".. nung una.. na bago sa pandinig ko ang salitang "blog"... tanong ko sa sarili ko... "anon yun? mag nahulog? at ang tunogn ng pagbagsak ay "BLOG!!!!"? (korni! hehehe).. pero walang halong biro... ngayon ay naaliw ako sa ganitong bagay.. ang paggawa ng tinatawag na blog...

pasalamat ako sa isang kaibigan na mula rin dito sa net... ipinagkatiwala niya sa akin ang isang sekreto na iilang tao lamang ang nakakaalam.... ang kanyang blog... salamat kaibigan... laging kong sinusubaybayan ang mga pangyayari sa iyong buhay sa pamamagitan ng iyong blog..

ngayon na marunong na akong gumawa ng sarili kong blog... dito ko ibubuhos lahat ng mga saloobin ko.. laman ng aking puso't isipan... na hindi ko maaring isiwalat sa "real world" ko... mga sekretong tanging ako lamang ang nakakaalam... maaring mabasa din ng iba... pero sigurado akong hindi niya ako kilala sa tunay na mundo na aking ginagalawan...

sana sa mga makakabasa nito... makapulot din kayo ng mga magagandang aral (kung meron man) at huwag mag atubiling magbigay ng inyong mga komento...

walang nagawa kundi sumunod...

kaninang umaga nung ginawa ko yung blog ko tungkol sa plano ko para sa araw na ito... nasabi ko sa sarili ko na hindi ako pupunta doon sa Palmera Springs kung saan andoon ang father ko at yung karpintero na gumagawa ng bahay ng kuya ko... balak ko sanang manatili na lang dito sa bahay maghapon... o kaya umalis at pumunta kung saan.. pero ngunit.. datapwat.. subalit... ang aking ina ay pinakiusapan akong ihatid doon sa lugar na iyon ang pagkaing tanghalian ng aking ama at ng karpintero...

"Aalis ka ba?" tanong sa akin ng aking ina..

"Hindi... Bakit?"tugon ko..

"Ihatid mo itong pagkain sa ama mo. Mamaya pa ako pupunta doon.. 40 days ng kamatayan ng Uncle Faustino mo ngayon.. dadaan muna ako doon bago ako punta ng Palmera"Pakiusap sa akin ng aking ina.

Gustuhin ko man tumanggi... wala naman akong magagawa kundi sumunod... kung hindi.. wala silang kakainin.. Maagang umalis ang aking ama nang hindi nag aalmusal... Tiyak na gutom na iyon...

Hindi ko pa natatapos ang una kong blog nang ako pakiusapan ng aking ina.. Habang tinitipa ko ang huling blog ko kanina... nasa isip ko pa din ang plano ko sana na manatili na lang dito sa bahay at magpahinga at matulog na lang sa sana.. pero yun nga... dahil sa pakiusap ng aking ina... wala akong nagawa kundi sumunod...

a lazy morning...

i woke up at about 8:30 in the morning and start thinking of what lies ahead of me this day.. as soon as i raised my body from bed.. i went to the bathroom and take a splash of water onto my face.. looking at the mirror.... i was thinking of my plans for the whole day... will i go somewhere? or will i just stay home? i dont know... bahala na si Batman!

as i went out of the comfort room... i saw my mom in the kitchen.. preparing for our break fast.. i asked her the whereabouts of my dad. "Nay, nasan si Tatay?" "nasa Palmera ( subdivision somewhere in Caloocan where my brother's house is located) pinagagawa yung bahay ng kuya mo. Kasama si Mang Romy ( the carpenter)" she answered back. "Kanina pa ba siya umalis?" I asked her. " Mga alas siete ata... maagang umalis baka daw matrapik... doon na lang sila magkikita ni Mang Romy" she replied.

i was thinking of going to that place later... but due to my experience yesterday when we went there.. it was terribly a bad day for me...the traffic... the heavy down pour of rain....the dirt i got in carrying hallow blocks and gravel and sand and the heavy bag of cement which i carried onto my shoulder... wheew! ...... right now i am having a second thought if i will go or not.

i went to living room to look for the tabloid which my father usually reas in the morning... the latest news... the headlines... politics... and the showbiz news.... i read for a while... some news... and after the tabloid... here i am in front of the computer... typing this blog... and still thinking of what to do for the rest of the day..

Saturday, September 22, 2007

3some? how does it feel like?

while chatting with friends from g4m... one of them asked if we could try 3some.... never in my life had i tried it before.... i usually have it one-on-one... but this time... 3some? hmmmm sounds interesting... hehehe... we were on the height of negotiation .. me and the other member who is about my age... we were trying to convince this younger guy who is just about his 20's... a bottom guy... and finally he agreed... the other member willingly offered his place somewhere in Tomas Morato.. in Quezon City... He already gave the direction on how to go to his place... his contact number.. and scheduled the time at exactly 9:00 pm... then all of the sudden... this younger guy logged out... without confirming if he will go or not... i just don't know if he was just afraid of what might happen to him or he was just accidentally disconnected from the net..

when i sent sms with this younger guy.. he confirmed that he was just disconnected and wont be able to go back again to the net... but he assured me that he's willing to go to the said agreement... the 3some stuff... only.. not tonight but tomorrow night...

i texted the other guy... he said that the place is no longer available tomorrow... and he has other plans for tomorrow night...

sayang.... ngayon pa lang sana ako makakaranas ng 3some... hehehe

ang hirap ng walang ginagawa

sa mga pagkakataong wala akong ginagawa...lalo na kung araw ng sabado at linggo kung kelan wala akong pasok... minsan naiisip ko.. paano ko palilipasin ang buong araw na magiging produktibo ako... pagkagising ko sa umaga....maliligo...kakain ng almusal... mag bubukas ng pc... check kung sino online sa YM at sa g4m...at sa titingnan kung may email sa yahoo at message sa friendster...

ganito na lang lagi ang ginagawa ko sa tuwing araw ng sabado at linggo... haaayyy... paano nga ba? ganito na lang ba ako lagi?....

im just new here

i just want to try how it is like posting blogs here...