Sunday, June 8, 2008

Back to Work Again...

Tapos na ang maliligayang araw ko ng bakasyon. Sa martes ay magsisimula na naman ang klase. Magiging busy na naman ako. Sampung buwan na naman ang aking bubunuin kasama ang mga batang ipinagkalinga sa akin ng kani kanilang mga magulang. Nitong mga huling araw ng aking bakasyon ay sinusulit ko na. Ngayon nga ay kakauwi ko lang galing sa isang inuman kasama ang isang dati nang kabigan mula sa cyber. At sa linggo ng hapon ay may naka schedule naman akong meet up ng isang bagong kaibigan mula din sa cyber. Haay.... back to work again.... medyo lie low muna ako sa pag chachat ng umaabot ng madaling araw.... wala nang ganito pag may pasok na. Maaari lang siguro kapag alam kong wala akong pasok kinabukasan.Malamang tuwing Biyernes ng gabi mangyayari yun. Wala kasi akong pasok kinabukasan.. sabado.

Good luck na lang sa akin. sa darationg na pagbubukas ng klase...