Tuesday, February 24, 2009

ang KONDESA....

Matagal tagal na din ng engkantadiya mula nang ito'y itatag. Nag umpisa sa simpleng GEB ng limang nilalang mula sa g4m. Nagkahiwalay sandali.. umalis ang ilan.. at muling nagbalik. Naikwento ko na sa ibang entries ko kung paano nagsimula ang kaharian ng engkantadiya. Kung paano nagsimula at kung sino sino na ang mga engkanto.

Bibigyan ko ng puwang sa aking blog ang pinaka bagong engkanto na napabilang sa mundo ng engkantadya. Pinangalanan ko siyang KONDESA.

Isang simpleng tao.. mahilig bumiyahe.. gawa siguro ng kanyang work.. kung saan saang lugar sa Pinas na siya nakakarating.. Matikas.. Astig looking.. sa pananalita.. sa kilos.. at sa hitsura.. Sakto siya maging engkanto. Paano siya naging engkanto?

Bilang isang blogger.. nakilala ko siya sa pamamagitan din ng isang engkanto..... si Mugen .. AMASONA... nasa link niya ang kondesa... Nung minsang nagbukas ako ng aking blog... napansin kong may follower pala ang blog ko... nang aking buksan ang kanyang profile.. nakita kong may kuneksyon pala siya kay kapatid at enkantong si amasona. Mula noon ay naging masugid na rin akong follower ng kanyang blog..

Ang kaibigang RAIN.. na isa ding engkanto.. si PRINCESA.. nahilig sa blogging. Kakaibang storya ang kanyang sinusulat sa kanyang blog na kadalasan ay puro kaburautan na kanyang pinaggagagawa sa buhay.... hahahaha .. Nagkataong may kuneksyon din siya kay engkantong amasona... na kaibigan ni KONDESA.. naging interesante sila sa isat isa.... ang princesa at ang kondesa.. nag usap sa twitter.. na naging saksi sa kanilang pakikipag ugnayan sa isat isa.Tumagal halos ng dalawang linggo o higit pa ang kanilang pag uusap sa twitter..

Isang blogger na isa ring engkanto. si Bloiggster...REYNA aka PGR ( wag niyo na alamin kung ano ibig sabihin ng PGR).. hehehe ay nagpasiyang lumuwas ng Maynila galing ng Cebu..Nagkataong pare parehong magkaka link ang mga blogs namin sa isat isa.. sa pamamagitan ng mga comments.. ay napagkasunduang salubungin ang Reyna sa kanyang pagdating dito sa maynila.. Nagpasya ang Princesa na sunduin ang Reyna... at inanyayahan ang kondesa na sumama sa pagsundo.. Ganun din ang DIYOSA...

Ito ang unang pagkakataong magkikita ang PRINCESA at ang KONDESA... Kami ni Princesa.. lulan ng isang taxi patungong Buendia kung saan namin kikitain ang Kondesa.. Naramdaman ko ang pagka excite ng princesa na makita ang kondesa..Noon lang sila unang nagkita... pero taglay na nila ang damdaming nagtatali sa isat isa.. (naks!! ang lalim.. nose bleed ako)...

Pagkasundo namin sa REYNA at dumirecho kami sa gimik.. at kinabukasan... nagkaroon ang engkantadiya ng night swimming.. bilang selebrasyon.. or welcome party sa REYNA...

Yun din ang pagkakataon na magkasama sama ang mga bagong miyembro ng buong engkantadya.. Maharil ay nagtataka kayo kung bakit espesiyal ang KONDESA... oo espesiyal siya.. hindi lang dahil sa ako mismo ang nagpangalan sa kanya.. dahil na rin sa siya ang pinakatatangi ng aming PRINCESA... latest version ito ng isa pang magsing irog na engkantos.. si DIWATA at si DUKESA.. hehehe


Post script...

mga bagong engkantados:

KONDESA = Lukayo
LUNA MYSTIKA = misteryoso
TASYA PANTASYA = tsupaeng
PRINCESITA = pedok
EWOK = mike


Mabuhay ang Engkantadiya!!!...





Wednesday, February 11, 2009

3 in a day....

February 11, 2009... Wednesday... tatlong invitations ng makikipag sex ang natanggap ko mula sa mga taong nakilala ko mula sa g4m at nag aakalang ako isang sex machine. Na buong akala nila ay isa akong tao na kapag inaya ay bigla bigla na lang magpapaunlak. Narito ang kwento na mga taong ito.

Umaga:

mga ilang araw na din ang nagdaan ...Isang 34 y.o. guy mula sa lalawigan batangas ang nakilala sa isang thread sa g4m. Nagpalitan ng number ng cellphone. Sa madaling salita naging textmates kami. Sa umpisa maganda ang palitan ng aming mga text messages. Pakay daw niya ang magkaroon ng textmate sapagkat ayon na din sa kanya ay isa siyang "TEXTUX ADIKTUS" na wala yatang ginawa sa buhay kundi ang makipag palitan ng text messages sa mga nakikilala niya sa text. Wala kaming idea kung ano mga hitsura namin.. HIndi ko kasi ugali ang mag tanong ng face pic ng mga taong aking nakikilala mula sa cyber. Mas prefer ko kasing kilalanin ang ugali ng tao kesa sa panlabas na kaanyuan. Sa takbo ng aming palitan ng mensahe napag alaman ko kung gaano siya ka explorer pag dating sa pakikipag sex.. .. na halos lahat na yata ng kanyang mga sexcapades ay naikwento niya. Isa siyang BOTTOMESA..pero sa kabila ng pagiging bottomesa ay isa daw siyang discreet. Kilos lalaki at walang kabahid bahid. Tinanong ko siya kung ano mga preference niya sa mga nakaka sex niya. Isa lang ang tanging sagot niya. "Mukhang kargador na TOP". Nung una, natawa ako at bakit ganun ang kanyang preference, kaya tinanong ko ulit siya kung bakit. Ayon sa kanya.. hindi daw siya gwapo para mamili ng gwapo.. at takot daw siya sa gwapo kasi takot daw siyang ma reject. Sa tiningin ko.. pareho kami ng prinsipyo pag dating sa ganung bagay. HIndi rin naman ako gwapo para mamili ng gwapo. At para sakin ang gwapo ay kadalang gwapo din ang gusto. Sa pagpapatuloy ng aming text mode.. tinanong niya ako kung anong preferences ko. Sa pagsasabi ko ng aking mga preferences, isang bagay lang ang hindi kami nag kasundo. Yung KISSING... na ayon sa kanya, hindi daw siya nakikipag halikan kahit ilang rounds daw siyang i bottom, huwag lang daw siyang pilitin na makipag halikan. Sa ganang akin, ang kissing ay isang malaking bagay na nagpapa arouse sakin sa tuwing makikipag sex. isa itong foreplay kumbaga. Nung malaman niyang taliwas kami ng pananaw sa bagay na may kinalaman sa KISSING,naramdaman ko ang kanyang pang hihinayan... na ayon sa kanya ay hindi daw yata kami mabibigyan ng pagkakataon na magsex. Sa part ko... aminin kong may konting panghihinayang din sakin. Pero kung ipipilit namin ang magsex ay sa tingin ko, siya lang ang mag eenjoy. Ako, bilang TOP, hindi priority sakin ang anal sex. Mas nag eenjoy ako sa romansahan at lalo na sa halikan. Sa pag tetext namin kaninang umaga, nagbabakasakali pa din siyang baka sa romansahan daw ay makabawi siya sakin kung sakaling matuloy ang aming sex. Kaya inaya pa din niya ako kanina at willing daw siyang lumuwas ng manila galing sa batangas kung saan siya nakatira. Pero sa kalaunan, hindi pa rin ako pumayag, hindi dahil sa pag aalinlangan hindi ako mag enjoy sa maaring magyari samin, kundi sa sitwasyon,na nakakahiya sa kanya at luluwas pa siya ng manila para lang sa ganung bagay. At isa pa.. hindi ko nakikita ang sarili ko na makikipag SEB sa taong minsan ko lang nakausap or nakatext. Sa madalaing salita, im not for SEB.


tanghali:

isa 24 yo guy na mula din sa g4m ang aking na kilala.. nag PM (private message) siya sakin at nagpakilala.. Nang tiningnan ko ang profile niya.. may face pic siya.. at base sa analysis ko sa face pic niya... mukha naman siyang ok... ayon sa profile niya straight acting daw siya. almost a month na din kaming magkatext ng guy na ito. Ayon sa kanya.. wala siyang work at kaka resign pa lang niya. Graduate siya ng kursong nursing, at hindi nga lang siya registrado. Nag resign siya sa dati niyang work .. ewan ko lang kung ano... dahil may balak daw siyang mag apply ng immigrant status sa australia. Nahuli nga lang daw siya ng application last december 2008, kaya nadito lang siya ngayon sa pinas at isang tambay.Napansin ko mula sa textmodes namin.. na isa siyang malungkot na tao. Wala masyadong kaibigan, gumagala o gumigimik mag isa. Usually sa malls daw siya tumatambay.. nanonood ng movie mag isa, kumakain sa mga fastfood mag isa. Isang malungkot ang kanyang pang araw araw na buhay... Minsan magtetext sakin upang ipaalam lang na nasa ganito siyang lugar.. at maisang gumigimik..nagtatanong kung ano ginagawa ko.. at nasaan ako.. Kaninang tanghali.. nag text siya.. the usual text na kung tawagin sa GM. (general mesaage).. nag text... nag papaalalang lunch time na... at kain na daw. sinagot ko siya ng... "eat well enjoy your lunch". Akala ko hindi na siya mag rereply sa text ko.. Muli siyang nag reply ng " pwede bang ikaw ang maging dissert ko tapos ng lunch ko? hehehe". Natawa ako sa reply niya..... inisip kong nagbibiro lang siya.... kaya sinakyan ko ang kanyang biro ng isa pang reply mula sakin... " sige pakabusog ka muna at mas masarap ang dissert mo mamaya. hehehe" .. sa takbo ng palitan ng aming text messages... akala ko nung una ay biruan lang.. nauwi pala sa totohanan... tinanong niya ako kung what time daw ba ang off ko sa work... sinagot ko naman siya... ta tinanong ko naman kung bakit niya tinatanong... bilang tugon niya sa tanong ko..." i need hug at this moment " ... tinanong ko siya kung bakit? ...kung malungkot ba siya or may sakit... sa pagkakaintindi ko kasi ng i need hug... nagpaparamdam siya na gusto niya ng kasama sa kanyang kalungkutan.. at gusto nya ng confort. Ako bilang kaibigan... willing akong maging confort lalo na sa kalungkutan.. yung tipong pwedeng sabihan ng mga sama ng loob.. ganun ako sa kaibigan.. always ready to give a shoulder to cry on..

Nagpatuloy ang aming text mode... at unti unti akong nakaramdam ng kalituhan... buong akala ko kasi ay malungkot lang siya at kailangan niya ng kasama. Nabigla ako nang sabihin niyang... " I just dont need hug... i need also kisses "... Presto!!!.. iba na ang gusto niyang mangyari... gusto na niya ng sex... Tinanong nya ako kung pwede daw ba akong pumunta sa place niya... Pasok na sa isip ko kung ano gusto niyang mangyari kaya tinanong ko siya... "Bakit may place ka ba? pwede ba diyan sa place mo?"... nag reply siya at ang sabi... " ay hindi tayo dito sa unit ko... doon tayo sa rooftop.."... natawa ko sa tugon niya... isipin ko lang yung magiging eksena kung sakaling gawin pumunta nnga kami doon sa sinabi niya.. Nag reply ako.. "huh? rooftop? patay tayo diyan.. ano naman gagawin natin doon sa rooftop?"... "eh diba magpapachupa ka lang naman?" naging tugon niya sa tanong ko... Sa isip isip ko... loko din tong taong to.. naghahanap ng sexual adventure.. sa rooftop pa ng condo nila... na buong akala ko ay yung typical na sexual encouter.... nakahubot hubad.. nag roromansahan... ang hahalikan... etc... eh ang gusto pala eh isa suck lang ako..
Nag reply ulit ako sa kanya... " sensiya na pre.. yung adventure na gusto mong mangyari satin.. mukhang di ko trip.. at wala akong balak gawin.."



gabi:

pagkadating ko ng bahay... konting pahinga lang ang nag online agad ako sa g4m.. upang tingnang kung sinong member ang online sa thread ko.. Pagkabukas ko ng site.. nag pop in ang maliit na window na nagsasabing meron daw akong message. Ang mensahe ay galing sa isang 24 yo guy mula sa Malate manila..narito ang kanyang profile details...

Age: 24
Status: Single Man
Seeking: Email/Chat, Friendship, 1 2 1 Sex.

Last here: 11 Feb 2009
Profile ID: xxxxxxx
Verification level: 16

Private password:
=)

nothing much to say but guys who's sexy and doesn't have any brains at all..BACK OFF.

ako ang nasa picture wag ng magtanong kung ano ano pa!!! pag sa personal mas hot at cute pa ako .... sabihin nyo na ang gusto nyong sabihin..

naghahanap ako ng same; mabait,neat,mature,at presentable naman!


GUYS IF I DON'T REPLY IT MEANS YOU'RE NOT MY TYPE... BACK OFF!!!!

PS: WAG MAKULIT BLOCK ANG KATAPAT!!!


Please read my profile first before you message me.

===================================================

Ipost ko yung history ng palitan namin ng message... basahin niyo na lang.. at ako'y tinatamad ng mag type.. hehehe nasa tamang trip ako kanina kaya sinakyan ko ang PM niya... hehehe


11 Feb 2009, 18:02
guy: hot mo bro!

wanna mit at my place tonight?

Malate here panpacific adriatico, versa, 23, 5'7

pw?=)

private password attached: xxxxx

11 Feb 2009, 18:14
You: ako hot? hehehe.. ikaw lang yata ngsabi sakin na hot ako.. hehehe

11 Feb 2009, 18:18
guy: wana mit tonight at my pad?
u t/b?

private password attached: xxxxx

11 Feb 2009, 18:19
You: top here... pure top...
ikaw ba? top or bottom?

im from fairview... malayo masyado eh..

11 Feb 2009, 18:26
You: here

private password attached: xxxxx

11 Feb 2009, 18:30
guy: sex tau tonight gusto mo

11 Feb 2009, 18:33
You: bukas... gusto mo? after work.. punta ako diyan sa place mo..

11 Feb 2009, 18:35
guy: d ba pwde ngyn?

11 Feb 2009, 19:09
You: di na talga pwede ngayon eh..
bukas nga.. kung gusto mo.. direcho ako diyan sa place mo..

11 Feb 2009, 19:17
guy: ok cge text text

11 Feb 2009, 20:22
You: text text? eh wala naman tayong number ng isat isa.. hehehe


================================

Biruin niyo? buong maghapon.. naka tatlong invitation ako ng sex? ganun pa yata ako ka appeal sa mga nakikilala ko sa cyber.. hehehe Narealized ko... kung siguro bata bata pa ako ng edad ko.. malamang isa na akong POKPOK... hahaha..

Monday, February 9, 2009

pagsusulat...

Minsan, hindi ko alam kung bakit andito ako sa blogging... nakikigaya nga lang ba ako sa mga kaibigan ko na mahilig ding mag blog? o sadyang likas din sakin ang mag sulat ng kung ano ano? Isang kaibigan ang nag bigay daan sakin upang gumawa din ako ng blog na tulad nito. Sa umpisa.. hindi ko alam kung ano ibig sabihin ng blog. ( ano to? parang sound ng pagpabagsak ng isang mabigat na bagay? as in BLAG!!!)korni...hehehe. Pero narealized ko after na mabuti rin pala na may blog din ako at naisusulat ko ng mga bagay bagay na nasa isip ko.. lalo ng yung mga bagay na hindi ko pwedeng ikwento sa mga taong kilala ko sa tunay na mundo ko. Sino sino nga din ba ang mga readers ng blog ko, kundi yung mga taong tulad ko din. Tulad ko din na hindi makapagkwento sa mga taong kilala nila..

Bihira lang akong mag sulat ng entry sa blog ko. Sabi nga.. may tamang mood ang pag susulat. Nagkataong na lang lately busy ako masyado sa maraming bagay, tulad ng work at iba pang mga personal na bagay. At lately.. medyo kuntento na muna ako sa pagbabasa ng mga blog ng iba.. nakakatuwa... nakakaaliw.. Isipin ko lang na sa mga blogs na nababasa ko.. nasasalamin din ang kanya kanya nilang buhay. Bakit sila.. nagagawa nilang magkwento... bakit ako hindi ko itry? well.. sa puntong yan.. mahirap din para sakin ang mag lahad ng mga bagay bagay na may kinalaman sa pagiging ganito ko.. may pagka conservative pa naman ako no!!! hehehe..

natatawa nga ako minsan.. pag nakakabasa ako ng mga kwento tungkol sa ibang tao.. naisip ko. kung ano din kaya mag kwento... ano kaya ang magiging reaksyon sakin ng mga taong makakabasa ng blog ko? hehehe... kung alam lang nila.. hehehe Hindi lang talga ako sanay mag lahad ng mga storya tungkol sa private life ko.. hehehe. Pero well, tingnan natin... baka sakaling nasa tamang mood ako at baka mag kwento din ako.. hehehe.

Sa tingin ko.. mas nakaka sulat ako ng blog pag nasa senti mood ako... ewan ko ba.. madrama din kasi ako eh.. yun iba.. nakakasulat pag happy mood or horny mood sila... pero ako.. hindi ko magawang mag kwento pag nasa ganung mood ako eh.. hehehe... oo malibog din ako.. pero.. parang nahihiya pa din akong mag kwento ng mga sexcapades ko.. daming nagbabasa.. yung mga nasa link ko nag aantay lang sila ng mga postings ko..hehehe

well... as of now.. i just enjoy reading others' blog... masaya na akong nakakabasa ng blog ng iba.. kanya kanyang style.. kanya kanyang drama.. kanya kanyang storya.. kahit paminsan minsan naman.. nakakapagsulat pa naman ako kahit paano.Basta... bahala na.. kung may ma ikwento ko o wala.. just keep watching.. and waiting na lang.. heheh.. minsan wala din naman sense yung mga kwneto ko eh.. hehehe..