Friday, April 17, 2009

Ang ATM Card ko...

Sa mga government employees na tulad ko. Di na uso ang cash kapag kami sumusweldo. Usually sa ATM namin kinukuha ang aming sweldo. Mga ilang taon na din kaming sumisweldo gamit ang ATM card ng Land Bank of the Philippines.

Mga 2 years dapat ang expiration ng isang ATM card. At dapat pinapalitan na agad ito before sumapit and ika 2 years nito. Sa sobrang busy ko.. hindi ko na magawang pumunta sa mother bank para ito'y mapapalitan ng bago. Last February pa dapat ito napalitan. Hindi ko nagawa dahil nga sa sobrang busy.

Kanina mag wiwithdraw sana ako ng cash, pag dukot ko sa wallet ko para kunin ang aking ATM card, ito ang aking nakita. Di ko din alam kung nasaan na yung kaputol ng card, marahil naipit ito sa loob ng aking wallet, kaya nabiyak. Patay, paano na to? Wala akong cash, di ako pwedeng gumimik ngayong gabi. Nakakahiya naman kung wala akong maisi share sa gimik namin.

Huling ginamit ko kasi ang ATM na ito noong bago ako pumunta ng Pangasinan. Linggo ng gabi. Napansin ko may lamat na din ito kaya ingat din ako sa paggamit. Naisip ko na pagbalik ko galing ng Pangasinan, tsaka ko na lang aasikasuhin ang replacement ng ATM card ko. Ngayon na nabiyak na siya, mapipilitan na talaga akong pumunta sa main branch ng bank for a replacement. Kundi, hindi ako makakasweldo sa susunod na payday. haaayy

PS:
Sa mga engkanto, sensiya na.. hindi ko lang masabi sa inyo na walang akong datung ngayon, at nahihiya akong sumama sa gimik. kaya hindi ako makasagot kung sasama ako o hindi. Sensiya na.. hehehe

4 comments:

  1. anak ng. dinosaur na ang ATM mo papa kabayo! lol. chos! hahaha.

    its the next thing i thought of to centurion lol.

    alam ko namang naiintindihan ka naman nina papa rain, mugen, lukayo, bloygsteeeh, dave and everyone else. they lab you naman eee :P

    ReplyDelete
  2. @ Herbs D..

    Centurion is a roman soldier.. not a kabayo.. lols..

    ReplyDelete
  3. omg!. im so sorry. naalala ko na tuloy. they're the ones who have this feather like thing on their head.


    omg im getting dumber and dumber.

    ReplyDelete
  4. ever since this same thing happened to me, naging maingat na ako sa wallet ko, which contained all my cards...hehehe

    ReplyDelete