Naglalakad tayo sa mall, sabi mo sakin ng pabulong. "ano kaya magholding hands tayo?". Napangiti lang ako sa sinabi mo. Pero sa isip ko, "kung pwede lang sana, kanina ko pa hinawakan ang kamay mo". Kelan nga ba ako huling nakahawak ng kamay na isang tao habang naglalakad? Ahhh hindi ko na maalala. Matagal na panahon na yun. At sa babae ko naranasan ang ganun.. Hindi sa kapwa lalaki.
Minsan naisip ko, ano nga kaya ang feeling ng may kahawak ng kamay habang naglalakad sa public places. Whew!!! parang hindi ko kakayanin ang mga mapanghusgan mga mata ng mga tao.
Inaya mo akong manood ng sine. Batid kong sa likod ng ating mga isip na gusto nating maghawakan ng kamay at hindi natin kaya pareho gawin sa harap ng maraming tao. Kaya ito na marahil ang tamang pagkakataon upang kahit sandali na magkasama tayo ay mahawakan natin ang kamay ng isat isa.
Pumasok tayo sa loob ng sinehan, nagmasid, naghanap ng tamang pwesto, tamang lugar kung saan tayo uupo.
Nakahanap tayo ng tamang upuan. Wala masyadong tao, kakaunti lang ang mga nanonood. Ito na ang tamang pagkakataon. Unti unti mong idinikit ang iyong mga braso sa aking braso. Hudyat na gusto mong maghawakan tayo ng kamay.
Hindi na tayo nag atubili pa. Bigla nating kinuha ang kamay ng isat isa. Hmmm.. napakasarap ng pakiramdam, magkahawak tayo ng kamay habang magkatabi sa upuan, habang nanonood ng palabas. Multitasking ika nga.. atensyon natin ay nasa palabas ngunit ang ating mga kamay ay tila may sariling isip, nagkadikit, nagkahawak, na tila ba nag uusap.
Sana ganito tayo palagi, magkadikit ang mga braso... magkahawak ang mga kamay. Mahigpit na pagkakahawak. Hindi man tayo palaging magkasama, ngunit maalala natin ang init ng ating mga palad.

Hehehe. Uyyy, cheesy. Sarap ng feeling ano? (Kahit patago...)
ReplyDeletekuryente! ilang boltahe kaya?
ReplyDeletesweet, i remember holding hands with my ex's inside cinemas. laging patago.
ReplyDeletehmmm..sarap naman..lalo kung mahal mo ang kahawak kamay mo di ba ? =)
ReplyDeleteganyan tlaga... tago tago muna! sweet naman... sarap nman pakiramdam pag ganun! though d kpa nrnasan ang mag ka roon ng special some1 na katulad ko... hahaha
ReplyDeleteNaku, naku naku. Ewan ko ba kung bakit hindi na-gets ni undesirable no. 1 ang rason ko kung bakit di ako showy ng affections. haaaayz.
ReplyDeletewaaaaa. bitter ang comment. erase erase erase.
hayyy ganyan din ako minsan iniisip ko din magholding hands habang nasa mall kaso di talaga pwde mahirap na maeskandalo mga katauhan hehe kaya sa sinehan nalang nga
ReplyDelete