Wednesday, April 22, 2009

Muling Pagkikita... Kamusta na?

Me: ei... musta? may duty ka ulit ngayon?

Him: hmmm.. pauwi na.. lakas ng ulan..

Me: Gusto me meet tayo later? Merienda lang tayo.

Him: San ka ba? San tau kita?

Me: Dito lang anonas.. Meet tayo cubao.

Him: Ahh ganun ba? Kabababa ko lang ng jeep dapat pala dumiretcho nako doon

Me: para makapagkwentuhan na rin tayo.

Him: Ikaw. Ok lang naman sakin.

Me: Sige.. text kita maya.. punta lang muna ako bank.

Him: Sige kuya tara kita tayo, ayaw ko dito sa bahay. Anong time ka ba pupunta? Gusto ko na umalis dito house

Me: Wait lang.. andito pa ako sa bank. inaasikaso ko ATM replacement ko

Him: Ang lakas ng ulan dito sa bahay.. ok jus text me kung pupunta ka na..

Me: Sige... sandali lang to.. matatapos na din ako dito.. text kita pag paalis na ako.


========================================================

Almost 4 months na din kaming magkakilala ng taong ito. Nagkakilala kami sa isang thread forum ng guys4men dati. We had our first GEB and he was one of those whom I invited. But unfortunately.. hindi siya nakapunta. During that time kasi.. hindi yata siya pinayagan ng partner niya na pumunta. But still we continued texting and we became friends.

In one of our gatherings sa engkantadiya. I invited him to join. Though ang akala niya one on one meet lang namin. Hindi niya alam na isasama ko siya sa Videoke Sessions namin. Kaya nagulat siya na different guys ang nakikita at nakikilala niya. And after that gathering.. nagdesisyon akong gawin siyang isang engkanto. Part of our group. Fortunately.. everyone in our group accepted him. Warm welcome ang ibinigay sa kanya. Sa kagustuhan ko talagang mapasama siya sa group, we even gave him a name. Princesa gave him a name "anghel". Bagay daw sa name niya.

But certain events took place.. We parted ways. Hindi kami nagkasundo for some reasons. Ako na din ang nag alis sa kanya sa grupo namin. Sabi nga ni Princesa, "Hinahupit ng Dyosa". The group still managed to continue without his presence. Inisip na lang namin na bata pa talaga siya. Marami pang confusions sa sarili.

Then after a couple of weeks.. nagtagpo ulit ang landas namin. Nagkausap ulit kami sa text at sa chat. As if parang walang nangyari. Ganun pa din ako sa kanya. I still continue giving him advices na parang isang Kuya sa kanya. Though sometimes, medyo nakakainis din kasi, medyo may pagkamatigas din kasi ulo nitong taong ito. Moody kumbaga. Ayaw niya ng pinagsasabihan siya. Gusto din nya yung siya ang nasusunod. And because of that, nagkagalit ulit kami. And i promised myself not to contact him ever. I immediately deleted all his contacts with him, especially sa text at sa YM. Ayaw ko na siyang makausap pa. Matigas kasi ulo. Hindi lang sa taas pati na sa ibaba.. lols..

Then, about a week ago... one of the engkantos, si dukesa sent me a text message asking permission if he can give my number to "anghel". Though alam kong may contacts pa din sila nitong anghel na ito. Sabi ko ok lang na ibigay niya number ko. I realized namiss ko na din naman si anghel and its about time to forget the past. Kalimutan ang sama ng loob.

So there, nagtext siya sakin... kamustahan.. kung ano na nangyari afterall these times na hindi kami nag uusap. Nagkapatawaran, inayos ang hindi pagkakaunawaan. Nagsimula ulit.. or should i say na tinuloy ang dating pagkakaibigan. Maayos na ang lahat. back to normal na ulit. Parang walang nangyari.

Kanina nga.. nagkita ulit kami after almost 3 months. And i came to realize na itong taong ito ay sana maging panghabangbuhay na kaibigan. Hindi man siya ulit mapabilang sa grupo, sana manatiling isang tunay na kaibigan at "kapatid" panghabangbuhay.

Sayo iyo anghel,

masaya ako at muling nagtagpo ang landas natin. Isipin mo na lang na eto ulit ako para gumabay sayo at magbigay ng payo para sa ikabubuti mo. Sana maging matatag ka sa pakikibaka sa mundo ng mga PLU.


10 comments:

  1. sya ba yung nakwento ni joms na magdamag na binantayan ni pinuno ng mag outing overnight sa engkantadia ba yun sa tagaytay? hmmm, enlababo ka. good for you. i wish you both happiness and harmony.

    ReplyDelete
  2. blagadag, si Luna Mystica ang tinutukoy mo. Wala na sya. Lumisan na sa encantadia.

    si anghel naman ay isang pilyong anghel na binawian ng korona ng dyosa, na nagpalaboy laboy na sa purgatoryo according sa source hehehe.

    Ang inaabangan ko ay ang muling pagkikita ng dyosa at luna mystica, kelan kaya yun.

    ReplyDelete
  3. hangsweeet. napaisip tuloy ako. namimiss ko na ang cp ko *sob*

    lemme guess his name: Angelo?

    ReplyDelete
  4. Ang lalim ng kwento dko ma gets :lol: Ngayon ko lang nalaman mga engkanto pala kayo :lol:... Napadaan ulit.. Ingatz

    ReplyDelete
  5. ang kyut.. sana di na kayo mag-away! Have fun!

    ReplyDelete
  6. thanks, actually i wanna treat you like my real older brother and that's for real! mas solid na tayo ngayon, it's better na hindi ako kasama sa group mo at pinagmumulan ako ng away, keep in touch lagi..

    ReplyDelete
  7. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  8. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete