Friday, April 10, 2009

Blog Holiday daw...

Minsan, naisip ko mag blog holiday ng pagkatagal tagal. What's the use kung nag oopen naman ako lagi ng blog ng iba? Anong sense diba? Kung blog holiday talaga dapat.. hindi mo oopen yung blog mo. As in totally walang log in. Blog holiday daw.. pero nagbabasa naman ang blog ng iba.. nakakatawa diba?

Ang daming bloggers na nag blog holiday, kasabay ng pag spend ng vacation nila somewhere. Yung ang totoong blog holiday. Kasi kung sasabihin mong mag bo blog holiday ka tapos panay naman ang view mo sa blog ng iba wala din.. parang nanahimik ka lang sa isang sulok pero panay pa din ang masid mo sa blog ng iba. Nakakatawa diba?

Sabi nga nung isang blogger... Blog holiday is not in my vocabulary.. totoo nga naman.. minsan lang naman kasi siya mag karoon ng time para mag open ng kanyang pc.. mag boblog holiday pa ba siya?


Sa ganang akin.. nung mag hibernate mode ako dati sa blog ko.. hindi ko tinuring na blog holiday yun. Hindi naman kasi ako totally.. nawala eh.. and i still open my blog and view other's blog. So hindi blog holiday yun para sakin. hibernate lang.. as in nagpahinga lang sa kakagawa ng entry.. and besides.. minsan lang naman talaga ako mag post ng entry sa blog ko eh.

Para dun sa mga nag blog holiday... yung totoong nag blog holiday.. enjoy your vacation at alam kong nasa vacation talaga kayo and there's no other way para makapag open kayo ng pc niyo at mag log in dito sa blogspot.com. Hope to see more of your blog entries.

As for me.. since dito lang ako sa bahay.. walang magawa kundi matulog, kumain, mag internet.. enjoy ko na lang din ang sarili ko sa ganitong activities habang bakasyon.

PS:

Sa mga kapwa ko engkanto ng engkantadia... enjoy your vacation.. samantalahin ang bakasyon. Hope to see you soon..

7 comments:

  1. Binalak ko din pansamantalang lumayo sa aking mundo bilang pagbibigay pugay kay Bro. Pero siguro mahina talaga ako dahil ang katulad kong bagong silang na bampira ay naghahana ppa ng mas maraming dugo para lumakas.(kaya todo blog hopping)

    Wag ka mag-alala. Sasamahan kita. Dahil pinasaya mo ako sa yong mga kuwento, lagi na kita dadalawin.

    ReplyDelete
  2. may nakaka-miss sa mga encanto ah. hehehehe. :P

    ReplyDelete
  3. @bampiraako

    salamat sa inyong pagdaan sa aking blog.

    @DN

    oo nakakamiss talaga...

    ReplyDelete
  4. hay naku dyosa, basta ang masasabi ko gaya ng sinabi ko sa blog ko:

    BLOG HOLIDAY IS NOT ON MY VOCABULARY

    :p

    ReplyDelete
  5. Astig nga kayo ni Mugen eh, kahit busy you stil find the time to blog...I asked him one time where he gets the extra energy to do it...Happy weekend!

    ReplyDelete
  6. i confess myself guilty, haha.

    nag leave ako pero, hindi ko mahindian ang mga post ng mga bloggers, makes me feel na nasa pinas lang ako.

    kakatuwa post na ito

    ReplyDelete