Saturday, April 11, 2009

wheeew!!!! ang INIT!!!!

Tuwing sasapit ang summer vacation., lalo na kapag Holy Week. Usual na yung nag i spend ng bakasyon dito sa bahay ang aking limang pamangkin. (23 yo na ang eldest at 3 yo ang youngest). Gawa ng wala nang pasok sa school, dito sila pumupunta. Siyempre masaya ang parents ko at makakasama nila ang kanilang pinakamamahal na mga apo.

Hindi nakaugalian ng pamilya ang mag spend ng Holy Week sa ibang lugar. Eversince dito lang talaga sa bahay. Sabay sabay na ginugunita ang semana santa hanggang sumapit ang Easter Sunday. Isa sa mga activities ng pamilya ay ang magsama sama sa oras ng pag kain., dito kami nagkakasama sama ng halos kumpleto, as in 3 days talga na hindi naghahain ng pagkain na may karne. Gulay at isda lang talga.

Bukod dito ay ang paglalaro ng aking mga pamangkin sa kanilang kiddie pool. Dahil sa sobrang init sa mga ganitong panahon. Naisipan kong maki join sa kanila sa paliligo. Talaga naman pong napaka init ng panahon. Hanggat maari ay oras oras kang maliligo. Tapos nang maligo ang iba ko pang pamangkin kaya dalawa na lang sa kanila ang akong naabutan.

Ang sarap ng pakiramdam. Noong kabataan ko at hindi pa uso ang ganitong kiddie pool kaya parang nagbalik ang aking kabataan kasama ang aking mga munting anghel na pamangkin. hehhehe. Kesa naman magpunta kami araw araw sa resot upang mag swimming, eh dito na lang kami sa bahay. Sa kiddie pool.. kasama ko pa sila sa paglalaro. hehehehe. Next time mas malaking kiddie pool ang bibilhin para magkasya kaming lima ng aking mga pamangkin. hehehe

3 comments: