Saturday, December 26, 2009

Christmas Day Experience Part 2

Nagkasundo kaming magkikita sa kanto ng subdivision nila na nagkataong malapit sa lugar na amin at konting lakad at mga ilang minuto lang ay makakarating ka na agad.

"sir eric nasan ka na po?" text niya sakin

"eto paaalis na ng bahay" tugon ko.

"bilisan po ninyo baka wala na po tayong maabutan na misa"

"bakit naman kasi sa San Beda pa tayo magsisimba eh pwede naman tayo sa bayan lang"

"basta po.. bilisan po niyo"

Sakay ng jeep, mga ilang minuto lang ay nakarating agad ako sa kanto ng kanila subdivision. Nakita ko agad siyang nakatayo sa kanto at nag aabang sakin. Nanibago ako sa kanyang hitsura. IBa pala talaga ang dating ang isang tao kapag ito ay naka uniform na suot kesa sa naka civilian clothes. This time isang naka civilian clothes ang nakikita ko at makakasama. Iba ang dating niya kesa noong una kaming nagkita. He looked better in his all white uniform.

Since malapit lang yung place yung saan kami sasakay patungong SM fairview. Nagdecide na lang kami maglakad. Exercise pa. Along the way... medyo nagkakwentuhan na kami...

Tahimik lang ako.. nakikiramdam. Tahimik lang din siya. So para di maging boring ang lakad namin. Ako na nagbasag ng katahimikan naming dalawa.

"Nabanggit mo sakin na seminarista ka? Bakit nasa labas ka ngayon ng seminaryo?" tanong ko

"sir, may agreement na po yung mga parents ko at yung in charge sa seminaryo na tatapusin ko muna yung medicine bago ako bumalik sa loob"

Since may alam din naman ako kahit konti sa mga rules ng pagpapari, at may kaibigan akong nagpari.. kaya di medyo naging interesado ako sa sinabi niya..

"pwede pala yun? ang alam ko kasi.. you will be given 1 year only para lumabas ng seminary at magdecide kung babalik ka pa o hindi. One year lang yun" tanong ko sa kanya

"Yup usually po ganun talaga.. pero nakiusap po ang parents ko.. tsaka pinagbigyan ko lang muna sila.. Wala talaga sa plans kong maging doctor. Gusto ko talaga mag pari"

"Ang pre-med course ko nga po eh nursing.. sa UP Manila po...licensed po ako. Registered nurse. Isa po ako sa topnotchers a board exams last 2006."

"talaga? ang galing naman... pero bakit di ka nag work as nurse? in demand ang mga nurses sa abroad ah"

"Sa totoo lang po sir, wala po akong planong mag work, gusto ko lang may ma achieve ako.. maging nurse.. maging doctor... at ang talagang hilig ko.. maging pari"

"ganun?... yung iba nagpapakamatay sa pag aaral para makatapos at makapag work agad, pero ikaw.. wala lang sayo? wala kang plano mag work? tapos topnotcher ka pa pala sa nursing board exam. eh di madali kang makakahanap agad ng work niyan!"

" eh ganun po talaga ang plano ko eh hehehe"

nakarating kami sa sakayan gn jeep patungong SM fairview kung saan sasakay naman kami ng bubs patungong Quiapo. Sa bus.. nagpatuloy ang aming usapan..

"Bakit nga pala sa San Beda mo pa naisipang mag simba? May ano ba sa san beda?" tanong ko sa kanya habang binabagtas namin ang kahabaan ng commonwealth avenue.. na medyo trapik na sa bandang fairview pa lang..

"kasi sir ganito po yun.. may dalawang klase ng church.." hindi pa man siya natatapos sa sinasabi niya.. pinutol ko na agad..

"teka teka... lelecturan mo ba ako? mag sisimba lang tayo diba?"

"oo nga po.. pero gusto kong malaman niyo na may dalawang klase ng simbahan... Ang religious at ang diocese..."

"ano naman pagkakaiba nun?"

"mas magandang mag simba sa religious kesa diocese.. kasi sa religious.. mga religious sect ang humahawak.. gaya ng dominican sa UST.. jesuits ng ateneo... recolletos ng San sebastian... franciscans... agustinians..."

tamang interesting din nman ang mga pinagsasabi nitong taong ito kaya tamang nakikinig lang ako...

" sa diocese nman... mga parokya lang yan... walang sekta.. parang hindi solemn mag simba sa mga ganung church... daming tao.. maingay pa... "

somehow very educational ang dating nitong kausap ko.. ganun pala yun.. akala ko basta catholic church pare pareho lang.. may pari nagmimisa.. magkakaiba din pala... now i know..

katahimikan... nakatingin kami pareho sa labas ng bintana.. nag iisip kung ano susunod na pag uusapan..

"may tanong lang ako sayo... if you dont mind..."

" ano po yun sir "

" about yung kahapon.. what made you decide na i approach ako? eh nagkatinginan lang naman tayo? matagal mo na bang ginagawa yun?"

" nasabi ko na sayo yun diba? mukhang ka kasing mabait sir.. tsaka... familiar din po kasi face mo.. parang nagkita na tayo hehehe"

" huh? i dont think so... ikaw di kita matandaan na nakilala o nakita na kita before.."

"but sir.. if you're thinking na matagal ko na ginagawa ito.. nagkakamali kayo.. wala naman sigurong masama sa pakikipag kaibigan diba po?"

"yeah wala naman... pero... bakit may mga banat kang kakaiba? like yung tungkol sa sex?.. gaya kanina... di ko alam kung ano gusto mo.. mag simba o makipag sex..."

" wala po yun.. pasensiya na po... tao lang din po ako.. nalilibugan.. hehehe"

" ganun? eh bakit sakin pa? "

" eh mukha din po kasi kayong tripper eh hehehe"

"hahaha... ganun? sira ulo... hahaha"

"biro lang po hehehe"


Napatingin siya sa relo nya.. at mukhang di na din kami aabot sa San Beda... nag decide na lang kaming bumaba sa UST chapel.. HIndi niya alam na dati akong taga USTE kaya alam kong may misa pa ng mga ganung oras. Nakarating kami ng chapel...saktong kakatapos lang ng misa.. at ayun sa guard na napagtanungan namin.. may kasunod pang misa..


Pagkatapos ng misa... at paglabas namin ng chapel.. naglabas siya ng isang papel.. na may nakasulat. Pangalan ng gamot... at nagpapasama.. punta daw kami ng Mercury Drug. para bumili ng gamot. Napag alaman kong gamot pala yun sa cough.. cough due to allergy.. Pag dating namin sa pinakamalapit mercury drug.. sarado.. kaya dumirecho na lang kami sa Quiapo.. ang famous mercury drug outlet sa tapat ng simbahan. Yeah.. bukas nga siya.. 24 hours ang store... pero wala ang gamot.. out of stock.

Nakakaramdam na ako ng gutom that time. inaya ko siyang kumain pero tumanggi ang binata. Sa SM fairview na lang daw kami kumain.

Sakay ng bus patungong SM fairview. Tuloy pa din ang kwentuhan. Medyo unti unti ko na nakikilala ang binata. Tungkol sa family niya this time ng sentro ng usapan namin. Napag alaman kong nag iisa anak lang pala siya. Tanging 2 kasambahay lang ang kasama niya sa bahay kapag wala ang kaniyang mga magulang na busy pareho sa paghahanpbuhay. Sa LaSalle greenhills siya ng graduate ng High School. At graduate daw siya with honors. Dati daw silang nakatira sa Porbes Park. At 6 years pa lang daw silang nakatira sa kasalukuyang nilang tinitirhan. Sa assessment ko.. mukhang mabait naman ang binatang ito. Hindi mahilig sa nightlife, hindi palabarkada.. hindi umiinom.. hindi nag yoyosi.. in short, clean living siya. Kaya lang....

"Malapit na New Year no?" bigla niyang nasabi.

"Oo nga eh.. ilang araw na lang.. dami na naman magpapaputok.. magiging busy na naman ang mga hospitals. Magpapaputok ka ba?" tanong ko sa kanya.

Kawalan ng malisya, tinanong ko siya kung magpapaputok ba siya at sa tingin ko mukhang takot siya sa paputok. At since isa siyang medical student alam niya kung ano mga karanasan ng mga naaaksidente sa panahon ng bagong taon. Pero namangha ako sa sagot niya....

"Oo magpapaputok ako.. hhehehe as in masturbate! hehehe." sabay mwenstra ng kanay kamay niya na parang nagjajakol..

Nawindang ako sa response niya. Di ko akalaing ganun ang magiging sagot niya. Knowing na kagagaling lang namin sa simbahan at nakita ko mismo kung paano siya ka taimtim na magdasal. Nakasuot pa siya ng malaking scapular at may hawak na rosaryo. Pero bakit ganun? anong nangyari sa kanya? Para siyang nasasapian. di ko alam kung ano magiging reaction ko.. Ang weird... sobra...

"gusto mong makita kung paano ako magjakol? tanong niya sakin...

"Huh?!? ok ka lang? ano ba.. kakatapos lang nating magsimba diba?" tanong ko sa kanya na may halong pagkalito...

Mula sa aming kinauupuan na 2nd to the last row.. tumayo siya at lumipat siya sa pinaka huling upuansa bandang kanan, opposite from where i was sitting.. sa kabilang side. Hindi ko alam kung ano magiging reaction ko. Pinapalipat niya ako sa tabi niya. Hindi ako sumunod..Naisip ko na lang pabayaan siya sa trip niya.. Pero iiling iling na lang ako. Panay ang tawag niya sakin. Nang lumigon ako.. kitang kita ko kung paano niya buksan ang zipper ng pantalon niya at ilabas ang kanyang alaga at jakulin ito. Haaayss... ang weirdo pala ng taong ito.. May topak.. Tinatawag niya ako.. tumabi daw ako sa kanya.. para ma-cover-an daw siya sa ginagawa niya.. Ayaw ako.. naasiwa talaga ako. Major turn off talaga sakin yung nangyayari. Nahinto lang yung ginagawa niya nang may sumakay at umupo sa harap na upuan sa tapat niya. Nakita ko kung paano siyang magmadali sa pataas ng brief niya at mag sara ng zipper at belt niya. Wala siyang choice kundi itigil ang ginagawa niya.

Maya maya ay bumalik siya sa tabi ko. Parang walang nangyari. Balik ulit siya sa normal. Nakipag kwentuhan ulit. Hindi ko na iniintindi ko ano sinasabi niya. Tahimik lang ako. Maya maya..

"sir hanap tayo ng motel along the way.. ituloy natin to.. gusto kong magpalabas.."

di ako kumikibo.. parang gusto ko na siyang iwan sa bus.. di ko gusto nangyayari..

"pero sir.. di ako chumuchupa ah.. at di rin ako nag kikiss... ikaw na bahala sa akin.. ipapaubaya ko na lang katawan ko sayo sir.. tapos natin.. bigyan mo ako ng pera ha.. pamasko mo na lang sakin"

Sa isip isip ko.. turn off na nga ako sa ginagawa niya.. eto pa.. sabihin pa niyang di siya chumuchupa at nag kikiss... wala yata sa plano ko na makipag sex sa tuod. At lalong wala sa plano ko ang magbayad for sex!

Haaaaysss. major turn off talaga.. akala ko ok na siya... may SAPI pala... ang weird sobra.. Binalak ko pa naman sana na tropahin siya at maging kaibigan. At least pwede sana siyang maging panabla sa mga lamanlupa at kutong lupa. For spiritual guidance ba.. hahahaha.

Hinintay ko na lang na makarating kami sa SM fairview at nang dumating kami.. pagbaba namin ng bus.. nagpaalam na ako sa kanya na mauna na ako.. at sinabi ko na lang na may iba pa akong pupuntahan.. biglang talikod ko sa kanya at sabay alis...

WHAT AN EXPERIENCE on a CHRISTMAS DAY!!!


=============================








Christmas Day Experience

I went to mall last christmas eve for a last hour shopping. Nag grocery lang ako ng konti actually Pero bago ako umuwi, nag CR muna ako. On my way to CR, may nakasalubong akong guy. Mestizo, matangkad, at cute. Unang tingin ko pa lang at sa suot niyang all white, hindi maipagkakailang isa siyang student. With his look tanya ko nasa edad 23-25 siya. Nagtama ang aming patingin. Nagkatitigan kami. Naalala ko yung sinabi sakin ng isang friend about sa 3-seconds look. Na kapag nakipatitigan sayo iyo ang isang guy at umabot ng lagpas 3 seconds, may ibig sabihin na yun.

Nang lumabas ako mula sa CR. Nakita ko siya ulit at this time nakangiti na sa akin. Inisip ko kung kakilala ko ba siya o hindi. Pero kahit anong isip ko di ko siya marecognize. Until lumapit siya sa akin. At nagpakilala. Siya daw si Kyle Dane. At inaabot ang kanyang kanang kamay at nakipag kamay sakin. Siyempre flattered naman ako at isang cute na guy ang nakikipagkamay sakin. Hehehe. Pero formal akong nagtanong sa kanya kung kilala ko ba siya at kilala ba niya ako. Ang sagot niya ay hindi daw. Nakipagtitigan daw siya sakin kasi nakipag titigan daw ako sa kanya. Pero since mukhang mabait naman daw ako kaya naglakas loob na daw siyang magpakilala. Natawa pa nga ako nang sabihin niyang familiar daw ang mukha ko at akala niya isa daw ako sa mga kakilala niyang brothers sa seminaryo. Which i found out na isa pala siyang seminarista na lumabas pansamantala para mag aral ng medisina. At sinabi niyang 29 yo na daw siya na mali sa pag aakala kong 22-23 yo.

Konti usap usap at maya maya ay iniabot niya ang kanyang cellphone sa akin at ilagay ko daw ang contact number ko. Para daw textmates daw kami. Mukha naman siyang mabait at okey kausap kaya binigay ko na din ang number ko. Pero ibang name ang binigay ko sa kanya. Ang akong pseudoname na ERIC. hehehe

At nagpaalam na ako sa kanya. Sinabi kong text text na lang siya at magpakilala kung magtetext siya. HIndi pa man ako nakakauwi ng bahay at nakareceive ako ng text mula sa kanya. Ang sabi niya sa text message ay magkita daw kami ng dec 26. same place same time. Nag reply ako upang tanungin kung saan at ano ang gagawin namin at bakit kami magkikita.. (pa inosente effect pa daw.. kunwari hindi alam.. hahaha). And to my surprise, nagulat ako sa reply niya. Imbes nasabihin kung ano gagawin namin pag nagkita kami, ganito ang nireply niya.

"magaling kabang mag suck? Nagpapa fuck ka ba?"

" Naku bro, hindi ko trip yan. Di ko ginagawa yan" sagot ko.

" Ahh ok.. libog kasi ako ngayon eh.. hiya lang ako mag tanong sayo kanina kaya dito na lang kita sa text tinanong"..

"sabagay, expect ko na din yan. Sino nga bang matinong tao ang magpapakilala na lang ng basta basta kundi yung taong sex lang talaga ang gusto." sagot ko

"Matino naman ako sir. gusto kitang maging kaibigan. Kaso horny lang talaga ako ngayon, sensiya na sir". reply nya.

naisip ko.. tutal mukhang sex lang naman yata talaga ang gusto nito sakin eh. burautin ko na lang din siya sa text.

"Nagpapabayad ka ba? kung nagpapabayad ka eh. nevermind. hanap ka na lang ng iba" text ko sa kanya.

"Hindi po sir Eric. Trip ko lang ngayon magpachupa. sensiya na po."

" ok " huling tugon ko sa kanya

Tila yata napahiya yung guy at napansin niyang wala akong interest sa trip niya. Natigil ang aming palitan ng text messages. Lumipas ang gabi. December 25 na. madaling araw. Nakatanggap ako ng text message mula ulit sa kanya. This time nag gi greet ng Merry Christmas. At regalo daw niya. Sabi ko bakit siya nanghihingi ng regalo? eh bago pa lang kami magkakilala. At ano siya bata? nanghihingi ng regalo? nakaramdam ako na mukhang pera lang ang habol ng taong ito sa akin. Oh well.. wala siyang maasahan. Kung pera ang gusto niya.. mukhang nagkakamali siya ng taong nilapitan niya.

kinabukasan.. dec 25, 2pm

"sir eric. simba po tayo sa San Beda.. sama po ikaw sa akin" text mula sa kanya.

Naisip ko... wala naman akong gagawin at di pa ako nakakapag simba, sige kako samahan ko siya.

"bakit sa san beda pa tayo magsisimba.. ang layo yata nun dito" reply ko

"maganda po doon mag simba. tska may bibilhin din po ako doon" sabi niya

"ok. sige wala naman akong gagawin eh what time tayo magkikita? saan?

I was expecting na sasagutin nya yung text ko pero ganito ang nireply niya..

"magaling ka bang chumupa sir? kaya mo ba ubusan tayo ng tamod?"

Bigla akong napaisip. na confuse ako kung ano ba talaga ang gustong mangyari nitong taong ito.

"akala ko ba magsisimba tayo? bakit ganyan ang text mo?"

"nalilibugan ako ngayon sir hehehe" tugon niya

"make up you mind, ano ba gusto mo ngayon, mag simba or makipag sex?"

"sige sir eric, simba na lang po tayo"

========================

itutuloy...






Friday, December 25, 2009

Merry Christmas...

To my family..
to all my relatives..
to all my friends..
to all my brothers in engkantadiya.. the engkantos...
and to my very special someone..

MERRY CHRISTMAS!!!

Saturday, December 19, 2009

isang Linggong Pag ibig..

Nagtext ka from nowhere.. sabi mo kamusta na ako? nagulat ko sa text mo. Ilang buwan ka din hindi nagparamdam since nung first meet up natin. Siyempre na excite ako kasi i was still hoping na magkikita tayo. Yeah nagkita nga ulit tayo. Akala natin ito na.. Akala ko ikaw na.

Naikwento ko sa mga friends ko ang history natin. They were wishing me luck. Sana daw makita at matagpuan ko na ang hinahanap ko. Kasabay noon ay ang pagkalungkot na maaring mawala na ako sa kanila kung sakaling maging taken na ako.

Since nung nagparamdam ka ulit. Naexcite ako.. nagtapatan tayo kung gusto natin ang isat isa.. Sabi mo OO interesado ka sakin. Sabi ko din OO interesado din ako sayo. Nagkita ulit tayo, nag usap. Ang sabi mo wag tayong mag madali. gusto mo munang magkakilala tayo ng lubos. Tinanong kita kung "tayo" na ba.. ang sagot mo.. "makapaghihintay ka ba?". Ang sagot ko.. "basta ba may aasahan ako eh" Ayaw kong umasa sa wala.

Sabi mo, may aasahan naman ako. Eh di mabuti kung ganun. Hinitayin kita.

Pero anong nangyari. Hindi ko lang nasagot yung text mo dahil nasa meeting ako. late ko na nabasa yun text mo.. pero nagreply naman ako. Ilang beses na akong nag reply.. nag text.. kahit isang sagot wala akong natanggap. Inakala kong baka wala na yung number mo kaya tinawagan ko cellphone mo pero nag riring lang at walang sumasagot. Iniignore mo ako. ilang beses na to nangyari. Akala ko nung una busy ka lang talaga at sabi mong hindi ka talaga pala text. Ok granted na hindi ka mahilig mag text, pero pati ba naman tawag iniignore mo.. Iba na to.. hindi na ito biro. Mahaba mang nag pasensiya ko, nauubos din ito. Ayaw ko ng ganito.. kung kelan mo lang gustong maparamdam tska ka lang nagpaparamdam. Ano ako, naghihintay sa kawalan? umaasa sa wala? it's unfair!! hindi tama ito.

Sabagay, sabi nga ng mga kaibigan ko. it's too early.. masyado pang mababaw ang pinagsamahan natin. Ilang beses nga lang ba tayo nagkita at nagkasama. Hindi pa sapat yun para maging matatag ang foundation ng pinagsamahan natin. Kung emotional investment naman ang pag uusapan, kulang pa din. Kaya ok lang sakin kung ano man ang nangyari. At least di masyadong masakit. At least maaga pa lang natapos na agad..at nalaman ko na kung ano status ko sayo at status nating dalawa.

para akong tanga.. nagsusulat ako ng ganito eh hindi mo naman nababasa.. lols. Wala eh.. way of expression ko lang ito. kahit hindi mo mabasa ok lang at least na express ko yung feelings ko.

Anyway, no hurt feelings naman ako. At hindi rin emo type post itong entry na ito.


===========================

btw: nagpalit na ako ng number deleted na din number mo sa phonebook ko. kaya noway para magkaroon pa tayo ng contacts.. so good luck na lang sakin.. goodluck sayo? ewan ko.. bahala ka na sa buhay mo.

Wednesday, December 16, 2009

It's OVER!!!!

I've given you enough time. I've waited for so long. Now it's FINALLY OVER!!!

Saturday, December 5, 2009

Isang tanong .. isang sagot..

My phone rang.. it was him... I saw his name appeared on the screen.. I ignored his call. My phone rang again. And it was him again... Pretending i didn't recognize him.. so i sent SMS..

Me: Who's this? why miss call?

Him: haaays.. kinalimutan na talaga... drey here..

Me: Ahh.. ok..

Me:Oh napatawag ka?

My phone rang again.. and so I accepted the call..

Him: Ei.. musta na? grabe ka... ang dali mo naman sumuko?

Me: After 2 days of texting you and not even once nag reply ka... do you think hindi ako susuko?

Him: Sensiya na... busy lang talaga... kaya nga bumabawi ako eh.. eto nga tinatawagan na kita.

Me: Buti naman naalala mo pa ako?

Him: Bakit naman hindi? sabi ko nga sayo interesado ako eh.

Me: Interesado ba yung ganun? dedma mo ako sa mga text ko?

Him: Busy nga talaga.. sensiya na.. sorry na po..

and the line was cut.. so we continued in SMS mode.

Him: Naputol na... text text na lang tayo... magkwentuhan na lang tayo..

Me: Teka.. gaya ng tanong ko sayo sa text dati.. ano ba plano mo? sakin.. sa atin?

Him: Ikaw.. ano ba balak mo sakin?

Me: Sagutin mo muna yung tanong ko sayo..

Him: Interesado naman talga ako sayo eh..

Me:. Yung naman pala eh. bakit ganun? dedma mo ako sa text? kung interesado ka.. hindi mo gagawin yun..

Him: So ano ba balak mo sakin?

Me: Gusto kita...

Him: Anong gusto? What do you mean?

Me: Gusto kitang makilala pa...

Him: Makilala ba o gusto talga?

Me: Masasagot ko lang yang tanong mo kung gusto kita o hindi pagkatapos kitang makilala ng lubos..

Him: ganun ba yun?

Me:. So ano din ba plano mo sakin?

Him: Una sa lahat magaan yung pagkikita at pagkakakilala natin.. Ok yung kwentuhan natin at pinagsaluhan natin...

Me: tapos?....

Him: parang masarap kang kasama, mabait ka din.. pero di ko lang alam kung maalagain ka..

Me: what do you mean maalagain?

Him: Liligawan mo ba ako?

Me: Uso pa ba yun? interesado ka sakin.. interesado ako sayo.. kailangan pa ba ng ligawan?

Him: Siyempre naman...

Me: Asus nman.. para ka namang babae na kailangan pang ligawan..

Him: So maalagain ka nga ba?

Me: Bakit di natin subukan?

Him: Ikaw ang ayaw subukan, panu ko malalaman kung maalagain ka kung di mo susubukan..

Me: Kaya nga sabi ko subukan natin diba?

Him: Ano ba gusto mo ngayon? ano plano mo tungkol dito?

Me: Subukan nga natin.. para malaman natin pareho..

Him: Kaya mo bang panghabambuhay?

Me: Depende satin yun.. kung sabihin ko na kaya ko.. pero ikaw hindi naman.. wala ding mangyayari..

Him: kaya nga tinatanong kita eh.. kaya mo ba habangbuhay?

Me: kung sa mga kaibigan nga maalaga ako eh..

Him: eh kung sakin? maalaga ka ba?

Me: Eh di kakayanin.

Him: OO o HINDI lang naman ang sagot dun eh...

Me: OO kaya ko!!

Me: Teka.. isang tanong isang sagot?... GUSTO mo ba ako o hindi?

Him: oo o hindi lang ba ang sagot doon?

Me: Yup.. oo o hindi lang..

Him: OO

Me: Ok

Him: panong ok

Me: Ok as in Ok.. gusto din kita...

Him: seryoso? baka naman panghawakan ko yan di mo magawa..

Me: Kaya nga sabi ko sayo subukan natin eh..

Him: Pangit naman yun ganun.. kasi para mo sinabi na anytime pwede kitang bitiwan dahil subok lang to..

Me: Ikaw.. balik ko sayo tanong... kaya mo din ba?

Him: Diba nga nag uumpisa na tayo?... we're getting to know each other..

Me: hmmm.. ok...






Sunday, November 22, 2009

liham para sa iyo

para sa iyo:

3 months ago nagkakilala tayo sa chat.. we exchanged numbers... we exhanged text messages. Continuous texting, we decided to meet somewhere in cubao. We agreed to meet casually. We agreed not to have any expectations para wala masyadong disappointments.. Bahala na.. come what may.

So we had an eyeball.. hesitant ka pa nun.. andun na tayo sa place.. parang ayaw mo pa akong lapitan... pero nakita na din kita base sa description ng kulay ng suot mo.. I was about to text you na kung iwa one way mo lang ako.. bahala ka sa buhay mo.. i was about to press send sa cellphone ko. Buti na lang lumapit ka.. You said "hi " I said "hello".. wala akong masyadong expectation nung time na yun.. kaya nung makita kita.. sabi ko sa sarili ko.. "OK to ah" ma appeal ka naman kahit di ka masyadong gwapo.. tama lang sayo yung hinahanap kong kakisigan. Hindi ka naman halata.. astig ka nga kumilos. Natuwa naman ako siyempre.

Tinanong mo ako "Ano na? what's next?" sabi ko sayo.. "ikaw? ano ba balak mo?".. we decided to go inside the mall.. lakad lakad... kwentuhan ng kaunti. Inakbayan mo ako.. pinisil pisil ang balikat ko.. nakaramdam ako ng kakaiba.. sa isip ko.. "ano kaya gusto nitong mangyari?"

Sa gitna ng ating paglalakad... di ka na nakatiis.. bigla mong nasabi.. "may malamig bang lugar dito?" natawa ako.. sinagot kita ng " dito sa loob ng mall diba malamig dito?" hahaha. Natawa ka din sa sinabi ko pero sinundan mo pa.. "hindi.. ibig kong sabihin doon sa malaming na lugar na tayong dalawa lang heheh"... nakuha ko agad ang ibig mong sabihin... kaya dinirecho na kita... "Trip mo ba? motmot ba ang ibig mong sabihin?" sagot mo... "obvious na ba ako?hehehe.. tara.. may alam ka ba dito sa lugar na ito?"

at nagpatuloy ang ating lakad sa direksyon na kung saan naroroong ang malamig na lugar na sinasabi mo.

(fast pacing) matapos ang nangyari next scene:

"san ba ang uwi mo?" tanong mo sakin. "papuntang fairview ang biyahe ko" sagot ko naman sa iyo.. "o sige.. text text na lang ah" sa ganung linya... malalaman mo kung interesado pa sayo ang taong naka meet mo o hindi.. Ugali kong hindi unang nagtetext... sa puntong iyon.. sa isip ko.. kahit intesado ako sa tao.. di pa din ako ang unang nag tetext.. hinihintay ko siyang magparamdam after nung meet namin.. na kapag una siyang nag text.. ibig sabihin nun ay interesado pa din siya sa akin.. pero kapag hindi na.. wala na akong aasahan pa.. una at huling pagkikita na namin iyon. kahit sabihin pang interesado ako sa kanya.

Lumipas ang ilang araw.. ilang linggo.. wala akong text na natanggap mula sayo.. inisip ko na lang na di ka na talaga interesado sa akin. Pero hindi ko agad binura number mo sa phonebook ko. Ugali ko talaga iyon.. ang di agad nagbubura ng number.. pero sa tinagal tagal mong di pag tetext.. naisama ko na sa mga numbers na dinilete ko ang number mo.

Isang umaga... may unregistered number na nag appear sa cellphone ko.. "hello eric, musta na?" since unregistered number nga.. hindi kita na kilala... tinanong kita kung sino ka.. sabi mo ikaw si Drey.. yung nameet ko sa cubao 2 months ago.. ang tagal na nun.. di na kita maalala masyado.... until you finally told me the key words.. "ako yung nag aaral sa Arellano University... na taga makati"

So ikaw pala yun... ang tagal mong di nagparamdam.. hindi ko alam kung ano nangyari sayo.. pero ang sabi mo.. hinihintay mo lang akong mag text sayo... at inakala mong hindi na ako interesado sayo iyo kaya di ako nag tetext sayo.. Well.. pareho pala tayo ng prinsipyo pag dating sa ganyang bagay.. kaya di rin ako nag tetext sayo.. kasi hinihintay lang kitang mag text sakin... eh yun pala.. nag hihintayan lang pala tayo.. so ibig sabihin pala.. interesado pala tayo sa isat isa..

At nagpatuloy ang ating communication thru text.. nasabi mo sakin na you're considering me.. kasi ok naman ako sabi mo.. sinabi ko din sayo na interesado din ako sayo.. at bihira akong magka interest sa mga na meet ko...

Kahapon... inaya kitang lumabas... manood ng sine... kumain sa labas... Date nga yata na maituturing yung ginawa natin.. pero.. friendly date lang siguro muna yun.. kasi.. we're just getting to know each other pa lang... dami nating napag usapan.. dami nating napag kwentuhan.. until matapos ang "date" natin.. at nag decide na tayong mag hiwalay... inaya kita na sumama sa gimik ko kasama ang mga kaibigan ko.. pero tumanggi ka at nahihiya ka kamo sa kanila. Tinanong mo ako kung paano kita ipakikilala sa kanila. Sabi ko sayo.. ipapakilala kita bilang kaibigan ko.. wala nang iba pa.. at yun lang naman talga ang kung ano meron satin diba? kaibigan lang.. Tinanong mo din ako kung ilan ang mga makakasama ko.. at ilang taon na sila.. Sabi ko sayo.. marami sila.. mga nasa age 22-33 sila... i just wondered why did you ask those question... tinanong kita kung bakit mo tinatanong yung mga bagay na yun.. "para mapanatag ako kung saan at sino sino makakasama mo".... "mga kaibigan ko sila.. lagpas 2 years na kaming magkakakilala.. kaya wala ka dapat ipag alala... at di sa pagiging defensive.. walang something na nangyayari sa amin ng mga kaibigan ko.. mababati sila.. at parang mga kaptid na ang turingan namin sa isat isa.."

habang nasa gimik ako... tinanong mo ako kung anong oras ako matatapos.. gusto mong makipag meet pa ulit sa akin.. kaso.. medyo nakainom na ako.. kaya tinanong kita kung ok lang sayo na nakainom na ako.. sabi mo.. ok lang.. basta di ako gumagapang sa kalasingan.. at tinanong mo din ako kung ano ba ako pag lasing.. sabi ko sayo.. ok lang ako.. matino naman ang isip ko pag lasing.. at alam ko pa naman ang ginagawa ko...

nagkasundo tayo na mag kikita after ng inuman namin ng mga kaibigan ko.. pero sa kasamaang palad... inabot na kami ng 2am.,, tinext kita kung gising ka pa.. sabi mo.. oo at hinihintay mo lang text ko.. pero since umaga na... almost 2am na nga... sinabihan kita na mag pahinga ka na lang at masyado na kitang naabala... at ako.. medyo tipsy na din sa kalasingan.. kaya di ko na din yata kayang pumunta pa sa lugar na ating pag tatagpuan...

kinaumagahan... tinext kita.. pero di ka nagparamdam... inakala ko na baka tulog ka pa... hanggang pagkagising ko ng tanghali.. tinext ulit kita... wala pa ding reply... hanggang ngayong gabi... at last nag text ka din... akala ko.. nagtampo ka na sakin... sabi mo.. maghapon ka ding natulog.. kaya di ka nakakapag reply sa mga text messages ko..

sa muling pagkikita...

eric






Wednesday, September 9, 2009

S.O.S. / 911

SOS is the commonly used description for the international Morse code distress signal (· · · — — — · · ·). This distress signal was first adopted by the German government in radio regulations effective April 1, 1905, and became the worldwide standard under the second International Radiotelegraphic Convention.

In popular usage, SOS became associated with phrases such as "Save Our Seamen", "Save our Ship", "Survivors On Shore" or "Save Our Souls". These were a later development, most likely used to help remember the correct letters (something known as a backronym).

==========================
Source: Wikipedia


Kadalasan, kapag nakikipag meet up ka lalo na kung wala kang idea kahit isa kung ano ang hitsura ng iyong kikitain, masasabi kong ito ay isang makikipag sapalaran. No Idea ika nga. Nakakakaba, nakakatakot. Bawat isa naman siguro sa atin ay may kanya kanyang preferences sa kung ano o gusto natin sa isang taong kikitain or i mi meet up natin.

Isang stratehiya ang natutunan ko mula sa isang kaibigan, ang tinatawag na S.O.S. or 911, na ang ibig sabihin ay kapag may na meet kang hindi pasado sa iyong panlasa ay maaring mong gamitin ang stratehiyang ito. Ititext mo ang iyong kaibigan ng S.O.S. or 911. Na ang ibig sabihin ay nanghihingi ka ng tulong mula sa tinext mo na i save ka sa isang sitwasyon na ayaw mo at gusto mo agad makaalis o iwasan ang taong na meet mo. Kapag na send thru text ang S.O.S / 911.. ikaw ay tatawagan ng pinadalhan mo ng mensahe nang sa gayon ay magkaroon ka ng reasonable (kunwari) na dahilan upang umalis at magpaalam sa ka meet mo na hindi mo tipo.

Ako, paminsan minsan ay nakikipag meet din ako, hindi man lahat pasado sa panlasa ko ang mga na mi meet ko, pero hindi ko pa yata nagamit ang stratehiyang ito. May sarili akong paraan upang magkaiwas sa sitwasyon hindi ako kumportable. Hindi naman ako yung tipo ng nakikipag meet ng one - way. Marunong akong humarap sa taong ka meet ko. Hinaharap ko siya kahit hindi man siya pumasa sa panlasa ko. Isa lang naman ang panuntunan ko pag dating sa ganyang bagay. Kung sa unang meet up namin at nakita kong hindi sumang ayon sa pamantayan ko ang ka meet ko. Isang casual na meet up lang, yung tipong tahimik lang ako at hindi masyadong kumikibo. Pero tao ko siyang haharapin. Kakausapin. Iniiwasan ako ang mga usapang may kinalaman sa sexual. Kung malakas ang senses ng ka meet ko mahahalata niyang hindi ako kumportable sa kanya. Na hindi siya pumasa sa panlasa ko. Hindi ako sobrang gwapo kaya wala ako karapatang maging choosy or whatever, pero naman, magiging totoo lang sana ang ka meet ko. Pag sinabi niyang ganito siya, dapat panindigan niya. Huwag naman siyang maging faker, pretender.

Sa recent meet up ko, may nakilala ako from chatroom. Isang IT professional na nagtatrabaho sa makati. Maganda ang naging simula ng aming usapan. Hindi man kami nagkaroon ng pagkakataong magpakitaan ng face pic. at natural na sa akin ang hindi manghingi ng face pic ng kachat ko dahil ayaw ko ding hingian ako ng face pic. Tama na yung magsabihan kami ng ASL or STATS. Kapag nagbigay kay ng mga ganung detalye, ibigay mo ang totoo para di madisappoint sayo ang ka meet mo. Sa ganang akin, since hindi man ako nagpapakita ng face pic, nagbibigay naman ako ng tamang description ng sarili ko.

Itong na meet ko recently, ayun sa kanya, 35 m fairview ang kanyang ASL, at 5' 6 fair medium built, discreet at straight acting naman ang kanyang STATs. So base sa kanyang description, na figure out ko na kung ano ini expect kong hintura ng taong i mi meet ko. Tumagal nang halos 3 weeks ang aming communication thru text messages at nag decide kaming makita. since pareho kaming available ng mga oras na iyon at halos magkalapit lang ang aming lugar. Pero, Nampucha!! anak ng pusang gala!!.. nang makita ko na eh. Kabaligtaran sa lahat ng mga descritions na binigay niya. Sobrang disappointed ako. Ayaw kong maging brutally frank sa kanya at hindi natural sakin ang ganun, pero ganun pa man, pinakiharapan ko pa din siya ng maayos. So habang magkasama kami, pinaramdam ko sa kanya na disappointed ako sa nakita ko at hindi ako kumportable na kasama siya. Isang tanong at isang sagot lang ang ginawa ko. All througout, tahimik lang ako. At nang makaramdam ako ng bored na ako, ako na din mismo ang unang nag paalam.





Wednesday, August 26, 2009

Ang Blog...

Matagal tagal an din akong blogger, since 2007 . I was just encouraged by a friend who is a ablogger too since 2004 pa. At first, since it was new to me, madalas akong nag boblog I write many things from simple experience to a more exciting one. But lately, i find it boring na. Or maybe because wala lang akong maisip na bagay na pwedeng i blog.

Minsan, naitanong ko sa isang kaibigan, ano nga ba purpose bakit tayo nagbo blog? Mag papansin? Maka catch ng attention ng ibang blogger? Ipangalandakan ang mga experiences natin sa buhay na dapat sa atin na lang? Sabi ng isang kaibigan, kaya daw tayo nag boblog eh para daw humingi ng simpatiya sa ibang bloggers na nagbabasa ng blog mo. At isa pang kaibigan ang nagsabi na ang blog daw ay para lang daw sa mga emo. Dito kasi sa blog nailalahan ng mga emo ang kanilang mga damdamin. At isa pa ding kaibigan, dito daw sa blogworld makikita ang sandamakmak na mga pekeng tao. Na ang mga sinusulat mostly ay mga blog na nagbibigay ng good impression sa pagkatao nila. Sa bagay, may point siya. Ikaw ba naman susulat ka ng blog na ikakasira mo? I mean.. mag poproject ka ba ng bad image? Hindi siyempre. Hanggat maari pa good shot ka sa mga readers mo.

Pero ano nga ba ang purpose natin sa pagsusulat dito sa blog? Sa ganang akin, ang pag susulat ko ng blog ay isang libangan lamang. Sinusulat ko kung ano ang kasalukuyang nilalaman ng utak ko. Yung laman ng puso ko. Aminado ako.. minsan emo din ako. Pero hindi para manghingi ng simpatiya or magpapansin. Inilalahad ko lang ang mga bagay bagay.. parang tipong nagkukwento lang. Hindi ako humihingi ng opinyon or suggestion kahit kanino. Basahin niyo mga comment ng blog entry ko. Bihira lang akong mag react sa mga comments ng readers ko. Minsan nakakatawa, minsan, nakaka flatter pero... wala lang.. no comment na lang ako.

Lately, hindi na ako masyadong nagsusulat ng blog entry.. parang nakakatamad na din kasi. Usually.. puro basa na lang gingagawa ko. Minsan, nakakatamaran ko na ding magbasa. Madami akong sinusundang mga blogs, pero sa dami nila, iilan lang ang mga binabasa ko. Mostly kasi, pare pareho lang din ang mga tema ng blogs nila. Palipas oras na lang. walang magawa eh.. kaya basa na lang ng basa..


==================

Disclaimer:

Ang blog na ito ay opinion lamang.. wala sino man ang pinatatamaan. Mag react kayo kung gusto niyo.. Ako ay nagsusulat lamang..

Monday, August 24, 2009

Repost lang... walang maisip na storya..

Liham ni Bebeng



Registered nurse si Bebeng sa L.A. Kasama niya ang kanyang ina na nagpagamot doon. Namatay ang ina nito. Dahil sa kamahalan ng pamasahe pabalik sa Pilipinas, nagtipid si Bebeng. Pinauwi na lang niya ang kabaong ng kanyang ina na mag-isa.

Pagdating ng kabaong, napansin ng mga kapamilya niya na nakadikit ang mukha ng ina sa salamin ng ataul. Nagkomento tuloy ang isang anak, "Ay, naku! Tingnan mo 'yan... hindi sila marunong mag-ayos ng bangkay sa Amerika! Nakudrado tuloy ang mukha ng inay."

Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan ang kabaong. Aba ! May sulat na-nakastaple sa dibdib ng ina. Kinuha nila ito at binasa. Ang nilalaman ng liham na mula kay Bebeng:

Mahal kong tatay at mga kapatid:

Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang nanay sa pag-uwi riyan sa Pilipinas dahil napakamahal ng pamasahe. "Ang gastos ko pa lang sa kanya ay mahigit $10,000 na. Ayoko nang isipin pa ang eksaktong halaga. Anyway, ipinadala ko kasama ni nanay ang mga sumusunod...

Nasa likod ni nanay ang dalawampu't apat na karnenorte at isang dosenang spam. Ang adidas na suot ni nanay ay para kay tatay. Ang limang pares ng de-goma ay nasa loob ng dalawang asul na Jansport na backpack na inuunan ni nanay. Tig-iisa kayo.

Ang iba't-ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa puwetan ni nanay. Para sa mga bata ito. Bahala na kayong magparte-parte. Sana'y hindi natunaw. Ang pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni nanay ay para sa bunso ni ate. Gift Ko sa first birthday ng bata. Ang itim na Esprit bag ay para kay Nene.

Ate, nasa loob ng bag ang pictures ni inay, japanese version ng pokemon trading cards at stickers. "Suot ni nanay ang tatlong Ralph Lauren, apat na Gap at dalawang Old Navy t-shirts. Ang isa ay para kay Kuya at tig-iisa ang mga pamangkin ko. Maisusuot ninyo ang mga iyan sa fiesta.

Suot din ni inay ang anim na panty hose at tatlong warmer para sa mga dalaga kong pamangkin. Isuot nyo sa party.May isang dosenang NBA caps sa may paanan ni nanay. Para sa inyo, itay, kuya, dikong, Tiyo Romy. Bigyan nyo na rin ng tig-isa 'yung mga pamangkin ko at 'yong isa ay kay Pareng Tulume.

Ang tigdadalawang pares ng Nike wristband at knee caps na suot-suot din ni nanay ay para sa mga anak mo, diko, na nagbabasketball. Tigdadalawang ream ng Marlboro lights at Winston red ang nasa pagitan ng mga hita ni nanay.

Apat na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang dishwashing liquid, isang Kiwi glass cleaner at tig-aanim na Colgate at Aqua Fresh ang nakasiksik sa kilikili ni nanay. Hati-hati na kayo, huwag mag-aagawan.

Isang dosenang Wonder bra ( Victoria 's Secret ata ang tatak)gustong-gusto ni Tiya Iskang society natin, suot-suot din ni nanay. Alam kong inaasam-asam nyo 'yan, tiya. Anim na lipstick lang ang kasya sa bra. Ang Ro lex na bilin-bilin mo tatay, suot-suot ni nanay. Nakatakip sa Nike na wristband. Kunin mo agad, Itay.

May isinisik akong zip-loc sa bunganga ni Inay na naglalaman ng $759 dollars. Hindi na ako nakatakbo sa ATM. Puede na siguro sa libing iyon.

Iyong tong na makokolekta, i-time deposit niyo Kuya para pag namatay si Tatay may pambili na ng ataul.Ang hikaw, singsing at kuwintas (na may nakakabit pang anim na nail cutters) nagustong-gusto mo, ditse, ay suot suot din ni nanay. Kunin mo na rin agad, ditse. Ibigay mo ang isang nailcutter kay Jay bakla sa kanto.

Tanggalin niyo ang bulak sa ilong ng inay, may isiniksik ako 3 diyamante sa bawat butas. Ibangon niyo lang si inay at tiyak na malalaglag na ang mga iyon. Konting alog lang siguro ng ulo.

Marami pa sana akong ipaglalalagay kaya lang, baka mag-excess at si nanay pa ang maiwan. Basta parte-parte kayo, tatay, kuya, ate, dikong, ditse. Para sa inyo lahat ito. Bahala na kayo kay nanay.
Pamimisahan ko na lang siya rito.

Balitaan ninyo na lang ako pagkatapos ng libing. Alam ni ate ang email ko. Paki-double check ang lista kung walang nawala sa mga ipinadala ko.

Nagmamahal,
Bebeng


====================

Copy paste ko lang ito sa isang thread ng g4m..

Nakakaaliw basahin. Sa isang simple storya... inilalarawan ang ugali nating mga Pinoy. Gagawin ang lahat ng paraan para lang mapasaya ang mga mahal sa buhay. (close family ties ika nga). Nakakaaliw.. nakakatawa pero totoong nangyayari. Dinaan lang sa isang kakatuwang kwento. Ganyan tayong mga Pinoy. Resourceful, creative at unique!!!

Sunday, August 16, 2009

back to gym..

Halos 3 years na din ang nakararaan ng tumigil akong mag buhat ng bakal. Isang dating kaibigan ang unang naging instructor ko. Parents niya ang may ari ng gym at nagkataon malapit lang sa aming lugar ang gym, nahikayat niya akong pumasok sa gym. Noong una, di ko ma gets ang reason kung bakit kailangan pang mag gym, eh ok naman ang katawan ko at di ko na kailangan magpalaki pa ng katawan. Tumagal ang ilang buwang pagpunta ko sa gym, medyo kahit paano na develop din naman ang mga muscles ko, lalo na sa bandang balikat at braso. Pero kalaunan, tinamad na din ako gawa ng pagka busy ko sa trabaho.

Lately, isang kaibigan (RAIN_DARWIN) ang nagbukas ng kanyang bagong negosyo, ang gym. Dahil na din sa isa siyang gym buff, bagay lang sa kanya ang pagtatayo ng ganung klase ng negosyo. Hinikayat din niya akong bumalik sa pag bubuhat. Kahit na malayo ang gym niya, isang motivation din yun para sa akin ang pumunta sa gym, bukod sa reason na gusto kong mawala ang tiyan ko, at mapalitan ng six packs abs ( how i wish sana nga mapalitan ), kaibigan din siya na pwedeng umalalay sa akin. Actually, siya nga ang gym instructor ko. San ka pa, kaibigan mo na.. gym instructor mo pa, tapos, kaburautan mo pa. hahaha o diba, all in one! Tapos yun isa pa naming kaibigan (KNOX GALEN) na gym addict din, magiging instructor ko pa. Dalawa na silang mag mo motivate sa akin na ituloy tuloy ko ang pag bubuhat.

Sa ngayon... nakaka 2 days pa lang ako, ramdam ko ang hirap lalo na mag nagsisimula ka pa lang. Masakit ang buo kong kalamnan, ang mga braso ko, ang hita ko, ang balikat ko pati na din ang dibdib ko. Pero ganun talaga, sabi nga doon sa nakapaskil sa pader ng gym, "NO PAIN, NO GAIN". Kailangan talgang maghirap ka muna para makamit mo ang inaasam asam mong bagay.

I hope, matagalan ko ito at makasanayan ng systema ko ang pagbubuhat. At sa tulong ng mga kaibigan kong sina RAIN_DARWIN at KNOX GALEN, makakamit ko ang minimithi kong ganda ng katawan. Bigyan niyo ako hanggan December, hopefully, may improvement na sa anyo at porma ng aking katawan.


Saturday, August 8, 2009

Thursday, August 6, 2009

This is funny....


*matindi galit ng writer nito kay PGMA.. lols

MANILA BULLETIN page 20 Aug. 6, 2009

Tuesday, July 28, 2009

ENGKANTADIA hits 2 years


Today July 28, 2009 marks the 2nd anniversary of the ENGKANTADIA!!!

Date: July 28, 2007, 7:00 pm
Place: Klownz Araneta,
Cubao, Qezon City
Who: Caretaker ( Dyosa )
Str8manly (Princesa )
Orbiter ( Amazona )
Tagay_mo_par ( Diwata )
Marhk ( Santa )

and the rest is history
Add Image
HAPPY 2nd ANNIVERSARY mga Engkantos!!!

=============
photo credit: courtesy of Rain Darwin

Saturday, July 18, 2009

just a thought...

"Sometimes you just have to put a PERIOD on something that has to END, and not a COMMA... why? 'coz time will come, you'll realize that it's nicer to see a COMPLETE SENTENCE, rather than seeing a phrase that's completely hanging and doesn't even make any sense.."

Sunday, June 28, 2009

These make Sense...

PHILOSOPHY IN LOVE...

1. "Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.."

2. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."

3. "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."

4.. "Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."

5. "Kapag simple ka lang mas maganda. Kapag guwapo mas malamang na napagsawaan na."

6. "Mas madaling mag-uwi ng guwapo kesa sa pangit. Ang pangit kasi natipuhan mo na lahat-lahat sila pa ang nagmamaganda."

7. "Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."

8. "Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din."

9. "Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."

10. "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."

11. "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang."

12. "Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."

13. "Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt,malandi, pa-fall o paasa."

14. "Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka."

15. "Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority."

16. "Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya."

17. "Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."

18. "Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala"

19. "Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan"

20. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay!
Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"

21. "Ang pag-ibig parang imburnal...nakakata kot mahulog...at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka.."

22. "Kung ayaw sayo, wag mong ipagsaksakan ang sarili mo, isipin mo lang, hindi siya kawalan sa buhay mo"

23. "Mas magandang mahalin ang taong mahal ka kesa sa taong hindi ka mahal. Ang taong mahal ka... napag aaralang mahalin, pero ang taong hindi ka mahal, kahit anong aral ang gawin mo.. hindi ka talaga niya mamahalin."

24. "Kung magpapapasok ka ng bisita sa bahay mo, wag mong hayaan ipasok ang niya ang sapatos niya. Para wala kang bakas na lilinisin pag umalis na siya"

25. "Wag kang magseryoso sa taong hindi naman interesado sayo. Para ka lang nagpagod na ma perfect ang isang exam na hindi naman pala recorded."

26. "Pwede mong iwanan and isang tao nang di mo pinababayaan. At pwede mo din pabayaan ang isang tao nang di mo iniiwan".

27. " Ang pag ibig, parang sports yan, di mo kayang maipanalo ang isang laro kung reserba ka lang."
===========================


Thursday, June 25, 2009

NURSE DUDE

It was 2007 when I first met this guy. I was invited to a conference chat sa YM that time. Though naka park lang ako, hindi ako nakikipag usap sa mga tao sa conference chat. Even yung chatmate na nag invite sakin, di ko din kinakausap. But this guy, nag mack sakin. Nakita niya name ko sa list of chatters. Medyo catchy kasi username ko kaya siguro nagkainterest siyang i mack ako. Sabi niya sakin sa PM niya sa YM, "hey chong!, musta, taga saan ka?" panimulang banat niya sakin.

"Taga fairview ako pre" reply ko sa kanya. Since then, we started chatting. About 5 minutes later, nag log out na ako sa conference room. Nag solo chat na lang kami. From our talks, I've learned that he's a married man. He's 33 yo who lives in Alabang.

At first very hesitant akong kausapin siya, but he seemed very nice naman kaya kinausap ko na. Everynow and then, whenever he has time to log in sa YM, he sees to it na magkakachat kami. Kamustahan, update ng mga kung ano anong bagay about sa amin. Ganun lagi ang routine ng pag uusap namin.

I remember pa nga, It was New Year's Eve yata yun, nagka chat kami. Problematic siya, kasi nag away daw sila ng Mrs. niya. Nilayasan daw siya ng Mrs. niya. Nagseselos daw at wala na daw kasi siyang time para sa mrs. niya. Ayun, nag away daw at lumayas, isinama pa daw ang anak nila sa paglalayas.

Problematic ang mokong that night. Gusto daw niyang mag wala, mag lasing at maghuramentado. Ayun, sa pakikipag usap sakin, nakumbinse ko na kumalma lang at napaniwala ko siya na away mag asawa lang yun, tampuhan baga. Sabi ko, palipasin lang niya ang init na ulo niya, nila pareho at maayos din ang lahat. Somehow, naging magkaibigan naman kami kahit konting panahon pa lang ang pagkakakilala namin.

The middle of 2008, our communication has stopped. I dont know why. Hindi ko na din siya masyadong naaalala, di ko nga na tetext eh.. Maski sa YM di ko naman nagawang mag send ng offline message. Basta na lang natigil yung communication namin.

Then, early this year, biglang may tumawag sa CP ko. Unregistered number. From other line, I've heard a voice saying...

"Chong, musta ka na? Si Mike to.." i was not able to recognize him, kaya nag respond ako..

"Mike who? kilala ba kita? San mo nakuha number ko?" i asked him.

"Ano ka ba chong?!! di mo na ako naalala? Si Mike, yung chatmate mo, yung married man, na hiniwalayan ng asawa nung new year's eve, remeber?" still i couldnt remember him..

Pretended I knew him.. "Oh mike ano na balita sayo? ano na nangyari? Bakit ngayon ka lang nagparamdam?"

"Sensya na chong, medyo naging busy lang , ngapala, nagpalit kasi ako ng number pero nasave ko naman tong number mo kaya tinawagan kita"..

As I continue talking to him, unti unti ko na din siyang naaalala.. So i asked him. "Nag oonline ka pa rin b? Tagal na tayong di nagchachat ah?"

"bihira na chong.. busy kasi ako, laging duty ko sa gabi kaya pag uwi ko, tulog na lang ako sa bahay, wala na time mag online" he explained.

"Ah ganun ba? online ako ngayon pre, usap tayo, baka malaki na babayaran mo sa tawag mo niyan sakin"

"Ok sige chong, in 5 minutes, wait mo ako, online ako"

Then we chatted online. I found out that he's working as a RN (Registered Nurse). Employed in a well-known hospital somewhere in Mandaluyong City. He's been very busy lately kaya di na daw siya nag oonline. And as for his family, he and his wife got finally separated. Yung mag ina niya nag migrate na sa abroad. His wife is a foreigner. Japanese i think, and left the country together with their daughter.

Last week, we were able to chat again through YM. We talked a lot of things. From career, to lovelife to sexlife. At one point, we got the chance to talk about sensual things.

"So since separated ka na, how do you manage to have a sexlife? I asked.

"Well, chong, paminsan minsan, nakaka score pa naman, hehe" he replied.

"Score? bakit, naghahire ka ng prosti?"

"Hindi, chong, mahirap na sa prosti, magkasakita pa ako. Tska chong, magastos ang prosti, Baka kumabit pa, mahirap na"

"So pano ka nakaka score?", mukhang kinukutuban na ako sa mga dialogues nitong mokong na ito.

"Basta, dami diyan, hehe, mag online lang ako, dami ko na nakikitang willing. hehehe"

"Hmmmm.... mukhang alam ko yan ah! hehehe"

" hehehehe."

Reading between the lines.. i can sense, mukhang dumidiskarte itong mokong na to sa mga tulad ko..

"Pre, can i ask you a question, if you dont mind" I curiously asked him.

"Ano yun chong?" he replied..

Direchahan na to... "Bisexual ka ba?"

"Hmmm... tingin mo? hehehe"

"Hmmm OO"

"San ba tayo nagkakilala? Diba sa YM Conference dati? Alam mo kung ano nature ng conferene roon na yun diba? Do you think, magkikita tayo doon kung straight ako?"

"Hmmm... sabi na nga ba eh.. hehehe honga nga naman.. wala nga palang straight guy doon.. hehehe"

Medyo nagkaroon ako lalo ng interest sa kanya, knowing that he's a married man, and we're on the same age bracket ...Kaya im sure, we have the same thought. So we continued talking..


After chatting a couple of times sa YM, we decide to meet. At first hesitant akong makipagmeet sa guy na ito. I remember in one of our chats, We showed face through cam. I didn't have the chance to see his face at a clear view. madilim kasi cam niya. Unlike mine, he was able to see me very clearly. It not unsual for me to let somebody see me on cam right away. I prefer him seeing me personally rather than pics or cam. But we he asked me to show on cam... I was forced to show my face. When he saw me, there was silence.. i was thinking na baka hindi niya ako nagustuhan. Then all of a sudden..

"Chong kelan tayo meet?" he asked

"Seryoso ka pre?" i replied.. " thought ayaw mo na ako.. bigla ka kasing natahimik eh"

"Hindi chong!, wala naman sakin ang looks eh.. tsaka di ka naman panget ah" Maayos naman looks mo.."

"ok, ikaw bahala, tell me kung kelan mo gusto"

Two days after, we agreed to meet. Isisingit lang daw niya sa busy schedule niya yung meet up namin. Sabi ko.. basta free ako ng 4pm onwards. Monday to friday. Medyo kinakabahan ako sa pagkikita namin. Its been a along time kasi na huli akong makipag meet ng medyo formal at walang ibang agenda.. Basta meet lang talaga..

Around 3:00pm friday, nagtext siya. "Tuloy ba tayo chong?"

"Yeah, tuloy, pa out na ako ng work. Kita na lang tayo sa Crossing"

"sige chong, see you later.."

Sa MRT pa lang, text text pa din kami at medyo kinakabahan talaga ako. At last makikita ko na din ang long time chatmate ko.

"Chong dito na ako, san ka na?" text niya sakin

"Pababa na ko ng MRT, wait ka lang" sagot ko

"Ano soot mo chong, naka blue tshirt at maong ako"

"Nakamaong din at brown tshirt with white cap" sabi ko.

Unang kita ko pa lang sa kanya mula sa malayo, sabi ko sa sarili.. eto ba siya? Putcha, jockpot ako dito, ang gwapo (kilig). hehehe. I never expected na ganun siya kagwapo sa personal. Matangkad, mga 5"11" yata ang height, maputi, semikal, at may brace ang ngipin, Flawless ang kanyang kutis.

'Chong san tayo?"

"Kain muna tayo pre, medyo gutom na din ako eh"

"Wag na chong, iba na lang kainin natin, magkainan na lang tayo" pabulong niyang sabi sakin habang naglalakad kami

Hindi ko alam kung ano isasagot ko sa kanyang sinabi .."Sigurado ka? Ano ba balak mo?"

"may alam ka bang mot mot na malapit dito?. tara doon na lang tayo magkainan, hehehe"

Hindi na ako nag aksaya pa ng sadali, sinama ko siya sa isang private place na malapit sa lugar na iyon. Minsan lang mangyari ito sa isip isip ko. Kaya bago pa magbago ang isip niya, sinama ko na siya agad..

Pag pasok namin sa lugar na iyon.. yun na.. doon na naganap ang mga bagay na walang kasing sarap.. hahaha (Imagine nyo na lang yung anong nangyari)



=============================================
Sensiya na..hindi talga ako sanay mag kwento ng mga erotic stories...


funny...

youtube hopping... look what i've found.. hehehe


Sunday, June 21, 2009

HAPPY FATHERS' DAY...

Life Lessons

You may have thought I didn't see,
Or that I hadn't heard,
Life lessons that you taught to me,
But I got every word.
Perhaps you thought I missed it all,
And that we'd grow apart,
But Dad, I picked up everything,
It's written on my heart.
Without you, Dad, I wouldn't be
The man I am today;
You built a strong foundation
No one can take away.
I've grown up with your values,
And I'm very glad I did;
So here's to you, dear father,
From your forever grateful kid.

==========================

Salamat sa iyo Tatay!!!

Tuesday, June 16, 2009

Random Thoughts...

1. The weather is not good... these past few days... it's been raining. Kainis kung kelan aalis ng bahay in going to work, tsaka naman uulan.. at ganun din sa hapon. Kung kelan ako uuwi tsaka naman uulan ulit. Kaya eto.. di ako mawalan ng ubo at sipon. haaayy..

2. Been into texting lately... at mga bagong textmates ang katext ko lately. Mga nakilala ko din sa chat. Most of them gusto agad ng meet up.. Ano ba!!!.. di ako nakikipag meet ng basta basta. Siyempre kinikilala ko muna ng husto sa text.. at least sa text man lang. At eto pa ha... most of them, mga nasa mid 20's lang.. textmates lang naman eh.. ayaw ko muna seryosohin.. sakit lang ulo yang mga yan.. palibhasa mga bata.. haaayy..

3. Mula nang matapos ang summer vacation at mag start ang classes, medyo maaga na ulit akong nagigising.. Yun nga lang.. late pa ding natutulog.. hehehe sanayan lang yan.. late sleeper man ako.. early riser naman.. hehhehe. I have to wake up at 5:30 am.. enough to fix myself.. then before 7:00am strikes... on the way na ako.. one hour almost ang travel time ko.. at 8:00 ang start ng official time ko. Then by 2:30pm.. uwian ko na...

4. On a nightly basis ba din kung mag online ako.. Wala lang.. parang kulang na araw ko kung walang online sa gabi eh.. Eto lang naman kasi libangan ko actually. ang internet.. chatting.. blogging.. Friendster.. Facebook... YM...

5. Daming iniisip na kung ano anong bagay lately... family... work... friends... personal things ko.. napapabayaan ko na.. Nafocus kasi ako lately sa issues ng mga ibang tao.. pero no regrets.. kaibigan ko naman sila.. and i love them.. Weekly nga nagkikita kita kami.. Bonding moments.. kwentuhan.. inuman.. ganun lang naman kababaw ang kaligayan ko eh.. makasama lang yung mga taong mahal ko.. mga kabigan ko.. masaya na ako..




Saturday, June 13, 2009

joke time muna...

Mga text jokes na na received ko from my textmates.. ipopost ko lang.. wala kasing ma ipost eh..
enjoy!!!




Anak: Tanghali na, bakit kaya ayaw pang lumabas ng kwarto sina Mama at Papa?

Inday: Ewan ko, kagabi kasi humingi sila ng PETROLEUM JELLY, pero ang naibigay ko MIGHTY BOND eh..

===========================================

Boy Abunda: Kung ihahalintulad mo ang iyong sarili sa isang kasangkapan sa bahay, ano ka?

Mahal: Kachi chimple lang aku, ticho boy, Chiguro chupa, mahilig chalaga aku cha chupa. Ang charap kachi pag nacha chupa. Nakaupo cha chupa, Higa cha chupa, dapa cha chupa. kaya CHUPA aku.

===========================================

Hanggat hindi mo nahahanap yung taong para sayo, huwag kang titigil....



sa pag landi...

=============================================

Tanong:
Kailan mahirap ang pag tulog...?

Sagot:
Kapag masarap ang iyong katabi...

===========================================

"Di lahat ng lasenggo ay gustong tikman ang lasa ng alak....

yung iba.. gustong tikman ang lasa ng kainuman.." hahaha

===========================================

"Huwag ma inlove sa taong masarap kausap...


dapat masarap din siya... " hahaha

============================================

Sabi niya:

"aanhin pa ang gabi, kung wala ka namang katabi.."

Sabi ko naman:

"ehh anong silbi ng may katabi kung wala namang mangayayari.."

oo nga naman!!! hehehe

============================================

Feet: ako na yata ang pinaka pagod, lakad ng lakad kung saan saan ako dalhin ng amo ko..

Butt: sakin pinakamahirap. Araw araw toilet bowl kaharap ko..

Brain: Pinakamahirap yata sakin. Kahit tulog boss ko.. trabaho pa din ako..

Penis: Puro easy pala trabaho niyo. Ako gabi gabi pinakakagat at sinisipsip. Tapos pag pinagalit at pinasok sa pinakamadilim na kweba, tapos iuuntog untog hanggang mahilo ako at magsuka ng magsuka...

================================================

GIRL: check up lang po.

DOC: sige hubad ka ng panty at bra, tapos higa ka.

GIRL: Hindi po ako. Lola ko po.

DOC: sige Lola.. hinga po na malalim

LOLA: Hindi hubad?

DOC: hindi po lola, hinga lang po

Ambisyosa si Lola.. hahahaha

==================================================

HUSBAND: kundi ako makaligtas sa operation ko bukas, ikaw na sana bahala sa mga bata at sa lahat lahat.. I LOVE YOU...

WIFE: Magtigil ka!!! wala pang namamatay sa tuli!!! gago!!!

hahaha

================================================

isang araw may nakasabay akong KANO sa elevetor..

pareho kaming sa ground floor and destinasyon...

pero bago makarating ng ground floor.. sa 4ht floor ay nagbukas ang elevator..

Isang Filipino ang nagtanong...

"BABABA BA?"

sagot ko:

"BABABA"

sabi ng AMERIKANO

"are you aliens?"

hahahaha!!! bababababa

===============================================

1 liquor shot reduces life by 5 minutes..

but sex increases life by 10 minutes..

so, the basic sense of the statement is..

Kahit lasenggo basta mahalay...

MATAGAL MAMATAY!!!..

==============================

Pag lagi "K" ng "K"
lalaki ang "T" mo
di kakasya sa"P"

Kaya mag "J" ka na lang ha!!
Gets mo?

K = kain
T = Tiyan
P = Pants
J = jogging

dumi ng isip mo!!! hahahaha

========================================

This is very cute:

A guy was teasing his gay friend, "Ilang na ba na chupa mo?"

the gay smiled and replied,

"Bakit, ilan ba TITI mo?"

awww.. ang sweet!!! hahahaha

========================================

LIFE's CICLE

3-8 years old: Paramihan ng toys
9-18 years old: Pataasan ng grades
19-25 years old: padamihan ng syota
26-35 years old: Pagandahan ng asawa
36-45 years old: Palakihan ng income
46-55 years old: Padamihan ng KABIT
56-70 years old: Padamihan ng SAKIT
70 and above: Pabonggahan ng LIBING

============================================

Inday .. may nakabanggang bading:

INDAY: How dare you ignorant road occupant, moving with such acceleration that cause elastic collision between my porcelain beauty and your grubbby apparency of skin!!

BADING: Bombalesh kang muchacha ka! kenshulares mo makemer ang skin kong beauty!! Never mo matorbokels ang feslak ketch kung ayaw mer makondrak kita. Hala! chupi!!!

Inday (nosebleed)

no match..

============================================

DAD: Ang laki ng PLDT bills dito sa bahay ah? I dont use this phone, I use my office phone.

MOM: same here, I use my work phone.

SON: me too, I use my company phone..

INDAY: so what's the problem?!! We all use the phone on our work diba?!!

Inday strikes back!!!

===============================================

si Juan nagpatingin sa doctor..

DR: ano problema?

JUAN: pakicheck nga po intong etits ko..

DR: ok hubo ka para makita ko..

nang makita ng doctor, napatawa ng malakas dahil singlaki ito ng AAA na battery

JUAN: asan po ang code of ethics niyo? Di dapat pinagtatawanan ang kapansanan ng isang pasyente!!

DR: ahem (tried to recover) sorry, dina na mauulit, ano nga ba ulit ang problema?

JUAN: eto nga po.. namamaga kasi eh!

HAHAHAHA!!

============================================

JUAN: oi ano yan pinya? penge naman

PEDRO: penge? asan ka nung nagtatanim ako, noong oras na nag aani ako, noong naghihirap ako, nasan ka?

JUAN: nakakulong ako kasi eh, nakapatay ako ng MADAMOT!!

PEDRO: ahh ganun ba? sige kuha ka na. May papaya pa dun, gusto mo?

===============================================

JUAN: hoy!! bakit ka naghihilamos sa inidoro? napakababoy mo!!

PEDRO: Bakit? malinis naman at malinaw ang tubig dun ah?

JUAN: OO nga, pero hindi mo ba alam na diyan ako umiinom tapos pinaghuhugasan mo lang.

============================================

BOY: alam nyo!!! alam niyo!!! alaaaaam niyooo!!

GIRL: alam niyo to!!! alam niyo to!!














magsyotang NGONGO na walang sawang nagsasabihan ng I LOVE YOU!! akalain niyo yun? hahaha

======================================

Pinanood ni Lola at Lolo ang sex video ni Dr. Hayden Kho Jr. Sinampal bigla si Lolo.

LOLA: Damuho ka!! Tumanda na tayong ganito, kinakain pala yun? Puro ka lang kadyot. Tarantado ka!! Sige!! kainin mo to ngayon!!

si Lola ambisyosa!!! hahaha

========================================

ECHOSERANG LOLA

BOY1: nakakaawa naman ang lola mo..

BOY2: Bakit?

BOY1: nakasabay ko kasi siya magsimba nung linggo, ubo ng ubo. Pinagtitinginan tuloy siya ng mga tao.

BOY2: Ahh wala yun. Nagpapapansin lang yun..

BOY1: Bakit naman?

BOY2: Bago kasi BLOUSE niya..

========================================

BAHAY KUBO - Boy Bastos version


handa Awit!!

Bahay bata, kahit munti
Pumapasok doon, ay galit na ari

Sintigas ng talong, Pinadasdas sa mani
hikaw, naiwan sa ari

Bundol, patulak, upo't patayo pa.
At saka meron pa, patuwad sa mesa

Sibuyas at sili, pandagdag ng gana
At sa pagiling giling, pumutok na pala..

hahahaha.. weehhh kinanta mo no?

Sunday, June 7, 2009

sa ngalan ng dangal...

Isang pangyayari sa mundo ng engkantadiya ang aking ilalahad sa aking panulat na ito na magbibigay kalinawan sa issue na kinakaharap ng isa sa mga engkantos ng mundo ng engkantadiya.

Buwan ng Enero, sa taong kasalukuyan. Matapos ang christmas season, Naging abala ang mga engkantos sa kanya kanyang career.. yung iba ay nag punta sa malayong lugar upang mag work, yung iba ay nagpatuloy ng takbo ng buhay sa kanya kanyang larangan. Nagkataon ako at ang isa pang enkanto ay hindi masyadong naging busy. Nagpasiya kaming mag reach out sa ibang kakilala namin sa glorietta (Tawag namin sa g4m). Naisip kasi namin ng engkantong ito na medyo kailangan naming maghanap ng iba pang makakasama sa tagayan. Tawagin na lang nating RD ang engkantong ito. Isa siya sa mga orig na engkantos.

Nagdesisyon kami ni RD na mag reach out sa ibang mga kaibigan namin mula sa glorietta. Nag aya kami ng tagayan sa mga nakilala naming mga bagong kaibigan. Si TP, at si P. Si TP ang nag organize ng tagayan. Inoffer niya ang kanyang place sa antipolo but instead sa antipolo, sa Taytay Rizal kami napadpad.. Sa bahay ni P. Ang layo no? First time namin ni RD na dumayo ng ganung kalayo para lang makipag tagayan.

Una naming kinita sa cubao si TP. Daladala namin ang sasakyang toyota corolla na pula na na pag aari ni RD, at ako ang nag drive. Mula sa cubao, binagtas namin ang kahabaan ng marcos highway papuntang pasig at taytay.. Doon namin kinita si P. Habang nasa kotse kami, masaya kaming nagkukuwentuhan at nag bibiruan. Ako, si RD, at si TP. Dati ko na nameet si TP kaya may idea na ako kahit paano kung ano hitsura niya at kung anong klase siyang kaibigan. Kaya naging madali din kay RD na pakisamahan si TP at gawa na rin ng magkakilala sila sa glorietta.

Samantalang itong si P ay wala pa kaming idea ni RD kung anog itsura. Si TP ay minsan na ding nakasama sa isang pagkakataon si P kaya binigyan niya kami ng idea kung ano hitsura nitong si P.

"Nakasama mo na si P diba? ano ba hitsura niya?" tanong ko kay P habang nagmamaneho.

"Gusto mo bang malaman ang totoo?, hahaha" sagot niya habang tumawa..

nagkatinginan kami ni RD, nagtaka kung bakit ganun ang tinuran ni TP nung tinanong ko kung ano hitsura na ni P.

"ganito yun, Si P, pag nasa gilid ng kalye, siya yung tipo ng tao na hindi papasakayin ng driver ng jeep pag nakita sa daan" direcho pag di describe ni TP kay P.

Bigla kaming nagtawanan ni RD nung madinig yun mula kay TP.

"Grabe ka naman kung manlaint" sabi ni RD.

"eh totoo naman eh.. kung kung di lang siya mayaman, walang papansin sa kanya, pero OO gwapo talga, ang gwapo ng kotse nya" sabay tawa..

Umugong ang tawanan namin sa loob ng kotse..

Dumating kami sa lugar kung saan namin kikitain si P. Sa 7-11 sa say junction cainta inabanga namin sa labas si P. Bumaba ng kotse si TP para sunduin si P sa 7-11. Kami ni RD habang naghihintay, nag iimagine kung anong hitsura ni P base na din sa diskripsyon na binigay samin ni TP.

Mula sa kalayuan, nakita naming may nilapitan si TP. Sinenyasan kami ni RD na ayun na nga si P at inilapit si P. Pinakilala sa amin ni TP na ang lalaking (bakla pala) na aming hinihintay ay si P. Kamay kamay, kamustahan at ngitian.

Sumakay na ng kotse si P kasama si TP at nagsabing sundan daw namin sila.

Nagpatuloy ang aming biyahe, at nag usap kami ni RD na grabe talaga itong si TP manlait. Hindi naman ganun ang hitsura ni P nung makita namin siya.. Ayos naman siya. Mukhang disente naman.

Dumating kami sa taytay kung saan naroroon nag bahay ni P na aming pagdadausan ng aming inuman. Maganda ang bahay, ang lugar. Mula sa terrace, kita mo ang buong kamaynilaan. madaming ilaw na nagninining sa kadiliman.

Nagumpisa kami ng tagayan, masaya, nilabas ni RD ang alak na aming binili sa shopwise cubao. 2 bottles ng Johnny walker black label. Pati ang ang yelong binili ni TP sa 7-11. Masaya ang naging inuman namin nung time na yun.. kwentuhan, tawanan, at harutan. Hanggang sa tamaan ng espiritu ng alak. Hindi ako masyadong uminom that time kasi ako ang driver, ayaw kong magdrive ng sobrang lasing. kaya tama lang ang aking inunom.

Inabot kami hanggang 4am. Sa aming apat na tumagay, si RD ang sobrang tinamaan. Nalasing, halos di na makakilos, di na kaya ng katawan. Malinaw pa ang aking isipan nung time na yun kay inalalayan ko siyang mahiga sa sofa. Inakala kong mag isa lang si RD sa sofa. Wala akong balak matulog thta time kasi naisip kona baka pag natulog ako at hindi na ako magising sa tamang oras. At naisip ko din na maaring may mangyari pag akoy natulog, hindi ko mabantayan ng maigi si RD. kargo ko siya, ako ang driver, bodyguard niya. Kung ano mang mangyari sa kanya, ako ang mananagot.

Hindi nga ako nagkamali, mabuti at hindi talaga ako natulog nung time na yun. Ang may ari ng bahay na si P ay tumabi ng pag higa kay RD. Kaya pala pilit akong pinatutulog nitong si P sa ibang sofa sapagkat mayroon pala siyang binabalak. Napansin ko na nung mga time na nag iinuman pa lang kami kung gano na kainterested itong si P. Kaya kinutuban na ako sa maaring mangyari pag natapos na ang aming inuman.

Mula sa kabilang sofa, nakikita ko kung ano ang ginagawa ni P kay RD. Sinasamantala niya ang kalasingan ni RD. Niyayakap, hinahalikan, at pilit na kinakapa ang nasa pagitan ng hita ni RD. Si RD na sa sobrang kalasingan, ay hindi na alintana kung ano ginagawa sa kanya ni P.

"david... david....... ilove you david..mahal na mahal kita david" (pangalan ng ex ni RD) sambit ni RD habang hinahalikan ni P. Isang pagtataka ni P kung bakit ibang pangalan ang sinasambit ni RD gayong siya ang kahalikan nito.

nagpatuloy padin ang P sa kanyang ginagawa kay RD.. na tila nag eenjoy at nasasarapan. Dahil nga sa kalasingan ni RD.. walang nagawa ito sa pananamantala ni P.

"una pa lang kitang nakita kanina, gusto na kita" bulong niya kay RD.. na patuloy pa ding sinasambit ang pangalan ni david..

HIndi pa nakuntento ang P. Bukod sa paghahalik niya kay RD, pilit nitong ginagapang ang kanyang kamay sa pagitan ng mga hita ni RD. Nang makapa niya ang laman na kanyang minimithi.. bigla itong natigilan..

"Pag ginagawa mo yan, ayaw na kitang maging kaibigan, mawawala respeto ko sayo" sambit ni RD. Nagililan ang P.. kaya nakuntento na lang siya sa kanyang pagyakap kay RD.

Buong akala ni P na tulog na ako, tumayo ako sa aking kinahihigaan at nagtungo sa kusina para mag timpla ng kape. Wala talaga akong balak na matulog ng mga oras na iyon kaya sa kagustuhan kong manatiling gising, uminom pa ako ng kape.

Hanggang sa nagliwanag na... at nagpasiya na akong ayain si RD na umuwi na...


=========================================

I made this blog para palinawan ang mga bloggers sa totoong nangyari na taliwas sa ipinagkakalat ni P... sa kanyang mga kaibigan na "natikman" na daw niya si RD.. Isang malaking kasinungalingan.. Ang galing niyang mag fabricate na story... Sa ngalan ng katotohanan.. marapat lang na ilahad ko ang buong pangyayari.. sa tagayan sa bahay ni P. sa taytay rizal..






Sunday, May 31, 2009

Close Encounter with a CB...(2nd Part)

"Madalas ka ba dito?" tanong ko sa kanya.

"Bago lang po ako dito kuya. Mga 2 months pa lang po. Galing po kasi ako ng Iloilo" tugon niya bago kumagat ng hamburger na kanyang kinakain.

"Ahh ilonggo ka pala.. pano ka napadpad dito? relative mo ba yung kasama mo sa bahay?"

"sumama po ako sa kaibigan ko, stokwa po kasi ako, gusto kong makipagsapalaran dito sa Manila"

"Bakit nag stokwa ka? Anong napala mo ngayon dito sa manila? " tanong ko habangpinagmamasdan siya.. pansin kong talgang gutom na gutom siya.

"mahaba pong istorya.. basta gusto ko lang po talaga umalis sa amin".

hindi man niya tinukoy kung anong dahilan ng kanyang paglalayas, batid kong may matinding dahilan kung bakit siya napadpad dito sa manila. Tipical na kabataan na naghahanap ng tamang diskarte sa buhay, yun ang nakikita ko ka kanya.

" so sabi mo 2 months ka pa lang dito sa manila, eh di 2 months ka na ding nag ko callboy?" pabiro kong tanong.

"hindi naman po, last week ko lang po sinubukan yung ganitong diskarte. nahihiya na po kasi ako sa kaibigan ko. nagiging palamunin na kasi ako. wala naman akong makitang trabaho, kaya dumidiskarte na lang ako kahit paano"

"so pano ka ba dumiskarte?" ganitong style ba ang pag diskarte mo? gaya ng ginawa mo sakin kanina?" tanong ko habang nagyoyosi.. this time.. naging interesado na ako. Gusto kong malaman kung paano nila ginawa yung diskarte na sinasabi niya.

"dinadaan ko pa sa tingin, pag nakipag titigan sakin... inaasume ko na na gusto niya ako. gusto niya ng trip"

"ganun? bakit nakipag titigan ba ako sayo? saglit lang naman kitang tiningnan ah. Nagulat nga ako sayo eh.. akala ko umalis ka na.. sinundan bumalik ka pa ulit sa CR kanina"

"desperado na kasi ako.. kanina pa akong 3 pm dito, paikot ikot.. wala namang madiskartehan.."

"so nung nilapitan mo ako.. akala mo jackpot ka na?"

"mukha ka po kasing disente, gusto ko po kasi yun mga tipo mo.. yung hindi halata at hindi obvious. nagdadalawang isip nga po ako kung lalapitan kita. kasi baka nagkakamali lang ako.. takot din po ako baka bigla mo na lang akong sapakin eh. hehehe"

"hahaha, natawa naman ako dun.. takot ka pala eh.. bakit nilapitan mo pa ako.. eh what if kung nagkamali ka nga at bigla na lang kitang sapakin?"

"hehehe.. sorry po.. "

"anyway.. matanong ko lang.. magkano ba naman ang presyo mo?" curious na tanong ko..

base kasi sa mga nababasa o nadidinig kong mga kwento tungkol sa ganitong diskarte.. hindi bababa saP1000 ang presyo, lalo na kung may hitsura o gwapo ang callboy.. eh sa tingin ko sa batang to.. ok naman.. may dating naman siya

" ok na po sakin yung pakainin lang ako, tapos kahit pamasahe lang pauwi, abutan mo na lang po ako ng kahit P200 tapos ikaw na po bahala sa place."

bigla tuloy akong napaisip, ang mura naman nitong bata. Kung ikukumpara siya sa ibang callboy, pwede siya presyuhan ng P1500.

"teka, ano naman ang kaya mong gawin sa kama?"

"kahit ano po, basta wag lang akong ibobottom"

"magaling ka bang mag romansa? magaling ka ba sa kissing? nagsasuck ka ba?

"opo, ginagawa ko din yun, para di naman ako mapahiya sa kasex ko"

sa totoo lang.. natetempt ako na subukan siya... pinagpapawisan ako ng malagkit, pero sa kabilang banda, natatakot din ako.. ayaw kong pagsamantalahan ang kanyang kahinaan, batid kong matindi ang kanyang pangangaialangan, pero nainsip ko, hindi ko siya matutulungan sa ganung paraan. at hindi ko maimagine sarili ko na pumatol sa mga kagaya niya para lang magbayad. Desperate move na yun para sakin. Dami naman diyang libre eh bakit pa ako magbabayad, kahit sabihin pang mura lang ang presyo niya. kaya...

"o eto, pamasahe mo.. uwi ka na lang medyo madilim na, hintayin mo na lang yung friend mo, wag ka na gumala at dumiskarte pa" sabay abot sa kanya ng P50.

"Bakit po, ayaw niyo ba?"

"sensya na bro, di ko kaya eh, gusto kitang tulungan, pero hindi sa ganitong paraan"

medyo napahiya yung bata, pero pinipilit pa din niya maging maayos ang pakikipag usap niya sa akin.

"ganun po ba, sige po salamat po dito sa pera, pati na din sa merienda. Pwede po bang makuha number niyo?"

"naku wag na.. malay mo, magkita pa ulit tayo sa ibang araw. Pero i hope pag nagkita tayo, hindi sa ganitong sitwasyon ah"

"nahiya po tuloy ako sa inyo, sige po salamat po ng marami"

lumayo ako sa kanya at sumakay ng jeep pauwi. Sa totoo, hindi ako nanghinayang na walang nangyari sa amin. Naging magaan ang aking pakiramdam at naisip kong nakatulong pa ako sa kanya kahit paano. Nacontrol ko ang sarili ko sa tawag ng laman. Pero masaya akong napaglaban ko ang tukso. Sandali man kaming nagkausap, sigurado akong hindi niya ako makakalimutan.

Habang papalayo ang jeep na aking sinasakyan ay nakatingin pa din sa akin ang binata na kumakaway.


Monday, May 25, 2009

Close Encounter with a CB...

Last week i had this experience, hindi ko expect na mangyayari, though i've been dealing with PLU for almost five years na din.. and i've never encouter this thing.

Madami na akong nababasang kwento ng mga pakikisalamuha ng mga kagaya kong PLU sa kapwa PLU.. san lugar man, especially sa mga malls. Yung tipong pag nagkatitigan ng 3 seconds ang dalawa guys, may ibig sabihin na yun. Ako, tumingin man ako sa isang guy, it doesnt necessarily mean na may pakay ako sa kanya, split second lang, ok na sakin. Makita ko lang o maapreciate yung kagwapuhan niya ok na sakin. Pero minsan, talgang mapanukso ang tadhana, yung tipong pag may tinitigan ako, tila lumalaban ng titigan yung taong tinititigan ko. Pero hanggang doon lang naman ako.. takot din kasi ako sa mga ganung encounters.

Last week, before i went home.. dumaan ako sa mall malapit dito sa amin. the usual thing i do is to go to comfort room para jumingle. Then may nakasalubong akong guy, mestisuhin ang dating, matangkad lang ng konti sakin, matangos ang ilong at maganda kanyang tindig., nagkatinginan kami, palabas siya ng CR ako naman papasok. Direcho agad ako sa cubicle para jumingle..

Pag labas ko ng cubicle para manalamin, nakita ko yung guy na nakasalubong ko sa hallway. Nagkatinginan ulit kami from the mirror. Then after kong maghugas ng kamay, labas na agad ako ng CR.

Pag labas ko ng mall, lakad lakad hanggang makarating ako sa antayan ng jeep. I looked back, nakita ko ulit yung the same guy na nakita ko sa CR na papalapit sa akin. Medyo kinabahan na ako. Hindi kasi ako sanay ng sinusundan ng tao. Experience ko na ito dati, sinunandan ako ng taong mukhang holdaper at suspicious looking guy.

Maya maya, sasakay na sana ako ng jeep then may nagsalita sa likod ko.

"Ei, uwi ka na ba?" sabi nung guy na sinasabi ko.

"huh? bakit? bakit mo natanong kung uwi na ako?" tugon ko

"Trip tayo?" sabi niya

hindi na ako baguhan sa ganung salita, ang ibig ipahiwatig sakin ay kung gusto ko daw ba ng sex, kaya nag pretend akong hindi ko alam.

"Anong trip? anong ibig mong sabihin?" tungon ko na may pagkukunwari..

"sensiya na ha.. nagkamali yata ako ng nilapitan, hehehe" sabi niya na sabay kamot sa ulo.

Bigla ko siyang dinirecho. " Callboy ka ba?"

nakitaan ko siya ng pamumula ng mukha..

"sensiya na kuya, akala ko kasi..." sagot niya

"anong akala? teka mukha ba akong bading? mukha ba akong namimick up?" sabi ko..

"hindi kuya.. tiningnan mo kasi ako eh"

"asus sandali lang naman tayo nagkatinginan eh"

"wala lang... nagbabakasakali lang ako sayo kuya"

medyo namapinsin kong napapahiya na siya sa aming usapan.

"sige kuya, sensiya na po.. " sabay talikod at lumakad papalayo..

"teka, wait lang" pahabol kong salita..

lumingon siya at nakakitaan ko ng pag asa ang kanyang mukha.

"halika nga dito" sabay kaway ko sa kanya.

dinala ko siya sa gilid ng waiting shed at doon kami nag usap

"taga saan ka ba?" tanong ko sa kanya.

"taga bulacan po ako" tugon niya.

"o malapit lang bulacan dito ah"

"oo nga po, hinihintay ko po kasi yung kasama ko sa bahay, diyan po kasi nagwowork sa SM, 9pm pa po ang labas niya"

" 9pm? eh5pm pa lang ah, aga mo yatang naghihitay sa kanya"

" nabobored din po kasi ako sa bahay kaya lumabas na lang ako"

"asus style mo din ah.. sabihin mo naghahanap ka ng customer, sabi ko na nga ba eh callboy ka no?"

"hinde po.. nagugutom na po kasi ako eh wala po akong pamasahe pauwi kaya hinihitay ko kasama ko para sabay na kaming umuwi"

kita ko sa kanyang mata na nagsasabi naman siya ng totoo, mukha nga siyang nagugutom at malamlam ang kanyang mga mata, naisip ko, gusto ko siyang interbyuhin at magtanong ng mga bagay bagay kaya nagpasiya akong ayain siya mag merienda. Saktong may burger machine malapit sa kinatatayuan namin. Inaya ko siya at umorder kami para itake out.

Matapos maka order, umupo kami sa gilid at nagpatuloy ng aming kwentuhan.

------------------------
to be continued








Tuesday, May 19, 2009

Bitter Ocampo

Bitter Ocampo - salitang kolokyal (gay linggo) na ang ibig sabihin ay bitter feeling. Yung bang pakiramdam na ewan.. mahirap i explain.. pero hindi ka aware na nararamdam mo ang ganung feeling pag ikaw ay isang talunan. At kadalasan pag nasa ganito kang feeling, usually puro bad thoughts ang naiisip mo o sinasabi mo.

Saang bagay ba usually na aassociate ang word na ito? Siguro ang best example ay pag galing ka sa isang relasyon na hindi maganda ang wakas. Yung tipong ang isa ay sobrang nagmahal at nasaktan. Then kapag dumating ka sa stage na nag uumpisa ka pa lang na mag move on then, yung partner mo dati ay nakahanap na na ibang karelasyon, doon ka na magiging bitter ocampo. You say bad things about your former partner and to the partner of your former partner.. parang ganun.

What about sa friendship? pwede mo ring bang i associate ang word na ito? Kapag nagkaroon ka ng isang kaibigan, tapos nagkagalit kayo, can you be a bitter ocampo towards him? Pwede diba? Or the other way around, you dati mong kaibigan ay pwede rin maging bitter ocampo towards you.

I have this friend, let's just say.. presently, we're still friend, pero we usually argue on things, usually, about him. Lagi kaming nagdidiskusyon sa mga bagay bagay na maling ginagawa niya, pinangangaralan ko lang siya lagi, itinatama ang mga maling bagay. To the point na nagiging negative na ang dating ko sa kanya... does that mean bitter ocampo na ako kanya? I dont think so.. Kahit kelan, hindi ko ako nakaramdam ng pagiging bitter sa kanya. Kung maging negative man ang dating ko sa kanya, ang motive ko is to let him realize na mali ang ginagawa niya. at tingin ko hindi pagiging bitter yun.

Well, sabi nga ng isang kaibigan, pag ang isang tao eh polluted or corrupted na ang utak, kahit anong advice ang ibigay mo sa kanya hinding hindi na maitatama yun. Kumbaga sa computer, puro corrupted files na ang laman at kailangan na i reformat. Kung ganun lang sana kadali ayusin ang utak na tao, kung narereformat lang sana ang utak ng tao.. matagal na ko na sigurong ginawa.

Sa ganang akin, kung sinurender mo ang sarili mo sa isang kaibigan, at tinuturing mo ang isang tao na kaibigan mo, handa kang tumanggap ng negative critisism mula sa kanya. Maging open minded ka at tanggapin ang katotohanan na mali ang iyong ginagawa. sa gayon, marerealize mo na tama ang kanyag sinasabi.

Kapag ang isang kaibigan ay pinamihasa ka sa mga magagandang salita, to the point na pinapaniwala ka na tama ang iyong ginagawa kahit ito'y mali, hindi siya tunay na kaibigan. Isa siyang kaaway. Hinayaan ka lang, kahit alam niyang mali ang iyong ginagawa. Kinukunsinte ka sa mga bagay na akala mo tama pero mali pala.

Huwag na nating gawin mas kumplikado ang mundo natin na dati nang kumplikado.

Disclaimer:

Alam kong mababasa mo ang post na ito. At alam kong negative na naman ang dating ko sa iyo. Well, wala akong pakialam, blog ko ito, ipopost ko kung ano gusto ko. Reader lang kita. Magcomment ka kung gusto mong mag comment.. bahala ka..

Sunday, May 10, 2009

para sayo inay

Happy Mother's Day sa lahat ng mga nanay!!!

Saturday, May 2, 2009

emo a.k.a. senti a.k.a. drama effect...

Lately, ang daming tao ang nag e emo.. puro emo na lang... well, ganun yata talaga ang mga PLU madaling tamaan ng emo feelings. Bukod siyempre sa mga problems na dumadating sa buhay buhay.. its a natural thing talaga para sa mga PLU ang mag emo.

May bago ka mang inspirasyon, i mean.. in love ka man.. emo ka pa din.. lalo na yung mga sawi sa pag ibig (gaya ko) lols.. super emo din. Haaayy.

Sino ba naman kasi ang nag pauso ng salitang "emo" na yan? Dati "senti" ang word na sinasabi pag nasa ganyang feelings ka.. Kita mo nga naman ang evolution ng words no? Emo emo pa. eh sa madaling salita eh.. nag "drama effect" lang naman lols. Gaya ng mga inlove.. kung ano ano pa mga mga kwento ang pinag sasabi.. gawa gawa pa ng kwento... kung anik anik na ka dramahan. isa lang naman ibig sabihin. in love ka lang naman.

Sabi nga ng isang kaibigan pag in love ka nagiging korni ka daw.. Sige na nga!!! pag bigyan!! in love eh.. wala tayong magagawa. hehehe pero kailangan ba talagang i post sa blog yung mga ganung kwento? (para hindi ko din ginagawa yun eh lols).

in love daw

Pansinin nyo sa mga blogs na nababasa niyo. Kundi inlove yung may ari ng blog, sawi naman sa pag ibig, o kaya feeling reject or neglected, feeling alone, walang kaibigan, haaayy.. and eemo talaga ng mga tao.
Broken hearted daw

Pag sobrang inlove ka.. pati na yata lahat ng details sa buhay mo.. ikukwento mo to the point na parang engot ka na.. korni.. lols.. pero pag broken hearted ka naman. Parang gusto mo nang tumalon sa bangin. Mag boblog holiday kunwari.. tapos sobrang emo.. hindi magpaparandam.. sosolohin ang moment ayaw naman mag share ng sentiments sa mga kaibigan.. Tapos ang mga post sa blog parang feeling niya pasan niya buong daigdig.


Align Centerreject/neglected daw...

At kung rejected ka naman. or neglected haaay sobrang bitter ocampo naman ang mga post mo. at kung ano ano naman ang kabitteran ang pinag sasabi mo sa blog mo.... Haays.. buhay nga naman. Daming ka ek ekan..

Suma tutal niya... kung ano man ang feeling meron ka ngayon. inlove man, or borken hearted, or feeling alone/rejected/neglected.. isa lang ang ibig sabihin niyan.. tao ka.. marunong kang makaramdam. may emotion ka. Wala ka lang naman sanang maging OA. lols..

Disclaimer:

Ang post na ito ay base po lamang sa obserbasyon ng nagsulat. Opinion po lamang. Walang intensyong makasakit nag damdamin ng sino man. Ika nga sa isang kasabihan.. Bato bato sa langit, ang tamaan ay huwag magagalit.. peace! ;-)