Wednesday, August 26, 2009

Ang Blog...

Matagal tagal an din akong blogger, since 2007 . I was just encouraged by a friend who is a ablogger too since 2004 pa. At first, since it was new to me, madalas akong nag boblog I write many things from simple experience to a more exciting one. But lately, i find it boring na. Or maybe because wala lang akong maisip na bagay na pwedeng i blog.

Minsan, naitanong ko sa isang kaibigan, ano nga ba purpose bakit tayo nagbo blog? Mag papansin? Maka catch ng attention ng ibang blogger? Ipangalandakan ang mga experiences natin sa buhay na dapat sa atin na lang? Sabi ng isang kaibigan, kaya daw tayo nag boblog eh para daw humingi ng simpatiya sa ibang bloggers na nagbabasa ng blog mo. At isa pang kaibigan ang nagsabi na ang blog daw ay para lang daw sa mga emo. Dito kasi sa blog nailalahan ng mga emo ang kanilang mga damdamin. At isa pa ding kaibigan, dito daw sa blogworld makikita ang sandamakmak na mga pekeng tao. Na ang mga sinusulat mostly ay mga blog na nagbibigay ng good impression sa pagkatao nila. Sa bagay, may point siya. Ikaw ba naman susulat ka ng blog na ikakasira mo? I mean.. mag poproject ka ba ng bad image? Hindi siyempre. Hanggat maari pa good shot ka sa mga readers mo.

Pero ano nga ba ang purpose natin sa pagsusulat dito sa blog? Sa ganang akin, ang pag susulat ko ng blog ay isang libangan lamang. Sinusulat ko kung ano ang kasalukuyang nilalaman ng utak ko. Yung laman ng puso ko. Aminado ako.. minsan emo din ako. Pero hindi para manghingi ng simpatiya or magpapansin. Inilalahad ko lang ang mga bagay bagay.. parang tipong nagkukwento lang. Hindi ako humihingi ng opinyon or suggestion kahit kanino. Basahin niyo mga comment ng blog entry ko. Bihira lang akong mag react sa mga comments ng readers ko. Minsan nakakatawa, minsan, nakaka flatter pero... wala lang.. no comment na lang ako.

Lately, hindi na ako masyadong nagsusulat ng blog entry.. parang nakakatamad na din kasi. Usually.. puro basa na lang gingagawa ko. Minsan, nakakatamaran ko na ding magbasa. Madami akong sinusundang mga blogs, pero sa dami nila, iilan lang ang mga binabasa ko. Mostly kasi, pare pareho lang din ang mga tema ng blogs nila. Palipas oras na lang. walang magawa eh.. kaya basa na lang ng basa..


==================

Disclaimer:

Ang blog na ito ay opinion lamang.. wala sino man ang pinatatamaan. Mag react kayo kung gusto niyo.. Ako ay nagsusulat lamang..

7 comments:

  1. Sabi ng isang kaibigan, kaya daw tayo nag boblog eh para daw humingi ng simpatiya sa ibang bloggers na nagbabasa ng blog mo. At isa pang kaibigan ang nagsabi na ang blog daw ay para lang daw sa mga emo. Dito kasi sa blog nailalahan ng mga emo ang kanilang mga damdamin. At isa pa ding kaibigan, dito daw sa blogworld makikita ang sandamakmak na mga pekeng tao. Na ang mga sinusulat mostly ay mga blog na nagbibigay ng good impression sa pagkatao nila. Sa bagay, may point siya. Ikaw ba naman susulat ka ng blog na ikakasira mo? I mean.. mag poproject ka ba ng bad image? Hindi siyempre. Hanggat maari pa good shot ka sa mga readers mo.

    Sana ay hindi natin mga kasama ang mga nagsabi nito, kasi kung galing sa kanila ito, lubos kong ikakasama ng loob ang mga sinabi nila.

    Kung hindi dahil sa blog, walang makakapagpaalala ng ating mga istorya. Nakalimutan nilang banggitin, ang bloggers ang sumusulat ng kasaysayan - mapa personal man ito, grupo, o mga pangyayari na nakapagpabago ng panahon...

    ReplyDelete
  2. tatlong tao ang nagcomment.. at wala sa ating mga kasama ang mga nagsabi nito. Mula ito sa mga taong nakikilala ko sa chat..mga taong hinihikayat kong mag blog.

    yan ang sinisigurado ko sa iyo knox galen.

    ReplyDelete
  3. ako bored kaya nagbasa ng blog.
    ako naaliw kaya nagsimula magblog.

    stress reliever for me kasi ibang mundo sya
    hingaan ng saya/lungkot/etc. =)

    ReplyDelete
  4. tell me about it,

    siguro kasing dami ng beses akong nainlove ang dami ng beses na tinamad na akong magsulat, sinabi sa sariling hindi na magbloblog.

    pero andito pa din ako

    nagsusulat...

    umiibig.



    patayin mo na ako! hahahaha!

    when this points come, thats the time na personally attached ka na at parallel na ang personality mo sa blog mo... something na kahit ilang beses mong iwan, binabalik balikan mo pa din...

    BANG!

    ReplyDelete
  5. ako nagba blog para mamburaot, at para ilahad ang aking kapilyuhan

    ahehe.


    (hulaan mo kung sino ako)

    ReplyDelete
  6. nagba-blog po ako kasi dito ko isinusulat ang mga saloobing hindi ko kayang sabihin sa iba...

    bakit?

    kasi limitado ang pangunawa nila sa mga PLU...

    hindi naman sa walang tiwala

    mas gusto ko lang isiwalat ang mga bagay na gusto kong sabihin at wala akong pakialam kung magustuhan ng iba o hindi

    after all, nagsusulat ako hindi para maghanap ng followers

    (kung ang paghahanap din lang ng fans ang layunin ko, aba, eh di sana nagsulat na lang ako ng libro, baka kumita pa ako)

    ingat

    ReplyDelete
  7. ang masasabi ko ang taray ng disclaimer! hehehehe...

    well ng boblog ba ako? hindi kaya di ko masasagot dyan ang first blog na nasulat ko susmeh 7 sentences yata yun 6 months ago hindi na nasundan pa? totally tamad yata akong magsulat kht nung nagaaral ako ng high school till college photocopy ang laman ng notebook ko na galing sa classmate ko! hehehe....

    ReplyDelete