Tuesday, May 19, 2009

Bitter Ocampo

Bitter Ocampo - salitang kolokyal (gay linggo) na ang ibig sabihin ay bitter feeling. Yung bang pakiramdam na ewan.. mahirap i explain.. pero hindi ka aware na nararamdam mo ang ganung feeling pag ikaw ay isang talunan. At kadalasan pag nasa ganito kang feeling, usually puro bad thoughts ang naiisip mo o sinasabi mo.

Saang bagay ba usually na aassociate ang word na ito? Siguro ang best example ay pag galing ka sa isang relasyon na hindi maganda ang wakas. Yung tipong ang isa ay sobrang nagmahal at nasaktan. Then kapag dumating ka sa stage na nag uumpisa ka pa lang na mag move on then, yung partner mo dati ay nakahanap na na ibang karelasyon, doon ka na magiging bitter ocampo. You say bad things about your former partner and to the partner of your former partner.. parang ganun.

What about sa friendship? pwede mo ring bang i associate ang word na ito? Kapag nagkaroon ka ng isang kaibigan, tapos nagkagalit kayo, can you be a bitter ocampo towards him? Pwede diba? Or the other way around, you dati mong kaibigan ay pwede rin maging bitter ocampo towards you.

I have this friend, let's just say.. presently, we're still friend, pero we usually argue on things, usually, about him. Lagi kaming nagdidiskusyon sa mga bagay bagay na maling ginagawa niya, pinangangaralan ko lang siya lagi, itinatama ang mga maling bagay. To the point na nagiging negative na ang dating ko sa kanya... does that mean bitter ocampo na ako kanya? I dont think so.. Kahit kelan, hindi ko ako nakaramdam ng pagiging bitter sa kanya. Kung maging negative man ang dating ko sa kanya, ang motive ko is to let him realize na mali ang ginagawa niya. at tingin ko hindi pagiging bitter yun.

Well, sabi nga ng isang kaibigan, pag ang isang tao eh polluted or corrupted na ang utak, kahit anong advice ang ibigay mo sa kanya hinding hindi na maitatama yun. Kumbaga sa computer, puro corrupted files na ang laman at kailangan na i reformat. Kung ganun lang sana kadali ayusin ang utak na tao, kung narereformat lang sana ang utak ng tao.. matagal na ko na sigurong ginawa.

Sa ganang akin, kung sinurender mo ang sarili mo sa isang kaibigan, at tinuturing mo ang isang tao na kaibigan mo, handa kang tumanggap ng negative critisism mula sa kanya. Maging open minded ka at tanggapin ang katotohanan na mali ang iyong ginagawa. sa gayon, marerealize mo na tama ang kanyag sinasabi.

Kapag ang isang kaibigan ay pinamihasa ka sa mga magagandang salita, to the point na pinapaniwala ka na tama ang iyong ginagawa kahit ito'y mali, hindi siya tunay na kaibigan. Isa siyang kaaway. Hinayaan ka lang, kahit alam niyang mali ang iyong ginagawa. Kinukunsinte ka sa mga bagay na akala mo tama pero mali pala.

Huwag na nating gawin mas kumplikado ang mundo natin na dati nang kumplikado.

Disclaimer:

Alam kong mababasa mo ang post na ito. At alam kong negative na naman ang dating ko sa iyo. Well, wala akong pakialam, blog ko ito, ipopost ko kung ano gusto ko. Reader lang kita. Magcomment ka kung gusto mong mag comment.. bahala ka..

10 comments:

  1. WHOA!!! This is a mouthful. Know what, based on what I read so far, you are a loyal friend. Hindi ka plastic.

    Without pulling your leg, you're a rare specie in this planet. Mahirap na makakita ng totoong tao sa mundong ito.

    Good day, Manong! :)

    ReplyDelete
  2. ay ! bitter ocampo ang dyosa kaya ayaw ipabasa ang mga comments hahahahaha


    sino kaya ang nasa blind item? (esep esep

    ReplyDelete
  3. i can so relate...

    bigla kong naalala yung shake, rattle and roll dun sa episode ni aiza at manilyn sa may bahay ng aswang. hehehe!

    ganun na ganun din ang sinabi niya. hehehe

    ReplyDelete
  4. ay. alam mo, parang knowing ko kung sinong itech na negative nanaman ang tingin sa blog mo ahihihi ahihihih. i'll just shut my mouth for the meanwhile.

    :P

    wala. basta. bitter ocampo ako!kebs. hahah

    ReplyDelete
  5. in my opinion pwede tayong maging negatibo sa tao para marealized nya ang pagkakamali nya pero bigyan mo rin sya ng positive thoughts, wag puro negative dahil hindi ganun ang taong concern. Well that's just my opinion. I'm happy w/ my new set of true friends now kuya.

    ReplyDelete
  6. @period..
    Ay hindi po ako batangenyo, ako po'y Manilenyo

    @Deathnote..
    Nasabi ko na sayo kung sino si bitter ocampo...

    @Jake..
    Salamat sa pagdaan sa aking munting blog.. hehehe

    @Rain Darwin...
    Hindi ako bitter ocampo... hayan ngat post ko mga comments nyo eh..

    @wandering Commuter..
    Hindi ko yata matandaan yung pelikulang sinasabi mo.. hhehhebut anyway.. thanks sa comment mo..

    @Herbs D.
    I dont think kilala mo siya.. hehehe

    @ardent1
    marunong naman akong magbigay ng positive comments.. nagkataon lang na puro kapalpakan yung ginagawa ng taong iyon.. kaya kailangan niyang mamulat sa katotohanan na mali ang kanyang ginagawa..impression lang niya yun na negative ang mga comments ko sa kanya kasi in denial pa siya.. nabubuhay kasi siya sa ilusyon.. world of make belief...

    ReplyDelete
  7. sana magkaayos kayo. lahat naman nadadaan sa mabuti slash maboteng usapan ;-)

    ReplyDelete
  8. ay!!! bakit parang may kagalit ang kuya centurion. sino po sya kuya? paki-ym naman. hehehe.

    pero, alam mo tama ka naman e. a true friend should lead you to the right path. iba iba kasi talaga ang mga tao. malaking factor ang upbringing at social environment. may mga taong napalaki na marunong tumanggap ng kamalian at meron din naman yung very reactive.

    sarap mo palang maging kaibigan kuya centurion.

    ReplyDelete