Sunday, June 7, 2009

sa ngalan ng dangal...

Isang pangyayari sa mundo ng engkantadiya ang aking ilalahad sa aking panulat na ito na magbibigay kalinawan sa issue na kinakaharap ng isa sa mga engkantos ng mundo ng engkantadiya.

Buwan ng Enero, sa taong kasalukuyan. Matapos ang christmas season, Naging abala ang mga engkantos sa kanya kanyang career.. yung iba ay nag punta sa malayong lugar upang mag work, yung iba ay nagpatuloy ng takbo ng buhay sa kanya kanyang larangan. Nagkataon ako at ang isa pang enkanto ay hindi masyadong naging busy. Nagpasiya kaming mag reach out sa ibang kakilala namin sa glorietta (Tawag namin sa g4m). Naisip kasi namin ng engkantong ito na medyo kailangan naming maghanap ng iba pang makakasama sa tagayan. Tawagin na lang nating RD ang engkantong ito. Isa siya sa mga orig na engkantos.

Nagdesisyon kami ni RD na mag reach out sa ibang mga kaibigan namin mula sa glorietta. Nag aya kami ng tagayan sa mga nakilala naming mga bagong kaibigan. Si TP, at si P. Si TP ang nag organize ng tagayan. Inoffer niya ang kanyang place sa antipolo but instead sa antipolo, sa Taytay Rizal kami napadpad.. Sa bahay ni P. Ang layo no? First time namin ni RD na dumayo ng ganung kalayo para lang makipag tagayan.

Una naming kinita sa cubao si TP. Daladala namin ang sasakyang toyota corolla na pula na na pag aari ni RD, at ako ang nag drive. Mula sa cubao, binagtas namin ang kahabaan ng marcos highway papuntang pasig at taytay.. Doon namin kinita si P. Habang nasa kotse kami, masaya kaming nagkukuwentuhan at nag bibiruan. Ako, si RD, at si TP. Dati ko na nameet si TP kaya may idea na ako kahit paano kung ano hitsura niya at kung anong klase siyang kaibigan. Kaya naging madali din kay RD na pakisamahan si TP at gawa na rin ng magkakilala sila sa glorietta.

Samantalang itong si P ay wala pa kaming idea ni RD kung anog itsura. Si TP ay minsan na ding nakasama sa isang pagkakataon si P kaya binigyan niya kami ng idea kung ano hitsura nitong si P.

"Nakasama mo na si P diba? ano ba hitsura niya?" tanong ko kay P habang nagmamaneho.

"Gusto mo bang malaman ang totoo?, hahaha" sagot niya habang tumawa..

nagkatinginan kami ni RD, nagtaka kung bakit ganun ang tinuran ni TP nung tinanong ko kung ano hitsura na ni P.

"ganito yun, Si P, pag nasa gilid ng kalye, siya yung tipo ng tao na hindi papasakayin ng driver ng jeep pag nakita sa daan" direcho pag di describe ni TP kay P.

Bigla kaming nagtawanan ni RD nung madinig yun mula kay TP.

"Grabe ka naman kung manlaint" sabi ni RD.

"eh totoo naman eh.. kung kung di lang siya mayaman, walang papansin sa kanya, pero OO gwapo talga, ang gwapo ng kotse nya" sabay tawa..

Umugong ang tawanan namin sa loob ng kotse..

Dumating kami sa lugar kung saan namin kikitain si P. Sa 7-11 sa say junction cainta inabanga namin sa labas si P. Bumaba ng kotse si TP para sunduin si P sa 7-11. Kami ni RD habang naghihintay, nag iimagine kung anong hitsura ni P base na din sa diskripsyon na binigay samin ni TP.

Mula sa kalayuan, nakita naming may nilapitan si TP. Sinenyasan kami ni RD na ayun na nga si P at inilapit si P. Pinakilala sa amin ni TP na ang lalaking (bakla pala) na aming hinihintay ay si P. Kamay kamay, kamustahan at ngitian.

Sumakay na ng kotse si P kasama si TP at nagsabing sundan daw namin sila.

Nagpatuloy ang aming biyahe, at nag usap kami ni RD na grabe talaga itong si TP manlait. Hindi naman ganun ang hitsura ni P nung makita namin siya.. Ayos naman siya. Mukhang disente naman.

Dumating kami sa taytay kung saan naroroon nag bahay ni P na aming pagdadausan ng aming inuman. Maganda ang bahay, ang lugar. Mula sa terrace, kita mo ang buong kamaynilaan. madaming ilaw na nagninining sa kadiliman.

Nagumpisa kami ng tagayan, masaya, nilabas ni RD ang alak na aming binili sa shopwise cubao. 2 bottles ng Johnny walker black label. Pati ang ang yelong binili ni TP sa 7-11. Masaya ang naging inuman namin nung time na yun.. kwentuhan, tawanan, at harutan. Hanggang sa tamaan ng espiritu ng alak. Hindi ako masyadong uminom that time kasi ako ang driver, ayaw kong magdrive ng sobrang lasing. kaya tama lang ang aking inunom.

Inabot kami hanggang 4am. Sa aming apat na tumagay, si RD ang sobrang tinamaan. Nalasing, halos di na makakilos, di na kaya ng katawan. Malinaw pa ang aking isipan nung time na yun kay inalalayan ko siyang mahiga sa sofa. Inakala kong mag isa lang si RD sa sofa. Wala akong balak matulog thta time kasi naisip kona baka pag natulog ako at hindi na ako magising sa tamang oras. At naisip ko din na maaring may mangyari pag akoy natulog, hindi ko mabantayan ng maigi si RD. kargo ko siya, ako ang driver, bodyguard niya. Kung ano mang mangyari sa kanya, ako ang mananagot.

Hindi nga ako nagkamali, mabuti at hindi talaga ako natulog nung time na yun. Ang may ari ng bahay na si P ay tumabi ng pag higa kay RD. Kaya pala pilit akong pinatutulog nitong si P sa ibang sofa sapagkat mayroon pala siyang binabalak. Napansin ko na nung mga time na nag iinuman pa lang kami kung gano na kainterested itong si P. Kaya kinutuban na ako sa maaring mangyari pag natapos na ang aming inuman.

Mula sa kabilang sofa, nakikita ko kung ano ang ginagawa ni P kay RD. Sinasamantala niya ang kalasingan ni RD. Niyayakap, hinahalikan, at pilit na kinakapa ang nasa pagitan ng hita ni RD. Si RD na sa sobrang kalasingan, ay hindi na alintana kung ano ginagawa sa kanya ni P.

"david... david....... ilove you david..mahal na mahal kita david" (pangalan ng ex ni RD) sambit ni RD habang hinahalikan ni P. Isang pagtataka ni P kung bakit ibang pangalan ang sinasambit ni RD gayong siya ang kahalikan nito.

nagpatuloy padin ang P sa kanyang ginagawa kay RD.. na tila nag eenjoy at nasasarapan. Dahil nga sa kalasingan ni RD.. walang nagawa ito sa pananamantala ni P.

"una pa lang kitang nakita kanina, gusto na kita" bulong niya kay RD.. na patuloy pa ding sinasambit ang pangalan ni david..

HIndi pa nakuntento ang P. Bukod sa paghahalik niya kay RD, pilit nitong ginagapang ang kanyang kamay sa pagitan ng mga hita ni RD. Nang makapa niya ang laman na kanyang minimithi.. bigla itong natigilan..

"Pag ginagawa mo yan, ayaw na kitang maging kaibigan, mawawala respeto ko sayo" sambit ni RD. Nagililan ang P.. kaya nakuntento na lang siya sa kanyang pagyakap kay RD.

Buong akala ni P na tulog na ako, tumayo ako sa aking kinahihigaan at nagtungo sa kusina para mag timpla ng kape. Wala talaga akong balak na matulog ng mga oras na iyon kaya sa kagustuhan kong manatiling gising, uminom pa ako ng kape.

Hanggang sa nagliwanag na... at nagpasiya na akong ayain si RD na umuwi na...


=========================================

I made this blog para palinawan ang mga bloggers sa totoong nangyari na taliwas sa ipinagkakalat ni P... sa kanyang mga kaibigan na "natikman" na daw niya si RD.. Isang malaking kasinungalingan.. Ang galing niyang mag fabricate na story... Sa ngalan ng katotohanan.. marapat lang na ilahad ko ang buong pangyayari.. sa tagayan sa bahay ni P. sa taytay rizal..






4 comments:

  1. alam ko ang kwentong ito. at ito ang katotohanan.

    ReplyDelete
  2. ay kaloka ang kuwento na yan? he he he!!

    sis ma pera naman sya diba? so mag hired na lang ng CB ha ha ha ha!!

    kaloka sis!!

    ReplyDelete
  3. kaloka sis ang mga pangyayari he he he!!

    hala mag ambisyon ba kasi ang iba dyan? he he he

    miss u sis!! mwahugsss!!

    ReplyDelete