Showing posts with label opinion. Show all posts
Showing posts with label opinion. Show all posts

Wednesday, August 26, 2009

Ang Blog...

Matagal tagal an din akong blogger, since 2007 . I was just encouraged by a friend who is a ablogger too since 2004 pa. At first, since it was new to me, madalas akong nag boblog I write many things from simple experience to a more exciting one. But lately, i find it boring na. Or maybe because wala lang akong maisip na bagay na pwedeng i blog.

Minsan, naitanong ko sa isang kaibigan, ano nga ba purpose bakit tayo nagbo blog? Mag papansin? Maka catch ng attention ng ibang blogger? Ipangalandakan ang mga experiences natin sa buhay na dapat sa atin na lang? Sabi ng isang kaibigan, kaya daw tayo nag boblog eh para daw humingi ng simpatiya sa ibang bloggers na nagbabasa ng blog mo. At isa pang kaibigan ang nagsabi na ang blog daw ay para lang daw sa mga emo. Dito kasi sa blog nailalahan ng mga emo ang kanilang mga damdamin. At isa pa ding kaibigan, dito daw sa blogworld makikita ang sandamakmak na mga pekeng tao. Na ang mga sinusulat mostly ay mga blog na nagbibigay ng good impression sa pagkatao nila. Sa bagay, may point siya. Ikaw ba naman susulat ka ng blog na ikakasira mo? I mean.. mag poproject ka ba ng bad image? Hindi siyempre. Hanggat maari pa good shot ka sa mga readers mo.

Pero ano nga ba ang purpose natin sa pagsusulat dito sa blog? Sa ganang akin, ang pag susulat ko ng blog ay isang libangan lamang. Sinusulat ko kung ano ang kasalukuyang nilalaman ng utak ko. Yung laman ng puso ko. Aminado ako.. minsan emo din ako. Pero hindi para manghingi ng simpatiya or magpapansin. Inilalahad ko lang ang mga bagay bagay.. parang tipong nagkukwento lang. Hindi ako humihingi ng opinyon or suggestion kahit kanino. Basahin niyo mga comment ng blog entry ko. Bihira lang akong mag react sa mga comments ng readers ko. Minsan nakakatawa, minsan, nakaka flatter pero... wala lang.. no comment na lang ako.

Lately, hindi na ako masyadong nagsusulat ng blog entry.. parang nakakatamad na din kasi. Usually.. puro basa na lang gingagawa ko. Minsan, nakakatamaran ko na ding magbasa. Madami akong sinusundang mga blogs, pero sa dami nila, iilan lang ang mga binabasa ko. Mostly kasi, pare pareho lang din ang mga tema ng blogs nila. Palipas oras na lang. walang magawa eh.. kaya basa na lang ng basa..


==================

Disclaimer:

Ang blog na ito ay opinion lamang.. wala sino man ang pinatatamaan. Mag react kayo kung gusto niyo.. Ako ay nagsusulat lamang..