Saturday, December 19, 2009

isang Linggong Pag ibig..

Nagtext ka from nowhere.. sabi mo kamusta na ako? nagulat ko sa text mo. Ilang buwan ka din hindi nagparamdam since nung first meet up natin. Siyempre na excite ako kasi i was still hoping na magkikita tayo. Yeah nagkita nga ulit tayo. Akala natin ito na.. Akala ko ikaw na.

Naikwento ko sa mga friends ko ang history natin. They were wishing me luck. Sana daw makita at matagpuan ko na ang hinahanap ko. Kasabay noon ay ang pagkalungkot na maaring mawala na ako sa kanila kung sakaling maging taken na ako.

Since nung nagparamdam ka ulit. Naexcite ako.. nagtapatan tayo kung gusto natin ang isat isa.. Sabi mo OO interesado ka sakin. Sabi ko din OO interesado din ako sayo. Nagkita ulit tayo, nag usap. Ang sabi mo wag tayong mag madali. gusto mo munang magkakilala tayo ng lubos. Tinanong kita kung "tayo" na ba.. ang sagot mo.. "makapaghihintay ka ba?". Ang sagot ko.. "basta ba may aasahan ako eh" Ayaw kong umasa sa wala.

Sabi mo, may aasahan naman ako. Eh di mabuti kung ganun. Hinitayin kita.

Pero anong nangyari. Hindi ko lang nasagot yung text mo dahil nasa meeting ako. late ko na nabasa yun text mo.. pero nagreply naman ako. Ilang beses na akong nag reply.. nag text.. kahit isang sagot wala akong natanggap. Inakala kong baka wala na yung number mo kaya tinawagan ko cellphone mo pero nag riring lang at walang sumasagot. Iniignore mo ako. ilang beses na to nangyari. Akala ko nung una busy ka lang talaga at sabi mong hindi ka talaga pala text. Ok granted na hindi ka mahilig mag text, pero pati ba naman tawag iniignore mo.. Iba na to.. hindi na ito biro. Mahaba mang nag pasensiya ko, nauubos din ito. Ayaw ko ng ganito.. kung kelan mo lang gustong maparamdam tska ka lang nagpaparamdam. Ano ako, naghihintay sa kawalan? umaasa sa wala? it's unfair!! hindi tama ito.

Sabagay, sabi nga ng mga kaibigan ko. it's too early.. masyado pang mababaw ang pinagsamahan natin. Ilang beses nga lang ba tayo nagkita at nagkasama. Hindi pa sapat yun para maging matatag ang foundation ng pinagsamahan natin. Kung emotional investment naman ang pag uusapan, kulang pa din. Kaya ok lang sakin kung ano man ang nangyari. At least di masyadong masakit. At least maaga pa lang natapos na agad..at nalaman ko na kung ano status ko sayo at status nating dalawa.

para akong tanga.. nagsusulat ako ng ganito eh hindi mo naman nababasa.. lols. Wala eh.. way of expression ko lang ito. kahit hindi mo mabasa ok lang at least na express ko yung feelings ko.

Anyway, no hurt feelings naman ako. At hindi rin emo type post itong entry na ito.


===========================

btw: nagpalit na ako ng number deleted na din number mo sa phonebook ko. kaya noway para magkaroon pa tayo ng contacts.. so good luck na lang sakin.. goodluck sayo? ewan ko.. bahala ka na sa buhay mo.

3 comments:

  1. kabog kayo? ang taray ng dyosa! parang pang Imelda Papin lng...hehehe

    ReplyDelete
  2. Kaya ako inuunuhan ko na kapag walang pakiramdam sa akin yung tao. Hindi ko trip ang nanghahabol.

    ReplyDelete