Sunday, April 26, 2009

hawak kamay


Naglalakad tayo sa mall, sabi mo sakin ng pabulong. "ano kaya magholding hands tayo?". Napangiti lang ako sa sinabi mo. Pero sa isip ko, "kung pwede lang sana, kanina ko pa hinawakan ang kamay mo". Kelan nga ba ako huling nakahawak ng kamay na isang tao habang naglalakad? Ahhh hindi ko na maalala. Matagal na panahon na yun. At sa babae ko naranasan ang ganun.. Hindi sa kapwa lalaki.

Minsan naisip ko, ano nga kaya ang feeling ng may kahawak ng kamay habang naglalakad sa public places. Whew!!! parang hindi ko kakayanin ang mga mapanghusgan mga mata ng mga tao.

Inaya mo akong manood ng sine. Batid kong sa likod ng ating mga isip na gusto nating maghawakan ng kamay at hindi natin kaya pareho gawin sa harap ng maraming tao. Kaya ito na marahil ang tamang pagkakataon upang kahit sandali na magkasama tayo ay mahawakan natin ang kamay ng isat isa.

Pumasok tayo sa loob ng sinehan, nagmasid, naghanap ng tamang pwesto, tamang lugar kung saan tayo uupo.

Nakahanap tayo ng tamang upuan. Wala masyadong tao, kakaunti lang ang mga nanonood. Ito na ang tamang pagkakataon. Unti unti mong idinikit ang iyong mga braso sa aking braso. Hudyat na gusto mong maghawakan tayo ng kamay.

Hindi na tayo nag atubili pa. Bigla nating kinuha ang kamay ng isat isa. Hmmm.. napakasarap ng pakiramdam, magkahawak tayo ng kamay habang magkatabi sa upuan, habang nanonood ng palabas. Multitasking ika nga.. atensyon natin ay nasa palabas ngunit ang ating mga kamay ay tila may sariling isip, nagkadikit, nagkahawak, na tila ba nag uusap.

Sana ganito tayo palagi, magkadikit ang mga braso... magkahawak ang mga kamay. Mahigpit na pagkakahawak. Hindi man tayo palaging magkasama, ngunit maalala natin ang init ng ating mga palad.

Kuya...

Simula nang pumasok ako dito sa mundo ng cyber, nakaugalian ko nang magpatawag ng KUYA sa mga nakikilala ko. Mula pa noong nag eexplore ako sa chatworld, kapag may nakachat ako.. i usually ask them to call me KUYA. I dont know.. parang gusto kong lagi na may tumatawag sakin ng kuya. Siguro marahil ay wala akong younger brother na pwedeng tumawag sakin ng kuya. Though I have 2 sisters na mas younger sakin. At siyempre kuya ang tawag nila sakin. But still, iba pa din ang pakiramdam sakin kung younger brother ang tatawag sakin ng kuya.

And for which reason, gumawa ako ng user ID ko sa YM na may "kuya_mo" ang nakalagay. Sa mga naging kaibigan ko, lalo na yung close sakin, gusto kong yung tatawagin nila akong kuya. Parang term of endearment kasi sakin yun. Mas may closeness and dating pag tinatawag kang kuya. Sa typical filipino family. Yung pag tawag ng Kuya ay isang tanda ng respeto. Nakakapagtaka nga eh, minsan may nakikilala akong magkapatid, pero hindi sila nagtatawagan ng kuya. Parang hindi normal.

Sa grupo kong ENGKANTADIYA, karamihan sa kanila, kuya ang tawag sakin. Yung iba, gaya ni Rain_Darwin (princesa) at diwata, pati na din si dukesa na partner ni diwata, DADI ang tawag sakin. Si Lukayo (kondesa) na partner ni princesa, PAFS naman ang tawag sakin. And among them si Mugen ang pinaka unang tumawag sakin ng kuya. At hanggang ngayon kuya pa din ang tawag niya sakin. Si Dabo (sirena), na lately ko ding nakakachat ay kuya na din ang tawag sa akin.

Sa blogworld naman.. iilang lang naman actually ang nakikilala ko as of the moment.. among them si JayVee ang una kong nakilala at nakausap na blogger... and he calls me kuya too. Ganun din si maxwell5587, na lagi ko na ding nakakausap sa chat. Sa twitter naman.. andiyan si xallperce at si jonas141 .. pati na din sina deathnote (Athena) , blakrabit at si stonedgym.. lahat sila kuya ang tawag sakin.. Pero whatever terms they use to call me, isa lang ang ibig sabihin.. lahat sila.. malapit sakin.

Masarap maging kuya sa tao lalo na kung nagpapakita siya ng respeto at willing siyang ipaubaya ang kanya sarili bilang nakababatang kapatid ko. Lahat sila.. hindi ko man sila mga tunay na kapatid. Pero ramdam ko sa sarili ko na tunay na kuya ang turing nila sa akin.



Wednesday, April 22, 2009

Muling Pagkikita... Kamusta na?

Me: ei... musta? may duty ka ulit ngayon?

Him: hmmm.. pauwi na.. lakas ng ulan..

Me: Gusto me meet tayo later? Merienda lang tayo.

Him: San ka ba? San tau kita?

Me: Dito lang anonas.. Meet tayo cubao.

Him: Ahh ganun ba? Kabababa ko lang ng jeep dapat pala dumiretcho nako doon

Me: para makapagkwentuhan na rin tayo.

Him: Ikaw. Ok lang naman sakin.

Me: Sige.. text kita maya.. punta lang muna ako bank.

Him: Sige kuya tara kita tayo, ayaw ko dito sa bahay. Anong time ka ba pupunta? Gusto ko na umalis dito house

Me: Wait lang.. andito pa ako sa bank. inaasikaso ko ATM replacement ko

Him: Ang lakas ng ulan dito sa bahay.. ok jus text me kung pupunta ka na..

Me: Sige... sandali lang to.. matatapos na din ako dito.. text kita pag paalis na ako.


========================================================

Almost 4 months na din kaming magkakilala ng taong ito. Nagkakilala kami sa isang thread forum ng guys4men dati. We had our first GEB and he was one of those whom I invited. But unfortunately.. hindi siya nakapunta. During that time kasi.. hindi yata siya pinayagan ng partner niya na pumunta. But still we continued texting and we became friends.

In one of our gatherings sa engkantadiya. I invited him to join. Though ang akala niya one on one meet lang namin. Hindi niya alam na isasama ko siya sa Videoke Sessions namin. Kaya nagulat siya na different guys ang nakikita at nakikilala niya. And after that gathering.. nagdesisyon akong gawin siyang isang engkanto. Part of our group. Fortunately.. everyone in our group accepted him. Warm welcome ang ibinigay sa kanya. Sa kagustuhan ko talagang mapasama siya sa group, we even gave him a name. Princesa gave him a name "anghel". Bagay daw sa name niya.

But certain events took place.. We parted ways. Hindi kami nagkasundo for some reasons. Ako na din ang nag alis sa kanya sa grupo namin. Sabi nga ni Princesa, "Hinahupit ng Dyosa". The group still managed to continue without his presence. Inisip na lang namin na bata pa talaga siya. Marami pang confusions sa sarili.

Then after a couple of weeks.. nagtagpo ulit ang landas namin. Nagkausap ulit kami sa text at sa chat. As if parang walang nangyari. Ganun pa din ako sa kanya. I still continue giving him advices na parang isang Kuya sa kanya. Though sometimes, medyo nakakainis din kasi, medyo may pagkamatigas din kasi ulo nitong taong ito. Moody kumbaga. Ayaw niya ng pinagsasabihan siya. Gusto din nya yung siya ang nasusunod. And because of that, nagkagalit ulit kami. And i promised myself not to contact him ever. I immediately deleted all his contacts with him, especially sa text at sa YM. Ayaw ko na siyang makausap pa. Matigas kasi ulo. Hindi lang sa taas pati na sa ibaba.. lols..

Then, about a week ago... one of the engkantos, si dukesa sent me a text message asking permission if he can give my number to "anghel". Though alam kong may contacts pa din sila nitong anghel na ito. Sabi ko ok lang na ibigay niya number ko. I realized namiss ko na din naman si anghel and its about time to forget the past. Kalimutan ang sama ng loob.

So there, nagtext siya sakin... kamustahan.. kung ano na nangyari afterall these times na hindi kami nag uusap. Nagkapatawaran, inayos ang hindi pagkakaunawaan. Nagsimula ulit.. or should i say na tinuloy ang dating pagkakaibigan. Maayos na ang lahat. back to normal na ulit. Parang walang nangyari.

Kanina nga.. nagkita ulit kami after almost 3 months. And i came to realize na itong taong ito ay sana maging panghabangbuhay na kaibigan. Hindi man siya ulit mapabilang sa grupo, sana manatiling isang tunay na kaibigan at "kapatid" panghabangbuhay.

Sayo iyo anghel,

masaya ako at muling nagtagpo ang landas natin. Isipin mo na lang na eto ulit ako para gumabay sayo at magbigay ng payo para sa ikabubuti mo. Sana maging matatag ka sa pakikibaka sa mundo ng mga PLU.


Sunday, April 19, 2009

Angelic Voices...

I was surfing from the YOUTUBE a while ago.. I saw this video.. Ang galing.. naalala ko tuloy yung younger days ko when i used to be a choir member myself. Though Im not saying na kasing galing nila ako kumanta.. pero wala lang naalala ko lang.. hehee watch niyo to..

Saturday, April 18, 2009

Secrets Revealed...

Maaring nakabasa na kayo ng ganitong klase ng tema ng blog entry ng ibang bloggers. Hayaan niyo na ako naman ang mag reveal ng mga ibang sikreto na hindi pa alam ng aking mga kaibigan.

1. Ipinanganak ako at lumaki dito na a maynila. At pangatlo sa limang magkakapatid. Kaya malakas ang impluwensiya sakin ng tinatawag na “midchild syndrome”.. kulang sa pansin ng aking mga magulang. At tingin ko sa aking sarili ay isang “black sheep”. Feeling ko ako ang kakaiba sa mga magkakapatid.

2. Nag aral ng elementary at high school sa pampublikong paaralan.Laki kami sa hirap kaya hindi kaya ng parents ko na mag paaral sa private school. Same schools kami ng mga kapatid ko mula elementary hanggang high school. Hindi pa uso kasi noon ang pre school education.

3. First and ever experience kong makipag suntukan ay noong ako ay nasa Grade III. Sa likod n gaming school. Hinamon ako ng akong kaklase ng suntukan. Tinutukso kasi akong “negro” at “baluga”. Napikon ako. Nilapitan ko siya sa kanyang kinauupuan at binatukan ko habang nakatalikod an gaming guro. Inaya niya ako ng suntukan at aking pinaunlakan.

4. Unang karanasan ko sa pag ibig ay nung Grade 6 ako. Nagkaroon ako ng crush sa kakaklase ko. (babae to ha). Katabi ko siya sa upuan. Siya ang dahilan kung bakit gustong gusto ko pumasok araw araw. At tinatamad akong mag aral kapag absent siya.

5. Summer vacation tapos kong mag graduate sa elementary nang ako’ matuli. (circumcised). Babaeng doctor ang nagtuli sa akin. At nanay ko pa ang kasama kong pumunta sa doctor. Wala kasi ang aking tatay at siya ay nasa trabaho. Hiyang hiya ako that time kasi babae yung nag tuli sakin.

6. First year HS ako nang ako ay matutong magjakol. Isang gabi sa aking hingaan, hinimas ako ang aking pututoy, nakaramdam ako ng sensation. Haggang sa nasarapan ako at sa unang labas ng aking likido, nahilo ako. Hindi ko alam kung bakit ganun. Ang nakakatawa pa, katabi ko pa ang aking kuya na himbing sa kanyang pagkakatulog.

7. I was a good student before. Hindi uso sa akin ang lakwatsa. Bahay-school, school-bahay lang ang daily routine ko. At pag saabado at lingo, simbahan naman ang destinasyon ko. Kasali kasi ako sa Boys Choir kasi ng sa aming parokya. Tumagal ang ganito routine sa buhay ko hanggang mag graduate ako ng High school.

8. First time kong mag lakwatsya noong nag aaral pa ako ng college. 4th year college na ko noon. Nanood ako ng sine mag isa. Tanda ko pa yung movie na pinanood ko. Superman IV, si Christopher Reeve pa ang bida. Sa Recto yun.. Hindi ko alam kung buhay pa yun sinehan na yun ngayon. Tandem ang pangalan ng moviehouse sa tapat ng kartimar recto.

9. I was a loner during my childhood days. Hindi ko nga masyado kilala mga kapitbahay namin. Maski sa School, Pili lang ang mga naging kabarkada ko. Crowd na sakin yung magkasama ang 3 tao. Noong High school ako. 3 lang ang naging kabarkada ko. yung tinuring ko talagang kaibigan ko.

10. I had my very best friend na guy. Kababata ko siya. Sabay kaming tinuli pero siya sa pukpok lang at ako sa doctor. Said to say. Maaga kaming pinaghiwalay ng landas. Maaga siyang namatay. Tinamaan ng kidlat habang kami ay naglalaro ng basketball sa open field. Isang maaliwalas na hapon nang kami'y naglalaro ng basketball, nagpahinga ng konti, at sabi niya gusto daw niyang mag yosi, walang lighter or posporo that time. Sabi niya" ano kaya kumidlat para masindihan itong yosi ko" ayun.. bigla na lang kumidlat ng pagkalakas lakas at tinamaan siya.

11. Mahaba ang pasensiya ko. Ayaw ko ng verbal argument. Lalo na sa harapan. Ok lang na talakan mo ako na talakan. Hintayin kitang matapos. Pag tapos ka na.. humanda ka.. ako naman. Hindi ako violenteng tao. Pero at malaking pero.. huwag lang akong kakantiin… kundi patay siya sakin.

12. Apat lang ang naging girlfriends ko.. 3rd year HS, 2nd college, 4th year collge, at nung nag wowork na ako. Last relationship ko, 2004 lang. Isa lang ang nadala ko sa bahay namin. Yung last gf ko. Sa apat na gf ko, isa lang din ang nakasex ko. Yung last gf ko din. Akala ko siya na ang makakatuluyan ko. Hindi pala. Nabutis ko siya.. kaso.. after 2 months.. nakunan siya. Hindi ko pa man nasasabi sa parents ko at sa parents niya ang nangyari sa amin. Mula noon nagkalabuan na kami hanggang sa magkahiwalay na kami. Nasa ibang bansa na siya ngayon.

13. Late bloomer ako sa mundo ng PLU. 2005 lang ako nagsimula. Mula nang matuto akong mag internet. Nag explore. Nakipag meet. Nakipag sex sa kapwa lalaki. Nag iba ang takbo ng buhay ko mula noong pumasok ako sa ganitong mundo.

14. 2005 nang una akong umibig sa kapwa lalaki. Sa YM chat ko lang siya nakilala. Nakwento ko na dito sa blog ko kung ano storya.

15. 2007 nang una akong makipagmeet sa maraming PLU. At dito nabuo ang samahan ng mga tinatawag na mga engkanto ng kaharian ang ENGKANTADIYA.

yan lang muna....

Friday, April 17, 2009

Ang ATM Card ko...

Sa mga government employees na tulad ko. Di na uso ang cash kapag kami sumusweldo. Usually sa ATM namin kinukuha ang aming sweldo. Mga ilang taon na din kaming sumisweldo gamit ang ATM card ng Land Bank of the Philippines.

Mga 2 years dapat ang expiration ng isang ATM card. At dapat pinapalitan na agad ito before sumapit and ika 2 years nito. Sa sobrang busy ko.. hindi ko na magawang pumunta sa mother bank para ito'y mapapalitan ng bago. Last February pa dapat ito napalitan. Hindi ko nagawa dahil nga sa sobrang busy.

Kanina mag wiwithdraw sana ako ng cash, pag dukot ko sa wallet ko para kunin ang aking ATM card, ito ang aking nakita. Di ko din alam kung nasaan na yung kaputol ng card, marahil naipit ito sa loob ng aking wallet, kaya nabiyak. Patay, paano na to? Wala akong cash, di ako pwedeng gumimik ngayong gabi. Nakakahiya naman kung wala akong maisi share sa gimik namin.

Huling ginamit ko kasi ang ATM na ito noong bago ako pumunta ng Pangasinan. Linggo ng gabi. Napansin ko may lamat na din ito kaya ingat din ako sa paggamit. Naisip ko na pagbalik ko galing ng Pangasinan, tsaka ko na lang aasikasuhin ang replacement ng ATM card ko. Ngayon na nabiyak na siya, mapipilitan na talaga akong pumunta sa main branch ng bank for a replacement. Kundi, hindi ako makakasweldo sa susunod na payday. haaayy

PS:
Sa mga engkanto, sensiya na.. hindi ko lang masabi sa inyo na walang akong datung ngayon, at nahihiya akong sumama sa gimik. kaya hindi ako makasagot kung sasama ako o hindi. Sensiya na.. hehehe

Thursday, April 16, 2009

Pangasinan... a place to visit this summer...

Before classes ended last March, we had already planned this R and R (Rest and Recreation). And as the president of our organization, together with our boss, we have created strategic plans for this activities. Activities like team building, sports and recreations. We planned also on how we will maximize the funds we have for this activities. We asked financial assistance from different sponsors like the politicians which is suprisingly, not all of them responded to our needs. We asked some of them for a monetary assistance and some of them were asked to provide us vehicle to be used for our trip. But unfortunately, the vehicle we requested was not granted. And we just decided to commute and go on with our trip as planned.


On the day before our trip.. april 12, sunday, i sent text messages via General Message informing all the members that we dont have a vehicle to use instead we are going to commute using public utility bus. And advised them to prepare at least P700 for our transpo fare. (back and fort). Of all those people i've sent the message, only 17 responded positively. Biglang nagsipag atrasan ang iba pang 35 na members who originally agreed to join.

April 13, monday 9:00pm ang oras ng aming antayan.. isa isang nagsisidatingan.. At around 11:00pm.. nagpahatid na kami sa bus terminal. Dagupan Bus station sa Cubao Edsa. After waiting for almost an hour, dumating na ang bus na magdadala sa aming patutunguhan. Ang Agno Pangasinan. Dito nakatira ang isa sa aming kasamahan. Kaya una palang plano ay dito na agad sa lugar na ito ang aming unang destinasyon. Dumating kami sa lugar eksaktong 6am. Maganda ang lugar. Kumbaga sa isang resort, exclusive ito ang wala masyadong tao. Kakaunti lang ang mga nainirahan.

Nagpahinga lang ng konti dahil sa pagod sa biyahe, habang yung iba ay abala sa paghahanda ng almusal na aming kakainin. Naglibot libot ako sa paligid. Tahimik ang dagat. Wala masyadong alon na nakikita. Ang larawan nakikita ay kuha ko gamit ang aking cellphone. Mga bandang hapon na yan. Sun setting.

Matapos ang aming almusal. agad na kaming nagsipagbihis.. bihis pampaligo at nagtampisaw sa tubig.. masarap maligo.. tahimik ang dagat. Malayo ka na'y mababaw pa din ang tubig. Pino ang buhangin na kulay brown. Mga ilang oras din kaming nagsipag ligo. Buong araw kaming nagtampisaw sa dagat.

Isa sa mga plano namin ay ang pagpunta sa Manaoag, Pangasinan upang dalawin ang imahe ng Birhen ng Manaoag. Pero bago kami magtungo doon, napagplanuhan din namin ang pangpunta sa ever famous na Hundred Islands sa Alaminos, Pangasinan. Kinabukasan, matapos naming mag almusal, agad kaming bumiyahe sakay ng jeep patungong alaminos. Isa sa mga kasama ko ang kumontrata ng jeep na aming sasakyan na maghahatid sa amin sa alaminos, at hinintayin kami hanggang sa matapos kami mag island hopping sa ibat ibang isla ng nasabing lugar. Nag rent kami ng banka. Since we were all 18, we were divided into two groups. Each banka cost P1000 each. I took some pictures of these islands... and it is very amusing.. napakaganda ng lugar. Our tour lasted only for about 2 and a half hours.

From Alaminos, we went to Bugallon, Pangasinan. We met the uncle of one of our colleagues and who works in the Philippine Customs. Dinala niya kami sa kanyang bahay. Malaki ang kanyang bahay, na punong puno ng ibat ibang klaseng halaman, lalo na ang kanyang orchids farm.

From his house, we went directly to Manaoag, Pangasinan. Probably you're visit to Pangasinan would not be complete without visiting the Our Lady of Manaoag Shrine. Kahit bawal magdala ng cellphone sa loob ng church, i took picture of the image. We stayed there for about 30 minutes. Nagtirik ng candles at nagdasal..

From Manaoag, we went to Lingayen. Napunta kami sa historical places nila. We saw the relics of the world war II like the tora tora plane, the tanker, and the canon. These are all located at the back of Town Capitol. Nag take din ako ng pictures.. kaso ibang cam ang gamit.. kaya wala pa akong ma ipost. hehehe. We just stayed there for a couple of minutes and we left right away.

Our next destination was in Dagupan. One of our colleagues, Ate Badette took us to her sister-in -law's place. Coincidentally.. they were celebrating a fiesta called Pigar Pigar Festival. Pigar pigar is a popular dish composed fo beaf with repolyo. Along the streets of Dagupan were lots of restaurants, tables and chairs filed along the the bangketas.. You can really feel the festive mood along the streets. We ate our dinner there, and after eating we immediately proceeded to our next destination, to Labrador, Pangasinan.




to be continued..




Saturday, April 11, 2009

wheeew!!!! ang INIT!!!!

Tuwing sasapit ang summer vacation., lalo na kapag Holy Week. Usual na yung nag i spend ng bakasyon dito sa bahay ang aking limang pamangkin. (23 yo na ang eldest at 3 yo ang youngest). Gawa ng wala nang pasok sa school, dito sila pumupunta. Siyempre masaya ang parents ko at makakasama nila ang kanilang pinakamamahal na mga apo.

Hindi nakaugalian ng pamilya ang mag spend ng Holy Week sa ibang lugar. Eversince dito lang talaga sa bahay. Sabay sabay na ginugunita ang semana santa hanggang sumapit ang Easter Sunday. Isa sa mga activities ng pamilya ay ang magsama sama sa oras ng pag kain., dito kami nagkakasama sama ng halos kumpleto, as in 3 days talga na hindi naghahain ng pagkain na may karne. Gulay at isda lang talga.

Bukod dito ay ang paglalaro ng aking mga pamangkin sa kanilang kiddie pool. Dahil sa sobrang init sa mga ganitong panahon. Naisipan kong maki join sa kanila sa paliligo. Talaga naman pong napaka init ng panahon. Hanggat maari ay oras oras kang maliligo. Tapos nang maligo ang iba ko pang pamangkin kaya dalawa na lang sa kanila ang akong naabutan.

Ang sarap ng pakiramdam. Noong kabataan ko at hindi pa uso ang ganitong kiddie pool kaya parang nagbalik ang aking kabataan kasama ang aking mga munting anghel na pamangkin. hehhehe. Kesa naman magpunta kami araw araw sa resot upang mag swimming, eh dito na lang kami sa bahay. Sa kiddie pool.. kasama ko pa sila sa paglalaro. hehehehe. Next time mas malaking kiddie pool ang bibilhin para magkasya kaming lima ng aking mga pamangkin. hehehe

Friday, April 10, 2009

Blog Holiday daw...

Minsan, naisip ko mag blog holiday ng pagkatagal tagal. What's the use kung nag oopen naman ako lagi ng blog ng iba? Anong sense diba? Kung blog holiday talaga dapat.. hindi mo oopen yung blog mo. As in totally walang log in. Blog holiday daw.. pero nagbabasa naman ang blog ng iba.. nakakatawa diba?

Ang daming bloggers na nag blog holiday, kasabay ng pag spend ng vacation nila somewhere. Yung ang totoong blog holiday. Kasi kung sasabihin mong mag bo blog holiday ka tapos panay naman ang view mo sa blog ng iba wala din.. parang nanahimik ka lang sa isang sulok pero panay pa din ang masid mo sa blog ng iba. Nakakatawa diba?

Sabi nga nung isang blogger... Blog holiday is not in my vocabulary.. totoo nga naman.. minsan lang naman kasi siya mag karoon ng time para mag open ng kanyang pc.. mag boblog holiday pa ba siya?


Sa ganang akin.. nung mag hibernate mode ako dati sa blog ko.. hindi ko tinuring na blog holiday yun. Hindi naman kasi ako totally.. nawala eh.. and i still open my blog and view other's blog. So hindi blog holiday yun para sakin. hibernate lang.. as in nagpahinga lang sa kakagawa ng entry.. and besides.. minsan lang naman talaga ako mag post ng entry sa blog ko eh.

Para dun sa mga nag blog holiday... yung totoong nag blog holiday.. enjoy your vacation at alam kong nasa vacation talaga kayo and there's no other way para makapag open kayo ng pc niyo at mag log in dito sa blogspot.com. Hope to see more of your blog entries.

As for me.. since dito lang ako sa bahay.. walang magawa kundi matulog, kumain, mag internet.. enjoy ko na lang din ang sarili ko sa ganitong activities habang bakasyon.

PS:

Sa mga kapwa ko engkanto ng engkantadia... enjoy your vacation.. samantalahin ang bakasyon. Hope to see you soon..

Wednesday, April 8, 2009

16. Ma meet si US President Barack Obama.. tapos tuturuan ......

nakaka amaze yung post ni daboski... gayahin ko nga.. lolz.

Isang Daang Mga Bagay ng Gustong Gusto kong gawin sa buhay ko.

1. Umakyat sa communication tower ng Channel 5 novaliches, channel 2 sa mother ignacia, channel 7 sa Tandang Sora, Channel 4 sa Visayas Ave. Tapos magtetake ako ng pictures ng buong kamaynilaan.
2. Sumakay ng helicopter.
3. Sumakay ng space ship ng NASA at pumunta ng outspace.
4. Sumakay ng hot air balloon.
5. Mag bangee jumping...
6. mag SCUBA diving..
7. Trip kong mag tinda ng kung ano ano sa kalsada.. like DVD.. sex paraphernalias... lols..
8. Trip kong mag trapik aide sa EDSA.. parang MMDA.. lols..
9. Umakyat sa crater ng Mt. Mayon Volcano. tapos makipag habulan sa rumaragasang LAVA pababa ng bulkan. lols
10. Matulog ulit ng nakahubad sa ibabaw ng bubong ng bahay namin. (sa gabi siyempre) Nagawa ko na din ito nung bata pa ako.
11. Malibot ang buong Pinas... siyempre sariling bayan muna bago ibang bansa.. hehehe
12. Magpalipad ng airplane... boeing 747..
13. Mag alaga ng Tigre, Leon at elepante sa likod ng bahay namin. lols
14. Magkaroon ng sariling Record Album.. tapos.. i e ere sa mga radio stations tapos may sariling mall tour ( angas!!! hahaha )
15. Mag swimming sa gitna ng Pacific Ocean. (kahit hindi ako masyadong marunong lumangoy) hahaha
16. Ma meet si US President Barack Obama.. tapos tuturuan ko siyang mag tong its .. lols.
17. ...... (mag iisip pa muna ng iba) hehehe


so yan lang muna ang mga bagay na gusto kong gawin ...

Tuesday, April 7, 2009

Init sa Tag araw...

Tuwing sumasapit ang tag init, isa sa mga paraan ng mga tao para magpalamig ay ang pag si swimming. Since ang bansa natin ay kabilang sa mga tropical countries na ang temperatura ay umaabot ng 35 degree celcius tuwing buwan ng mula Marso hangang Mayo.

Ngayon umpisa ng bakasyon, napag kasunduan naming magkakaibigan na magtungo sa isang resort sa may bandang bulacan. Kilala ang resort na ito sa taglay nitong kakaiban tanawin. May malaking barko sa gitna na tila akala mo ay totoong barko sa kalagitnaan ng tubig. Main attraction ng resort ang naturang barko. Bukod dito, may nagtataasan slide na animoy walang katapusan na kapag bumulusok ka ay lalagpas ka na sa tubig.

Nang dumating kami sa resot. Dagsa na ang mga tao na nakapila pa lang sa entrance. Kanya kanyang grupo na pawang may mga bitbit na mga gamit. Mga pagkain, inumin, at mga bag na nakalagay sa push cart habang hinihintay ang ticket na binili mula sa counter at ipapakita sa may entrance gate ng resort.

Labing tatlo kaming lahat na nagtungo sa resort. Ako bilang pinaka leader ng mga kasama ko. Ako ang nagpunta sa counter upang bumili ng mga tickets. Pagpasok namin sa loob, sinamahan kami ng guide at itinuro sa amin ang cottage na aming paglalagyan ng mga gamit. Isang maliit na kubo na para lamang sa sampung tao. Tama lang para sa amin, konting gamit lang naman ang aming dala.

Dala siguro matagal na pag hihintay sa ticket ng mga kasama ko, nagutom ang mga ito at paglapag pa lang ng aming mga gamit ay inumpisahan agad ang pagkain. Matapos kumain at kanya kanya na sila ng bihis pampaligo.

Madami ang tao sa resort. Halos puno ang swimming pool. Samut saring mga tao mula sa ibat ibang lugar. Bata, matanda, babae, lalaki, at siyempre.. ang mga binabae.. out man or straight acting ang naglipana sa bawat sulok ng resort. Gumana ang ang aking gaydar... hehehe.. isang tingin ko pa lang ay halata ko na kung sino ang pamintang buo at pamintang durog. Sa paglibot ng aking mga mata.. nakita kong madaming kaaaya ayang mga nilalang.. mapababae man o mapalalaki. Siyempre... mas kaaya aya ang mga naggagandahang porma ng mga katawan ng mga hombre na kalahi ni adan.. hihihi. May mga good looking.. may mga HIPON... ibat ibang uri ng mga nilalang.. mula sa ibat ibat antas ng pamumuhay.. mayaman.. mukhang mayaman.. at nagpipilit magmukhang mayaman.

Tumagal ng halos walong oras ang aming pamamalagi sa resort na iyon.. Swimming... pahinga... kain.. swimming ulit... pahinga ulit.. At siyempre.. hindi pwedeng walang maiiwan sa aming cottage.. ako ang madalas na naiiwan sa cottage upang magbantay ng aming mga gamit. Kasabay nito ang aking paminsan minsang pag tetext.. pakikinig ng music mula sa cellphone.. at paminsan minsang pag idlip. Mga ilang beses din akong lumusong sa tubig. Hindi naman kasi ako talga mahilig sa swimming.. kaya mas madalas na ako ang naiiwan sa cottage.

Nang dumating na ang hapon at takdang oras na para magsipag bihisan. Pinauna ko ang aking mga kasama para mag bihis. Matapos silang mabihis. Ako naman ang nagtungo sa shower room. Pagpasok ko sa shower room. Pansin kong mangilan ngilan na lamang ang nagsoshower. Nagtungo ako sa pinakadulong cubicle. Malakas ang sirit ng tubig mula sa shower. Agad akong nag sabon ng aking katawan. Mula sa tiles ng floor, pansin kong may kasabay akong nagbabanlaw sa katabing cubicle. Kita naman sa anino ng floor kung may tao o wala gawa nga ng ito ay basa. At sa animo ng tao sa kabilang cubicle pansin kong nakayuko at nakadikit ang ulo sa wall paharap sa cubicle ko. Kinutuban ako kung ano ang kanyang ginagawa. Aha!!! binobosohan ako ng kupal!!!. Nilibot ko ang aking mga mata.. sa pag aakalang may butas ang aking cubicle na kanyang sinisilipan. Wala akong makita.. Ang wall ng cubicle ay yari sa aluminum. Inulit ko ang paglibot nmg aking mga mga upang makita yung butas na kanyang sinisilipan.. Presto!!! nakita ko ang butas.. nasa bandang ibaba ng medyo malaki at makapal na aluminum na nag di divide sa dalawang manipis na aluminum. Isang maliit na butas ang aking nakita. Sinisilipan nga niya ako.

nagpatuloy ako sa aking pagbabanlaw. Confident naman ako na wala siyang mapapala kahit silipan man niya ako. Sinadyan ko pumwesto sa bandang gilid ng cubicle upang hindi niya ako makita. At matapos akong makapag bihis. Lumabas ako ng cubicle..Pero bago ako lumabas ay malakas kong timapik ang wall kung saan naroroon ng butas n kanyang sinisilipan. Siguradong nagulat siya sa aking ginawa. hahaha!

Nung nasa labas na ako ng cubicle.. sadya akong nagpunta sa harap ng salamin na may sink at gripo upang hintayin kung sino at ano ang hitsura ng taong kanina ay naninilip sa akin. Mga ilang minuto din ang aking pag hihintay. At di pa nagtagal.. lumabas din ang taong aking inaabangan..

EEEEEEEEW!!!!..... yun lang ang aking naging reaction.. matapos ko siyang makita.. agad akong lumabas ng shower room.. (bahala na kayo mag isip kung ano hitsura nung taong aking nakita) hehehe



Friday, April 3, 2009

3 weeks....

Tatlong linggo na ang nakararaan... nang tayo'y huling magkausap. Pait at lungkot ang idinulot.. napariwara.. nagmukmok.. muntik nang magpakalayo layo... gusto kong hanapin ang sarili ko na pansamanatalang nawala.

Nagpatuloy ng buhay.. nag focus ng sarili sa work.. kinalimutan ang cyberworld.. naghanap ng ibang paglalaanan ng atensyon...

Makalipas ang halos tatlong linggo.. kamusta na ako? Ano na ang status ko? Ano na ang pakiramdam ko ngayon?

Eto back to normal na... masaya na ulit sa piling ng mga kaibigan.. parang walang nangyari... alive and kicking na ulit..

Hindi pag e emo ito kaya ko ginawa itong blog entry kong ito.. realization ito kumbaga..
realization na hindi pala dapat mag mukmok na lang sa isang tabi.. hindi pa pala ito ang katapusan..

Salamat na lang at nandiyan ang mga tunay kong kaibigan.. ang engkantadiya.. sa patuloy na sumusuporta.. lalo na sayo amasona.. at kondesa... salamat sa suporta..