Monday, December 8, 2008

Moments being together... (part one)

"Arigato gozaimas! salamat for making my birthday a very special one! I was really touched by what you did. Im so happy. Ingat ka pauwi, God bless. Love you friend, "til then!"

This was the message i received from him after we parted ways last night. Matagal na pinagplanuhan ang pagkakataong iyon. December 5 ang actualy birthday niya. But since family first ika nga.. Minabuti naming icelebrate ng late ang birthday niya.

Usapan namin ay sa SM Manila kami magkikita. Lugar na parehong malayo sa amin. Pero ito ang napili kong lugar para malapit sa lugar kung saan ko talaga balak siyang dalhin. Sa Luneta.. sa likod ng Quirino Grandstand... (korni man yung place pero isa itong lugar na napaka special sa akin).

Alas dos y media nang magkita kami sa harap ng National Bookstore, malapit sa entrace gate ng Sma Manila. Malayo pa lang siya ay kita ko na agad ang excitement sa kanyang mukha. Ito ang pangalawang pagkakataon na kami ay magkikita. Tatlong linggo na ang nakararaan nang una kami magkita sa gateway mall sa cubao. Matapos magkamustahan, inaya ko agad siyang maglalakad lakad sa loob ng mall hanggang makarating kami sa 4th floor kung saan naroon ng mga sinehan. Nung una hindi ko alam kung anong movie ang papanoorin namin. Hanggang sa mag decide ako na "Quantum of Solace" na lang ang panoorin namin. James Bond movie. Matapos magbayad ng ticket. napag alaman kong 3:30pm pa mag uumpisa ang palabas kaya inaya ko muna siya sa jollibee upang kumain ng large fries at softdrinks. Matapos makakuha ng order sa counter, nagpatuloy ang aming kwentuhan habang kumakain ng french fries. Titig ako sa kanyang mga mata habang siya ay nagsasalita. Kita ko ang saya at tuwa ng mga sandaling iyon. "Friend, thank you ha. Salamat talga" . Bigla niya nasambit. Alam kong sincere naman siya sa kanyang sinabi. Kaya imbes na magsalita ako at tanging ngiti na lang ang naisukli ko.

Pagtingin ko sa oras, saktong 3:20pm na at inaya ko na niya pumasok sa loob ng sinehan. Sa loob, napansin kong walang tao sa orchestra.. at bukod tanging kaming dalawa lang yata ang naroroon. Naisip ko tuloy.. parang nagbayad kami ng buong movie house para lang sa aming dalawa. Mula sa umpisa hanggang sa matapos ang palabas ay wala akong nakita ni isa man lang na pumasok. Talagang kaming dalawa lang ang nasa loob. Maganda ang palabas. Puro action, James Bond movie yata yun. What do we expect? hehehe.. Kapag may mga magagandang eksena, nagpapalitan kami ng reaction. nagkakatawanan paminsan minsan. Pero aware kami sa isat isa na nagpapakiramdaman lang kaming dalawa. Dahil na din sa kasabikan namin sa isat isa, ako na rin ang unang nag hagilap ng kanyang kamay upang hawakan. How romantic diba? HHWWM... as in Holding Hands While Watching Movie.. hahaha.. korni.. hehehe.

============

to be continued....

2 comments:

  1. Uyyy ang pinuno umiibig. Haha. Tamang tama, ikaw ang pangalawa sa project ko sa mga susunod na linggo. LOL.

    ReplyDelete
  2. ingat nga ako sa mga magiging postings ko eh... binabasa niya blog ko.. hehehe

    ReplyDelete