Thursday, December 11, 2008

Moments being together ( Final part )

Matapos ang mahaba at makabuluhang kwentuhan, nakaramdam kami pareho ng gutom. Naglakad lakad hanggang sa makarating kami sa Plaza Raja Solayman. (hindi ko sure kung yun nga ang tawag sa lugar na iyon) kung saan matatagpuan ang malaking fountain. Sa gilid nito ay matatagpuan ang mga food resto. Nag decide akong dalhin siya sa Shakey's Pizza. Pagpasok namin ay napansin namin may birthday party. Nagkakasayahan ang mga tao. May parlor games pa. "Tamang tama.. birthday mo ngayon.. dito na lang nating i celebrate birthday mo... makiparty tayo hahaha" sabi ko sa kanya habang papasok sa loob ng resto.

Nakahanap kami ng bakanteng lamesa sa gilid at doon pumwesto. Nagpatuloy ang aming kwentuhan habang nag aantay ng inorder naming food. "Salamat talaga. Pinasaya mo birthday ko. Nahihiya ako sayo, ikaw pa nagcelebrate ng birthday ko" sambit niya. "Ano ka ba!.. ala yun.. birthday mo kaya dapat lang icelebrate" tugon ko..

Matapos kaming kumain, lumabas kami at nagpasiyang pumunta sa tabi ng fountain.. doon naupo kami sa bench habang ako ay nag sindi ng isang stick ng yosi. Lumapit sa amin ang isang grupo ng mga paslit na bata na sa tingin namin ay wala pang kamuwang muwang at nagpipilit na kumanta ng christmas song na hindi naman namin maintindihan kung anong lyrics yung kanilang kinakanta. Nakakaaliw ang mga bata sa kabila ng kanilang gusgusing kasuotan ang mapapansin mo pa din ang tuwa sa kanilang mga mukha habang kumakanta ng awit pamasko. Tuwang tuwa kaming pinapanood sa harap namin ang mga batang paslit. Naroong magbatukan ang mga bata kasi hindi nila maumpisahan ang pagkanta. Naaliw ang aking kasama sa panonood sa mga bata. Inabutan na lang namin ng konting barya ang mga musmos.

Mula sa lugar na iyon, nag tungo kami sa shaw blvd kung saan malapit ang uuwian ng aking kaibigan. At nagdecide kami magpahinga sandali sa isang pribadong lugar kung saan kami ay mas lalo kaming magkakaroon ng intimate moments. (di ko na kwento in detailed kung ano mga nangyari.. alam niyo na yun! hehehe)

Sa mga ganitong pagkakataon, napasarap ng feelings na sa mga moments na ganito, kasama mo ang taong pinapahalagahan mo. Taong mahal mo. Taong binibigyan mo nag atensyon. Ako, bibihiran mangyari sakin ang mga ganitong moments. Kung sa akala niyo ay may relasyon kami ng kasama ko.. Oo may relasyon kami pero hindi ito isang ordinaryong relasyon. We dont consider ourselves as lovers.. And we opted not to become lovers. At sa tingin namin pareho ay mas higit pa sa lovers. We're just FRIENDS who really inlove with each other. Emphasize ko yung FRIENDS, kasi mas tingin namin na mas magiging maganda ang relasyon namin kung mananatili kaming magkaibigan. Pagkakaibigan na pang habang buhay.

========================

Thank you friend... for appreciating me... for loving me.. and for the company.

4 comments:

  1. Masaya ako para sa iyo. :) Asahan mo na buo ang pagtanggap ko sa iyong kabiyak. Looking forward to meet him very soon.

    Alam kong ganun rin ang sentimento ni Tagay at ni Darwin.

    Pasensya na, medyo out of order ako ngayong mga araw na ito.

    ReplyDelete
  2. that's sweet.. I happen to read your "friend"'s blog yesterday and he talked the same thing.
    nakakatuwa po kayong dalawa hehe


    >>marco

    ReplyDelete
  3. i just saw a link here to my blog.
    i will do the same
    thanks man!


    >>marco

    ReplyDelete