Saturday, June 16, 2012

Random Thoughts #9

As usual, wala na naman maisip na magandang ipost. Kakatamad na kasi. Gusto ko lang i update itong aking munting blog. kaya eto, post ko ang mga bagay bagay na naglalaro sa aking isipan.

1. What's new? wala naman bago. Same as usual. Ay meron pala! Nagstart na ulit ako ng work. Busy busihan na naman ang ako. Stress na naman sa mga munting nilalalang. Pasaway dito, pasaway doon. Medyo na promote ng onti sa work. I was assigned to be in charge of the Laboratory Science Equipments. Malaking responsibidad pero keri naman. Alam ko naman kahit paano ang pasikot sikot sa ganun position.

2. Hindi pala ako nag enroll this semester sa aking Masteral Class. Pahinga muna, isang subject na lang ang natitira. Pero balita ko, mahirap daw. Puro research and methods daw. Yun pa naman ang ayaw ko, puro research. Tsaka, tag ulan kasi ngayong 1st sem. kakatamad pumasok pag umuulan. Parang gusto kong matulog na lang tuwing satuday. 

3. Lately medyo nag lie low muna ako sa mga gimik nights. parang 2 weeks ago lang ang last gimik ko, (matagal na ba yun? lol). Tsaka wala din ako sa mood. Sabagay, di naman talaga ako pala gimik na tao. Usually mga encantos lang naman ang mga kasama ko sa inuman/gimik nights. Eh mukhang busi busihan din ang drama nila. Kaya eto, bahay lang ang station ko pag weekend.

4. May bago pala akong kinahihiligan lately. Nangongolekta ako ng keychain from different places all over the country. Not necessarily from places I've been to. Basta keychain souvenirs from different places. I already have from places like, Davao, Bohol, Zamboanga City, Iloilo City, Banaue, Caminguin, Batangas, Baguio, Camarines Sur, Legazpi City, Pangasinan, Cebu, Guimaras, Tagaytay, Nueva Vizcaya, Boracay, Mindoro, Romblon.. and more to come. May nag pledge sakin na nag punta ng Ilocos Norte at Ilocos Sur na bibigyan daw niya akong pasalubong na keychain. Kaya kung trip niyo akong bigyan ng mga keychain para dagdag sa aking mga collections, Gorabells lang.. im much more willing to accept them.. hehehe

5. May namimiss akong tao, mga tao actually. Long lost friends na di ko na nakakausap lately. Ano na kaya nangyayari sa kanila. Kamusta kaya sila. Lalo na si ano. Sana kahit man lang sa FB magkaramdam ka. Tagal na walang update FB mo eh. Hindi ko nga alam baka patay ka na eh. hahaha Si ano naman, balita ko nag abroad na. Mula nang mag abroad siya, di na siya nagparamdam. Baka may iba na pinagkakaabalahan. Im still waiting for your reply sa FB. I gave you my number, so you can call me maybe. LOL


===================

so there...

No comments:

Post a Comment

Post a Comment