Sunday, November 9, 2008

quattro .. favorite na tambayan


Makailang beses na din akong napunta s lugar na ito. Hindi maikakailang isa itong lugar na madalas tambayan ng mga mahilig gumimik sa gabi. Ito ay matatagpuan sa Timog Ave. sa Quezon City. Unang nagpakilala sakin ng lugar na ito ang ang kaibigang si Joms aka Mugen. Natatandaan ko December 2007 nang una akong napunta dito. Kasama ang kaibigang si Mugen at si Deathnote, at dalawa pang kaibigan ni Mugen na sina Roy at Dodong. Galing kami sa isang GEB na aming pinuntahan na sa Timog Ave. din matatagpuan.

Dito din ako unang nag celebrate ng aking birthday kasama ang mga PLU na kaibigan. Kasama ko si Mugen, deathnote, rodddd, at si GCube na pawang mga naging kaibigan ko sa mundo ng cyber.

May mga pagkakataon din biglang nagkakaayaan kaming magkakaibigan at unang naiiisip naming puntahan at tambayan ang lugar na ito. Natatandaan ko pa nga na minsan, nagkaroon kami ng tagayan ng dalawa sa aking pinakamalapit na kaibigan na sina Mugen at si Tagay. At dito nabuo ang aming panghabang buhay na pagkakaibigan. At mula noon at sa tuwing pupunta kami sa lugar na ito. Lalong nagiging matibay ang samahan at pagkakaibigan.

Ang Quattro ay nagsilbing tanging saksi sa mga moments na hindi ko makakalimutan. Moments ng pagkakaibigan, ng pagsasamahan. Lumipas man ang mahabang panahon.. quattro pa din ang magsisilbing alala ng pagkakaibigan.

6 comments:

  1. Lahat ng samahang nabuo ko sa lugar na yan eh hindi pa rin natitibag hanggang ngayon. :)

    May picture ka pala ng Quatro. Buti ka pa. Lol.

    ReplyDelete
  2. hahaha... may kanya-kanya pala tayong mga sariling tambayan talaga... ako sa may tomatokick sa UP village

    ReplyDelete
  3. si mugen ang nag introduce sakin ng quattro.. i i enjoyed it.. so.. naging tambayan ko na din eversince..

    ReplyDelete
  4. Pinuno pasensya na kung hindi ko nasasagot text mo, timing kasi na binabarena ang ulo ko kapag nagtetext ka.

    Maraming salamat sa concern. Kita tayo muli kapag magaling na ako. Ingat ka lagi.

    ReplyDelete
  5. Matry nga yang Quatro na iyan... Hindi kasi ako madalas sa Timog... Out of town ako madalas... Hehe :)

    ReplyDelete