Monday, December 31, 2007

Bata.. Bata... Paano maging bata????


Sa g4m, ang thread ng mga walang mukha na siguro ang isa sa mga pinak wholesome na thread. Kahit na nasa list siya ng sex forum, kakaiba pa din ang dating ng thread na ito. Kung mapapansin niyo, karamihan ng mga nagpopost dito ay halos mga kabataan (youngsters ika nga). Ito ang mga kabataan na mas piniling magpost sa thread ng mga walang mukha kaysa makipag kariran at makipagbalahuraan sa ibang thread. Nakakaaliw basahin ang kanilang mga postings. Ang mga pictures na nilalagay nila sa kanilang profile, na karamihan ay pictures ng mga anime, nagpapahiwatig na taglay pa din nila ang kainosentehan nila bilang mga bata. Na maski ako mismo ay nagaya ng din maglagay ng picture ng anime, yun nga lang ibinagay ko lang sa aking panahon, noong uso pa ang mga japanese robot cartoons, gaya nila Voltes V, Daimos, Mazinger Z at iba pa. Ako bilang mahilig din sa cartoons noong aking kabataan. Nakakatuwang isipin na sa edad kong ito ay naappreciate ko pa din ang mga cartoon characters o anime characters. Masarap mag feeling bata lalo na pag kasama mo ang mga bata. Sa tingin ko ay hindi naman masama ang magbalik sa papaging bata. Masaya ang maging bata. Wala masyadong iniisip na problema. Ang masama ay mag asta kang parang bata. Sabi nga " it's good to have a childlike attitude rather than to have a childish act". Iba kasi ang pagiging "feeling bata" kesa pagiging "isip bata". Magkaiba kasi ang childlike sa pagiging childish.

Naalala ko nga nung minsan ay sinamahan ko si deathnote, isa sa mga batang members ng thread. Naglibot kami sa Quiapo upang hanapin ang DVD copies ng POKEMON SERIES. Nakita ko sa kanya ang labis na katuwaan nang matapos ang halos na isang oras ng paglilibot ay nakita din namin sa wakas ang kanyang hinahanap na mga DVD copies, na ako pa mismo ang nakakita nga mga ito. Katuwaan hindi mo maipapagpapalit sa kahit anong bagay. At kakatuwang isipin na sa edad kong ito ay nakararamdam pa din ako ng pagiging bata. Maski ang mga kasama kong may mga edad na ay aminado din silang nag eenjoy silang kasama ang mga bata. Dito sa g4m, pagkasama ko sila, nakakabata ng pakiramdam, feeling ko mga kasing edad ko lang sila. hehehe.

Narito ang listahan ng mga "youngsters" sa thread ng mga Walang Mukha:

1. -DeathNote-
2. Levantine
3. zhera
4. shadowdance
5. jonas141
6. animedude
7. anonymous49
8. shadowrye
9. rodddddd
10. hawk

Salamat sa inyo mga bata...

3 comments:

  1. aw...hehe..salamat sa pagsama mo sa akin sa quiapo, pinuno! hehehe. 2 cd's to go na lang ako. matatapos ko na siguro mamaya. hehehe

    nga pala, si hawk di ba, bata din un? hehehe

    ReplyDelete
  2. Hindi mo sinama si roddd hehe. tsaka nga pala si hawk hehe

    ReplyDelete
  3. ako bata pa din hehehe


    master cent! happy new year! di na tayo nag-uusap...

    ReplyDelete