Let's welcome the New Year with a bang!!!
Thursday, December 30, 2010
Thursday, December 23, 2010
Merry Christmas Everyone!!!
2 days to go, it's already Christmas!!! Una na akong babati sa mga taong naging bahagi ng aking buhay dito sa Blogsphere. Yung mga dati ko nang kakilala na patuloy ko pa ding nakakausap at yung mga bago ko pa lang nakilala.
Unahin ko siyempre ang mga kapatid ko sa Engkantadiya! ang mga laman lupa at mga kutong lupa. Na nagiging inspirasyon ko kaya andito pa din ako sa blogsphere.
1. Pilyo/Rain Darwin
2. Mugen
3. Marhk
4. Tagay
5. Bloigg/Trench
6. Maxwell
7. Popoy
8. Shoti
9. Don Cholo
10. Jc Bunso
11. Silent Boi
12. Lukayo
13. Johnny Cursive
14. Dark Knight/Dingding
At yung dalawang bagong engkantos
15. Jc/wimpy kid
16. Karps
Yung mga dati ko na kakilala
1. Insang Dabo
2. YJ
3. Xallperce
4. Wandering Commuter
5. Curiouscat
6. Mksurf8
5. Curiouscat
6. Mksurf8
Yung mga bago kong kakilala dito sa Blog
1. Papa Soltero
2. Maginoong Bulakenyo (Peace!!)
3. Bleeding Angel
4. hard2getxxx
5. Alter
6. Dominic_St Michael
yung mga sinusundan kong blogs.
7.. Nimmy
8. Ms Chuniverse
9. Desole boy
10. Trista tales
11. carabrant/shoti2
12. Eternal Wander
13. Ex Jason
14. John Stanley
15. Iurico/Comforting Oblivion
16.AboyNamedXander
15. Iurico/Comforting Oblivion
16.AboyNamedXander
At pati na din doon sa mga hindi ko pa nabanggit...
MERRY CHRISTMAS SA INYONG LAHAT!!!
Wednesday, December 22, 2010
Random Thoughts # 3 (at 1:00am)
Haays, di ako makatulog, natulog kasi ako kanina hapon. kaya eto para lang zombie. dilat na dilat pa din kahit madaling araw na. Nagpapa antok kaya gawa muna ako ng blog, kung ano ano lang maisip sulat lang nang sulat.
1. Bago pa man magsimula ang aking Very Very Long Vacation, naka gawa na ako ng sked at itineraries. 3 reunions ang naka sked kong pupuntahan, I just hope maattendan ko mga ito. Nakakahiya naman invited na nga ako at nag effort pa talaga yung mga organizers na contact ako thru FB tapos dedmahin ko pa. hehehe. I would love to see them again for how many years din kaming di nagkikita kita.
2. Kanina before lunch, i went to mall with my father, bumili kami ng Hot-Cold Water dispenser. Luma na kasi ang defective na yung dating dispenser namin. Ayun.. nabasan na naman ang aking kayamanan. Mahal pala ang dispenser huh. Pinakamura yung 5k. Pero maganda naman yung nabili namin. Sabi nung pinagbilhan 5 hours daw muna bago gamitin kasi yung compressor medyo naalog, para daw kasi ref yun. so nung gabi na.. ayun, ginamit na agad.
3. Excited much na ako sa nalalapit na Christmas Party ng engkantadiya, sana maging masaya ang lahat. Dalawang galing abroad ang dumating. Yung isa galing ng Indonesiya, yung isa kakadating lang galing ng Europe. Sayang nga lang yung isa nasa SG pa. At mukhang di talaga makakapunta. Pero kahit wala siya, parang kasama na din namin siya.
4. Mukhang nagalit sa akin ang isang kaibigan.. sana tampo lang yun.. di niya ako kamuhian. Biruan lang naman yun, burautan lang.. at wala akong malicious intent. Tawa nga ako ng tawa nung ginagawa ko yun eh. Kung napikon man siya, sensiya na lang.. wala akong masamang intension. At the end of the day, magkaibigan pa din kami. Love you!!!. mwaah.
5. Haays, for the 4th time nasira na naman yung ATM card ko. Di na mabasa ng ATM machine. Defective na yung black strip sa likod. Lagi kasing nadidiinan pag nasa wallet ko, ayun parang nabura na yata yung black strip. One week na naman ang replacement. Haaays. Ang layo pa naman ng main branch kung saan ako naka register at kailangan mag over the counter para makakuha ng pera. Tapos madami pang holidays, sarado ang bank. haaays talaga..
6. Nag start ang simbang gabi last dec 16, never ko pa yatang na kumpleto itong simbang gabi na ito. Usually, hanggang umpisa lang ako. Dec 16, nag simba ako, pag dating ng dec 17, di na ako nagising. hahaha. Next simba ko. dec 21 na, tapos eto di pa ako natutulog, makakapag simba kaya ako mayang 4am? hahaha. gudluck na lang sakin. hahaha Potah!, 2am na hyper pa ako. hahaha
yan lang muna...
Sunday, December 19, 2010
Ipod Shuffle
Last night, tumagay ako kasama ng iba pang engkantos, may pumuntang mga promo girls ng marlboro lights. At first hesitant pa ako kasi may yosi pa naman ako, marlboro lights din kaya lang marlboro lights menthol. yung kulay green. Lumapit sa table namin yung mga promo girls. Nag offer ng 2 packs of marlboro lights gold for Php 100. with free lighter. Since kinantyawan ako ng mga kasama ko na bumili so i did. And surprisingly may raffle promo pala sila. Mga apple products like ipod, iphone, yung isang kasama ko ng bumunot sa bowl para sa akin. Ang Galing!!.. Nanalo ako ng Prize!!!Sayang nga hindi iphone4 ang nabunot eh. Pero ok na din. Ipod shuffle ang nabunot na prize!!! eto siya..
Galing sa promo ng Marlboro Lights!
Thursday, December 16, 2010
It's a Very Very Long Vacation!!!
December 17, 2010, tomorrow, will be our last day of report to work. And we will be back on January 3, 2011, Monday. Yeah.. it's a very very long holiday vacation!!!.. Mamatay kayo sa inggit!!!.. lols. How would I spend my very very long vacation? Hmmmm... anything goes!!! kung ano maisip gawin bahala na. Ang budget?.. kailangang pagkasyahin. Nampucha!!! wala pa akong nabibiling gifts para sa sangkatutak kong mga inaanak!!!.. Kung magpakita sila.. may gift sila.. kung hindi.. eh di wala!.. Praktikal lang si ninong!!!.. alangan ba naman ako pa pumunta sa mga bahay nila no!!!
My eldest godson is already 22 years old.(take note!! gwapo itong inaanak kong ito ah). Pero kailangan pa ba niya ng gift? hahaha Ang may youngest goddaughter naman is about 4 years old.. anak ng bunso kong kapatid. To sum up all of my inaanak... aabot sila ng humigit kumulang na 40+... tsk tsk tsk!!. Patay ang budget ko nito pag nagkataon..
Sunday, December 12, 2010
Mahirap...
Sa lahat ng ayaw ko yung pinapipili ako sa dalawang bagay o tao na parehong gusto ko at mahal ko. OO mahirap. Sobrang hirap mag decision. Pero kailangan. Para sa ikatatahimik ng kalooban. Para walang masaktan, wala akong pipiliin sa kanila. At narealized ko.. hindi lang pala sila ang nakapaligid sa akin. marami pa palang iba. Oh well kung saan sila masaya bahala sila. Matatanda na sila at may sarili na silang pag iisip.
Saturday, December 11, 2010
Sad.. but TRUE..
"Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt,malandi, pa-fall o paasa."
haaayss...
haaayss...
Wednesday, December 8, 2010
Para Sa'yo!
Ei...
Halos mag iisang taon na din pala ang nakalipas. Isang taon na din nung uwi ka dito sa Pinas. Madami na din ang nagbago sa atin. Sa pakikitungo mo sakin, sa pakikitungo ko sayo. Matapos ang nangyari sa atin nung bago ka umalis at nung nagkausap tayo sa chat nung ikaw ang nagbalik diyan sa kinaroroonan mo. Madami na nagbago.
Tinatanong ko nga sarili ko kung nagsisisi ba ako sa nangyari sa atin eh. Yeah, medyo. Nagsisisi at the same time nanghihinayang. Nagsisisi kasi, bakit ganun ang nangyari sa atin. Hindi naging successful ang ugnayan nating dalawa. Nanghihinayan kasi, hanggang doon lang pala matatapos ang ating pagkakaibigan. Kung hindi sana tayo natapos last year eh di sana mag 6 years na sana tayong magkaibigan ngayon. Well siguro ganun lang talaga ang buhay at hanggang doon lang talaga tayo.
Ngayon, malapit na naman ang Pasko, for sure maalala mo ako.. at ngayon nga naalala kita. Pero wala eh. hanggang alaala na lang tayo. Hindi nga natin magawang magkamustahan man lang eh. Alam ko nakikita mo ako lagi na naka online. pero di mo magawang batiin man lang ako. Pero ok lang naiintindihan ko.. somehow its my fault. Kasalanan ko din eh. Pero alam mong may fault ka din. Kilala kita.. ma pride kang tao. Pero yun nga.. hindi mo man lang akong magawan batiin man lang. (asa pa ba ako?)
Anyway, wherever you are, whatever you are doing, i just hope masaya ka at you're doing fine. Ingats ka na lang lagi, at huwag mong pabayaan ang sarili mo. Merry Christmas na lang sayo..
Kaibigan...
Fox
Sunday, December 5, 2010
Monday, November 29, 2010
Random Thoughts.. (again)
Been busy lately.. daming ginawa.. daming nangyari.. pero good thing.. i still manage to keep myself composed. Daming inisip, daming pinag kaabalahan, daming taong nakasalamuha. Here are some ramdon thoughts (again) na pwede kong balik balikan if ever..
1. Lapit na ang christmas, pang ang bilis bilis ng takbo ng panahon. kelan lang, nag UNDAS (November 1), ngayon.. patapos na ang buwan ng nobyembre. (Bonifacio Day na nga Bukas ,Nov. 30)Sabi nga nila pag tapos daw ng UNDAS, Christmas naman ang pagkakaabalahan ng mga tao. Maagang naibigay ang aming BONUS, ayun... awa ng Diyos.. Paubos na! hahaha.
2. Nag start na ulit akong pumasok sa Graduate school. 6 units lang ang kinuha ko (2 subjects) kaya medyo petiks lang. Hindi ako kumuha ng full load (9 units) sigurado yan pag dating ng march, sasabay ang finals sa activities namin sa work. Ngarag na naman ako nito pag nagkataon. Kaya ayun, 2 subjects lang kinuha ko. And good thing, when i was given the topic to be reported in class, ayun.. sa March 12, 2011 pa ako mag rereport. Oh diba, tagal pa, dami pang time mag research.
3. Inspired akong mag patuloy ng aking Graduate Studies, lalo pat nakakuha ako ng flat 1 sa isa kong subject. Ewan ko lang sa ibang subjects. hahaha.. Pero confident naman ako na maganda din grades ko. Sana!.. hehehe
4. Dalawang bagong nilalang from cyberworld ang naging kaibigan ko at naging part ng barkadahan. Si Jc, at si Karps short for Karpentero (ayaw pabanggit ang name niya eh). They are good naman. Madaling nakagaanan ng loob. I just hope we could have more time with them. Lalo na si Karp na medyo malayo pa ang pinaggagalingan.. at sana mag enjoy sila sa company namin.
5. Hindi all the times laging masaya sa barkadahan, may times din na medyo nagkaproblema kami. Isang issue ng pagkakaibigan ang naging dahilan. Pati ako nadamay, though naintindihan ko naman kung bakit naging ganun. At mabuti na lang, naagapan ko agad at napagpaliwanagan ng mabuti. Konting time pa and later on, maayos din ang lahat.Natural lang siguro sa magkakaibigan ang pagkakaroon ng samaan ng loob. But sooner or later everything will be alright. Pasko na.. dapat magmahalan ang lahat diba?
6. Last night i had the chance na makasama/makabonding si bunso. For a long time medyo matagal na yung last time na kami ay lumabas.. na dalawa lang kami. We had joy, we had fun, we had season in the sun!.. (ay kanta pala yun! hehe). Two nights ago pa kasi nag aaya ng inuman yung bunso namin.. kaso mga busy busyhan ang mga kuyas niya. Kaya ayun.. sinamahan ko na lang. Kakatuwang isipin, si bunso na matagal ko na ding nakasama.. And i considered him already at my younger brother. (wala kasi akong kapatid na lalaki na mas bata sakin) kaya mahal na mahal ko yang bunso namin.
7. Kanina, i had the chance also na maipasyal sa mall ang parents ko. (dakilang driver ako btw! hehe) We went to a newly opened SM City Novaliches. Though di naman kami masyadong nag tagal, kain lang ng medrienda, ikot ikot, Observe observe, and i realized, maliit lang pala ang mall na yun. Walang sinabi sa SM Fairview na madalas naming puntahan. So yun, enjoy naman kami sa pamamasyal kahit paano.
8. Bukas, pasok na naman, tapos na ang LONG WEEKEND ko. Pahirapan na naman sa pag travel nito. Kailangan maaga akong umalis ng bahay kundi, abutin na naman ako ng trapik nito. Ganito lagi ang eksena sa lugar namin tuwint start ng week. Parang lahat yata ng tao at mga sasakyan ay lumuluwas papuntang manila. Ang laki ng volume ng mga vehicles ang bumibiyahe tuwing start ng week.
so there, and random thoughts ko... bow!!
Saturday, November 27, 2010
Long Weekend
Long weekend na naman.. how would i like to spend my long weekend?
1. Sleep - lagi akong kulang sa tulog lately..
2. Nomo (tagay) with my friends - kung available sila why not!
3. May pasok ako maya sa Masteral - though one subject lang naman.. sige pasok na ako.
4. Attend ko nga GRAND REUNION ng school namin maya.. Pero pinag iisipan ko pa kung pupunta ako.
5. Do my weekly task - cleaning my messed room
6. Finish my paper works. Daming naka pending.. isa isahin ko na para matapos..
7. My sister is inviting me to go to DIVISORIA later... hmmm.. kaso.. nakakatamad.. daming tao..
8. My father is asking me to repaint our newly fixed gate. Ano kayang kulay magandang gamitin this time. Dati kasi kulay green. (after i log out.. ito muna gagawin ko)
good luck na lang sakin.. kung magawa ko lahat ito.
have a good day everyone!!!

Tuesday, November 23, 2010
sunrise...
| | ||||||||||||||||||||||||
|
Monday, November 15, 2010
It's Complicated!!!
LOLA: Magtatanong lang iha, ano ba ilalagay dine sa status?
NURSE: Ahhhmm may asawa na po ba kayo lola?
LOLA: Hindi naman kami kasal eh, flirt flirt lang un.
NURSE: Hmmm, sige lagay niyo na lang po single.
LOLA: Pero nag secret marriage kasi kami dati sa barangay.
NURSE: Ahmmm.. sige po kayo na po ang bahala.
Pag check ng nurse, nakita niya sinulat ng lola...
IT'S COMPLICATED
Panalo si LOLA!!! hahaha
My Neighbor
Medyo weird itong post ko ngayon. And this is my first time to experience to have an encounter with my so called "neighbor". Though di ko naman talaga neighbor ang guy na ito. But i know he lives within the area. Same subdivision kami.
Last Friday, saturday morning na yun actually, galing ako sa bahay ng isang friend, sa bahay ni Pilyo, madaling araw na ako uwi. around 1:30am siguro yun. Sakay ng jeep. I was on the rear end of the jeep. There were just the two of us na lang na pasahero. He was sitting beside the driver. Di ko siya actually marecognize at di ko nakita ng face niya kasi nga nakatalikod siya at ako ay nasa huling bahagi ng jeepney. Until we arrived at the terminal. Sakto lang sa gate ng subdivision namin. Sabay kaming bumaba ng jeepney. While walking towards the gate. Nagkatinginan kami. mga around 3 seconds. He looked at me staring from head to foot. Matangkad siya sakin ng konti, Mga around 25 yo. Maputi, chinito looking. Naka eyeglasses. Di naman kasi ako mahilig masyado sa chinito, pero ok lang. So I did the same. I looked at him also. After that.. tuloy pa din ang lakad namin looking at other direction. I thought he would go right towards the first corner.. hindi pala... so continue pa din ang lakad namin. Tinginan ulit kami. And on the second corner street. He turned right. Ako naman sa pang 3rd street pa ako liliko. But while he continued walking..nagkatinginan ulit kami. Siya. habang naglalakad, halos mabaling na ulo niya patalikod.. ako naman, nakabaling sa kanan. Natawa pa nga ako kasi habang naglalakad nang nakatingin sa kanya, biglang may humps pala. Muntik pa akong matisod. hahaha.
Ako.. papalayo na.. at siya ganun din.. unti unti bumabagal ang lakad niya na habang nakatingin pa din sakin. Sa isip ko, mukhang gusto niya yatang bumalik at sumabay sakin ng lakad. Pero dedma lang ako, at nagpatuloy ng aking paglalakad. On the 3rd corner. I turned right. Medyo malayo layo pa ang bahay namin mula sa kanto, kaya patuloy lang ako ng paglalakad. Hinahanap ko ang aking susi. Susi sa gate at susi sa back door. medyo madilim yung part ng street na yun kaya naghanap ako ng medyo maliwanag na area. Tumapat ako sa street post light at doon nag halukay ng aking back pack. While looking for my key. napatingin ako sa likod. There was this same guy na nakasabay kong maglakad from the gate. I wondered why he was there coming toward me. I thought lumiko na siya sa 2nd street. Bakit siya bumalik. Hmmm... medyo kinakabahan na ako. Di ko lang sure kung ako ang reason kung bakit siya bumalik at pumunta ng street namin. or baka nag fi feeling lang ako. or baka nagkamali lang siya ng street na pinuntahan.. Naisip ko.. baka bago lang siya sa lugar namin at di pa siya familiar sa mga street.
Hindi ko pa din makita yung susi ko.. Halos ilabas ko na lahat ng laman ng bag ko di ko pa din makita. Pag di ko nakita susi ko, mag oover the bakod ako nito. Nakikita ko siya.. unti unting papalapit sakin. Sakto, just when he was about to come near.. nakita ko susi ko. Inaayos ko na bag ko at aalis na sana ako, bigla siyang nagsalita. This time, medyo naaninag ko sa buog face niya. May hitsura pala siya. Gwapo pala ang guy. "Hey, saan ba dito yung Gumamela st? Bago lang kasi ako dito sa lugar na to. Di pa ako familiar. naliligaw yata ako." tanong niya sakin. Alam kong nag sisinungaling siya, kasi yung mismong street kung saan siya lumiko, yun na mismo ang gumamela street na hinahanap niya. Alam kong may iba siyang purpose. Nagkukunwari lang siya. Nagkunwari din ako pretending na di ko siya halata na nag sisinungaling hehehe. "Ahh.. yung gumamela st. Yun yung street na nilikuan mo kanina habang magkasabay tayong naglalakad mula sa gate" Akala niya di ko siya nakilala.."ahh ganun ba.. thanks ah.. "
Just when i was about to walk towards our house.. mga few houses away na lang kasi bago yung house namin. Bigla uli siyang nagsalita.. "Bro, trip tayo! Bigla akong kinabahan. Alam kong ibig niyang sabihin pero nag pretend pa din akong hindi ko alam. "Anong trip? Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya. Imbes na sagutin niya ang tanong ko. Iba ang kanyang sinabi. "tara bro! doon tayo" nginuso niya ang direction sa sinasabi niya. "saan?" tanong ko ulit sa kanya.."doon tayo oh.. sa bakante lote". Namputcha!!.. yung bakanteng lote na sinasabi niya eh katabi lang ng bahay namin. "naku bro.. di ko trip yang gusto mong mangyari. Delikado!.. Ayaw ko!" Di ko na lang sinabi sa kanya na yung lugar na sinasabi niya eh tabi mismo ng bahay namin. Tsaka wala akong balak gumawa ng milgro sa lugar namin no!!.. Tsaka malay ko ba kung holdaper siya or what.. malaking tao pa naman siya. Mahirap na.. baka dahil lang sa tawag ng laman eh mapahamak pa ako. Worse comes to worst baka isalvage pa ako nitong kumag na ito. Though kaya ko namang ipagtanggol sarili ko. Ayaw ko lang gumawa ng eskandalo sa lugar ko pa mismo. Imagine.. sa tabing bahay pa namin ako isasalvage. Headline ako kinabukasan nito pag nagkataon!!!.
Sa madaling salita.. umalis na lang ako at iniwan siyang walang nagawa. At para di mahalata at di malaman kung saan ako nakatira. Nilagpasan ko ang bahay namin habang papalayo at umikot sa kabilang kanto. Di bale nang mapalayo. Huwag lang niyang malaman kung saan ako nakatira.

moral of the story:
Di bale na sa ibang vacant lot huwag lang sa katabing bahay namin! Ching!!! lols
Seriously.. never ko pa na experience ang gumawa ng kalokohan sa lugar namin. Di ako palalabas ng bahay. Bihira din akong mangapit bahay. Kahit di ako masyadong nakikisalamuha sa neighborhood. Kailangan ko pa din pangalagaan ang aking rePUTAsyon!.. Ching ulit!!!
Sunday, November 14, 2010
Thursday, November 11, 2010
Ukrainian Guy
Greetings,
Ukrainian guy here, im a wine connoiseur, muscular built, coming to once again to Manila Phlippines next month for some business trip. Love to meet Asian guys for friendship, sex, gym buddies or show me around your cities.. Hit me up. Looking forward to hear from you. Let me know if your interested to accept my invitation for a dinner outside maybe, & sex after when i get there..
Mind sharing your face pictures for me. Cheers man, Christian... ================================================= hi there, thanks a lot for the picture u sent. Christian here. Im here at Milan Italy right now inside my hotel room.. its 8:46 PM Wednesday right now. Checking emails and other business that i have .. When i was there, ive learned few words from Asian guys ive met. "Mebuha".. i hope that spells and sounds correct.." Quemustah kheyo" ... I hope i got that right..
Chat u soon .. =================================================
Naka online ako sa isang Gay Oriented Social Network site, nang biglang... Ching!.. nagmessage sakin ang Ukrainian Guy na ito. Hindi ko alam kung seryoso ang kumag na ito or nagtitrip lang. It's so unusually that foreigners send me message like this one. I've been logging in the site for quite a long time and this is the first time that I received a message from a foreigner. Gusto pa yata akong gawing tourist guide ng mokong na ito.. I never imagine myself serving as tourist guide to a foreigner. Oh well, pwede na rin, mukha naman siyang "mighty meaty". At baka maambunan pa ako ng kanyang mga dolyares.. Hehehe Let's see kung mag message pa ulit itong mokong na ito... Abangan!..
Sunday, November 7, 2010
Wednesday, October 27, 2010
Silang mga nasa MEDICAL FIELD...
Isa.. dalawa.. tatlo.. di ko na mabilang.. mga taong na eencounter ko na mula sa Medical Field.. ewan ko ba.. lapitin yata ako ng mga nsa medical field..May doctor... may Med tech.. at may nurse.. Unang karanasan ko dito sa cyber ay isang medical doctor.. na naikwento ko na sa ibang blog posts ko. kundi man doctor na ay nag aaral pa lang maging doctor. May med tech din na aking nakilala.. at karamihan ay puro nurses na..
iisa isahin ko ang kwento sa bawat isa sa kanila..
Si DOC #1:
nakwento ko na sa blog kung ano naging experience ko sa taong ito. He is my ever fist sexual encouter mula nang mag start akong makipag sapalaran sa mundo ng mga PLU. Si doc na unang nagpamulat sakin na pwede palang mangyari ang sex sa dalawang lalaki. Rebelde kasi ako that time mula sa almost-get-married na relasyon na nauwi sa hiwalayan. Doon ako nag start mag explore.. basahin niyo na lang yung link.

Si MEDTECH:
Mula sa isang gay social network nanggaling ang taong ito.. Nakilala ko ang taong ito year 2008 sa guys4men.com pa ito na ngayon ay planetromeo.com na. Usap usap sa chat. tumagal din ng ilang linggo.. until we decided na magkita. Nakatira siya sa isang province mula sa north kaya naghanap talaga kami ng tamang pagkakataon pala mag kita. Nasa blog ko din ang kwento niya. Si windgod. Ngayon ay nasa saudi na siya at patuloy pa din ang aming communication paminsan minsan.
Nurse # 1
Isa sa mga nakilala ko sa guys4men.com din. taong 2009 February. Nakatanggap ako ng 3 invitations (sexual invitation). Siya yung nag invite sakin ng tanghali. Hanggang invitation lang ang nangyari. Di kami dumating sa sexual encounter. Nagkataong di kami nagkasundo ng sexual preferences. The Invitations.
Nurse # 2
Isa sa mga naging bahagi ng engkantadiya ay isa ding nurse. Actually graduating pa lang siya ng course na nursing that time. Nagkaroon kami ng small GEB sa thread na ginawa ko sa guys4men.com. "Mga walang mukha" ang title ng thread na yun. Isa si nurse # 2 ang naimbitahan sa nasabing tagayan. Pero ang nurse dude na ito ay naging kaibigang tunay. Walang sexual encounter ang nangyari sa amin. Siya ngayon ang tinaguriang "bunso" sa mga engkantos. Si JC bunso.
Nurse # 3
Nagkaroon din kami ng isa pang nurse na engkanto. Siya si Angel. Gaya ni bunso, isa din siyang graduating student ng course na nursing that time. Minsan naisama ko sya sa videokehan session namin sa Music21. Naging engkanto siya sa pinakamaikling panahon. Naging away bati ang drama namin ng batang ito. Nasubaybayan ko ang kanyang pakikipagsapalaran sa mundo ng PLU. Isa sa mga away bati namin ay nangyari sa kadahilanang gusto niyang karerin ang isang engkanto na noo'y may partner na isa ding engkanto. Naging close kami ng batang ito kahit na tiniwalag na siya sa engkantadiya. katunayan, bago siya nagtake ng final exam niya at nagpatutor pa siya sa akin ng subject na Physics na kanyang back subject. Good thing at naipasa niya ang final exam kundi hindi siya naka graduate. Tanong niyo kung may encounter kami ng batang ito?.. wala.. walang nangyari. Parang kapatid lang ang turing ko dito sa batang ito. Kahit may pagkakataon akong gawin pero di ko ginawa. Nung minsang nagpatutor siya sa akin. I had all the chances. Pero walang nangyari. I didnt take advantage of the situation. As for now.. wala na kaming communication. Huling balita ko eh nag rereview or nakatake na yata ng board exam. Hindi ko lang alam kung nakapasa ba siya o hindi.
Nurse #4
Galing Davao, napadpad sa manila para makipagsapalaran. Nakilala ko siya sa MIRC, #salsalan channel.. (hmmm.. daming nakakarelate... daming may alam ng channel na iyon.. hehehe). Ayun sa kanya, 26 yo daw siya at taga project 4 malapit sa cubao. Chat chat kami sa MIRC na nauwi sa Yahoo messenger. Mga ilang araw din ang lumipas at nagpasiya kaming magkita. Usapan namin ay sa AliMall kami magkikita. Isang hapon, galing ng work ay dumirecho ako ng Cubao para makipag kita sa nurse dude na ito. Sa totoo lang.. may hitsura ang guy na ito. Matangkad, mga 5' 10" ang height, maputi, mestizo. Makinis ang kutis. Tama lang talaga na maging nurse siya. Isa siyang TOP, pero nagkasundo kaming walang anal sex na magaganap. Gusto lang daw niyang mag suck, mag kiss at magromansa. Na swack naman sa aking preferences. May partner daw siya at mukhang nagkakasawaan na daw sila. Kaya nag explore daw siya at gustong tumikim ng iba. Hehehe. Mahilig daw siya sa older sa kanya, in fact yung partner daw niya ay much older pa kesa sa akin. He asked me kung single daw ba ako. Tugon ko ay "Oo! why?" Follow up na tanong niya.. Naghahanap ka ba ng partner? pwede bang mag apply?" Na shocked ako.. "diba may partner ka sabi mo? Bakit nag aaply ka? at di naman ako naghahanap ng partner eh" Sa isip isip ko, lokong 'to gagawin pa yata akong kerida. Di ko yata pinangarap na maging kabit no! Matapos ang first encounter na iyon ay nasundan pa ulit ng dalawang beses.
Mga 3 months lang ang tinagal ng aming communication. Hindi ko din alam kung bakit bigla na lang kami nawalan ng contact sa isat isa. Ngayon, hindi ko na alam kung nasaan siya at ano nangyari sa kanya. Good luck na lang sa kanya..
Nurse #5
Ito yung nurse dude na na ikwento ko sa blog ng dalawang beses. Si Mike, the nursedude. Married guy na taga Mandaluyong. Among the nurse dude na nakilala ko. siya nag pinaka eldest. I think he's already 32 now. Naging FUBU ko ang nurse dude na ito. isa, dalawa, at tatlong beses yata kami nag karoon ng encounter. Mga ilang buwan din kaming nawalan ng communication since last encounter namin. And lately, nagpaparamdam ulit siya. Nakwento ko na dito sa blog ko. Si Nurse Dude Ulit. Sa ngayon, ay patuloy pa din ang pagtetext namin sa isat isa. Humahanap lang ng tiempo at sooner or later, mag to tournament ulit kami. hehehe.
Nurse #6.
Sa mga engkanto, ikatlong nurse dude itong taong ito. Actually.. engkanto siya by virtue of Marriage. (naks! marriage talaga eh, bakit kasal na ba sila? hahaha) Partner kasi siya ng isang orig na engkanto kaya naging engkanto na din siya, Siya si Dingding. Unang meet ko sa taong ito, suplado. Sa gym kami nagkakilala, gym na pag aari ng engkanto na partner niya. Di niya alam, bago pa man kami magkakilala sa personal ay alam ko na ang hitsura niya. Nakita ko na siya sa picture. Kaya noong nakita ko siya sa gym, alam ko na agad na siya yun. Ngayon, magkaibigan naman kami. Likas na malambing ang nurse dude na ito, katunayan, pag kasama ko siya at ang kanyang partner ay yumayakap siya sakin pag nagpapaalam ako na uuwi na. Yakap nag walang malisya! Ching!!. lols Seriously, i like this guy. Mabait, malambing, masarap kakwentuhan. Masarap kasama at higit sa lahat, masarap yumakap!.. (sabi ko sa inyo walang malisya eh! Ching!!). hahaha
Nurse #7
Taga fairview din siya. Nagmessage sakin at tinatanong kung saan daw ako sa fairview. Napag alaman kong malapitlang pala siya sa amin. Undergrad siya ng kursong Electrical Engineering at nag shift sa kursong nursing. 27 yo, matangkad, maputi at medyo may kapayatan ang nurse dude na ito. Nag meet kami sa isang tagayan place malapit sa Robinsons Novaliches. From there, madaming napagkwentuhan, napag usapan. Naging usapan na namin bago kami magkita ay magkasubukan daw kami.. lam niyo na yung kung anong klaseng pagsusubukan ang gusto niyang mang yari. Ako pa, hindi ako umaatras sa pagsubok lalo na kung alam kong kayang kaya kong tapatan ang kanyang paghamon. Among these nurse dude na naka encounter ko. Siya na yata ang pinaka "dakila"!. Syet! shocked ako nang makita ko. Wala sinabi ang lata ng sardinas sa taba. Yun nga lang.. sayang, mas gusto niya ang tumuwad kesa, kesa umibabaw! hehehe. Sa ngayon, patuloy pa din ang aming communication nitong nurse dude na ito. Minsan nga kahit di ako nakaka pag reply sa text niya, masigasig pa din siyang nagtetext sakin.
Doc #2
Recently, may nakilala kong med student from similar gay oriented site. Ang Planetromeo.com. Ayun sa status niya, looking for friends daw siya. Siya si Chris. Coincidentally, pareho sila ng name ni doc #1. Chris din kasi ang name ni Doc #1. Sa pag uusap namin, napag alaman kong broken hearted daw siya at kaka break lang daw niya sa "partner" niya. Bakit may " " ang word na partner? Kasi di talaga sila mag partner. Wala silang commitment. Imagine 6 years silang ganun ang status. Sabi ko nga sa kanya, napaka martyr naman niya at pumapayag siyang ganun lang ang kanila status. Sa ilang gabing nagkakausap kami sa phone, nagdecide kaming mag meet. Naisama ko pa nga siya one time sa gimik ng mga engkantos. nameet niya si Pilyo, si Mugen, si Popoy at si JC Bunso. Ako din ang nag encourage sa kanya na mag blog, but unfortunately, hanggang umpisa lang siya.. di na niya tinuloy ang pagboblog. Lately nakadaupan palad ko siya sa chat. At ayun sa kanya ay nag level up na daw ang situation nila ng "Partner" niya. This time daw ay may "exclusivity" na daw sila. Kaya ayun, mukhang masaya na siya at di na niya kailangan ng mga bi friends.
So there, sila ang mga taong mula sa MEDICAL FIELD na aking mga nakasalamuha sa cyber world.
Lapitin ba talaga ako ng mga Taong ito? o nagkakataon lang? At one instance, naisip ko din mag shift into medical field. Kaso takot ako sa dugo. Kaya ayaw kong pumupunta sa emergency room ng isang hospital.

Sunday, October 17, 2010
Naabutan mo ba ang mga ito?
nung ikaw ay bata...Nagawa mo ba to?--
> kumakain ka ba ng aratilis?
> nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na
> hihipan mo sa binilog
> na tanggkay ng walis tingting?
> pinipilit ka ba matulog ng nanay mo pag hapon at di
> ka papayagan maglaro pag
> di ka natulog?
> marunong ka magpatintero, saksak puso, langit-lupa,
> teleber-teleber, at
> luksong tinik?
> malupit ka pag meron kang atari at family computer?
> alam mo ang silbi ng up, up, down, down, left,right,
> left, right, a,b,
> a,b,select, start?
> may mga damit ka na U.S.E.D., Boy London, Cross
> Colors, Esprit, Blowing
> Bubbles at pag nakakakita ka ng Bench na damit eh
> naalala mo si Richard
> Gomez?
> addict ka sa rainbow brite,carebears, my little
> pony, thundercats,
> bioman, voltes v, mazinger z, daimos,
> he-man at marami pang cartoons na hindi pa
> translated sa tagalog?
> nanonood ka ng shaider kasi nabobosohan mo si annie
> at type na type mo ang
> puting panty nya?
> marunong ka mag wordstar at nakahawak ka na talaga
> ng 5.25 na floppy disk?
> inaabangan mo lagi ang batibot at akala mo
> magkakatuluyan si kuya bodgie at
> ate sienna...
> nung high school ka inaabangan mo lagi beverly hills
> 90210?
> gumagamit ka ng AQUANET para pataasin ang bangs mo?
> meron kang blouse na may padding kung babae ka at
> meron kang sapatos na
> mighty kid kung lalake ka?
> back pack mo ay tatak Khumbella
> nangongolekta ka ng paper stationaries at mahilig ka
> magpapirma sa slumbook
> mo para lang malaman mo kung sino ang crush ng type
> mo?
> kilala mo si manang bola at ang sitsiritsit girls?e
> si luning-ning
> at luging-ging?
> alam mo ibig sabihin ng time space warp at di mo
> makakalimutan ang time
> space warp chant?
> idol mo si McGyver at nanonood kang perfect
> strangers?
> eto malupet... six digits! lang ba ang phone number
> nyo dati?
> nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3 bentesingko lang
> ang dala? Ang telephone ay yung malaki na kulay pula
> cute pa si aiza seguerra sa eat bulaga at alam mo
> ang song na "eh kasi
> bata"?
> inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh nasa
> glass bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig ng nanay mo sa ref?
> meron kang pencil case na maraming compartments na
> pinagyayabang mo sa mga kaklase mo?
> noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun Factory?
> alam mo ang kantang "Gloria labandera"..lumusong sha
> sa tubig ang paa ay nabasa at ang "1, 2, 3, asawa ni marie"...hehehehehe?
> sosyal ka pag may play-doh ka at Lego... at
> nag-iipon ka ng G.I. Joe action figures at iba pa ang mukha ni barbie noon?
> inabutan mo ba yung singkong korteng bulaklak?
> lumaki kang bobo dahil ang akala mo nangangagat talaga ang alimango sa
> kantang tong-tong-tong..diba naninipit yun?
> alam mo yung kwento ng pari na binigyan ng pera yung
> batang umakyat ng puno para bumili ng panty... and shempre, alam mo rin ba
> kung ano binigay nya sa nanay nung umakyat ng puno?
> meron kang kabisadong kanta ni andrew e na alam mo
> hanggang ngayon..
> aminin?
>
> laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag
> pinapawisan ka?
> bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubble
> gum... tira-tira, at yung kending bilog na sinawsaw sa asukal?
> kinukupit mo pa at nanonood ka ng mga porno tapes ng
> tatay mo na nasa BETAMAX format pa... at sanay ka tawagin ang porno
> as BOLD?
> takot ka dumating ang year 2000 dahil sabi nla
> magugunaw daw ang mundo?
> KUNG ALAM MO LAHAT DITO LAGPAS KA NA NG 25 YEARS
> OLD... KAPAG HALOS LAHAT
> ALAM MO, NASA 23-25 KA...
>
> WAG KA NA MAG DENY..TUMAWA KA NA LANG... DI BA .75
> CENTAVOS PA LANG PAMASAHE
> SA JEEP NUN AT MAS MASARAP ANG MELLOW YELLOW KESA
> MOUNTAIN DEW?
> HAHAHAHAH
***************
Repost ko lng.. from the Net..
Subscribe to:
Posts (Atom)