Sunday, March 29, 2009

Ang Pagbabalik ni Alitaptap..

Me: ei..musta na?

Alitaptap: ok lang po kuya.

Me: Ano na latest sayo?

Alitaptap: Eto po sa bahay lang.. bakasyon na po namin.

Me: Ahh ok.. so it means.. di ka na busy? pwede ka na ulit sa gimik?

Alitaptap: Medyo po.. kaso...

Me: Anong kaso? bakit may problema ba?

Alitaptap: Ala naman po masyado.. grounded lang naman po ako. hehehe

Me: Bakit? grounded ka? Grounded saan?

Alitaptap: grounded po dito sa bahay... haaays... tska ko na lang po ikukwento.. mahabang storya po. hehehe

Me: Ahh ok.. btw.. free ka ba this saturday night? May tagayan kami.. sama ka..

Alitaptap: Sige po try ko po... text text na lang po..

Me: Ok.. ingats ka palagi

Alitaptap: thnks po.. kayo din po..

============================================================

Halos dalawang buwan din nang huling kaming nagkita. Madami na ang nangyari sa engkantadiya. Naikwento ko na dito sa blog ko kung ano ang sinapit niya sa grupo namin. Sa mga engkanto, siya ang pinakapasaway. Tinaguriang "karerista" ng bayan. Hehehe. Gawa siguro ng kanyang edad.. siya kasi ang pinaka bata. At ito ang naging dahilan kung bakit siya nawala sa engkantadiya. "Hinagupit" daw sya ng diyosa! Ayon na din sa princesa. Hehehe

Noong mga panahong bago pa lang siya, medyo mahigpit kasi ang patakaran sa engkantadya. Bawal ang kumarir. Lalo na kung bago ka pa lang. Nagkataong itong si alitaptap ang pinaka karerista sa tropa.. Nadaig pa niya ang diwata na tunay naman talagang KARERISTA ng tropa. Pinasakit niya ang ulo ng diyosa kumbaga. Eh alam ng lahat na bawal ang ganun sa grupo, tapos eto siya kabago bago pa lang eh umaarangkada na. Kaya ayun!!! hindi siya nagtagal sa grupo.

Kasabay niya ang dukesa na napabilang sa grupo. Pero dahil nga sa naging attitude niya, nawala siya. Samantalang ang dukesa at naging mabait at behave, nagtagal siya.

Sa pagdaan ng mga araw, at buwan... Nagbago na ang patakaran sa engkantadiya. Madami na ang pumasok.. mga bagong engkanto. Hindi man sila ganun sa inaasahan ng mga orig na mga engkanto, naging mabait naman sila at masunurin. At sila ang mga nagbigay kulay sa engkantadiya.. (Aminin mga orig na engkanto, lalo ka na princesa at santa.. naaliw kayo sa kanila hehehe).

Maski ang diyosa ay nagbago na din ng pananaw. Noong una matigas siya sa prinsipyo niya na bawal ang kariran sa mga engkanto. OO, hanggang ngayon naman eh bawal pa din. Pero sa mga orig na engkantos lang bawal. Since may mga bagong engkanto.. at itong mga orig na engkanto na gaya nila princesa at diwata ay nakatagpo ng mga karelasyon sa mga bagong engkanto, naging dahilan ito para maging maluwag ang diyosa. At nakita ng diyosa na naging masaya naman ang princesa at diwata sa kanilang naging pag ibig sa mga bagong engkanto. Si diwata at si dukesa, gayun din si princesa at kondesa.

Nang magkaroon ng pagkakataong magkausap ang diyosa at alitaptap sa text. Naging daan ito sa muling pagbabalik ni alitaptap sa engkantadiya. Inimbitahan ng diyosa si alitaptap na sumama sa gimik kagabi. At nagpaunlak naman ang alitaptap.

Sa naganap na tagayan kagabi.. napag alaman kong napariwara ang alitaptap mula nang siya'y malawa sa engkantadiya. Kung kani kaninong grupo siya sumali. Naghahanap ng mga taong kakalinga siya. Subalit taliwas sa kanyang inaasahan. May mga grupo siya sinalihan na ang tanging hangad lang ay gumawa ng mga bagay na puro kamunduhan. Bigo ang alitaptap. At napagtanto niya na iba talaga ang samahan sa engkantadiya. Sa kanyang pagbabalik kagabi, Mainit naman tinanggap muli. Saksi ang mga engkanto na sila princesa, amazona, kondesa at sirena (hindi pa na kokoronahan). Naway umpisa na yun nag pagbabagong buhay at pagbabalik loob ng alitaptap. At sa mga susunod na gimik.. tagayan man or swimming.. sanay patuloy pa din siyang makasama sa engkantadiya..

At sa iyo alitaptap... let's forgive and forget.. pagpasensiyahan mo na din ang diyosa.. sana'y tuluyan ka nang magpakabait. Sa mga engkantos.. desisyon ng diyosa ang muling pagbabalik ni alitaptap.. at ang diyosa lang ang may karapatang magpaalis at magpabalik ng mga engkantos.. (taas ang kilay ng princesa!!!) hehehe . Welcome back sa engkantadiya alitaptap!!! Hope to see you more often...





8 comments:

  1. Ang salita ng pinuno ay salita ng encantadia. :)

    ReplyDelete
  2. pero may kalayaan din ang mga engkanto na magsalita.. ng naayon sa patakaran ng buong engkantdiya.. hehhehe

    ReplyDelete
  3. mabuti naman at muling pumayag ang dyosa sa pagbabalik ni alitaptap sa engkantadya. mabait naman na bata si alitaptap at batay na din yan sa akin pakikipag usap sa kanya sa text sa mga nakalipas na buwan simula nang siya'y hagupitin ng dyosa.

    welcome back alitaptap!

    ReplyDelete
  4. may dag2 lng ako... nung nwala c alitap2 sa grupo siya ay naging hator! whahah.. kaaway ng dyosa.. dahil sa sobra sama ko.. ang isang anghel sa encantadia.. ay naging lucifer.. kaya naging hator din ang pota.. whahaha!! sa tagal ng buwan ng pagla2kbay ni alitap2 ang kanyang ilaw ay lalong naging lumakaz (naging mature). pero medyo isip bata pa din.. kaya ngpa2salamat ako na naligaw ang isang alitap2 kaz kung d ako mali2gaw d ko mki2ta ang pagka2iba ng mga ibang grupo.. at ngaun madami na ako karanasan at nakasama sa mundong atin.. ngaun ko lng nlaman na wla ng hi2git pa sa grupo ng encantadia.. kaya ngpa2salamat ako sa tunay na dyosa.. at k klazmyt.. mraming salamat ng din sa ibang grupo ng dyosa sa mainit na pagtangap sa akin.. woooh!! wla b kau bagong pa2kila2? whahaha!! para may karirin na2mn ako.. dyokz! basta single muna ako.. para msaya..

    ReplyDelete
  5. haha...buti na lang di ako karirista. :P

    ReplyDelete
  6. Nakataas pa rin ang kilay ng prinsesa hanggang ngayon, hahahaha.

    Welcome back alitaptap... Nasan na ang iyong magic wand? hehehe.

    ReplyDelete
  7. @rain - thnx po mahal na prinsesa.. wla po ako wand.. pangmataas na posisyon lng un.. slave lng ako ng encantadia..whahah!!

    - d ako nanga2rir.. npagbintangan lng po ako.. frendly lng nmn kaz ako..^^ hehehehe!! tama b dyosa?

    ReplyDelete