Haays, di ako makatulog, natulog kasi ako kanina hapon. kaya eto para lang zombie. dilat na dilat pa din kahit madaling araw na. Nagpapa antok kaya gawa muna ako ng blog, kung ano ano lang maisip sulat lang nang sulat.
1. Bago pa man magsimula ang aking Very Very Long Vacation, naka gawa na ako ng sked at itineraries. 3 reunions ang naka sked kong pupuntahan, I just hope maattendan ko mga ito. Nakakahiya naman invited na nga ako at nag effort pa talaga yung mga organizers na contact ako thru FB tapos dedmahin ko pa. hehehe. I would love to see them again for how many years din kaming di nagkikita kita.
2. Kanina before lunch, i went to mall with my father, bumili kami ng Hot-Cold Water dispenser. Luma na kasi ang defective na yung dating dispenser namin. Ayun.. nabasan na naman ang aking kayamanan. Mahal pala ang dispenser huh. Pinakamura yung 5k. Pero maganda naman yung nabili namin. Sabi nung pinagbilhan 5 hours daw muna bago gamitin kasi yung compressor medyo naalog, para daw kasi ref yun. so nung gabi na.. ayun, ginamit na agad.
3. Excited much na ako sa nalalapit na Christmas Party ng engkantadiya, sana maging masaya ang lahat. Dalawang galing abroad ang dumating. Yung isa galing ng Indonesiya, yung isa kakadating lang galing ng Europe. Sayang nga lang yung isa nasa SG pa. At mukhang di talaga makakapunta. Pero kahit wala siya, parang kasama na din namin siya.
4. Mukhang nagalit sa akin ang isang kaibigan.. sana tampo lang yun.. di niya ako kamuhian. Biruan lang naman yun, burautan lang.. at wala akong malicious intent. Tawa nga ako ng tawa nung ginagawa ko yun eh. Kung napikon man siya, sensiya na lang.. wala akong masamang intension. At the end of the day, magkaibigan pa din kami. Love you!!!. mwaah.
5. Haays, for the 4th time nasira na naman yung ATM card ko. Di na mabasa ng ATM machine. Defective na yung black strip sa likod. Lagi kasing nadidiinan pag nasa wallet ko, ayun parang nabura na yata yung black strip. One week na naman ang replacement. Haaays. Ang layo pa naman ng main branch kung saan ako naka register at kailangan mag over the counter para makakuha ng pera. Tapos madami pang holidays, sarado ang bank. haaays talaga..
6. Nag start ang simbang gabi last dec 16, never ko pa yatang na kumpleto itong simbang gabi na ito. Usually, hanggang umpisa lang ako. Dec 16, nag simba ako, pag dating ng dec 17, di na ako nagising. hahaha. Next simba ko. dec 21 na, tapos eto di pa ako natutulog, makakapag simba kaya ako mayang 4am? hahaha. gudluck na lang sakin. hahaha Potah!, 2am na hyper pa ako. hahaha
yan lang muna...
Hug lang mula sa daddy ang kelangan nung isa... Sabi ko nga, nasa iisang bangka lang tayo. :)
ReplyDeleteeeeeee. ang sweet naman ng #4! sana maging okay na kayo! :D
ReplyDeletehaha akala ko nagka ___tots ka sa random guy char!!
ReplyDeleteanyway, sana hiningi mo na lang ung hot/cold dispenser nila Maggie, giangawang display lang yun ng mommy nya ahahahhaa :P
ikaw na ang most sought after sa mga reunions!!
happy holidays dadi fox!!
@mugen
ReplyDeletedi lang hug gagawin ko sa kanya.. kiss sabay hug.. hehehe
@Nimmy
yeah.. sweet talaga ako pag dating sa mga junakis ko.
@soltero
infurness, gwapo yung salesman na nagbenta sakin. Im sure swak na swak siya sa taste mo. Twinkle twinkle little star siya. (twink) lol.
Happy holiday dito sayo. Papa solt. mwaah!!
Pwes, ipaayos ang ATM card! at kapag kinapos yung isang tao dyan na nagniniyaman,(as in oo, feeling mayaman pa rin sya)na ngayon ay basurero na... may maipapahiram kang cash!
ReplyDeleteclue: Umaatend sya ng tagayan na may punit ang damit. Kalokah! punong-puno ang wallet ng credit cards at ATM pero walang cash! Buti na lang gwapo sya! kaya keri lang.
(sabay hawi ng bangs)
- BIANCA
ahmmnn medyo pareho tayo dun sa part na asaran na parang nagtatampo na.
ReplyDelete.
.
nyway enjoy sa party ng mga engkantadosand we're waiting sa mga kwento after. ;)