Monday, November 15, 2010

My Neighbor

Medyo weird itong post ko ngayon. And this is my first time to experience to have an encounter with my so called "neighbor". Though di ko naman talaga neighbor ang guy na ito. But i know he lives within the area. Same subdivision kami.

Last Friday, saturday morning na yun actually, galing ako sa bahay ng isang friend, sa  bahay ni Pilyo, madaling araw na ako uwi. around 1:30am siguro yun. Sakay ng jeep. I was on the rear end of the jeep. There were just the two of us na lang na pasahero. He was sitting beside the driver. Di ko siya actually marecognize at di ko nakita ng face niya kasi nga nakatalikod siya at ako ay nasa huling bahagi ng jeepney. Until we arrived at the terminal. Sakto lang sa gate ng subdivision namin. Sabay kaming bumaba ng jeepney. While walking towards the gate. Nagkatinginan kami. mga around 3 seconds. He looked at me staring from head to foot.  Matangkad siya sakin ng konti, Mga around 25 yo. Maputi, chinito looking. Naka eyeglasses. Di naman kasi ako mahilig masyado sa chinito, pero ok lang. So I did the same. I looked at him also. After that.. tuloy pa din ang lakad namin looking at other direction. I thought he would go right towards the first corner.. hindi pala... so continue pa din ang lakad namin. Tinginan ulit kami. And on the second corner street. He turned right. Ako naman sa pang 3rd street pa ako liliko. But while he continued walking..nagkatinginan ulit kami. Siya. habang naglalakad, halos mabaling na ulo niya patalikod.. ako naman, nakabaling sa kanan. Natawa pa nga ako kasi habang naglalakad nang nakatingin sa kanya, biglang may humps pala. Muntik pa akong matisod. hahaha.

Ako.. papalayo na.. at siya ganun din.. unti unti bumabagal ang lakad niya na habang nakatingin pa din sakin. Sa isip ko, mukhang gusto niya yatang bumalik at sumabay sakin ng lakad. Pero dedma lang ako, at nagpatuloy ng aking paglalakad. On the 3rd corner. I turned right. Medyo malayo layo pa ang bahay namin mula sa kanto, kaya patuloy lang ako ng paglalakad. Hinahanap ko ang aking susi. Susi sa gate at susi sa back door. medyo madilim yung part ng street  na yun kaya naghanap ako ng medyo maliwanag na area. Tumapat ako sa street post light at doon nag halukay ng aking back pack. While looking for my key. napatingin ako sa likod. There was this same guy na nakasabay kong maglakad from the gate. I wondered why he was there coming toward me. I thought lumiko na siya sa 2nd street. Bakit siya bumalik. Hmmm... medyo kinakabahan na ako. Di ko lang sure kung ako ang reason kung bakit siya bumalik at pumunta ng street namin. or baka nag fi feeling lang ako. or baka nagkamali lang siya ng street na pinuntahan.. Naisip ko.. baka bago lang siya sa lugar namin at di pa siya familiar sa mga street. 

Hindi ko pa din makita yung susi ko.. Halos ilabas ko na lahat ng laman ng bag ko di ko pa din makita. Pag di ko nakita susi ko, mag oover the bakod ako nito. Nakikita ko siya.. unti unting papalapit sakin. Sakto, just when he was about to come near.. nakita ko susi ko. Inaayos ko na bag ko at aalis na sana ako, bigla siyang nagsalita. This time, medyo naaninag ko sa buog face niya. May hitsura pala siya. Gwapo pala ang guy. "Hey, saan ba dito yung Gumamela st? Bago lang kasi ako dito sa lugar na to. Di pa ako familiar. naliligaw yata ako." tanong niya sakin. Alam kong nag sisinungaling siya, kasi yung mismong street kung saan siya lumiko, yun na mismo ang gumamela street na hinahanap niya. Alam kong may iba siyang purpose. Nagkukunwari lang siya. Nagkunwari din ako pretending na di ko siya halata na nag sisinungaling hehehe. "Ahh.. yung gumamela st. Yun yung street na nilikuan mo kanina habang magkasabay tayong naglalakad mula sa gate" Akala niya di ko siya nakilala.."ahh ganun ba.. thanks ah.. "

Just when i was about to walk towards our house.. mga few houses away na lang kasi bago yung house namin. Bigla uli siyang nagsalita.. "Bro, trip tayo! Bigla akong kinabahan. Alam kong ibig niyang sabihin pero nag pretend pa din akong hindi ko alam. "Anong trip? Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya. Imbes na sagutin niya ang tanong ko. Iba ang kanyang sinabi. "tara bro! doon tayo" nginuso niya ang direction sa sinasabi niya. "saan?" tanong ko ulit sa kanya.."doon tayo oh.. sa bakante lote". Namputcha!!.. yung bakanteng lote na sinasabi niya eh katabi lang ng bahay namin. "naku bro.. di ko trip yang gusto mong mangyari. Delikado!.. Ayaw ko!" Di ko na lang sinabi sa kanya na yung lugar na sinasabi niya eh tabi mismo ng bahay namin. Tsaka wala akong balak gumawa ng milgro sa lugar namin no!!.. Tsaka malay ko ba kung holdaper siya or what.. malaking tao pa naman siya. Mahirap na.. baka dahil lang sa tawag ng laman eh mapahamak pa ako. Worse comes to worst baka isalvage pa ako nitong kumag na ito. Though kaya ko namang ipagtanggol sarili ko. Ayaw ko lang gumawa ng eskandalo sa lugar ko pa mismo. Imagine.. sa tabing bahay pa namin ako isasalvage. Headline ako kinabukasan nito pag nagkataon!!!.

Sa madaling salita.. umalis na lang ako at iniwan siyang walang nagawa. At para di mahalata at di malaman kung saan ako nakatira. Nilagpasan ko ang bahay namin habang papalayo at umikot sa kabilang kanto. Di bale nang mapalayo. Huwag lang niyang malaman kung saan ako nakatira.


moral of the story:

Di bale na sa ibang vacant lot huwag lang sa katabing bahay namin! Ching!!! lols

Seriously.. never ko pa na experience ang gumawa ng kalokohan sa lugar namin. Di ako palalabas ng bahay. Bihira din akong mangapit bahay. Kahit di ako masyadong nakikisalamuha sa neighborhood. Kailangan ko pa din pangalagaan ang aking rePUTAsyon!.. Ching ulit!!!





11 comments:

  1. Yun ang sinasabi ko!

    May isang digmaang magaganap!

    Nyahahaha

    ReplyDelete
  2. sing fabulous ng bago mong layout papa fox ang nangyari sayo. lols.

    ReplyDelete
  3. PUTANG INA! panalo! dapat kalibog-libog ang susunod na kabanata ah.

    ReplyDelete
  4. Aaaayyy isa ka talagang Dyosa! at muntik ng ma pick up lolz

    ReplyDelete
  5. ika ni shalala PALUNG PALO ka dun kuya! ikaw na ang dyosa... kalibog libog naman un LOL

    ReplyDelete
  6. tseh! di ako naniniwala na di ka bumigay!
    bwhahahaha :P

    ReplyDelete
  7. @Mr. Wholesome

    kelan ka pa naging wholesome? di yata bagay sayo.. hahaha Kahit naka formal dress ka pa.. muukha ka pa ding sex object!.. lols

    ReplyDelete
  8. ay kala ko pa naman me mangyayari na lol :D sayang lol sayang na sayang hahaha :D

    ReplyDelete