Saturday, January 19, 2008

Patawad kaibigan....

Isang kaibigan ang na disappoint ko kanina. Hindi ko sinasadya. Sa hangarin kong ma proteksiyonan ang isa pang kaibigan. Hindi ko namalayan nakasakit ako ng damdamin ng isang kaibigan. Ang totoo niyan, malinis ang intesiyon ko. Gusto ko lang sanang maiiwas ang isang kaibigan sa possibleng pagkabigo. Nagkataon lang siguro umiral lang sa akin ang pagiging kuya... kuya ng lahat ng mga nakababatang kaibigan ko. Na ayaw ko lang silang mapahamak o mabigo sa kanilang mga ginagawa o mga nangyayari sa kanila. Ganun pa man, sa tingin ko ay sumobra ako ng paghusga ng isang tao. Ang paghusga ko.. kung yun man ang nagawa ko ay hindi ko sinasadya. Nagkataon lang na kaibigan ng kaibigan ko ang taong hinusgahan ko. Pero malinis ang intensyon ko.
Pero hindi ko sinasadya. Lahat ng mga kaibigan ng kaibigan ko sa tinuturing ko na din na aking mga kaibigan. Hindi ko man sila gaano kilala pero kabigan na din ang turing ko sa kanila. Siguro nga mali ang paghusga na ginawa ko. Pagdating sa Kaibigan. masasabi kong isa akong sensitive na tao. Masyado akong bothered pag isang kaibigan ang may sama ng loob sa akin. Kailangan ko nga muna sigurong magpalamig.. magpahupa ng damdamin. Nakasakit ako ng damdamin ng isang kaibigan. Labis akong nalulungkot sa nangyari. Hindi ko alam kung paano ko aayusin ang gusot na ginawa ko.

At sayo kaibigan. Patawad. Naging padalusdalos ako sa aking mga ginawa. At ihingi mo na din ako ng tawad sa iyong kaibigan. Hindi ko sinasadya.

2 comments: