Sunday, January 16, 2011

Random Thoughts # 4

Habang nagtatype ako dito sa aking laptop, daming tumatakbo sa aking isipan. Kaya mabuti pa gumawa na lang ako ulit ng another version ng Random thoughts. part 4. Wala na naman akong magawa. Wala na naman akong maisip na topic dito sa aking munting blog. Yung Mike Series ko.. part 3 na ang natapos. Inabot na ilang araw bago ko matapos ang ikatlong part. Putcha.. ang hirap mag recall kasi ng mge events. 16 years na kasi ang nakakaraan. Anyway, yung part 4 pala.. after 16 years.. mauling nagpakita si Mike. Last December 2010 lang kami ulit nagkita. On the process na ang Part 4. Wait niyo lang..

For the mean time, random thoughts muna..

1. Nakuha ko na yung grade ko  sa ika 3rd subject ko sa Masteral. Studies ko.Tumataginting ng 1.0 lang naman. (pagbigyan niyo na ako.. magyayabang lang hehe) . Yung una 1.0, yung pangalawa, 1.25. Not bad diba? Im currently enrolled sa 2 subjects equivalent to 6 units. Yes 6 units lang ang aking kinuha, hirap kasi pag March na.. dami na trabaho. Baka di ko kayanin. And next week may premils kami sa isang subject. May part 1 at part 2, Yung part 2 daw take home exam. Sana wag mahirap ang mga questions.

2. May planong tagayan last Jan 7, for the birthday celebration ng isa sa mga engkantos, unfortunately hindi natuloy yung celebration, kasi may susunduing balik bayan na relatives yung may birthday. But nevetheless  tumagay pa din kami. apat lang kaming nagsalo salo sa 2 buckets fo sanmiglights. And the birthday celebrator na next week na Jan 14 ituloy ang tagayan celebration. Pero Hindi pa din natuloy, nagkasakit, nagkatrangkaso ang may birthday.

3. So since walang tagayan, nakipag meet na lang ako sa isang long time chatmate/textmate na matagal nang nag iinvite sakin ng meet up. He is ok naman, hindi naman sablay, ok din siyang conversationalist.. kahit sa text or chat naman before pa.. madaldal na siya kausap. Nagpunta kami sa isang videoke bar na pag aari daw ng girl tropa niya. We had 4 bottles of Red Horse, tig 2 kami. Nag videoke din kami. Aba, napalaban na naman ako ng kantahan. Medyo madali akong tinamaan ng redhorse, pagod at galing pa kasi ako sa work. tapos naming uminom, nagdecide na kami magpaalam sa isat isa. Ok naman sana siya, kaso nung pauwi na kami, bigla akong na turn off. First time pa lang naming magkita eh tinatawag na agad akong "bhe". Tapos sakay kami ng jeep kung makahawak sa tagiliran ko parang sawa. Buti na lang sa likod ako ni manong driver at hindi masyado obvious yung kamay niya na nakapalupot sa tagiliran ko. Hindi pa nakakalayo masyado yung jeep nang biglang may sumakay. Fuck syet!!.. neighbor pa namin!! Buti na lang.. pinatanggal ko yung kamay nung kasama ko sa aking tagiliran bago pa man siya nakasakay. Ang nakakatawa nito, pareho kaming di nagpansinan, ako nagtatago sa kanya kaya ikinapit ko ang aking kamay sa hawakan para matakpan ang akung mukha, at tingin ko ganun din siya, kasi may nakita akong kasama niya, babae, na sure akong di niya asawa yun kasi kilala ko din ang kanyang asawa. Kaya ayun. pareho kaming nagtatago sa isat isa.. hahaha. Ang kaibahan nga lang.. siya babae ang kasama ako lalaki. Lols. 

4. Nasira ang aking printer, ayaw marecognize yung ink na magenta sa continuous ink na aking ipinakabit. Buti na lang hindi pa expire ang 6 months warranty. kaya ayun, sugod ako sa SM kaninang hapon. Pero pinaiwan na lang ang printer kasi madami silang customers. Kontakin na lang daw nila ako pag ayus na. On my way home, muntik pa akong di nakauwi. Nagkadiperensiya yung aking dalang sasakyan. Buti na lang.. kahit paano may alam na ako sa troubleshooting..

5. Lately nahihilig ako sa PBA. Oo basketball. Actually. dati na akong mahilig sa sports. Way back 1998. Panahon nag Purefoods vs Alaska. Favorite players ko that time sila Alvin Patrimonio, Jojo Lastimosa at Gerry Cordiniera. Even nung college days ko naglalaro na ako ng basketball. Isa sa mga PE classes ko was Basketball. This time, SMB ako. Na engganyo uli ako maging PBA fanatics ng isa sa mga engkanto. Si karpentero. Katunayan, twice na kaming nanood ng live games sa Araneta. And pareho kaming SMB fanatics. Cross fingers, habang ginagawa ko itong blog entry na ito, kasalukuyang naglalaro ang SMB vs. Ginebra. Pag nanalo ang SMB makakalaban nila ang Talk n Text sa Championship!!.. at pag nanalo ang Ginebra, may Game 7 pa. Cross fingers talaga.. sana manalo ang SMB!!

so there... ramdom thoughts part 4





7 comments:

  1. out of topic to, random din. hehehe..thanks po sa pagfollow, sana next time nasa bloglist mo na din ako. hehehe (papansin lang). much love. mwah

    ReplyDelete
  2. Yup panalo ang SMB, pero mukhang umaapila yata si Cio hahahahah.....

    Asa. akala nya may game 7 pa bwahahahahahahaha.

    ReplyDelete
  3. @Desperate Houseboy

    Thanks for following my blog too.. Yeah Sure.. libre linis ng bahay ok yun basta tulad ng nasa avatar pic mo ang costume na isusuot ah.. hahaha

    @RainDarwin

    On the contrary, SMB fanatic din si Cio. Di siya umaapela. natutuwa nga siya at SMB ang nanalo eh.. hehehe

    ReplyDelete
  4. SMB din si Papa P?
    .
    .
    nu ba yan..ako lang yta taga Brgy. Ginebra (sige awayin nyo ko..bwehehe)
    .
    .
    nyway, 'di lang kinaya ni textmate mo ang charm mo kaya may pagyapos kagad na naganap, hehe.

    ReplyDelete
  5. wow ang bright naman ni fox congrats hahahaha ako nga di nakatikim ng 1.0 hahahhaha

    yung sa printer mo baka sira yung cartridge kaya ayaw irecognize ng printer.

    ReplyDelete
  6. Ikaw na ang cum laude! che hahaha

    Papaalam lang si Greatkid_08 iyo! Salamat sa lahat! isang malakas na kiss sa betlog mo! mwah!

    ReplyDelete