Tuesday, January 25, 2011

Ang kababata kong si Jun..

Simula pa lang pagkabata, likas na sa akin ang maging solowista. Ibig sabihin, palagi akong mag isa. Hindi ako sanay makihalubilo sa maraming tao. Marahil bunga ito ng paraan ng pagpapalaki sa amin ng aming magulang. Yung tipo na hindi kami pinapaharap sa mga bisita. Na kapag dumadating ang bisita ay pinapapasok agad kami sa kwarto. Hindi daw maganda ang nakikihalo sa mga usapan ng mga matatanda. Kaya kinalakihan naming magkakapatid ang ganun gawi. Sa mga kaibigan naman o yung tinatawag na mga kabarkada, mapili talaga ako. Bilang lang sa mga daliri ko ang mga taong nakakasama ko. Sa school, bilang din ang aking mga kaibigan.2 or 3 lang yata ang naging close ko nung high school ako. At nung college naman ako, mga 3 lang din sila.

Sa neighborhood, hindi din ako palabarkada. Bukod tanging isa lang ang aking naging ka close. Ang aking kababata at aking kinakapatid na si Jun. Inaanak siya ng aking ama sa kumpil. Si Jun ay mas matanda lang sa akin ng isang taon. Maraming mga bagay ang pinagkatulad namin ni Jun. Halos sabay kaming lumaki. at sabay din kaming nag binata.  Sabay kami pumasok ng school. Sa pareho at iisang paaralan na malapit sa lugar namin. Lagi kaming magkasama sa mga larong pambata. Buddy buddy kami ni Jun. Sa mga kalokohan, partners in crime din kami. Pag wala ang isa.. hinahanap ang isa.  

Summer noon  ng halos sabay kaming tinuli. Siya sa pukpok samantalang ako ay sa doctor. Naalala ko pa nang minsan nag "compare notes" kami ni Jun. Nagpakitaan kami ng ari para malaman kung ano pagkakaiba ng tinuli sa doctor at tinuli sa pukpok. Medyo na disapoint siya sa hitsura ng pagkakatuli sa kanya nang makita niya ang akin. Malaki ang kaibahan. Sa akin ay walang "lambi" samantalang siya ay may malaking extra skin na nakalaylay sa ilalim ng ulo ng kanyang ari. Biglang kumuha siya ng gunting at tinangkang gupitin ang lambi ng kanyang ari. Buti na lang ang napigilan ko sya. Muntik na niyang magupit ang kanyang ari.

Nang kami ay mag binata, halos sabay din kaming nanligaw ng babae, kaklase ko ang kanyang naging unang gf. Second year high school kami noon. Magkaibang section kami. Ako ang naging tulay niya. Ako ang nagaabot ng kanyang loveletter para sa aking kaklase. Sa di kalaunan, dahil na din sa tulong ko, naging magkarelasyon sila.

Makalipas ang ilang taon, naging masaya ang aming pag kakaibigan ni Jun. Tuwing summer, lagi spend namin ang aming bakasyon. Minsan sa kanilang probisya sa Batangas ako nag spend ng bakasyon. Minsan dito lang sa Manila. Maganda ang lugar nila sa Batangas, tabing dagat lang. Kaya sa tuwing uuwi ako ng Manila galing sa bakasyon, ayun, sunog na sunog ako. Palagi kasi kami nasa dagat.


======================

to be continued




No comments:

Post a Comment