Saturday, January 8, 2011

Si Mike..

Taong 1994, mula sa Novaliches lumipat kami  dito sa fairview, isang lumang bungalow style na bahay ang nakuha ng aking parents through home mortgage. Medyo luma na at sira sira na din ang mga kisame at faded na din ang pintura ng bahay. Total make over ika nga  ang ginawa sa aming bahay. Habol lang ng parents ko ay lupa, di bale na ang bahay na medyo may kalumaan na. 240 sq m at total lot area, mura na sa 7k na monthly amortization at babayaran ito through home insurance for 10 years. Pwede na. Nag hire ang aking ama ng karpentero na gagawa at mag tototal make over ng aming bahay. Si mang Romeo ang pinaka punong karpentero at 3 pa niyang kasama. Di ko na maalala ang mga pangalang nung dalawa at Isa sa tatlong kasama Mang Romeo ay si Mike. Si Mike ang panganay na anak ni mang Romeo. Sa tanya ko ay mga 15 yo lang siya at ayun na din sa kanyang ama na si mang Romeo ay hindi ito nag aaral. Dala ng kahirapan, di magawang papag aralin ng kanyang ama kaya tumulong na lang siya sa pag kakarpentero ng kanyang ama. Kaibigan ng aking ama si Mang Romeo. Dating kapitbahay namin sa Novaliches ang kanyang Pamilya. Dahil sa hindi naman ako pala kapitbahay eversince, hindi ko gaanong napapansin itong si Mike. Natatandaan ko pa noong sa dating bahay pa kami nakatira at nakikita ko na itong si Mike na naglalaro ng basketball sa pero wala lang sa akin. Isa lang siyang ordinaryong tao na kapitbahay, na anak na kaibigan ng aking ama.

Si Mang Romeo ang punong karpentero na namahala sa pag me make over ng aming bahay. Si Mike ang na assigned sa pagpipintura samantalang yung isang kasama ay alalay ni Mang Romeo,  na sa tanya ko ay nasa early 20's pa lamang, ang katulong niya sa pagpapalit ng kisame at yung isa naman ay medyo may edad na at sa tingin ko ay mas bata lang ng kaunti kay mang Romeo, ay naka assigned naman sa pagpapalit ng tiles ng  kitchen at CR. Naitanong ko kay Mang Romeo kung paano natutong mag pintura si Mike, at ayun sa kanya, bata pa lang itong si Mike ay sinasama na niya ito sa kanyang mga gawain. Humanga ako sa batang si Mike dahil sa murang edad nito ay pulido at malinis na siyang magtrabaho.

Halos isang linggo ang itinagal ng pag aayos at pagpipintura ng aming bahay. Maski sa panahong iyon, di  na biro ang magpaayos ng bahay, sa mahal ng mga materyales, kukulangin ang 50k mo kasama na ang bayad sa labor bukod pa sa materyales na pintura, kahoy, semento buhangin, tiles. Hindi lang nabanggit ng aking ama kung magkano ang total na nagastos niya  pero sa tanya ko ay umabot ng almost 70k. Sa huling dalawang araw ng kanilang trabaho ay almost finishing touch na lang ang kanilang ginagawa. Lalo na ang pag pipintura. Nagkataong weekdays sila nag tatrabaho kaya di ko masyadong nasubaybayan ang kanilang gawa, at tanging si ama lamang ang talagang tumutok sa lahat ng detalye ng mag me make over ng bahay. Sa gabi ko na lang nakikita ang development ng kanilang trabaho pagkauwi ko galing work.

Lunes hanggang sabado nila ginawa ang kanilang trabaho. Dahil sa nagtitipid na din ang aking ama at medyo malaki laki na ding halaga ang kanyang nailabas, sinabihan niya si Mang Romeo na dapat hanggang sabado at tapos na nila lahat ang dapat tapusin. Kaya buong sabado, mula umaga hanggang gabi ay pinilit nilang tapusin lahat. Pero kinulang pa din ng oras sa pagpipintura, di pa nakasama ang kisame sa labas. Kaya walang choice kundi bumalik kinabukasan ng linggo ang pintor, si Mike. Nagbilin na si Mang Romeo na si Mike na lang ang babalik kinabukasan para tapusin ang nabitin na trabaho. Dahil sa linggo kinabukasan, walang pasok, mababantayan ko ang huling trabaho ni Mike.

Kinabukasan....