Wednesday, January 7, 2009

Mahirap maging PINUNO...

Sa mundo ng cyber, marami rami na din akong nakasalamuha at nakilala. Ibat ibang klase ng tao mula sa ibat ibang larangan na may ibat ibang klase ng ugali. Sabi nga nila, it's a matter of choice and preference kung sino sino sa kanila ang pipiliin mong makasama at makilala ng husto. Sa mga taong ito, lima sa kanila ang pinili kong maging kasama at kabarkada. Bilang pinakamatanda, marapat lang siguro na ako ang maging pinuno nila. Subalit hindi ako ang nag pilit o hindi ako nag volunteer na maging pinuno nila. Sila mismo ang nagbansag sa akin ng titulong PINUNO. Kilalanin natin silang si Santa, Si Princesa, si Diwata at si Amazona. Kami ang mga karakter sa mundo ng engkantadya. Ako bilang pinuno nila, nabansagang bilang Diyosa. Nakakatawa diba? Mga barako kami pero may kanya kanya kaming bansag sa isat isa.

Mula sa simpleng GEB na nakaganap taong 2007 nag umpisa ang lahat. Naging maganda ang umpisa ng aming pagkakaibigan. Masyado akong na-overwhelmed sa pagtanggap nila sa akin. Na kahit sa panaginip ko ay hindi ko aakalain na makakatagpo ako ng mga ganitong klaseng kaibigan, mga kagaya ko rin na may kinukubling pagkatao sa mundo ng realidad. Subalit dumating ang puntong kailangang mamili tayo ng taong makakasama at magiging kaibigan natin. Sa ganang akin, ako ang naiwan, sila ang nagpatuloy. Sa aming lima, yung tatlo (si santa, princesa at diwata ) ay pinili nilang sila na lang muna ang magkakasama, samantalang kami nung isa (si amazona) ay naiwan at nagpatuloy pa rin ng pagkakaibigan. Pero sa aming dalawa, mas higit akong nakaramdam ng pang iiwan. Si amazona bilang dati nang maraming kaibigan, hindi masyadong naka apekto sa kanya ang nangyari. Pero sa akin since bago lang sa akin ang ganitong mundo. Mas higit akong nakaradam ng pang iiwan sa ere. Tatlo agad ang nawala sa akin.

Lumipas ang ilang buwan, patuloy pa din akong naghahanap ng mga taong magiging kaibigan ko, may dumating, may umaalis din. Pero mas na-appreciate ko yung bumabalik at nananatili. Sa patuloy naming pagkakaibigan ni amazona, naging matatag na din ang aming pagkakaibigan. Naging lakas namin ang isat isa sa pakikibaka sa ganitong mundo. Hingian namin ng payo ang isat isa sa tuwing nagkakaroon kami ng problema. Sa talong nawala at nang iwan sa amin, unang nagbalik si diwata. Na sa tingin namin ni amazona ay nangangailangan din ng tunay na kaibigan. Isang paanyaya mula sa akin nag ugat ang kanyang pagbabalik. Naimbitahan ko siyang tumagay isang gabi at ako naman ay kanyang pinaunlakan. At mula noon ay unti unti na siyang nagbabalik. Maganda itong sensyales para sa amin ni amazona.




itutuloy.........


1 comment:

  1. Kaya nga siya naging amazona kasi siya tiga-salag sa pinuno. Lalo na pag nagiging pasaway ang diwata. Hahaha.

    Seriously, the leader must always be alone, no matter how many people surround him in his day to day affairs, he would still be alone.

    and distant.

    ReplyDelete