Tuesday, January 20, 2009

Mahirap maging Pinuno ( part 3)

Nagkaroon kami ng GEB sa thread namin sa g4m (mga totoong discreet).. Naimbitahan ko silang umattend. Si princesa, si diwata at si santa.. bukod tanging si amazona lang ang wala sa pagtitipon. Nagkataon kasing may iba siya party na pupuntahan. Bukod sa aming apat. May mga bagong members kaming isinama sa grupo. Binansagan namin sila, dukesa at alitatap. Maya ikukuwento ko bakit ganun ang naging mga pangalan nila sa mundo ng engkantadya. hehehe

Nitong christmas vacation, nagkaroon ako ng full time sa mundo ng cyber. Komot wala akong pasok. madalas akong nag oonline. Nasentro ang aking atensyon sa g4m. kung saan nakilala ko pa ang mga taong tulad ko na mga discreet din. Sa GEB namin. 12 kahat ang nangakong pupunta. Ngunit 8 lang ang nakarating. Dalawa sa kanila ang napiling isama sa grupo namin. Si dukesa at si Alitatap. Si dukesa ang una kong naging ka close. Bukod kapitbahay ko lang siya.. malapit lang ang place namin sa isat isa.. naging masugid na textmates din kami bago kami nag kita sa GEB namin. Tinawag namin siyang dukesa na ayun na din kay princesa ay kailangan bigyan namin siya ng titulo upang maging ganap na miyembro ng engkantadya. At ito naman si alitaptap ay ang pinakabatang umattend ng GEB namin. Bukod siya ang pinakabata.. siya din ang pinaka mabenta ng gabing iyon.Daming nagsasabi na kamukha daw siya ni Piolo Pascual.. Hmm... medyo nga.. kahawig nga siya ni papa p. hehehe.. kaya siguro siya naging mabenta..

Kalaunan.. sa kanilang dalawa.. mas naging maayos ang pakikitungo ko dito kay dukesa kesa kay alitaptap. Btw.. the reason why we called him alitaptap kasi isa siyang dakila "karerista".. lahat halos ng members ng grupo namin ay kinarir niya. Unang una na si diwata, na unang tagpo pa lang nila ay nagka gustuhan agad sila. Sumunod ay si santa.. na sa pagkakaalam ko ay hanggang ngayon ay sila pa din. "open relationship ika nga. Then, dumating din sa point na si princesa ay gusto din niyang karerin. At bago pa sila napasama sa grupo.. nagkagustuhan na pala sila ni dukesa.. Ang sabi pa nga sakin ni dukesa ay ultimate crush daw niya si alitaptap. BUkod tanging ako at si amazona lang yata ang hindi niya kinarir.

Bilang pinuno ng grupo. Malimit kong ipanapaunawa sa kanila ang bawal ang KARIRAN sa grupo. Sa mgakakaibigan kasi.. lalo na s isang grupo. pag pinasukan ng ibang angulo ang pagsasamahan. Nasisira ito. sa ganang akin.. ilang beses ko nang na experience ito kay diwata. na isang tunay na pasaway sa grupo. May dalawang tao na akong isinama sa grupo dati, na biglang nawala na lang na parang bula.. ito ay sa kadahilanang kinarir ni diwata. At nagkaroon sila ng hindi magandang ending, at ayun, bigla na lang nawala..

Itong pagpasok ng dalawang bagong miyembro. Binalaan ko na si diwata na ituring na lang niyang mga katropa ang mga ito. Para hindi sila mawala sa grupo. Ngunit alam kong hindi maiiwasan ang mga ganitong bagay. Ngayon, ang diwata at ang dukesa ay kasalukuyang nag eenjoy sa isat isa bilang mag partner. Noong una ay hindi ko matanggap.. pero sa kalaunan at masaya na din ako para sa kanila.. pareho silang mahalaga sa akin. Si alitaptap naman ay patuloy pa din sa kanyang gawain.Mismong yun mga kinakarir niya ay hindi na nagugustuhan ang kanyang pinaggagawa. Ako bilang pinuno ng grupo. Naging saksi ako kung anong klaseng tao itong si alitaptap. Hindi na maganda ang kanyang pinapakita. Dumating pa sa puntong ako mismo ang kinakalaban niya. May bagong recuit ako mula sa aming thread. Hindi pa man namin nakakasama ang tao iyon ay kinakarir na agad niya. Hindi niya alam na nasakin ang loyatly nitong bagong recuit na ito at lahat ng mga pangangarir style nitong si alitaptap ay ipinapaalam sakin. Napag alaman kong sinisiraan pala ako ni alitaptap sa bagong recuit na ito. Well, pinakitaan ko siya ng mabuti. itrinato ko siyang kaibigan, isinama ko siya sa grupo. Pero lahat ng iyon ay nabalewala lang dahil sa kanyang pinaggagawa. Ngayon siya na din ang nagpasiyang lisanin ang grupo. Well.. hindi siya kawalan sa totoo lang..


itutuloy............

3 comments:

  1. Gumaya sila sa akin, laging sa labas ng grupo humahanap ng diskarte. Hehehe.

    ReplyDelete
  2. ur right mugen, labas ka sa kariran sa grupo kasi may hidden agenda ka hahahah.

    ReplyDelete
  3. Sa mgakakaibigan kasi.. lalo na s isang grupo. pag pinasukan ng ibang angulo ang pagsasamahan. Nasisira ito. sa ganang akin..

    I agree. Sabi nga sa isang episode ng Ally McBeal, ex-lovers can be friends, but friends cannot be lovers. Parang ganun pero di saktong iyon. Nagiging complicated nga ata masyado kung may something-something yung pagkakaibigan.

    ReplyDelete