"Noong college pa ako, madalas ako dito, lalo na pag malapit na exams... dito ako nagrereview. Hinihintay ko talga ang pag lubog ng araw.. "
======================================
Mula sa Sm manila, nagpunta kami ng Luneta, hoping na sana maabautan namin ang paglubog ng araw. Pero sa kasamaang palad, medyo padilim na ang langit nang kami makarating sa likod ng Quirino Grandstand. Nang kami ay naglalakad pa lang patungo sa breakwaters sa likod ng grandstand, nadaanan namin ang mga tao na msayang nagpapahinga at nagkukuwentuhan sa damuhan. May mga nagpapalipad ng saranggola. Nakita ko sa mukha niya ang nasiyahan habang nakatingin sa mga saranggola. Pabiro pa nga niyang sinabi."Ano kaya kung gumawa ako ng saranggola na hugis etits? hahaha" Bigla kaming nagtawanan.
Nang dumako kami sa breakwaters. Excitement at panghihinayang ang aming naramdaman. Excitement na makita ang kapaligiran. Mapayapang dagat, bughaw na langit, na nagaagaw dilim at liwanag. Panghihinayang na hindi namin naabutan ang mismong paglubog ng araw. Naupo kami simento nakaharap sa dagat. Magandang simula ng aming kwetuhan. Nasabi ko sa kanya na iyon ang isa sa mga pinaka paborito kong lugar na puntahan kapag gusto kong mapag isa. Masilayan lang ang ganda ng paglubog ng araw. Malas nga lang at hindi namin naabutan. Naitanong ko sa kanya kung kelan ang huling pagkakataon na napunta sa siya lugar na iyon. At napag alaman kong musmos pa lang siya nang huli siyang nakarating , huling alaala niya ay mga edad sampu yata. Kaya hindi katakataka kung makitaan ko siya ng pagka excited habang naglalakad pa lang kami patungo sa lugar na iyon. Nakita ko ang kamusmosan sa kanyang mukha. Na parang bata na excited makita ang kapaligiran.
Mga halos 30 mins na usapan.. bigla kong naisip na kalapit lugar lang ang baywalk na naging popular na lugar sa mga ganito panahon ng kapaskuhan. So nag decide kami na pumunta sa lugar na yon. Binagtas namin ang Roxas Blvd. habang nagkukwentuhan. Narealized ko na masarap talagang maglakad lakad habang nakikipag kwentuhan lalo na ang kasama mo ay mahal mo at importante sa buhay mo.
Nang marating namin ang baywalk... hindi gaanong madami ang tao. mangilan ngilan lang ang naka upo sa breakwaters.. nagkukwentuhan at yung iba ay kumakain.. grupo grupo at may dalawahan, babae at lalaki na sa unang tingin pa lang ay tipong magkarelasyon. Hehehe... Naglakad lakad pa kami at nang makaramdam kami ng uhaw dulot na aming paglalakad, tamang may nagtitinda ang sari sari sa isang tabi. Bumili kami ng maiinom at makakain, na tamang sa tapat ay may magandang pwesto. Naupo kami bitbit ang binili naming C-2 ice tea at chitchiria.. Nag patuloy kami sa aming kwentuhan. But this time, medyo seryosong kwentuhan ang naganap. Kwento tungkol sa kaniya kanyang buhay. Ako bilang nakakatanda, na ibahagi ko sa kanya ang ilang karanasan sa buhay ko na sa tingin ko ay kapupulutan niya ng aral. Na ang tanging tagubilin ko sa kanya ay sikapin niyang makatapos ng pag aaral upang sa ganon ay marating niya ang kanyang mga pangarap sa buhay. Minsan na i share niya sa akin ang one dream niya.. ang magkaroon ng sariling condo unit. Para daw masubukan niyang mamuhay ng independent. "Pag natupad yung parangap ko na magkaroon ng sariling condo, ikaw ang unang una kong papupuntahin". Bigla niyang nasambit. Labis na kasiyahan ang aking naramdaman nung sandaling marinig ko sa kanya iyon. Kung iisipin, matagal pa mangyari ang mga bagay na iyo, "Salamat pala ha. Pinasaya mo ang birthday ko. Hindi ako nag celebrate ng birthday ko sa bahay. Pero salamat talaga at ikaw pa ang nagblow out sakin".
================
to be continued....