Monday, December 31, 2007

Bata.. Bata... Paano maging bata????


Sa g4m, ang thread ng mga walang mukha na siguro ang isa sa mga pinak wholesome na thread. Kahit na nasa list siya ng sex forum, kakaiba pa din ang dating ng thread na ito. Kung mapapansin niyo, karamihan ng mga nagpopost dito ay halos mga kabataan (youngsters ika nga). Ito ang mga kabataan na mas piniling magpost sa thread ng mga walang mukha kaysa makipag kariran at makipagbalahuraan sa ibang thread. Nakakaaliw basahin ang kanilang mga postings. Ang mga pictures na nilalagay nila sa kanilang profile, na karamihan ay pictures ng mga anime, nagpapahiwatig na taglay pa din nila ang kainosentehan nila bilang mga bata. Na maski ako mismo ay nagaya ng din maglagay ng picture ng anime, yun nga lang ibinagay ko lang sa aking panahon, noong uso pa ang mga japanese robot cartoons, gaya nila Voltes V, Daimos, Mazinger Z at iba pa. Ako bilang mahilig din sa cartoons noong aking kabataan. Nakakatuwang isipin na sa edad kong ito ay naappreciate ko pa din ang mga cartoon characters o anime characters. Masarap mag feeling bata lalo na pag kasama mo ang mga bata. Sa tingin ko ay hindi naman masama ang magbalik sa papaging bata. Masaya ang maging bata. Wala masyadong iniisip na problema. Ang masama ay mag asta kang parang bata. Sabi nga " it's good to have a childlike attitude rather than to have a childish act". Iba kasi ang pagiging "feeling bata" kesa pagiging "isip bata". Magkaiba kasi ang childlike sa pagiging childish.

Naalala ko nga nung minsan ay sinamahan ko si deathnote, isa sa mga batang members ng thread. Naglibot kami sa Quiapo upang hanapin ang DVD copies ng POKEMON SERIES. Nakita ko sa kanya ang labis na katuwaan nang matapos ang halos na isang oras ng paglilibot ay nakita din namin sa wakas ang kanyang hinahanap na mga DVD copies, na ako pa mismo ang nakakita nga mga ito. Katuwaan hindi mo maipapagpapalit sa kahit anong bagay. At kakatuwang isipin na sa edad kong ito ay nakararamdam pa din ako ng pagiging bata. Maski ang mga kasama kong may mga edad na ay aminado din silang nag eenjoy silang kasama ang mga bata. Dito sa g4m, pagkasama ko sila, nakakabata ng pakiramdam, feeling ko mga kasing edad ko lang sila. hehehe.

Narito ang listahan ng mga "youngsters" sa thread ng mga Walang Mukha:

1. -DeathNote-
2. Levantine
3. zhera
4. shadowdance
5. jonas141
6. animedude
7. anonymous49
8. shadowrye
9. rodddddd
10. hawk

Salamat sa inyo mga bata...

Bagong Taon... Bagong????

Ilang oras na lamang ay magpapalit na ng taon. Isang taon na naman ang sasalubungin ng buong mundo. Panibagong taon, panibagong pakikipagsapalaran. Ano nga ba ang bago sa bagong taon? Meron nga ba tayong aasahang bago?

Noong ako'y musmos pa lamang, tuwing sasapit ang New Year's Day, para sa akin. Isa itong engrandeng selebrasyon. Kung saan lahat ng tao ay naghahada sa pagdating ng Bagong Taon. Andung magsuot ng polka dot na damit, tumalon habang sinasalubong ang pagpasok ng bagong taon, mag lagay ng barya sa bulsa at alugin ito. Sa parte naman ng paghahanda ng pagkain. Kailangan daw mag lagay ng labindalawang klase ng ibat ibat prutas. At huwag daw mag hahanda ng manok sa araw ng bagong taon sa paniniwalang lilipad daw ang swerte sa pagpasok ng bagong taon.
Ganito ang nakagisnan kong mga tradisyon. Na sa tanda ko ay palaging ganito na lang kagi ang paraan ng pagdiriwang ng bagong taon.

Ngunit habang ako'y nag mamature at nagkakaisip, nag iiba na ang aking pananaw tungkol sa kung ano nga ba talga ang Bagong Taon. Para sa akin, ito ay isa lamang pagpapalit ng kalendaryo. Sa taon taong pagdiriwang ng New Year's Day, walang naman akong masyadong napapansin na pagbabago sa takbo ng buhay. Ang New Year's Resolution ay kadalasan ay hindi natutupad.. sa tanda ko... wala yata akong natupag na resolution. hehehe.. sa umpisa oo, pero sa katagalan ay balik lang ulit sa dati.

Sa ngayon, darating na naman ang isang bagong taon, at sa mga nakaraang taon, nakalimutan ko na yatang gumawa ng New Year's Resolution. hehehehe

well... wish ko lang sana.. maganda ang maging kapalaran ko sa bagong taon na papasok. Gud luck sa akin, sa pamilya ko at sa mga kaibigan ko. sa Bayang Pilipinas at sa buong mundo.




Friday, December 28, 2007

Isang Pasasalamat...

Christmas Party of Walang Mukha Thread.

My deepest and sincerest appreciation to those who attended the Christmas Party held at Music21 Plaza last December 26, 2007, 8:00 pm until 12:00 midnight.

1. Quasi Modo - who paid half of the fee. Thank you grandpa.. Though we were not able to talk too much, if you could only knew how thankful I am for your generosity.
2. ML - as always, you've done a great job again!!! Thank you very much.
3. enelooparin - Thanks again for helping ML.. you're a friend in deed.
4. deathnote - you're improving huh! A quick transformation... from silent type of guy to a very happy and cheerful one... Videoke lang pala ang katapat mo!.. hehehe
5. Gcube - thank you for coming. You came all the way form laguna just to be with us. Ganda pala ng voice mo.
6. Orbiter - Jay, you never disappoint your kuya. Kahit late ka na dumating... You are really a friend. You're always there whenever i need you. Thanks dude.
7. Whitelight - dude, you impressed me a lot. you're a "diva".. hehehe the next "pinoy pop superstar.
8. TopGun - dude, thanks for coming.... though nahihiya ako sayo.. nablocked kasi kita before sa thread namin... but still you were able to attend the party..Thanks to enelooparin.
9. Melvin (Tagay) - surprisingly... this guy from the other thread (Mga Walang Face Pic! Exculsive!!!) were able to make it. Salamat dude.. akala ko nagbibiro ka lang na pupunta ka.. Thank you talaga.


The party was really a success... more of this kind of gathering is expected to happen again. See you all guys again. What's next? Valentine's Party ba? hehehe or Summer Outing naman? hehehe


kakatuwang storya ng buhay pilipino....

Liham ni Bebeng



Registered nurse si Bebeng sa L.A. Kasama niya ang kanyang ina na nagpagamot doon. Namatay ang ina nito. Dahil sa kamahalan ng pamasahe pabalik sa Pilipinas, nagtipid si Bebeng. Pinauwi na lang niya ang kabaong ng kanyang ina na mag-isa.

Pagdating ng kabaong, napansin ng mga kapamilya niya na nakadikit ang mukha ng ina sa salamin ng ataul. Nagkomento tuloy ang isang anak, "Ay, naku! Tingnan mo 'yan... hindi sila marunong mag-ayos ng bangkay sa Amerika! Nakudrado tuloy ang mukha ng inay."

Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan ang kabaong. Aba ! May sulat na-nakastaple sa dibdib ng ina. Kinuha nila ito at binasa. Ang nilalaman ng liham na mula kay Bebeng:

Mahal kong tatay at mga kapatid:

Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang nanay sa pag-uwi riyan sa Pilipinas dahil napakamahal ng pamasahe. "Ang gastos ko pa lang sa kanya ay mahigit $10,000 na. Ayoko nang isipin pa ang eksaktong halaga. Anyway, ipinadala ko kasama ni nanay ang mga sumusunod...

Nasa likod ni nanay ang dalawampu't apat na karnenorte at isang dosenang spam. Ang adidas na suot ni nanay ay para kay tatay. Ang limang pares ng de-goma ay nasa loob ng dalawang asul na Jansport na backpack na inuunan ni nanay. Tig-iisa kayo.

Ang iba't-ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa puwetan ni nanay. Para sa mga bata ito. Bahala na kayong magparte-parte. Sana'y hindi natunaw. Ang pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni nanay ay para sa bunso ni ate. Gift Ko sa first birthday ng bata. Ang itim na Esprit bag ay para kay Nene.

Ate, nasa loob ng bag ang pictures ni inay, japanese version ng pokemon trading cards at stickers. "Suot ni nanay ang tatlong Ralph Lauren, apat na Gap at dalawang Old Navy t-shirts. Ang isa ay para kay Kuya at tig-iisa ang mga pamangkin ko. Maisusuot ninyo ang mga iyan sa fiesta.

Suot din ni inay ang anim na panty hose at tatlong warmer para sa mga dalaga kong pamangkin. Isuot nyo sa party.May isang dosenang NBA caps sa may paanan ni nanay. Para sa inyo, itay, kuya, dikong, Tiyo Romy. Bigyan nyo na rin ng tig-isa 'yung mga pamangkin ko at 'yong isa ay kay Pareng Tulume.

Ang tigdadalawang pares ng Nike wristband at knee caps na suot-suot din ni nanay ay para sa mga anak mo, diko, na nagbabasketball. Tigdadalawang ream ng Marlboro lights at Winston red ang nasa pagitan ng mga hita ni nanay.

Apat na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang dishwashing liquid, isang Kiwi glass cleaner at tig-aanim na Colgate at Aqua Fresh ang nakasiksik sa kilikili ni nanay. Hati-hati na kayo, huwag mag-aagawan.

Isang dosenang Wonder bra ( Victoria 's Secret ata ang tatak)gustong-gusto ni Tiya Iskang society natin, suot-suot din ni nanay. Alam kong inaasam-asam nyo 'yan, tiya. Anim na lipstick lang ang kasya sa bra. Ang Ro lex na bilin-bilin mo tatay, suot-suot ni nanay. Nakatakip sa Nike na wristband. Kunin mo agad, Itay.

May isinisik akong zip-loc sa bunganga ni Inay na naglalaman ng $759 dollars. Hindi na ako nakatakbo sa ATM. Puede na siguro sa libing iyon.

Iyong tong na makokolekta, i-time deposit niyo Kuya para pag namatay si Tatay may pambili na ng ataul.Ang hikaw, singsing at kuwintas (na may nakakabit pang anim na nail cutters) nagustong-gusto mo, ditse, ay suot suot din ni nanay. Kunin mo na rin agad, ditse. Ibigay mo ang isang nailcutter kay Jay bakla sa kanto.

Tanggalin niyo ang bulak sa ilong ng inay, may isiniksik ako 3 diyamante sa bawat butas. Ibangon niyo lang si inay at tiyak na malalaglag na ang mga iyon. Konting alog lang siguro ng ulo.

Marami pa sana akong ipaglalalagay kaya lang, baka mag-excess at si nanay pa ang maiwan. Basta parte-parte kayo, tatay, kuya, ate, dikong, ditse. Para sa inyo lahat ito. Bahala na kayo kay nanay.
Pamimisahan ko na lang siya rito.

Balitaan ninyo na lang ako pagkatapos ng libing. Alam ni ate ang email ko. Paki-double check ang lista kung walang nawala sa mga ipinadala ko.

Nagmamahal,
Bebeng


====================

Copy paste ko lang ito sa isang thread ng g4m..

Nakakaaliw basahin. Sa isang simple storya... inilalarawan ang ugali nating mga Pinoy. Gagawin ang lahat ng paraan para lang mapasaya ang mga mahal sa buhay. (close family ties ika nga). Nakakaaliw.. nakakatawa pero totoong nangyayari. Dinaan lang sa isang kakatuwang kwento. Ganyan tayong mga Pinoy. Resourceful, creative at unique!!!



Sunday, December 23, 2007

EB as in "Eye Ball"

guys4men.com - May 2007 nang ako ay pumasok dito sa site na ito.. Turo sa akin ng isang kaibigan na si PauloJudah... ang site na ito ang nagsilbing tambayan ko kapag ako ay nag iinternet. Dito sa site na ito… maari kang magtago ng iyong tunay na pagkatao at sa iyong totoong mundo. Maaari kang gumamit ng name na pwede mong gamitin na hindi ka makikilala. "caretaker" ang handle name na ginamit ko. Noong una, walang dating sakin ang site na ito. Puro pag vi-view lang ng mga profile ng mga members ang ginawa ko dito. Pero nang sinabi sakin ni PauloJudah na pumasok daw ako sa thread (na sa unang dinig ko ay hindi ko maintidihan at bakit thread ang tawag) at mag basa ng mga postings.Isa kakaibang experience to.. naaliw ako at nag explore… kaya gumawa ako ng thread. Ang thread ng mga Walang Face pics Exclusive!!!… Napansin ko kasi na karamihan ng mga members ay mga walang face pics. Ang thread na ito ay isa lamang experimento para sa akin. Gusto ko lang malaman kung gaano karami ang mga members na hindi naglalagay ng kanilang mga face pictures sa kanilang mga profiles. At hindi ako nagkamali... madami nga sila at isa na ako doon. At sa kauna unahang pagkakataon… nakipag meet ako sa mga taong tinuring kong mga kaibigan at walang bahid kamanyakan. Hehehe At dito ko nakilala at nakita ng personal ang mga sumusunod:

  1. Orbiter – call center agent (si pulsar / mugen / darkstar / kitsune) – Journalism graduate mula sa UST at kumukuha ng masteral degree sa UP ( Creative Writing)
  2. Str8manly – businessman mula din sa UP Diliman
  3. Marhk – overseas worker mula din ssa UP Diliman
  4. Tagay_mo_par – ECE graduate ng Adamson na nag aantay pa lang ng Board exam
At sa di inaasahan pangyayari, pansamantala kong iniwan ang site na ito. Nagdelete ako ng account dahil sa pag aakalang nagkamali ako ng site na pinuntahan. Sobra akong umasa sa mga taong una kong nakilala. Na ang akala ko ay mga tunay na kaibigan, yung tipong hindi ka iiwan hanggang sa huli. Sa apat na nabanggit sa itaas, bukod tanging si Orbiter lamang ang naiwan at nanatitiling tapat na kaibigan. Matapos ang mahigit na isang linggo, muli akong nagbalik gamit ang handle name na "centurion69". Gumawa ulit ako ng bagong thread. Ang thread ng Mga Walang Mukha (Bagong Bahay). At sa pagkakataong ito, dala ko na ang mga leksyong natutan ko sa pakikisalamuha sa mga members ng g4m. Na hindi lahat ng mga taong pumapasok dito ay puros kamunduhan lang ang alam. Muli akong nakipag kaibigan. At nakilala ko ang mga sumusunod.

  1. Incubus – businessman, taga Quezon City
  2. deathnote – (may sarili din blog – the book of deathnote) taga Antipolo kumukuha ng Abogasya sa UP Diliman
  3. Creon – call Center agent taga Manila
  4. Certified - kaibigan ni creon mula sa Pacita Laguna
  5. Room506 - kaibigan din ni creon mula sa Cubao, Quezon City
  6. Levantine – estudyante ng Computer Science sa Ateneo de manila
  7. Whitelight – Accountant – graduate ng UP Diliman
  8. Malibog – alson known as ML, a Businessman from Las PiƱas. Siya ang nag organize ng kaunaunahang GEB ng Thread ng Mga Walang Mukha
  9. Enelooparin - Businessman from Quezon City, kaibigan ni ML at kasamang nag organize ng GEB.
  10. GCube - dating OFW galing Bahrain. Mula sa bayan ng San Pedro Laguna
At ngayon nalalapit na Dec26, Christmas Party ng thread ng mga walang mukha, inaasahan kong makikita ko ng personal ang iba pang mga members na sa thread ko lang nakakausap. See you soon guys...



Saturday, December 22, 2007

Christmas Vacation Galore!!

Dec22, officially nag start ang long Christmas vacation namin... and it will end up Jan 2... January 3... back to work na ulit kami... ano ba nga activities ko nitong Christmas vacation? well.. malamang sa bahay lang ako. Pero may naka abang na akong schedules.. hehehe Isa na dito yung nalalapit na Christmas Party ng thread namin sa g4m.. Christmas Party ng mga walang mukha thread.. Excited na nga ako eh... sana maging masaya yung party.. Meron din ako imimeet na long time friend na uuwi ng Pinas galing ng Dubai... matagal na panahon din kaming hindi nag kita mula nung umalis siya papuntang Dubai. Mayroon din akong inaasahan mga bisita sa pupunta dito sa bahay.. well.. hindi naman masyadong busy ang vacation ko diba? hehehe

Pero higit sa lahat.. ang makapag pahinga sa work ang pinaka importang bagay ang magagawa ko nitong Christmas vacation... at siyempre ang makapiling ko ang buong pamilya... lalo na sa ganitong panahon... lagi kaming nagsasama sama.. isang Family Reunion.. hindi ko pwedeng ipagpalit ito sa kahit ano pang occassion... it only happens once in a year..




Monday, December 17, 2007

GLOBE "LIMITED TEXT"!!!! Promo

Grabe!!! wala na GLOBE Unlimited Text.... isa sa mga dahilan kung bakit ako naging masugid na Globe subscriber ay dahil sa kanilang promo na UNLITXT.. Kumpara sa Smart Unlimited..na kailangan pang mag antay ng oras... mula 11:00 pm hanggang 5:am para makapagregister.... dito sa Globe... mas madali kang makakapag register...at walang pinipiling oras... anytime of the day pwede kang mag register....

Pero bakit anong nangyari at wala na ang UNLITXT ng Globe? Paano na yan? limted na ngayon ang pag send at pag receive ko ng mga SMS.... wala na masyadong quotes... jokes.... MMS....haaay... at yung mga regular textmates ko ng Globe subscribers din.. i'm sure... sila din... nagtitipid na din sa pag tetext...

Isang itong pananamantala... palibhasa'y nasa peak season ngayon... kung saan inaasahang mas marami ang mag tetext... ngayon pa nila tinigil ang kanilang Promo... KARMA is the key word... yung mga may ari ng GLOBE... asahan niyo.. ito na ang umpisa ng pagka lugi niyo... GABAAN sana kayo!!!! hmmmpp!!!


Munting Kahilingan...

Malapit na mag Christmas Vacation... Christmas Party na namin sa work... wala pa akong nabibiling pang exchange gift. Maski yung mga gifts para sa mga inaanak ko wala pa din akong nabibili kahit isa.. haaayyy... reason? wala pa akong pera... waaaah... yung mga inaasahang incentives namin sa work... up to this time hindi pa din dumadating.... Yung 13th month pay na natanggap ko.. parang nauwi lang sa wala... hehehe.... Sa mga bills lang napunta...MERALCO... PLDT.... MAYNILAD.... haaay...ubos.... yung natira.. pagkakaalam ko.. T-shirt lang yata ang nabili ko... at dalawang bagong briefs.,.. hehehe

Wish ko lang... sana bago dumating yung araw ng Pasko.. at magdatingan na din lahat ng mga ini expect kong kaperahan.. para naman maging masaya ang Pasko ko.. hehehe. Talaga nga naman ang Pasko sa mga panahong ito... ay para lang sa mga bata... sa ating mga may edad na... isalang ang ibig sabihin nito... gastos.... gastos... at higit sa lahat GASTOS... hehehe

Pero sa totoo lang... wala naman akong ibang tanging hinihiling ngayon PASKO para sa sarili ko... kundi yung magkaroon na simple at masayang Pasko... yung makasama ko ang mga mahal ko sa buhay.... FAMILY and friends... yung lang.. masaya na ako... at magpasalamat sa Poong Maykapal... na sa kabila ng kahirapang dinaranas ng mundo... patuloy pa din Niya tayong ginagabayan.. at kundi naman dahil sa Kanya... wala tayong Pasko.... at eto pa din tayo... patuloy na nagsisikap na maging masaya at mayapa ang ating Pasko...

Saturday, December 15, 2007

December 15

(Kahapon pa dapat ito na ipost)....

Isang araw na hindi ko pwedeng kalimutan..

Ito ay birthday ng tatlong tao na nakilala ko mula sa cyber world..

CHARLES ....

JOMS...

CHRIS ...

I hope you had a wonderful day on your special day..... HAPPY BIRTHDAY!!! my friends...

Sunday, December 9, 2007

First GEB...

At last.. after a long wait and the postponement ... finally it was pushed through. The First ever Grand Eye Ball (GEB) has finally came into reality. It was December 8 of saturday at 5pm at the DB Bar along congressional ave, the much awaited GEB has finally held. This is actually the first ever GEB i've ever attended.. where a lot of people whom i've been seeing only from the thread which i created in G4M.... though previously... i've attended a GEB before... but it was just a few selected people.. and i can't consider it as a GEB... it was just a small meet up to few people.. in which one of the attendees came all the way from Italy and it was a home coming for him. Spent his two month vacation.

It was fun... i really had a great time...and this would not be made possible without the help of two members..thank you very much to Chris....for spending time in inviting the attendees.. not to mention the extra load he spent in calling the attendees using his own mobile phone... and of course to Louie... for helping Chris and for looking for a possible place where we can spend the GEB... it was really a nice place... Thanks to both of you guys... a job well done.

Although we were just few... 12 people to be exact... we really had a great time...




Those who attended the GEB

centurion
malibog
eneloop
orbiter
raptor
deathnote
whitelight
roddddd
corps
certified
iceman
room506

thank very very much guys.,..

Saturday, December 1, 2007

Malamig ang Simoy ng Hangin......

"Malamig ang simoy ng hangin... kay saya ng bawat damdamin.. Ang tibok ng puso sa dibdib.. para bang hulog na ng langit.."

Isang stanza mula sa isang tradisyonal ng kantang pamasko na aking narinig kanina sa radyo. Talagang nagbabadya na ng papalapit na papalit na araw ng Pasko. Kundi di nga lang ako ginising para bumili ng pandesal na aming i aalmusal ay malamang nasa higaan pa ako ngayon.. Sa sobrang lamig ngayong umaga.. walang taong hindi tatamarin bumangon sa kanyang higaan. masarap yatang manatiling nakahiga sa kanyang kama at kayakap ang unan habang nakabalot ng makapal na kumot. Ganito ang naging eksena ko kaninang umaga.

Ngayon.. December 1 na... ito na talaga ang umpisa ng paghahandaa ng nalalapit na pasko.. Pagkatapos ng November 30, Bonifacio day, Pasko na ang susunod na holiday. Kaya ito na talaga ang tamang panahon para mag countdown, 24 days to go na lang...

Well... ihanda na natin ang ating mga bulsa.. tiyak malaking gastos na naman ang naghihintay. Yung mga inaanak ko na umabot na yata sa mahigit na 3o... salamat kung maalala niyo ako at swerte niyo may pamasko kayo sakin..... hehehe at dun naman sa mga hindi makakaalala sa kin... well.. good luck na lang sa inyo... hindi ko kayo hahanapin.. hehehe

at sa mga kaibigan ko naman... simple lang naman ang nais ko ngayon pasko.... maalala niyo lang ako at batiin... sapat na sakin yun.. pero mas maganda kung kasabay ng pag bati eh.. may iaabot kayong regalo... hehehe joke!!!

at sa aking pamilya... sana'y masaya tayo ngayon pasko... na gaya ng dati.. at sa mga susunod pang mga pasko..