Friday, November 30, 2007

naudlot na plano....

Matagal na pinagplanuhan.... at sa isang iglap lang hindi natuloy... dahil sa isang kaguluhang dulot ng iilang tao.. buong bayan ay nabulabog.. animo'y isang giyera na... naglabasan ang mga sundalo't pulis.. mga baril... tangke at tear gas... nag patupad pa ng curfew hours mulang 12midnight hanggang 5am.... mga eksena na nangyari na noong panahon ng "matial law"... nauulit na nga ba?

kakalungkot isiping ito na sana ang pagkakataong makikita kita ang mga taong sa cyber lamang nag uusap. Mga taong mula sa isang "thread" ng isang site sa internet. Nabuo ang isang barkadahan... pagkakaibigan... na bihira lamang mangyari sa cyberworld.. Lahat ay kasado na sana.. ang lugar... ang mga taong pupunta.. nakagayak na lahat.. magkikita kita na sana... nang biglang... "Breaking News.... Ipapatupad ang Curfew mula alas dose ng madaling araw hanggang alas singko ng umaga"... Patay! pano yan... ang GEB?

Ngunit sa kabila nito.. minarapat na lang na huwag nang ituloy para sa kapakanan at kaligtasan ng nakararami...


There will always be a NEXT TIME!!!!


Friday, November 23, 2007

ABCD of me....

A - Age: I'm already 38…. Waaah. Lapit na akong mawala sa numbers ng lotto…heheh

B - Bands I'm Listening To Right Now: none in particular… basta maganda yung music… kahait sino kumanta..hehehe

C - Career: A teacher by profession…teaching high school physics.

D - Drink or Smoke: Winston Red/Lights…moderate smoker and occassional drinker.

E - Easiest Friends To Talk To: Simpleng tao… hindi maingay… may sense kausap…. Badtrip din ako sa KSP.

F - First Crush: I could still remember during my elementary days.. There was this girl classmate of mine named ROSELA TULIPAN… my seatmate actually…one of the reasons why I like going to school everyday is because of her.. Crush na crush ko talga siya.. Nasaan na kaya siya ngayon?

G - Gadgets: Nokia N70, Intel Celeron Desktop PC

H - Hobbies: internet surfing… chatting.. texting… Going to Malls… sometimes watching movies… Singing Videoke… May boses din naman ako kahit paano.. hehehe.

I - In love: Yes.. with my family and special someone.. bahala na kayo kung boy o girl siya.. hahaha

J- Junk Food You Like: Sweets..like banana que… turon… bibingka… ube… halaya.

K - Kidz : Sana bago ako naging ganito nagkaroon muna sana ako ng anak na lalaki...


O - One Wish You Have Now: I wish I have all the happiness in this world..

P - Phobias: Night Swimming sa beach… Ewan ko.. natatakot talaga ako mag swimming ng gabi sa beach,,, parang there will be something na hihila sa paa ko pag lumusong ako sa tubig…

Q - Favorite Quote: “Pag gusto… maraming paraan.. pag ayaw… maraming dahilan” I always believe in this saying…

R - Reasons To Smile: I have my family who loves me very much… I have a work .. and I have friends.

S - Sleeping Time: usually around past 1am… the earliest is 11pm.. and have to wake up at around 5:30 am in time for me to prepare myself in going to work…

T - TV Channels: IM not really a TV addict… Since dito sa bahay… mga KAPUSO mga kasama ko dito.. I have no choice but to see tv programs of channel 7.

U - Unknown Fact About You: They will still be unknown... Im a very discreet person...

V - Vegetable You Hate: okra... I really hate the veggie

W - Worst Habit: Wala Yata…

X - X-rays You’ve Had: Chest and Back X-Ray. And I have this on yearly basis since it is a part of our annual medical check up in government service.

Y - Yummy Foods: Anything with “gata ng niyog” I love it very much. I also like food with tomato sauce.

Z - Zodiac Sign: Taurus

Sunday, November 11, 2007

nag se senti lang....

centurion: ei musta na? long time no text ah...

him: hu u?

centurion: ay ganun? deleted mo na pala name ko sa phonebbuk mo. ok thanks na lang..

him: ei.. sino ka ba? baka kasi sa tagal ng di mo pag text.. na delete ko na number mo..

centurion: di bale na lang... thanks.. have a good day a head.

him: ok

==========

It's been a long while since the last time I sent this guy a text message. I dont know, we just stopped texting each other. I dont know what's the reason why. I've met this guy from cyber. I remember still could remember the first time i met this guy. He was just like a little kid who was longing to have a brother.. which according to him.. he's very happy that he finally met someone like me whom he can consider his elder brother. We've been texting each other almost everyday from 'til night ended up to dawn...thanks for the so called "unlimited text. We havent missed any single moment that happening to us. Trying to update each other on what we do, our whereabouts... And this lasted for about 3 months of constant texting. But we're never had to chance to see each other personally. We don't even have any idea of how we look like. We just enjoyed texting each other. As if we've been know each that long. He calls me "Kuya" for he is much younger than I am. And i call him "tol"...a term which is usually addresses by an elder brother who is much very close to his younger brother..

But now... sad to say and i feel bad.. it's all gone.. those happy moments we together thru texting. I just hope he misses me... and i wish him luck for he might found somebody whom he can really consider a big brother to him.

good luck tol... wish you all the happiness in this world.

Tuesday, November 6, 2007

journal ...

Back to work again... i have lots of things to do... dami ko kasing naiwan na trabaho. Bago mag bakasyon nitong Undas... may mga paperworks pa akong hindi natapos.. kaya eto ako ngayon.. nagkukumahog . Sabagay.. madali ko naman matatapos gamit ang computer.. sana nga lang matapos bago dumating ang deadlines... hehehe.

kanina nagdagdagan pa ang load ko... Ako kasi ang nagsubstitute sa isang kong kasamahan g nagmaternity leave. Wala naman ibang gagawa kundi ako.. Pansamantala lang naman ito.. habang hindi pa dumadating yung taong dapat hahawak ng load. Kaya isang sakripisyo para sa akin ang gumising ng mas maaga pa kesa na nakasanayan kong oras ng pag gising..Ang masaklap nga lang nito.... ito ay isang LIBRE!!! as in walang bayad.. huhuhu... Well... alang alang sa samahan.. at kaibigan ko naman yung nag leave.. kaya sakripisyo talaga..

Sana nga dumating na yung talang mag sa substitute na galing ng Division Office.. para balik ulit ako sa nakasanayan ko na.. hehehe


Sunday, November 4, 2007

Todos Los Santos Reunion....


November 1, 2007, maaga pa ay nagpunta kami sa sementeryo kasama ang buong pamilya... dinalaw namin ang puntod ng mga yumaong kamag anak. Lolo ko, lola ko, auntie ko at pinsan kong lalaki na magkakatabing nakabaon, anim na talampakan sa ilalim ng lupa. Nagsidatingan din ang iba pa naming kamag anak mula sa ibat ibang lugar. Ito'y isang pagkakataon na itinuturing naming "Family Reunion" mula sa side ng father ko. Masayang natitipon tipon... may kanya kanyang dala ng ibat ibang uri ng pagkain. Batian, kamustahan at umaatikabong kwentuhan at tawanan. Ganito lagi ang eksena sa tuwing nagkikita kita ang buong angkan.

Sa isang banda.. naisip ko habang ako'y nakatingin at nagsisindi ng kandila sa puntod ng aking mga yumaon kamag-anak. "Mabuti pa kayo at tahimik na... samanatalang kami dito.. ay patuloy pa din nakikibaka sa takbo ng buhay". Simpleng mga kataga pero malalim ang kahulugan.

Totoo nga naman diba? Ang mga yumao na.. wala nang iba pang iniisip na problema.. kasi nga patay na sila. Tahimik na ang buhay nila. Samantala tayong mga buhay pa. Sandamakmak na problema pa din ang patuloy nating kinakaharap. At hindi lang natin alam kung kelan ito matatapos. Bukod tanging Diyos lamang ang nakakaalam.


Natapos ang buong maghapon... unti unting nagsipag uwian na ang aming mga kamag anak. baon ang mga alaalang minsan lang sa isang taon nila nararanasan, ang makipagkitang muli sa mga kamag anak.. Nagsipag gayak na rin kami.. niligpit ang mga gamit.. ang tent.. mga silya at lamesa.. at isinakay na lahat sa sasakyang nakaparada sa di kalayuan. At bago pa kami tuluyang nakalabas ng sementeryo ay nakibaka pa muna kami sa mabagal na pag usad ng trapiko bunsod ng halos pagkakasabay sabay ng labas ng mga saksakyan na halos tumagal ng kalahating oras.

Sa aming mga kamag anak... Hanggang sa muling pagkikita... Same time.... same place.. same occassion...