Saturday, May 19, 2012

My New Baby...

As they say... LICENSE to DRIVE is a privilege! Hindi lahat ng tao marunong mag drive.. at hindi lahat ng marunong mag drive ay may lisensiya.

1998 since magkaroon ako ng license to drive a motor vehicle. But before i got my license, marunong na akong mag drive. A friend of mine taught me how to drive using his Honda Civic car.  Nagkaroon kami ng kasunduan na tuturuan niya akong mag drive sa kundisyong tutulungan ko siyang makapasa sa Summer Class niya. At yun nga ang nangyari.

Ilang beses na din akong nakapag renew ng license since i got my first one. Non-Professional ang status,  Restriction no. 2, Condition A.  Sa umpisa exciting ang mag drive, kahit saan ko gustuhin nakakapunta ako. Pero sa katagalan, parang nakakapag sisi in a way kung bakit natuto pa akong mag drive. Yung tipong gusto mo magpahinga, at pagod ka, or minsan antok ka pa, kakagising mo pa lang, pero no choice ka kundi ipagmaneho  mo sila, since wala naman ibang marunong mag drive sa family kundi ako lang. 

Sa panahong ngayon na sobrang taas na ng presyo ng gasolina, parang hindi na practical ang gumamit ng sasakyan. Kundi dati, P100 lang na gasolina at sapat na sa balikang biyahe, hindi na ngayon. Doble na ang konsumo ng gasolina. Kaya na consider ko ang suggestion ng aking officemate. So i got this one..





Medyo naninibago pa ako sa drive nito. Nasanay kasi ako sa motor scooter na walang clutch. I practice practice muna.

3 comments:

  1. Yan talaga ang tinatawag na "Fox in Adventure". Lol.

    ReplyDelete
  2. nice ride just take care on driving motorcycle are more prone to accident dude

    ReplyDelete