Sunday, June 28, 2009

These make Sense...

PHILOSOPHY IN LOVE...

1. "Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.."

2. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."

3. "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."

4.. "Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."

5. "Kapag simple ka lang mas maganda. Kapag guwapo mas malamang na napagsawaan na."

6. "Mas madaling mag-uwi ng guwapo kesa sa pangit. Ang pangit kasi natipuhan mo na lahat-lahat sila pa ang nagmamaganda."

7. "Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."

8. "Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din."

9. "Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."

10. "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."

11. "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang."

12. "Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."

13. "Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt,malandi, pa-fall o paasa."

14. "Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka."

15. "Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority."

16. "Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya."

17. "Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."

18. "Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala"

19. "Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan"

20. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay!
Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"

21. "Ang pag-ibig parang imburnal...nakakata kot mahulog...at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka.."

22. "Kung ayaw sayo, wag mong ipagsaksakan ang sarili mo, isipin mo lang, hindi siya kawalan sa buhay mo"

23. "Mas magandang mahalin ang taong mahal ka kesa sa taong hindi ka mahal. Ang taong mahal ka... napag aaralang mahalin, pero ang taong hindi ka mahal, kahit anong aral ang gawin mo.. hindi ka talaga niya mamahalin."

24. "Kung magpapapasok ka ng bisita sa bahay mo, wag mong hayaan ipasok ang niya ang sapatos niya. Para wala kang bakas na lilinisin pag umalis na siya"

25. "Wag kang magseryoso sa taong hindi naman interesado sayo. Para ka lang nagpagod na ma perfect ang isang exam na hindi naman pala recorded."

26. "Pwede mong iwanan and isang tao nang di mo pinababayaan. At pwede mo din pabayaan ang isang tao nang di mo iniiwan".

27. " Ang pag ibig, parang sports yan, di mo kayang maipanalo ang isang laro kung reserba ka lang."
===========================


12 comments:

  1. Gee, I'll keep these in mind. They might come in handy sooner or later.

    ReplyDelete
  2. i love this post
    "Ang pag-ibig parang imburnal...nakakata kot mahulog...at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka.."

    ReplyDelete
  3. Tatandaan ko ito bilang mga Centurion principles. Next time na ma-direct hit ako ng pag-ibig asahan mong quotable quote ang ilan sa mga ito.

    ReplyDelete
  4. 6. "Mas madaling mag-uwi ng guwapo kesa sa pangit. Ang pangit kasi natipuhan mo na lahat-lahat sila pa ang nagmamaganda."

    ----------

    i labit !

    ReplyDelete
  5. Hahaha! parang ang dami sa akin dun. Pero ok lng.! Bleh!

    ReplyDelete
  6. Im pierced...ouch! hehehe



    I'll keep this list lol

    ReplyDelete
  7. ganda rin ano. pero ndi nainclude yung paano kung ang gusto mong hawakan ay hawak na ng iba, o may kasabay ka na gusto ring humawak?

    any special reason bakit mo ipinost ito, Centurion? :)

    ReplyDelete
  8. perfect ng post na to. pwedeng i print sa poster tapos ibenta sa bookstore. I'm sure maraming bibili. :)

    ReplyDelete
  9. naaayon ba ito kay bob ong? magaling. ang daming patama, mabuti magaling akong umilag

    ReplyDelete