Saturday, March 14, 2009

two for the road....

Pag ibig... ang sarap sa pakiramdam. Lalo na kung nasusuklian ito ng taong iyong iniibig. Sabi nga "it takes two to tango". Sino nga ba ang taong hindi pa nakakaranas ng pag ibig. Wala yata. Kaya nga tayo iba sa mga hayop. Meron tayong sariling damdamin na sadyang ibinigay satin ng Diyos para gamitin. Umibig at ibigin ng kapwa natin.

Sa tagal ko na dito sa mundong ibabaw, nakaranas na din ako sa masayang pag iibigan. Nasawi.. nakabawi.. nagmahal.. minahal. Naka apat na relasyon na din naman ako. Mga babae na pawang minahal ko at pinag ukulan ng panahon. Napakasarap umibig. Para kang nakalutang sa hangin. Cloud 9 na daw ang sabi nila. Totoo nga naman.. parang cloud 9 talaga. "it's you and me against the world.

Sa mundo na PLU... parang taliwas yata sa aking prinsipyo na umibig sa kabaro. Noong una akong pumasok sa ganitong mundo. Itinatak ko na sa isip ko na hindi ako papasok sa ganitong klase ng pag iibigan. Na sa tingin ko ay pawang laro laro lamang. Crush kita.. crush mo.. tayo na.. Eh teka.. ang pagkakaroon ba nag crush sa isang tao ang nangangahulugan bang iyon ay pag ibig na? Hindi siguro. Sa ganang akin. ang pag kakaroon ng crush.. ay parang humahanga ka lang sa kanya. Sakin kasi pag ako nagka crush sa isang tao, ma lalaki man o babae.. ito ay nangagahulugang may isang aspeto niya na gusto ko. Kadalasan.. yung aspetong yun..ay inaasam asam ko na sana may ganun din ako. Halimbawa na lang ng aspeto na kagandahan. Sa mga lalaki na nagiging crush ko. Iniisip ko na sana gwapo din ako tulad niya. Maganda ang kanyang katawan. Sana.. may ganun din akong katawan. Yung tipong physical lang ang lahat.

Dito sa mundo ng PLU, una akong nakaramdam ng "pag ibig" sa isang lalaki na nakilala ko yahoo messenger. Naikwento ko na yun dati pa dito sa isa sa mga blog entries ko. Noong mga panahon na nag eexplore pa lang ako. HIndi ako alam nung una na pag ibig na pala yun. Noong una hindi ko matanggap sa sarili ko na , ako, umiibig sa kabaro ko. Mantakin mo yun? Kung kelan pa ako nag ka edad.. tsaka pa ako nakaramdam ng ganito? Hirap ng pinag daanan mo nun. Isang taon kung pinigil ang sarili ko. Na akala ko ay kaibigan lang ang turing ko sa kanya. HIndi pala.. Higit pa pala sa isang kaibigan. At ka kanya ko unang na experience yung lakas ng loob na magsabi ng mga katagang "I Love You" sa isang lalaki. Haaaayyy.. ewan ko kung saan ako kumuha ng lakas ng loob that time. Anyway.. past is past ika nga.. nagyari na.. at tapos na ang nakaraan.

Ito lang lately, nakaramdam na naman ako ng pag ibig sa isang tao na sa umpisa at akala ko kaibigan lang ang turing ko sa kanya. To think na 2 times pa lang naman kaming nagkakasama. Marahil gawa ng constant na pag uusap sa chat, sa text, at sa landline, nahulog ang loob ko sa kanya. Noong una, iniisip ko na kung tama bang mahulog ang loob ko sa taong yun. Pero hindi mapigilan ang puso. Sabi nga kapag puso na ang umiral, wala nang pakialam.

Gaya nga ng sabi ko dati, sa isang barkadahan, pag tinuring mong kaibigan ang isang tao, hindi mo ito dapat haluan ng ibang anggulo. Maaring masira ang pagkakaibigan dahil lamang sa hinaluan mo ng love angle ang samahan. Binalewala ko ang prinsipyong yon. Siyempre pag ibig, kaya ayun.. sabi ko bahala na.. Ayun, naglakas loob ulit ako, sinubukan ko ulit. Gawa ng sobrang pagpapakita sakin ng kakaibang atensyon ng taong ito, nagawa ko uling magbakasakali, nag tapat ulit ako ng aking saloobin sa taong iyon.

Pero dahil sa nagkamali yata ako ng interpretasyon sa kanyang mga pinakita, nauwi lang din sa wala. Isang kabiguan ang aking napala. Umasa, naghintay, pero kalaunan, wala palang mapapala. Isa akong malaking bigo.

Naisip ko, totoo nga yung tinuran ko na masisira ang pagkakaibigan pag hinaluan ng ibang anggulo. Nagkasira kami. Pinilit kong kalimutan siya, inalis ko lahat ng mga contacts niya. Ang friensdter, YM, cellphone number, lahat yun, tinanggal ko para lang tuluyang mawala ang kuneskyon ko sa kanya. Pero maliit lang ang mundo ng cyber, hindi ko naiwasang magkita at magtagpo ulit ang landas namin.

Pinilit kong ibalik yung dating samahan, yung dating pagkakaibigan. Pansamantala, naibalik ko din naman. Nagcha chat pa din kami. Nagtetext padin. Nagkikita pa din sa forum. Kamustahan. Noong una, pinakiramdaman ko sarili ko kaya ko bang ibalik yun dating pagkakaibigan namin. OO nagawa ko, naibalik ko din sa dati. Na parang walang nangyari. Nagpatuloy ang aming communication. Pagka minsan, nagbiburan pa kami na parang walang nangyari. Back to normal ika nga.

Nang minsang magkaroon kami ng nightswimming sa grupo namin, nagkaroon kami ulit ng pagkakataong magkasama muli ng taong ito. Sa di inaasahan, nakaramadam ulit ako na kakaibang feelings. Ewan ko ba, tila yata nagbalik ulit yung dating pakiramdam ko sa kanya. Haaayyy... for the second time around, ganun na naman ang sitwasyon. Pinakitaan na naman niya ako ng mga sensyales na hindi ko alam kung misinterpretation lang on my part. Pero hindi lang ako ang nakakapansin, maski mismo mga kasama ko, ganun din ang tingin nila. Sa natural kasi, kapag ang isang kaibigan, nagpakita sayo ng concern, ng mga moves na hindi karaniwang ginagawa sa isang ordinaryong kaibigan lamang, bibigyan mo ito ng ibang kahulugan. Ganun ang nangyari samin. Siyempre sa part ko, bilang dati nang may nakaraan sa taong yun, hindi ko maiwasang mahulog ulit ang dadamdamin ko sa kanya. Sa buong grupo, lahat sila, ganun ang interpretasyon nila sa mga pinakitang gestures ng taong ito sa akin. Kaya nag expect lahat sila, na later on.. mauuwi din kami sa relasyon.

Pero taliwas sa inaasahan, nauwi din sa wala ang lahat. And for the second time around, isa na naman akong napakalaking bigo. Haaayyy centurion, bakit ka ganyan... nag feeling ka na naman.. Ang tigas ng ulo mo. Hindi ka na nadala!!, Well kasalanan ko naman talaga.. Bakit kasi inulit mo pa. Nabigo ka na nga nung una, inulit mo pa. Sa isang banda, oo nga naman, bakit inulit ko pa. Gayong may history na ako ng kabiguan. Well, masisisi niyo ba ako? Kasalanan bang magmahal? Tao lang ako, may puso at damdamin, marunong magmahal. Pero bakit sa iisang tao ka lang nagkaganyan? Umibig, nabigo, umibig ulit at eto nabigo na naman.. Haayyy... pag ibig nga naman.

8 comments:

  1. Ganun talaga. Ang puso ay hindi nadidiktahan pinuno. Kusa itong umiibig kahit na ang pag-ibig na yun ay hindi masusuklian ng taong mahal natin.

    ReplyDelete
  2. Sana nga ang pag ibig ay parang pamasahe. Kahit paano may sukli ka kahit barya barya lang...hehehe

    ReplyDelete
  3. tuloy tuloy lang sa pag-ibig. pagkatapos madiskaril sa una, sa susunod at susunod pa ay maaring maskatan ka pa rin pero siguradong may saya rin. dati, sabi ko sa sarili ko, ayoko ng umibig muli at muling masaktan. matagal bago ko nabali ang sinabi kong yun. pero sa sunod na umibig ako muli, ang saya ko. at nasaktan muli. pero di na ako tumigil sa pag ibig. ang hirap ng walang minamahal at nagmamahal. kahit masaktan muli, umibig muli ako. ganon lang talaga. babaan lang ang expectation sa mahal natin para di masyado masaktan. ok na yun.

    ReplyDelete
  4. @blagadag

    salamat sa pag comment..

    sana nga ganun lang kadali. Bago lang kasi ako sa ganitong mundo ng pakikipagsapalaran sa pag ibig. San kung ang pag ibig ay walang pinipiling sexual preference. Sa age doesnt matter pa din. haaayyy..

    ReplyDelete
  5. pinuno, pinuno, pinuno...

    'wag na magmahal dahil titi lang nagpapatakbo sa mundong 'to. ^^

    ReplyDelete
  6. eto lang masasabi ko sayo aking manong, *HUGS*

    at hoy, tigilan mo na yang pinagtetext mo sa akin ha! nagulat ako sa pinaggagawa mo dahil sa kabiguan na ito!

    parang ikaw ako 2 years ago!

    nagmumurang kamatis ka na! hehehe!

    ReplyDelete
  7. I've been following your blog for sometime now (together with Mugen's) and am quite sad to see your hopes dashed out liked that. I was hoping that you'll be the one to capture his heart...haayz. (I kinda know the guy...)

    I disagree on your last statement; It's never your fault if you fall in love with a person. Life's just like that...sometimes it would not go our way.

    Heads up Mr. Centurion...things would get better in time. Hope you'll be strong. Take care...

    ReplyDelete
  8. Medyo pareho rin ang aking isang karanasan.

    Ka-tropa ko sya't naging super close kami sa isa't-isa. At na-in love ako sa kanya.

    Pero sa kalaunan, wala ring nangyari.

    Kasi straight sya.

    Laos.

    HAHAHAHAHAHHAHA

    ReplyDelete