Wednesday, January 21, 2009

Mahirap maging Pinuno (Last Part)

Simula noong magkakilala kami sa lumang thread ng g4m, may isang member na bago ko pa mang gawin ang lumang thread ay matagal ko nang nakakachat. Siya si klasmeyt. Mahigit 3 years na yata kaming magkakilala nitong member na ito. Simula pa lang sa MIRC, nauwi kami sa Yahoo messenger at nagkakilala sa lumang thread.. ang Mga Walang Face Pics thread ng g4m. At nagkaroon lang kami ng pagkakataon na magkita ng personal noong umattend siya ng GEB. Nagkataong siya ay nagbabaksyon dito sa Manila. Sa Cebu siya actually naka based. Ako na din ang nagbansag sa kanya ng Reyna ng Sinulog Festival. Nagkataong kakatapos lang ng Sinulog Festival sa cebu, at nagkasama sila ni Princesa na dumalo ng naturang okasyon.

Sa kasalukuyan, maayos naman at masaya ang pagsasamahan ng mga tauhan sa buong engkantadya. Kamakailan lang ay nagkita kita pa kami. Nagkaroon ng Videoke session sa Timog, sa Music21. Halos kumpleto ang buong tauhan. Ang diyosa, ang princesa kasama ang kanyang kaibigan, ang diwata kasama ang kanyang dukesa, ang santa kasama ang kanyang alitaptap na bago magpaalam sa grupo ay nakasama pa, ang amazona at ang bagong recruit na si ardent.. (wala pa siyang titulo). Sayang nga lang nasa cebu na ang reyna at hindi na siya nakasama sa videoke session.

Siyam characters ng buong engkantadiya na may iisang mithiin.. isang layunin... ang magkaroon ng wagas at panghabang buhay na pagkakaibigan. Isang pagkakaibigang hindi matitinag, ano mang problema ang kaharapin. Bilang pinuno... sa kanila ako kumukuha ng lakas... ng inspirasyon upang magpatuloy... salamat sa inyong lahat.. kayo'y mga tunay na kaibigan..dito man tayo sa cyber nagkakilala... sooner or later... magiging parte din kayo ng aking real world... salamat sa pagkakaibigan.


post script:

Mga Tauhan ng Kaharian ng Engkantadya:

Centurion - Pinuno / Diyosa
Rain - Princesa (ng Sinulog)
Tagay - Diwata
Silent_boi - Dukesa
Marhk - Santa
Antimanic/Papa P. - Alitaptap
Orbiter/mugen - Amazona
Klasmeyt/Bloigg - Reyna (ng Sinulog)
Ardent - dati bagong recruit... ngayon.. TOTALLY OUT NA SA GROUP!!!!

7 comments:

  1. panalo sa mga titulo hahaha

    hey happy new year nga pala!

    ReplyDelete
  2. ganyan ang mga karakter namin pag kami nag tetext ... tunay na mga kaibigan..hehehe

    ReplyDelete
  3. Bat number 2 ako sa billing? would it mean na ako ang pinaka mahal mo sa buong engkantadya pinunong centurion? hahahaha

    ReplyDelete
  4. Pinunong centurion (aka daddy) ganda ng pagkakasulat mo.. sobra akong natouched... Tini-treasure mo pala ang mga moments na nangyayari satin, good man or bad.

    Shet naluluha ako... no wonder, kayo ang mga tunay kong kaibigan sa "ating nakatagong mundo"

    sana di tayo magkahiwa hiwalay, mahal na mahal ko kayo.. at ang buong engkantadya.

    ReplyDelete
  5. lahat naman kayo mahal ko.. nagkataon lang na ikaw ang pinaka masyang nilalang sa engkantadya.. hahaha

    ReplyDelete
  6. sa tinagal-tagal ko sa mundo ng G4M.. parang ngayon ko lang ata nakikita ang magandang tulong nito sa akin bilang myembro ng Cyber. knowing Mga Totoong Discreet Thread makes me realize na parang eto na ata ang hinahanap ko, eto ata talaga ang purpose ko sa pagbisita ko sa G4M.

    Lingid sa inyong kaalaman matagal ko nang hinahanap ang mga klase ng taong gusto kong maging kaibigan.. dko alam nanjan lang pla, nasa mundo lang ng enkantadya.

    Kay dyosa at dukesa na una ko nang nakita at nakainuman, maraming salamat sa inyong oras. lalo na kay dyosa na nagimbita sa akin.

    ang ganda ng pagkakakwento mo dyosa sa origin ng inyong enkantadya.. nakakatuwa, ramdam ko ang ups and downs (naks!)..

    keep it up. hope to see more of the residents ng enkantadya..

    ReplyDelete
  7. the casting is great..this could make a good movie...hehe!

    ReplyDelete