Wednesday, January 21, 2009

Mahirap maging Pinuno (Last Part)

Simula noong magkakilala kami sa lumang thread ng g4m, may isang member na bago ko pa mang gawin ang lumang thread ay matagal ko nang nakakachat. Siya si klasmeyt. Mahigit 3 years na yata kaming magkakilala nitong member na ito. Simula pa lang sa MIRC, nauwi kami sa Yahoo messenger at nagkakilala sa lumang thread.. ang Mga Walang Face Pics thread ng g4m. At nagkaroon lang kami ng pagkakataon na magkita ng personal noong umattend siya ng GEB. Nagkataong siya ay nagbabaksyon dito sa Manila. Sa Cebu siya actually naka based. Ako na din ang nagbansag sa kanya ng Reyna ng Sinulog Festival. Nagkataong kakatapos lang ng Sinulog Festival sa cebu, at nagkasama sila ni Princesa na dumalo ng naturang okasyon.

Sa kasalukuyan, maayos naman at masaya ang pagsasamahan ng mga tauhan sa buong engkantadya. Kamakailan lang ay nagkita kita pa kami. Nagkaroon ng Videoke session sa Timog, sa Music21. Halos kumpleto ang buong tauhan. Ang diyosa, ang princesa kasama ang kanyang kaibigan, ang diwata kasama ang kanyang dukesa, ang santa kasama ang kanyang alitaptap na bago magpaalam sa grupo ay nakasama pa, ang amazona at ang bagong recruit na si ardent.. (wala pa siyang titulo). Sayang nga lang nasa cebu na ang reyna at hindi na siya nakasama sa videoke session.

Siyam characters ng buong engkantadiya na may iisang mithiin.. isang layunin... ang magkaroon ng wagas at panghabang buhay na pagkakaibigan. Isang pagkakaibigang hindi matitinag, ano mang problema ang kaharapin. Bilang pinuno... sa kanila ako kumukuha ng lakas... ng inspirasyon upang magpatuloy... salamat sa inyong lahat.. kayo'y mga tunay na kaibigan..dito man tayo sa cyber nagkakilala... sooner or later... magiging parte din kayo ng aking real world... salamat sa pagkakaibigan.


post script:

Mga Tauhan ng Kaharian ng Engkantadya:

Centurion - Pinuno / Diyosa
Rain - Princesa (ng Sinulog)
Tagay - Diwata
Silent_boi - Dukesa
Marhk - Santa
Antimanic/Papa P. - Alitaptap
Orbiter/mugen - Amazona
Klasmeyt/Bloigg - Reyna (ng Sinulog)
Ardent - dati bagong recruit... ngayon.. TOTALLY OUT NA SA GROUP!!!!

Tuesday, January 20, 2009

Mahirap maging Pinuno ( part 3)

Nagkaroon kami ng GEB sa thread namin sa g4m (mga totoong discreet).. Naimbitahan ko silang umattend. Si princesa, si diwata at si santa.. bukod tanging si amazona lang ang wala sa pagtitipon. Nagkataon kasing may iba siya party na pupuntahan. Bukod sa aming apat. May mga bagong members kaming isinama sa grupo. Binansagan namin sila, dukesa at alitatap. Maya ikukuwento ko bakit ganun ang naging mga pangalan nila sa mundo ng engkantadya. hehehe

Nitong christmas vacation, nagkaroon ako ng full time sa mundo ng cyber. Komot wala akong pasok. madalas akong nag oonline. Nasentro ang aking atensyon sa g4m. kung saan nakilala ko pa ang mga taong tulad ko na mga discreet din. Sa GEB namin. 12 kahat ang nangakong pupunta. Ngunit 8 lang ang nakarating. Dalawa sa kanila ang napiling isama sa grupo namin. Si dukesa at si Alitatap. Si dukesa ang una kong naging ka close. Bukod kapitbahay ko lang siya.. malapit lang ang place namin sa isat isa.. naging masugid na textmates din kami bago kami nag kita sa GEB namin. Tinawag namin siyang dukesa na ayun na din kay princesa ay kailangan bigyan namin siya ng titulo upang maging ganap na miyembro ng engkantadya. At ito naman si alitaptap ay ang pinakabatang umattend ng GEB namin. Bukod siya ang pinakabata.. siya din ang pinaka mabenta ng gabing iyon.Daming nagsasabi na kamukha daw siya ni Piolo Pascual.. Hmm... medyo nga.. kahawig nga siya ni papa p. hehehe.. kaya siguro siya naging mabenta..

Kalaunan.. sa kanilang dalawa.. mas naging maayos ang pakikitungo ko dito kay dukesa kesa kay alitaptap. Btw.. the reason why we called him alitaptap kasi isa siyang dakila "karerista".. lahat halos ng members ng grupo namin ay kinarir niya. Unang una na si diwata, na unang tagpo pa lang nila ay nagka gustuhan agad sila. Sumunod ay si santa.. na sa pagkakaalam ko ay hanggang ngayon ay sila pa din. "open relationship ika nga. Then, dumating din sa point na si princesa ay gusto din niyang karerin. At bago pa sila napasama sa grupo.. nagkagustuhan na pala sila ni dukesa.. Ang sabi pa nga sakin ni dukesa ay ultimate crush daw niya si alitaptap. BUkod tanging ako at si amazona lang yata ang hindi niya kinarir.

Bilang pinuno ng grupo. Malimit kong ipanapaunawa sa kanila ang bawal ang KARIRAN sa grupo. Sa mgakakaibigan kasi.. lalo na s isang grupo. pag pinasukan ng ibang angulo ang pagsasamahan. Nasisira ito. sa ganang akin.. ilang beses ko nang na experience ito kay diwata. na isang tunay na pasaway sa grupo. May dalawang tao na akong isinama sa grupo dati, na biglang nawala na lang na parang bula.. ito ay sa kadahilanang kinarir ni diwata. At nagkaroon sila ng hindi magandang ending, at ayun, bigla na lang nawala..

Itong pagpasok ng dalawang bagong miyembro. Binalaan ko na si diwata na ituring na lang niyang mga katropa ang mga ito. Para hindi sila mawala sa grupo. Ngunit alam kong hindi maiiwasan ang mga ganitong bagay. Ngayon, ang diwata at ang dukesa ay kasalukuyang nag eenjoy sa isat isa bilang mag partner. Noong una ay hindi ko matanggap.. pero sa kalaunan at masaya na din ako para sa kanila.. pareho silang mahalaga sa akin. Si alitaptap naman ay patuloy pa din sa kanyang gawain.Mismong yun mga kinakarir niya ay hindi na nagugustuhan ang kanyang pinaggagawa. Ako bilang pinuno ng grupo. Naging saksi ako kung anong klaseng tao itong si alitaptap. Hindi na maganda ang kanyang pinapakita. Dumating pa sa puntong ako mismo ang kinakalaban niya. May bagong recuit ako mula sa aming thread. Hindi pa man namin nakakasama ang tao iyon ay kinakarir na agad niya. Hindi niya alam na nasakin ang loyatly nitong bagong recuit na ito at lahat ng mga pangangarir style nitong si alitaptap ay ipinapaalam sakin. Napag alaman kong sinisiraan pala ako ni alitaptap sa bagong recuit na ito. Well, pinakitaan ko siya ng mabuti. itrinato ko siyang kaibigan, isinama ko siya sa grupo. Pero lahat ng iyon ay nabalewala lang dahil sa kanyang pinaggagawa. Ngayon siya na din ang nagpasiyang lisanin ang grupo. Well.. hindi siya kawalan sa totoo lang..


itutuloy............

Wednesday, January 7, 2009

Mahirap maging Pinuno... (2nd part)

Napag alaman kong bihara na daw magkasama sama ang diwata, ang princesa at ang santa, ayon sa kwento sakin ni diwata. Bukod sa nagbalik na sa ibang bansa ang santa, ang princesa naman ay nagging busy din sa kanyang business. Yung siguro ang daging dahilan kung bakit nagpasiya sa diwata na bumalik sa amin ni amazona. Naghanap siro ng mga makakasama sa kanyang kalungkutan. Na ayon sa kanya ay kami lang daw ang mga kaibigan niya na katulad din nyang may ikinukubli sa mundo ng realida. Pero sa ganang amin ni amazona, magandang pagkakataon ito para maibalik naming ang dating samahan na pansamantalang nagwala. Di nagtagal, ang princesa naman ang nagbalik. Noong una ay hindi niya matanggap na mas pinili ni diwata ang sumama sa amin ni amazona. Andoon pa din ang pansarili motibo sa part ng princesa. Hindi niya matanggap na si diwata na matagal na niyang kasama ay babalik ulit sa amin ni amazona. Pero sa kalaunan ay nag pasya na ding magbalik ang princesa. Minsang naimbitahan ni diwata si princesa sa aming tagayan. After a year na hindi kami nagkita, narealized naming na may nagdudugtong pa din sa amin bilang magkaibigan. Mula noon unti unti na ding siyang sumasama sa mga tagayan namin. Nagkaroon din kami ng one on one tagayan . At napag alaman ko kung gaano siya kasimpleng tao. Simpleng tao na ang tanging hangad lamang ay makatagpo ng mamahalin siya at makakasama niya sa kanyang pag iisa.Simula noon ay madalas na kaming nagkakasama sama kapag may tagayan na nagaganap.

Si santa naman ay paminsan minsan kong nakakachat sa YM. Although patuloy pa din ang kanila communication nila diwata at princesa, hindi lingid sakin kaalaman na mas malalim na ang kanilang pinagsamahan kesa sa amin ni amazona. Natural lang na hindi kami naging masyadong close ni santa. bukod sa hindi kami masyadong nagkakausap sa chat, hindi kami nagtetext. Nakikibalita lang ako sa diwata kung ano na kalagayan niya. at hanggang ganun lang ang status ng friendship namin.

Nitong nagdaan na Christmas vacation, naging masaya ang mundo ng engkantadya. Napapadalas ang aming pagsasama sama. Dahil na din siguro sa walang pasok at wala din naman masyadong ginagawa sa bahay. Nagkaroon kami ng quality time, bonding moments together, kami ni diwata most of the time ang madalas pa din nagkakasama, nagkataong pareho naming bakasyon. Pero ang princesa at ang amazona ay nagsusumikap na makasama sa mga tagayan namin kahit na may sari sarili silang pinagkaka abalahan

Mahirap maging PINUNO...

Sa mundo ng cyber, marami rami na din akong nakasalamuha at nakilala. Ibat ibang klase ng tao mula sa ibat ibang larangan na may ibat ibang klase ng ugali. Sabi nga nila, it's a matter of choice and preference kung sino sino sa kanila ang pipiliin mong makasama at makilala ng husto. Sa mga taong ito, lima sa kanila ang pinili kong maging kasama at kabarkada. Bilang pinakamatanda, marapat lang siguro na ako ang maging pinuno nila. Subalit hindi ako ang nag pilit o hindi ako nag volunteer na maging pinuno nila. Sila mismo ang nagbansag sa akin ng titulong PINUNO. Kilalanin natin silang si Santa, Si Princesa, si Diwata at si Amazona. Kami ang mga karakter sa mundo ng engkantadya. Ako bilang pinuno nila, nabansagang bilang Diyosa. Nakakatawa diba? Mga barako kami pero may kanya kanya kaming bansag sa isat isa.

Mula sa simpleng GEB na nakaganap taong 2007 nag umpisa ang lahat. Naging maganda ang umpisa ng aming pagkakaibigan. Masyado akong na-overwhelmed sa pagtanggap nila sa akin. Na kahit sa panaginip ko ay hindi ko aakalain na makakatagpo ako ng mga ganitong klaseng kaibigan, mga kagaya ko rin na may kinukubling pagkatao sa mundo ng realidad. Subalit dumating ang puntong kailangang mamili tayo ng taong makakasama at magiging kaibigan natin. Sa ganang akin, ako ang naiwan, sila ang nagpatuloy. Sa aming lima, yung tatlo (si santa, princesa at diwata ) ay pinili nilang sila na lang muna ang magkakasama, samantalang kami nung isa (si amazona) ay naiwan at nagpatuloy pa rin ng pagkakaibigan. Pero sa aming dalawa, mas higit akong nakaramdam ng pang iiwan. Si amazona bilang dati nang maraming kaibigan, hindi masyadong naka apekto sa kanya ang nangyari. Pero sa akin since bago lang sa akin ang ganitong mundo. Mas higit akong nakaradam ng pang iiwan sa ere. Tatlo agad ang nawala sa akin.

Lumipas ang ilang buwan, patuloy pa din akong naghahanap ng mga taong magiging kaibigan ko, may dumating, may umaalis din. Pero mas na-appreciate ko yung bumabalik at nananatili. Sa patuloy naming pagkakaibigan ni amazona, naging matatag na din ang aming pagkakaibigan. Naging lakas namin ang isat isa sa pakikibaka sa ganitong mundo. Hingian namin ng payo ang isat isa sa tuwing nagkakaroon kami ng problema. Sa talong nawala at nang iwan sa amin, unang nagbalik si diwata. Na sa tingin namin ni amazona ay nangangailangan din ng tunay na kaibigan. Isang paanyaya mula sa akin nag ugat ang kanyang pagbabalik. Naimbitahan ko siyang tumagay isang gabi at ako naman ay kanyang pinaunlakan. At mula noon ay unti unti na siyang nagbabalik. Maganda itong sensyales para sa amin ni amazona.




itutuloy.........