Wednesday, April 23, 2008

Buhay PLU... (part 2)

Taong 2005 nang una akong maka experience ng kakaiba na taliwas sa naging buhay straight ko dati. Ang mundo ng cyberspace ang nagpakilala sakin ng ganitong karanasan. Siyempre sa umpisa nakaka excite. Tila ba ako'y isang bata na sabik sa atensyon ng mga taong nakikilala ko sa bagong mundong pinasukan ko. Dahil na din sa ugali kong pagiging introvert. Taglay ko pa din ang takot na makihalubilo sa mga tao. Namimili ako ng mga taong kikilalanin ko. Sa takot na din na baka may makakilala sa akin, sinisigurado ko munang sa malayong lugar at hindi ako kilala ng taong kakausapin ko. Naikwento ko na dito sa blog ko kung paano ako nag umpisa sa mundo ng cyber space at kung sino sino ang mga taong nakilala at nameet ko.

Noong una pa man, alam ko na sa sa kulturang Pilipino na ating ginagalawan, hindi pa rin talaga tanggap ang mapabilang ka sa ikatlong kasarian. Lalo na kung ang pamilyang kinalakihan mo ay isang typical na konserbatibo lalo na pag dating sa usapang kasarian. Sa pag kakaalam ko, wala sa pamilya namin in both sides ng parents ko ang may ganitong kasarian. Kaya tiyak na ikabibigla nila na malaman kung anong totoong kasarian meron ako.

Sa kultura nating mga Pilipino, ang babae, pag tumuntong sa edad na lagpas trenta,na hindi pa nag aasawa, isa lang ang iisipin ng mga tao, hindi siya biniyayaan ng kalikasan ng aking kagandahan. Pero kapag ang lalaki na tumuntong sa edad na ganito, pagdududahan agad ang kanyang kasarian. Napaka unfair diba? Masyadong tayong namihasa sa streotypecasting. Double standard ang pag iisip ng mga tao. Sa ganang akin, noong tumuntong ako sa edad na trenta, hindi naman ako pinag isipan ng ganoon ng aking pamilya o ng mga kabigan, naging saksi naman sila sa mga pinag daanan kong mga relasyon. Dagdag pa nito na noong high school pa ako ay nagbalak din akong pumasok sa seminaryo. Na akala nila ay pagpapari ang magiging bokasyon ko. Napepressure lang ako sa mga sinasabi nila na sa tuwing may kamag anak o kakilala ako na ikinakasal, palagi nilang akong tampuhan ng tukso, na kelan daw ako susunod na ikakasal. Kung alam lang nila... hehehe.

Mahirap. Mahirap ang buhay ng isang PLU. Andoon palagi ang takot. Takot na nagpapahina ng loob ko . The fear of rejection ng mga taong nakapaligid sayo. Lalo na sa edad kong ito. Mahirap tanggapin na kung kelan pa ako nagka edad ay tsaka ko pa natuklasang ganito pala ako. Ang isa pang laging pumapasok sa isip ko ay ang hinaharap. Will I grow old alone? ayaw kong isipin. Kinakampante ko na lang ang sarili na I would rather better be alone than to be with somebody I dont love and make my life miserable. At kapag may nagtatanong sakin kung may plano pa ba akong mag asawa o wala. Isa lang ang isinasagot ko. I don't know. If I'm destined to be single, and so be it. Ok lang, happy naman ako being single. And getting married is not an assurance to be happy. I know God has better plans for me. And I don't have fear of getting old alone. And I'll make sure I wont be a burden to my family....maaga kasi akong mamatay...

Tuesday, April 22, 2008

Buhay PLU...

Simula pa lang sa pagkabata, likas na talaga sa akin ang mamuhay na mag isa. Maging independent. Na hindi umaasa sa ibang tao. Bukod siyempre sa pamilya ko. Simula pa lang, natuto na akong hindi umasa sa tulong ng ibang tao. Natatandaan ko pa nga noong mga bata pa kaming magkakapatid, dahil na din sa kahirapan ng buhay, hindi kami nagkaroon ng kasambahay.Ako ang nagsilbing talaga pamahala ng aming bahay. Ang mga magulang ko kasi ay kadalasan wala sa bahay buong araw. Pareho silang naghahanap buhay at sa gabi lang umuuwi. At bago pa man sila umuwi at ayos na ang lahat sa bahay. Ako ang naghahanda ng kanilang tanghalian na inihahatid ko pa sa kanilang pabrika na pinapasukan. Ganun din ang mga baon ng aking mga kapatid sa tuwing sila ay pumapasok sa eskwela. Nagkataong kasing nasa panghapon ang oras ng aking klase kaya ako lang ang naiiwan sa bahay. At bago pumasok ay handa na lahat ang kanilang kakainin.


Nang ako'y magbinata, hindi gaanong naging masaya ang aking social life. Ang sabi nga nila, sa pagbibinata ng isang lalaki, kasabay nito ang ibat ibang experiences na dapat ay nararanasan ng isang karaniwang binata, tulad ng makipag barkada, tumambay kung saan saan kasama ang mga kaibigan, manligaw, na isang beses ko lang naranasan, na busted pa ako. Makipag laro ng basketball sa mga kaibigan at makipag jamming at gumawa ng mga kalokohan kasama ang mga barkada. Gaya ng panood ng mga porno kasama ang mga kaibigan na karaniwan sa mga edad na ito nararanasan. Halos lahat ito ay hindi ko naranasan.


Bahay-school at school-bahay lamang ang tanging naging routine ko araw araw. Kung magkaroon man ako ng barkada ay piling pili lang talaga. Para sakin, marami na ang dalawa para maging kaibigan. Maging sa school, pili lang din ang mga kaibigan ko. At mangilan ngila din ang mga kaklase kong naisama ko dito sa bahay.


Naging active lang talaga ang social life ko nang ako ay maka graduate ng college at mag umpisang magwork. Dito kasi sa panahong ito, nabibili ko na ang gusto ko at napupuntahan ko na ang mga gusto kong puntahan. Kasama ang mga kabigang nakikilala ko, natututo akong makihalubilo sa ibat ibang uri ng tao. Nature na din kasi ng work ko, kailangan ko din matutong i adjust ang sarili ko na maging palakaibigan pero dahil sa taglay kong magiging introvert simula pagkabata pa lang, piling pili pa rin talaga ang mga taong aking sinasamahan.


Matagal tagal na rin mula nang madiskubre ko sa sarili na isa akong PLU. Noong una hindi ko matanggap sa sarili ko na ganito ako. In denial pa ako kumbaga. Malaking parte ng buhay ko na nakipagsapalaran ako sa mundo ng mga straight. Nakailang relasyon na din naman ako sa opposite sex. Yun nga lang hindi nagtagumpay ang mga ito. Na para bang may hinahanap akong kulang sa buhay ko. Masaya din naman kung tutuusin ang mga naging relasyon ko dati. Pero parang may kulang talaga. Minsan nga naisip ko, ano ba talaga ang makapagpapaligaya sakin. Andiyan naman ang pamilya ko, na nagmamahal sakin, at ang mga kaibigan ko, na hindi man lagi na kasama ko, pero alam ko na sa tuwing kailangan ko ang andiyan sila para sa akin.

======================

to be continued............

Sunday, April 20, 2008

Puppy...

Bata pa lang ako ay dog lover na ako. Sabi nga nila "Man's Best Friend" daw ang mga aso. Madami na ako naging alagang aso. Native house dogs lang naman (canis familiaris). Mahal kasi ang mag alaga ng breed dogs. Bukod sa maselan, mamumulubi ka sa pagkain. Na dapat ay dog food talaga ang ipapakain mo. Hindi gaya ng native dogs, yung mga tirang food lang namin ang pinapakain ko. Kaya imbes na masayang lang ang food, yung mga dogs na lang namin ang nakikinabang.

Isa isa kong ipakikilala sa inyo ang mga alaga ko.

Si "UNO" (nasa unang picture) ang pinaka boss sa mga aso ko. Takot sa kanya ang ibang aso. May policy siya na kapag lumalabas silang lahat ng gate, ay dapat huli siyang papasok. Pag may asong naunahan niya ng pagpasok, siguradong gulpi ang abot sa kanya.

Si "DOS"(2nd picture) . Ang kambal ni UNO. Ito na marahil ang pinaka kawawang aso ko. Lagi itong gulpi sarado kay Uno. Na naging dahilan kung bakit medyo mailap ang aso kong ito. Hindi siya masyadong makaporma pag nasa paligid ang kambal niyang si UNO. Kadalas nasa ilalim lang siya ng jeep. At lumalabas lang kapag siya ay kakain.

Si "JODI" (3rd pic). Siya ang pinaka matanda. At siya din ang pinaka nanay ng mga aso. Kapatid niya sila "UNO" at DOS" sa unang aso namin. Anak niya si "HOGAN" at si "SOSIONO".


Si "HOGAN" (4th pic). Ito ang pinaka bunso sa lahat ng aso ko. Pero siya ang pinakamalaki. Kumbaga sa tao, nagbibinata pa lang. Buddy buddy siya ni UNO. Minsan katulong siya ni UNO sa pag gulpi kay DOS. hehehe

Si "SOSIONO" (5th pic). Anak siya ni JODI. Ito yung aso ko na bagong panganak. At naiisang aso ko na may kulay itim na batik. Kailan lang ay nanganak siya ng isang tuta. Courtesy of "'UNO".

Ito yung pic ng bagong panganak na puppy(6th picture) . Mukha siyang daga diba? hehehe. Mga two weeks pa lang kasi kaya medyo pikit pa mga mata. Ang kaso nga lang... hindi pa man lumalaki ang puppy na ito.. may nag mamay ari na agad. Sana lang maalagaan niya ng mabuti itong puppy na to.


Friday, April 18, 2008

Sa kauna unahang pagkakataon... (last part)

Nafocus ang attention niya sa kanyang trabaho. Sa paminsan minsang pagchachat naming, unti unti na din kaming nagkakaroon ng problema. Andung magdudahan sa isat isa. Na noong bago pa lang kaming magkakilala ay hindi man lang sumagi sa isip naming ang magduda sa mga ginagawa namin. Siguro dala na din ng pagkatamlay ng aming pagchachat, hindi naming maiwasang mapag usapan ang mga bagay na nagiging dahilan upang umabot kami sa puntong kami ay nagsusumbatan.

Hanggang sa dumating ang isang pagkakataong hindi naming inaasahan. Isang surpresa ang binigay niya sakin. Na sobrang ikinabigla ko. Bisperas ng Bagong Taon noon, 3am na dito sa Pinas at kakatapos lang ng salubong sa Bagong Taon, samakatuwid ay papalapit lang ang 12midnight sa kanila. Nagkaroon kami ng chance na mag chat. Siyempre masayang makachat ang taong mahalaga sayo sa mga ganitong okasyon. Kakatapos lang ng Celebration nila ng Bagong Taon at naka concentrate na siya sa pakikipag chat sakin.

“Kuya, may iko confess ako sayo, siguro this time kailangan mo na malaman” chat niya

“Ano yun? Mukhang kinakabahan ako diyan sa iko confess mo ah” tugon ko.

“tagal na tayong magkakilala diba? At para lubusan mo na akong makilala, kailangan sabihin ko na sayo ito” na habang binabasa ko ang chat niyang ito ay samut saring bagay ang pumasok sa isip ko. Aaminin ba niyang isa siyang gay? Well kung yun man ang sabihin niya, kahit paano may idea na din ako tungkol sa pagkatao niya. Kung sa mga nakaraang chat naming ang pagbabasehan, mukhang ito lang ang hinihintay kong pagkakataon na ma confirm niyang isa nga siyang gay. Kaya kahit paano naihanda ko na sarili ko.

“ano, gay ka? Bakla Ka? Na nainilove ka na sakin? Hahaha ano?” pabirong chat ko pero may halong katotohanan.

“hahaha, luko… hindi yun” tugon agad niya.

“eh ano nga? Sabihin mo na. Pinasasabik mo naman ako masyado eh”

“ wag ka magagalit ah” kasi ganito…….”

“kuya, may karelasyon akong lalaki diyan sa manila”

“bago pa tayo magkakilala, karelasyon ko na siya”

“ 48 yo, mas may edad kesa sayo.”

“nasa friendster list ko siya pwede mong tingnan”

Matagal ako bago nakareply sa sinabi niya. Hindi ko maipaliwanag kung ano magiging reaksyon ko sa mga sinabi niya.

“kuya, natahimik na ka na. andiyan ka pa ba?”

“oo andito pa ko.. paulit ulit na binabasa mga sinasabi mo.” At sa puntong ito, naiiyak na ko. Gusto ko na itigil ang pagchachat naming. Na sa tinagal tagal ng aming pag cha chat,ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.

“bakit hindi ka na kumikibo diyan?” chat nya.

“Lam mo ba kung ano yung sinasabi mo ngayon at ano naging impact sakin?” “hindi mo alam kung ano nararamdaman ko ngayon… I feel I was cheated. Niloko mo ko”

“huh? Bakit? Pano kita niloko?” kayak o lang naman sinasabi to sayo para lubos mo akong makilala at ayaw ko nang patagalin pa ito”

“Kahit minsan ba hindi mo nahalata sakin ? Ngayon ko lang din sasabihin sayo to, tutal nagsasabihan na din lang tayo ng mga sekreto natin.”

“Im falling for you, mahal kita, matagal na.!”

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para sabihin sa kanya to. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.

“hindi ko alam kuya, na ganyan ka sa kin. Pero to be honest, nararamdaman ko kung gano mo ako kamahal pero hindi ko alam na ganyan katindi. “

“Noong una pa man, alam ko na ganyan ka na pero dahil sa pagmamahal ko sayo bilang kaibigan at kuya. Hindi ko pinanasin yun”

“Sorry kuya kung nasaktan kita ngayon sa mga sinabi ko… akin lang, ayaw ko na patagalan pa ito. Mas masasaktan ka pag sa huli ko pa sinabi.”

NAgtapos ang pagchachat ng hindi na ako nagpapaalam sa kanya. Bigla na lang ako nag out. Hindi ko makayanan ang sakit ng kalooban na dulot ng kanyang mga sinabi. Mabuti na lang at ako lang mag isa sa bahay nung time na yun at matinding pag iyak ang binuhos ko ng mga moment na iyon.

=============================

Gaya ng title ng blog ko. “sa kauna unahang pagkakataon”. Ito ang first time kung nag lakas ng loob na magsabi ng feelings ko para sa kapwa ko lalaki. Na sa tinatagal tagal ko dito sa mundo, isang 23 anyos na binata ang nagpabaligtad ng mundo ko. Yan ang “love story” ko ditto sa cyber. Sana nagustuhan niyo.

Sa kauna unahang pagkakataon... (fourth part)

Sa unang lingo mula ng umalis siya. Hindi siya mawala sa isipan ko. Nanibago ako na sa halos gabi gabing pag uusap naming ay this time wala na ako kausap sa phone. Maaga na akong nakakatulog. Wala na din akong natatanggap na mga SMS mula sa kanya. Na halos naging parte na ng aking pang araw araw na systema. Usapan naming, paglapag na paglapag ng eroplano niya ay mag tetext agad siya sakin. Pero nakalipas ang halos dalawang lingo wala akong natanggap na text mula sa kanya. Maski sa chat. Lagi ko siyang inaabangan, nagbabakasakaling naka online siya. Pero wala pa din. Kinundisyon ko na ang sarili ko na hanggang doon na lang talaga ang aming kabanata.

Pero isang araw, habang ako’y abala sa akin trabaho, nakatanggap ako ng SMS mula sa unknown number. “Kuya, ako to. Musta ka na? Miss na miss na kita!” “ sensiya ka na ngayon lang ako nakapag text sayo. Hindi pa kasi gumagana roaming number ko, cp ng sis ko gamit ko ngayon” magkasunod na text messages niya. Hindi ko maipaliwanag ang tuwang naramdaman ko that time. At sa sobrang excitement ko nang malaman na siya ang nag text, iniwan ko bigla ang trabaho ko.

Mula noon, palagi na ulit kaming nag tetext. Kamustahan siyempre. Halos lahat ng mga ginagawa niya ay tinitext niya sakin. Ganun din ako sa kanya. Malaking impact ang naibigay sakin ng taong ito, kung tutuusin sandali lang naman kami nagkasama ng taong ito pero, tingin ko, sa kanya na umiikot ang cyberworld ko.

Pitong buwan mula nang siya ‘g nangibang bayan, halos gabi gabi kami nag uusap sa pamamagitan ng YM. Bumalik ulit yun dating routine naming. Ang kaibahan nga lang, this time, sa YM chat na kami nagkakausap. Apat na oras ang pagitan naming. Nagmimiskol siya sa phone ko, gaya ng dato, ito’y isang hudyat na kami ay mag uusap sa chat. Past 12 midnight kung mag online siya, samakatuwid, past 4am na ditto sa pinas. Sa ganun oras lagi ako nag oonline para lang siya makachat. Tumagal ang ganung routine namin mula February hanggang August. At sa loob ng mga ganung buwan, naka 3 siyang exit sa tuwing mage expire ang kanyang visa. Nahinto lang ang ganung routine naming mula nang siya ay makahanap ng work. At doon na nag umpisa ang pananamlay ng aming pag uusap.

==================
to be continued............

Thursday, April 17, 2008

Sa kauna unahang pagkakataon... (third part)

Unang meet up pa lang naming yun. Ayon sa kanya, February 10, 2006 daw, nakatakda siyang umalis patungong abroad. Dumating na ang kanyang visa at plane ticket na lang daw ang kanyang hinihintay. Sa puntong ito, nakaramdam na ako ng pagkalungkot . Kung kelan pa kami unti unting nagkakalapit. Tsaka naman siya mawawala. Kaya sa huling pagkakataon, humiling ulit ako ng isa pang meet up. February 3, 2006, (Friday), sinundo niya ako sa work. Usapan namin, doon na niya ako sa work ko pupuntahan at mula doon ay pupunta kami sa Bay Walk, na noong panahong iyon ay isang sikat na lugar sa Maynila na magandang tambayan. Isang magandang alala sa akin ang lugar na iyon. First time ko din kasing pumunta doon kasama ang isang kaibigan mula sa cyber.

Nang dumating ang huling gabi bago siya umalis, February 9, yon. Alam niyang naghihitay ako ng text message niya, na gaya ng sabi ko, hudyat ng aming mahabang pag uusap sa phone. Nakatanggap ako ng text message mula sa kanya. Pero hindi ito yung hudyat na sinasabi ko. Text message na nagsasabing hindi na daw siya makakatawag nung gabing iyon sapagkat abala daw siya sa page entertain ng kanyang mga bisita. Nagbigay daw kasi siya ng Despedida Party sa kanyang mga kaibigan sa kanila lugar. At malamang tulog na daw ako bago pa matapos ang party. Kaya, sa text pa lang daw ay nagpapaalam na daw siya. Wala naman akong nagawa kundi tanggapin na lang ang pangyayari. Nagbilinan na lang kami sa text . Na sabi ko ay ingatan niya ang kanyang sarili. Ganun din ang sabi niya. Yung time na yun ay sobrang lungkot ang aking naramdaman. Na feeling ko ay isang mahal sa buhay ang aalis at hindi ko na makikita.

Sa sobrang lungkot ko that time, matapos an gaming palitan ng text message. Dinaan ko na lang sa tulog. Inisip ko na lang na ganun talaga ang buhay. May aalis, meron ding daddating. Haaayyy.. Pero hindi ko din akalain. Himbing na ko sa pagkakatulog ay tumunog ang phone na katabi ko. Nung una ay hindi ko nabosesan. Dala siguro ng himbing ko sa pagkakatulog. Siya pala ang nasa kabilang linya. Hindi daw niya matiis na hindi daw ako nakakausap sa phone bago man lang daw siya umalis. Na ikina antig na puso ko. Sa ikling panahon ng pagkakakilala namin ay kahit paano pala ay malakaing bahagi na pala ang naitatak ko sa kanya. Habang nag uusap kami sa phone ay hindi ko napigilang lumuha. Luha ng pamamaalam sa isang kaibigan na matagal na mawawala. Hindi man niya sabihin, sa tono ng boses niya, na garalgal, alam kong naluluha din siya. Sandali lang kaming nag usap pero madamdamin. Hindi na ako nakatulog pa matapos kaming mag usap.

Sikat na ang araw, nasa work na ako, mga bandang alas 9 ng umaga , nakatanggap ako ng text message mula sa kanya. “Kuya, dito ko departure area. Waiting lang kami.” “Ingat ka palagi ah. Wag mong pababayaan ang health mo, bye... see you again” text niya. “Ingat ka” tanging na reply ko sa kanya kasunod ng pagpatak ng luha.


============================

to be continued.....

Sa kauna unahang pagkakataon... (second part)

Nagkataong Christmas vacation ko that time kaya ok lang sakin ang makipag puyatan sa phone. At dahil sa unti unti na kaming nagkakakilala, nalaman kong “nocturnal being” din pala siya. Yung tipong gising sa gabi at tulog sa araw. Pero sa kaso ko, late sleeper ako pero early riser naman ako. Gawa ng ang pasok ko sa work ay 7:00 am. Kailangang 5:30 pa lang ay gising na ako.

Sa pag uusap din namin, nalaman kong bunso pala siya sa 4 na magkakapatid, at nag iisang lalaki. Na feeling ko, malakas ang hatak niya sa mga tulad ko na longing for a younger brother din. Lumaki kasi akong hindi kami naging close ng kuya ko. Kaya siguro gusto ko magkaroon ng kapatid na lalaki sa katauhan ng ibang tao. Nagkataong dito ko sa cyber world naisipang maghanap.

Lumipas ang ilang araw, palitan ng SMS, usap sa phone gabi gabi. Dito napansin kong unti unti na din siya napapalapit sa kin. Dahil sa madaling araw na kami usually nag start mag usap sa phone. Siya na ang tumatawag sakin. Pero bago siya tumawag, hudyat ng pag tawag niya ang nag tetext muna siya sa akin para malaman kung ako tulog na o gising pa. Pero sa totoo lang ay hinihintay ko lagi ang hudyat na iyon at hinihahanda ko na talaga ang sarili ko sa puyatan. At siya din ang dahilan kung bakit ako nag lagay ng extension ng phone sa aking room. Usapang magkausap kami ay walang sagabal.

Sa isang pag uusap naming sa phone. Nasabi niya sa akin na aalis na daw siya at pupunta sa ibang bansa. Hinihintay na lang daw niya ang visa niya. Andoon na daw kasi ang dalawang kapatid niyang babae na tutuluyan niya at susuporta sa kanya habang siya ang naghahanap ng work. Visit visa lang kasi ang kinuha niya visa. Na dalawang buwan lamang ang itatagal nito. At kung sakali daw hindi pa siya makahanap ng work sa loob ng dalawang buwan ay babalik na lang daw siya uli dito sa Pinas. Wala daw sana siyang balak sabihin sakin ang kanyang planong pangingibang bansa. Balak daw niya sanang sabihin sakin sa mismo time ng kanyang pag alis. Pero dahil daw sa napalapit na din daw ako sa kanya, ayaw daw niyang isipin kong unfair daw siya sakin kaya sinabi na din niya ang plano nya.

At dahil dito, ayaw kong dumating sa puntong sobrang manghihinayang ako na hindi man lang kami magkikita bago siya umalis, Kusa ko na siya inaya na magkita kami. Na agad naman niyang pinaunlakan.

January 22, 2006 nang una kaming magkita. Sa SM Fairview. Nagkataong nagpunta siya sa bahay ng girlfriend niya sa Bulacan, at padaan din naman siya sa SM Fairview, sumang ayon siyang makipag kita sakin. May usapan din kaming tuturuan ko siyang mag drive gamit an gaming sasakyan. Na ayon sa kanya, kakailanganin daw niya ang driving skills sa magiging work niya sa abroad.


======================

to be continued...........


Sa kauna unahang pagkakataon... (first part)

December 24, 2005 4:00pm

Isang taon mula ng matuto akong mag internet, at dahil na rin sa curiosity ko sa cyber world, unti unting lumawak ang kaalaman ko sa ganitong mundo nang ako'y pumasok sa chatroom ng YM. Christmas eve noon, taong 2005 nang may nakilala akong isang 23 anyos na binata mula sa bayan ng Montalban Rizal ang nagpaikot ng mundo ko sa larangan ng cyber space. Aksidente lang kung tutuusin ang aming pagkakakilala. Nagkataong nahilig akong pumasok noon sa "naughty" chatrooms ng YM. Napansin ko ang binatang ito na madalas makipagpalitan ng mensahe sa chatroom at tipong nang aasar. Kasama ang isa pang chatter, pinag tutulungan nilang asarin ang isa pang chatter. Dahil sa naaliw ako sa kanilang ginagawa, nag "mack" ako dito sa binatang ito. "Tol, ayos ah... ang galing mong mang asar sa room, naaliw ako sayo", PM ko sa kanya. "Ahh wala yun, pinagtitripan lang namin si.. (pangalan ng isang chatter na kanilang inaasar)" reply niya. "Mukhang napipikon na nga siya eh", kasunod na PM ko sa kanya. "Hayaan mo siya, ma epal kasi eh", tugon naman niya.

Dito nag umpisa lahat ang aming ugnayan. Subalit agad naputol ang pagpapalitan namin ng PM noong hapong iyon. Bigla na lang siyang nawala. Sa di malamang dahilan. Hindi na ulit siya nagparamdam. Dahil sa siya ang unang chatter na nakausap ko that time.. Nag iwan ako ng cellphone number sa offline message, at kung sakaling mag online ulit siya, tiyak na mababasa niya ito.

Hindi nga ako nagkamali, makalipas ang ilang araw, nakatanggap ako ng text message galing sa unknown sender. "Hi, musta? Ako yung ka chat mo before, nag iwan ka ng number sa offline message mo" ang eksaktong nilalaman ng text message. "Sino sa kanila? madami kasi kayong nakausap ko eh? hehehe " reply ko sa text niya. Na may halong pagbibiro, pero ang totoo, iniisip ko kung sino yung isang naka chat ko na pinagbigyan ko ng aking numero. "Ah ganun ba? sige, thanks na lang" reply, niya sa text ko. Na ramdam ko ay disappointed siya. Hindi pa man niya siya nakakapag reply ay naalala ko na agad kung sino yung binigyan ko ng number. "Ahhh ok,,, kilala na kita... ikaw si flamebuddy diba? hehehe, sensiya na... " tugon ko agad. "Akala ko di mo ko kilala, suplado ka pala." di ko alam kung galit siya o hindi. " Binibiro lang kita... hehehe... ikaw lang naman ang ka chat ko last time eh. at ikaw lang din ang pinag bigyan ko ng number ko." paliwanag ko. "Teka, bakit ka nga pala biglang nawala? Hindi ka man lang nagpaalam" follow up text ko sa kanya. "Sensiya na, naubusan kasi ako ng next card bigla na lang ako na log out" tugon niya.

Simula na yun ng aming mahabang pakikipag ugnayan sa isat isa. Kasunod noon ay ang aming halos gabi gabing pag uusap sa landline. Dito na kami unti unting nagkakilala.

==============

to be continued.....

Monday, April 14, 2008

Vacation time officially starts...

Ngayon na talaga ang official start ng aking bakasyon. Hindi na ako nag report sa work. Paano ko nga ba na spend ang first day ng aking bakasyon?

Nagising ako kaninang umaga ng bandang 10:30 ng umaga. Kung hindi nga lang ako ginising ng makulit kong pamangkin ay tuloy tuloy pa sana ang aking tulog. Pagkagising ko ay nagbasa ako ng mga text messages sa aking phone. Puro good morning ang halos bati sakin ng mga regular textmates ko. May isang textmate din ang nagsend ng quotes. At isang text message din mula sa isang kaibigan na kikitain ko bukas. Pinapaalala ang aming lakad or gimik bukas.

Pagkabagon ko sa higaan ay naligo ako at kaagad na nag tungo sa kitchen upang mag almusal almusal. Brunch na yun kung tutuusin. Nagtimpla ng coffee at kinain ang itlog, sinangag at pritong tuyo na nasa hapag kaininan. Sa mga ganitong oras kapag nasa work ako ay usually, pagkaing lunch na ang aking kinakain. At usually, coffee lang talaga ang aking breakfast kapag may work.

Pagkatapos kong kumain at nanood muna ako ang tv. Nakakaaliw din at tamang pang relax talaga ang panonood ng tv. Sa totoo lang hindi talaga ako mahilig sa tv at wala akong pinapanood na particular na palabas. Kung ano lang ang palabas ay yun lang ang aking pinapanood. Nagkataong Eat Bulaga ang palabas ay sobra akong naaliw sa mga pakwela nila Wally at Jose. At nng buong cast ng show. hehehe.

Matapos kong manood ng tv, nag bukas ng pc at nag internet. Check ng emails, nag surf, nag check ng friendster, at nag online sa chatroom ng YM. Sa pagpasok ko sa chatroom, ay may isang chatter na nagPM sakin. Bente kwarto anyos na taga Marikina City ang humihingi ng tulong, kailangan daw niya ng P1500 kapalit ng serbisyong sekswal. Akala yata ng taong ito, desperado na ako at kailangan ko nang magbayad para lang makahanap ng magbibigay ng aliw. Ni hindi sumagi sa isip ko na magbayad para lang may maka sex. Hindi naman sa pamimintas, at hindi ko naman talaga ugaling mamintas ng tao, nang hingian ko siya ng picture para man lang makilatis kunwari kung worth ba siya sa P1500 na kanyang hinihingi, OMG lamang ang tanging nasambit ko sa aking sarili. Na kahit P150 hindi worth ang kanyang hitsura. (hindi raw mapanlait eh no? hehehe). Seriously, sa ganitong kalakaran, naisip ko lang... kung magbebenta ka din lang ng sarili mo, eh dapat yung isipin mo muna kung mataas ba ang market value mo. Hindi yung ipangangalandakan mo ang sarili mo sa ganung halaga eh hindi ka naman worthy. Mabuti sana kahit "HIPON" sana eh. Ok pa sana kaso hindi talaga. haayyy... At nang tanungin ko kung bakit niya naisipang gawin ang ganung bagay na ayon na din sa kanya ay first time daw niya at may regular work daw naman siya. simple lang ang sagot niya, pandagdag daw niya sa pambili ng bagong cellphone. (Ano kamo?!?!? pambili ng bagong cellphone???) haaayyy mga tao nga naman. Matapos kong mag online, ay dinalaw ulit ako ng antok. Mga bandang 4 pm yata ako nahiga at nagising na lang ako in time for our dinner... haaayy ang sarap ng buhay...hehehe


Two months ang aking bakasyon, naisip ko lang, ganito ba lagi ang magiging routine ko sa buong maghapon dito sa bahay? Kailangan siguro maka isip ako ng iba pang pagkakaabalahan. Abangan niyo na lang sa mga susunod kong posts kung ano ang mga magiging activities ko this whole summer vacation.

===================================





Saturday, April 12, 2008

gandang view (part 2)...


Noong magpunta kami sa corregidor island noong monday, bukod sa sight seeing, hindi ko maiwasang mag boylet hunting. hehehe.. well, sa mga kasama namin sa tour hindi pinoy ang na ka tawag sakin ng attention. This time, isang banyaga. Irish yata siya ayon sa aking kasama. Bukod kasi sa banyagang ito, may kasama itong pinoy. At ayon sa aming kasama ay nakausap niya ang pinoy na ito.

Sa tingin ko, medyo may pagka suplado ang taong ito. Kasama namin ito sa tourist bus na aming sinasakyan. At sa buong trip namin ay hindi ko man lang nakita ang taong ito na kumiti. But in fairness, gwapo siya. Gusto ko man i approach siya, hindi ko nagawa, na by nature naman talaga ay hindi ko ugaling unang mag approach sa taong hindi ko kilala. Kaya eto, ninakawan ko siya ng shot sa aking camera. hehehe.

===========================

i just love God's beautiful creations... hehehe

Tuesday, April 8, 2008

corregidor adventure....

Gaya ng matagal ko na pangarap, natupad din ang magpunta ko sa Corregidor Island noong monday. Dahil nga sa holiday, sinamantala namin ang pagkakataong makapamasyal. Isa itong napakagandang experience para sakin. Maaga pa lang nasa CCP Complex na kami ng aking mga kasama kung saan naka daong ang ferry boat na aming sasakyan patungong Corregidor Island. Hindi kami umabot sa first trip na 7:30 ng umadga. Na dapat sana pala ay nagka reserve na kami ng mas maaga. Kaya sa 2nd trip na kami nakapag pa reserved. Tumataginting na Php 1, 999.00 ang bayad sa buong trip. Kasama na dito nag buffet lunch na naka abang na doon mismo sa island. Saktong 10:15 pa lamang ay lumulan na kami ng ferry boat. At saktong 10:30 kami pumalaot sa Manila Bay.

Habang lulan ng ferry boat, hindi ko matiis na tumingin sa bintana ng boat sapagkat napakagandang tanawin ang makikita sa labas. At habang kami ay nasa loob, may video presentation kaming pinapanood tungkol siyempre sa history ng corregidor island. Mga 12:15 nang kami ay dumaong sa pier ng island. May nakaabang sa amin na isang sasakyang tila ba parang malaking jeeney na bukas ang tagiliran. Ito ang nag hatid sa amin sa clubhouse kung saan nag aantay ang aming "buffet lunch". Isang napakasarap ng tanghalian.

At 2:30pm. nag umpisa na kaming mag tour around the island. Ibat ibang lugar ang aming napuntahan..


Nakakapagod, pero sulit naman. Halos hindi na kami magkanda ugaga sa pag kuha ng mga pictures. At sa tuwing kumakalembang na ang bell ng aming tourist guide na hudyat na kami ay lululan na ng sasakyan patungo sa susunod na destinasyon, palaging grupo namin ang nahuhuli. Panay kasi ang aming picture taking.. hehehe. Ang pinaka last destination namin ay ang Pacific War Memorial Museum, kung saan naka display ang mga memorabilia ng World War II. Iba't ibang war weapons na ginamit ng mga noond giyera laban sa mga hapon. Ang Malinta Tunnel na makikita sa larawan ay isang nakamamanghang istraktura na ginawa ng mga sundalong hapon. Ang tunnel na ito ay tagos sa magkabilang panig ng bundok.





Ang mga ruins ng mga old buildings na makikita din sa larawan ay sandyang prineserve upang mapanatili ang historical background nito. Nakamamanghang pagmasdan ang mga estrakturang nasa larawan. Na isip ko lang, ano kaya ang sitwasyon sa lugar na ito kapag sumasapit na ang gabi. Na ayon sa mga kwneto kwento ay madami daw mga multo.. Natapos ang aming tour mga bandang 5:15 ng hapon. at agad kaming sumakay pabalik ng ferry boat. Mga 6:45pm na kami nakarating ng CCP Complex. Salamat sa Diyos at nakarating naman kami ng maluwalhati at ligtas. Isa itong experience na hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko.




=======================================

sensiya na.. hindi pa ako masyadong marunong mag post ng mga pictures dito sa blog.. kay medyo dis arranged pa ang mga ito.. heheh

Sunday, April 6, 2008

gandang view... (landi mode muna. hehehe)


Matagal ko nang shot ito.. Hindi ko lang agad na i post. Isang pic lang kasi ang nakuha ko. Gaya ni DN.. hindi rin ako marunong kumuha ng stolen shot ng mga boylet na nakikita ko. Umattend ako ng graduation rights ng nephew ko. at habang ako ay nanonood, nakatabi ko ito guy na ito. Na sa tingin ko ay cutee talaga. Sayang nga lang at side view ko lang siya nakuhanan ng shot. Hirap na hirap pa nga akong iporma cellphone ko para lang makunan siya ng pic.. eto siya.. hehehe. Sa totoo lang.. hindi ko tagala ugaling mag boylet hunting.. nagkataon lang na napagtripan kong kunan ng pic itong guy na nakatabi ko.. cute siya, lalo na pag nakaharap. At ang eyes niya... wow... tantalizing.. hehehe

Saturday, April 5, 2008

College Survey... ( I hope I can still remember )

I'll try to answer this as far as I can remember..


1.ANO ANG STUDENT NUMBER MO?
86-0008666 (?)

2. ANO ANG FIRST CHOICE MO NA COURSE?
- BS Dentistry

3. SECOND CHOICE?
- BS Civil Engineering

4. ANO COURSE KINUHA MO?
- Education: Wala naman kasing Dentistry sa UST eh
Tapos, nung kumuha ako ng Entrance Exam sa Civil Engineering
Nasa Waiting List pa ako... eh malapit na pasukan wala pa akong course.. hehee

5. NAG-SHIFT KA BA?
- Nope....pero ilang beses ako
nagplano...

6. CHINITO/CHINITA KA BA?
- Moren0...

7. NAKAPAG-DORM KA BA?
- never... araw araw akong nagko commute from Bahay namin to UST
back and forth

8. NAKA UNO KA BA?
- 1.25 lang.... hehehe

9. NAGKA-3?
- Meron.. isang minor subj. Filipino 2 ... badtrip kasi yung prof ko.

10. LAGI KA BANG PUMAPASOK SA KLASE?
- Not really, kahit sa major subjects
umaabsent ako hehehe... di naman maiwasan umabsent eh

11. MAY SCHOLARSHIP KA BA?
- wala... scholar ako nag parents ko...

12. NANGARAP KA BA NA MAG-CUM LAUDE?
- Di ko na pinangarap yun.. basta gusto ko lang makatapos ng studies
at makapag work agad

14. BAKIT?
- Dahil sa financial crisis ng family... 4 kaming college that time.. hirap na hirap na
parents ko sa pag papaaral samin..

15. FAVE PROF:
- Ma'am Mayet.... prof ko sa Ecology at Biology... palibhasa bagong graduate lang
at bata pa... kaya marunong makipag bonding sa mga students niya.. Saan na kaya siya?

16. WORST PROF:
- Yung prof ko sa Filipino II, weirdo yun... mukha siyang nasa panahon ng mga Old English people... kinky ang buhok na mahaba at may balbas at bigote... yun ang nagbigay sakin ng 3 na grade...

17. FAVE SUBJECT/S:
- Physics I and Physics II... challenging yung problem solving...
tsaka Philippine History.. minor subject pero naging favorite ko kasi sobrang galing ng Prof. Exempted nga ako sa final exam eh.. hehehe

18. WORST SUBJECT:
- Filipino II...... I almost drop the subject, hirap eh... bad trip pa yung prof ko...buti na
lang may written exams...hehehehe

19. FAVE Area(tambayan):
- Library.... malamig kasi.. aircon... sarap matulog... hahahaha at tambayan ng buong
klase namin

20. PABORITONG KAINAN:
- sa labas ng campus... doon sa may Dapitan... may isang karenderia doon na mura
lang ang pag kain... Unlimited ang kainin.. ulam lang babayaran mo.. hehehe

21 . MAGKANO BA ANG BINABAYAD MO SA
JEEP?
- baka di kayo maniwala...P1.50 lang pamasahe sa jeep noon... hehehe kaya ang allowance ko that time ay tumataginting na P15.00 lang... mag hapon na yun... hehehe

22. LAGI KA BA SA LIBRARY?
- pag mahaba ang vacant.... walang choice kundi tumambay sa Library..
tska pag may mga assignments.... at siyempre... pag inaantok... hahahaha....

23. NAGPUNTA KA BA SA GUIDANCE?
- di masyado...

24. MAY CRUSH KA BA SA CAMPUS?
- may gf ako nun pero crush .. medyo... daming kasing bebot sa college namin eh kasama kasi sa college namin yung BS HRM at BS Tourism... daming chickababes doon..

25. ANU-ANO ANG MGA NAGING PE MO?
- Gymnastics, Basketball, volleyball at arnis...

26. KAMUSTA NAMAN ANG BLOCK NYO?
- nag start kami nung first year 50 kami... bago kami nag graduate... 9 na lang kaming natira....pag dating kasi ng 3rd year... majoring na kaya nag hiwahiwalay na kami.......

27. MEMORIZE MO BA ANG ALMA MATER SONG?
- Nope, pero pag nadinig ko.. kaya ko siyang sabayan... hehehehe



==========================

read this post at copy paste on your blog... answer it too...

"bugaw" .....

This summary is not available. Please click here to view the post.

Wednesday, April 2, 2008

Hmmmm.... Bakit Ganun?

text mode... (april 2, 2008 9am to 12:00 noon)

Me: gandang umaga!

Him: Gud mowning din!

Me: Ei.. alam ko na kung bakit di siya nag text kahapon.. at alam ko na din yung raket na sinasabi niya sayo..

Him: Ano naman yun?

Me: Naging gym instructor pala siya kahapon sa isa sa mga junakis niya. hehehe

Him: Ahh ganun ba? well... isa lang masasabi ko... kung ayaw talaga hindi natin mapipilit.

Me: Bakit naman.? uy... may tampo.... hehehe

Him: Hindi man lang siya nag text kung tuloy o hindi... di ko naman siya tinitext kasi nga siya daw mag tetext sakin..

Me: May reason naman siya kung bakit di siya pwede eh.

Him: Bakit katext mo ba siya ngayon?

Me: Hindi... nabasa ko lang sa blog niya last night.

Him: Ano naman yung reason niya?

Me: Ciguro nakalimutan niyang mag text sayo kasi may nangyari sa kanya kahapon. Naka receive siya ng Joke. na akala niya namatay yung tropa niya. Eh diba April's Fool Day kahapon?

Him: Ahhh... ok.

Me: Baka nga nakalimutan nga lang niya dahil a nangyari... anyway dami pa namang time eh

Him: Teka... sino naman may sabi sayong tampo ako? Hindi no... wala sa bukabularyo ko ang tampo, hahahaha...

Me: Wala lang... feeling ko lang nagtatampo ka kasi hindi siya nagtext sayo.. hehehe

Him: Wala un!. It's not a big deal for me..

Me: Well ako medyo tampo pero hindi sa kanya... doon sa junakis niya.

Him: hahaha affected?baka may halong luha pa yan ah? hehehe

Me: Wala akong tampo sa kanya ... secured na ko sa kanya. doon sa junakis niya... medyo lang.. k

Him: ano ka ba naman.. dapat alam mo na mga kalakaran sa mga ganyan..

Me: sakin lang... mas madalas kong katext yung junakis niya kesa sa kanya.. pero hindi man lang nababanggit sakin na may plano silang ganun.

Me: Well.. ano nga naman ba K ko... di ko naman sila inu-obliga na sabihin lahat ng mga activities nila... diskarte nila yun.. hehehe

Him: Yun naman pala eh..

Me: wala lang... nag iinarte lang.. hehehe

Me: seriously... nakakaramdam ako ng history repeats itself.... parang nangyari na to dati.. hehehe

Him: haaaayyy... hayaan mo na nga yun...


Me: ngapala... musta na si ric? kelan daw uwi niya?

Him: yuy tuloy uwi niya sa April 16.

Me: Eh di gimik na naman kayo niyan.. hehehe

Him: Pano mo naman nasabi?

Me: Sus!.. diba nga.. isang aya lang niya sayo gimik agad kayo.. Sakin nga isang libong invitations pa bago ka pumayag na sumama sakin. hehehe

Him: Busy lang talaga..

Him: Ano ka.. yung mga gimik na yun pinag planuhan namin yun.. hindi yun ura uradang gimik yun.

Me: Asus naman.. magkaiba yata kayo ng sinasabi... dati nung ask ko sila kung bakit hindi man lang sila nang iimbita sagot nila biglaan lang yung gimik.. tapos ngayon sabi mo pinaplano at hindi ura urada... ano ba talga kuya? hehehe

Him:... Ayan ka na naman... kalimutan mo na nga yun... ang mahalaga... ok na tayo ay may communication na din tayo up to now.. wag mo na ibalik yung nakaraan..

Me: Wala na sakin yun no. Immune na ko... sanay na ko sa inyo... Im not longer affected.. hehehe

Him: that's gud!!

Me: No... it's the best... hehehehe

====================================================

Nag iinarte nga lang ba ako kanina? O dapat talaga akong mag tampo? feeling ko kasi. i was left behind. AGAIN?!!? Hindi naman sana... Mali lang siguro ang sapantaha ko. But seriously... on the part of this HIM.... may reason naman talaga siya kung bakit hindi siya nakapagtext... Eh ikaw ba naman ang biruin ng ganun eh... malamang mawawala ka sa katinuan... isip at puso mo ang affected pag ganun. And on the part of his JUNAKIS, kahapon din magkatext kami. I was telling him my planned activity for that day.. reply naman siya sa mga text ko. pero never niyang nabanggit na magkikita sila at tuturuan siya sa pag gigym niya. Samantalang between this junakis and HIM, mas madalas kaming magkamustahan kesa kay Him... Hindi na yata ako updated sa mga nangyayari ..... (Well kampantihin ko lang sarili ko) Baka nakalimutan lang talaga niya banggitin sa text.... sana...