Saturday, April 5, 2008

"bugaw" .....

Last friday, nakipag meet ako sa isang bagong kakilala mula sa isang website na pinagkakaabalahan ko lately. Ang LifeOut.com. Bago pa lang ako sa wbesite na ito at nadiskubre ko lang itong site na ito mula sa blog ng isa kong blogmate. Wala naman masyadong pinagkaiba ito sa xtube.com. Pwede ka ding mag view ng mga profiles.. mga pictures... at ang mga videos na talaga naman nakapang iinit ng mga kalamnan. At siyempre... hindi naman ako naglagay ng picture. Ni wala nga akong list of friends eh. Pero lately, may nabasa akong message from my inbox at may isang member na nag invite sakin na i add ko daw siya sa list ko. Well... since siya ang kauna unahang member na nag invite sakin. At mula sa mga exchange namin ng mga messages.. nauwi kami sa pag chachat sa yahoo messenger. Siyempre doon na tumagal at humaba na ang aming usapan. Mga tanungan tungkol sa mga bagay bagay na may kinalaman sa PLU life.

At mula noon ay napapadalas na ang aming pagchachat sa YM. At eto nga, last friday ay nag aya siya ng isang simpleng meet up. Na sa tingin ko ay ayos lang naman sakin. Gusto lang daw niya akong makita ng personal since hindi rin naman kami nag exchange ng face picture. Not even on webcam, hindi kami nagkita. So dahil siguro may curiosity din ako kung ano hitsura niya, napapayag niya ako sa kanyang invitation ng simple meet up.

Eksaktong 6:00 pm ang usapan naming magkikita kami sa Farmers Cubao. Medy0 nauna lang ako ng mga 5 minutes. At habang nag aantay ako ay nagpapalitan kami ng text messages.. "Pre, paano kita makikilala? ano kulay ng suot mong damit?" text ko sa kanya. "Im wearing cream polo and maong pants, may body bag akong kulay black. Ikaw ano kulay ng suot mo?" reply niya.. At hindi ko pa man na i se send yung reply ko, may nakita na agad akong isang tao na umayon sa ganung deskripsyon ng katext ko. So nag decide na agad akong lapitan yung taong nakita ko. Sa totoo lang, kahit hindi masyadong match sa expectations ko yung taong ka meet ko, hindi ko ugaling mag "ONE WAY" meet up. May hiya din naman ako sa ka meet up ko. So nilapitan ko siya ay maayos na kinausap.

Pumasok kami sa isang fast food outlet upang makapag usap ng maayos. nag volunteer na siyang oorder daw ng makakain. Since, siya naman ang nag offer, sige pinag bigyan ko na. Sayang din yun... hehehe. At habang kami ay kumakain, nag start na ang aming usapan. At siyempre, ano pa ba naman ang magiging topic namin... yun na yun... hehehe. At sa gitna ng aming usapan... hindi man niya direktang sabihin, ay alam ko na agad ang gusto niyang ipahiwatig.. sa mga kilos niya at sa mga pananalita niya... parang gusto niyang may mangyari sa amin. Pero gaya ng ng sabi ko sa isang textmate ko... titingnan ko kung ok itong ka meet up ko, at pag nakita kong ok talaga, malaman sa next meet up namin ay SEB na ang kasunod. At dahil na din sa hindi nga siya nag match sa expectation ko... na set ko na agad ang utak ko na meet up lang talaga ito. At walang SEB na mangyayari. So... natapos ang aming meet up na parang isang ordinaryong... pag uusap lang. Naghiwalay kami ng landas na parang wala lang... I have to admit.. walang dating sakin ang aking naka meet up.

Nang ako'y nasa bus pauwi.. nagpapalitan pa din naman kami ng text messages. Tao ko naman siyang hinarap at tao ko pa din naman siyang kinakausap sa text. Yun nga lang medyo nabawasan ang interest ko sa taong iyon.

Matapos ang ilang araw, kanina, nakatanggap ako ng anonymous text message at nagsasabing gusto daw niya akong makilala. At nang tinanong ko kung sino siya at saan niya nakuha ang cellphone number ko. Napag alaman kong nakuha daw niya at ibinigay sa kanya ng tao na naka meet up ko last friday. Napa isip pa nga ako kung sino yung taong iyon. At ngayon ko nga na realize na oo nga nakipag meet up ako last friday. So sa pag iimbestiga ko sa nag text sakin. Binigay daw ng isang kakilala niya na nameet ko last friday at sabi pa na magaling daw akong kasex at ayon sa nag text ay gusto daw akong ipasubok kung gaano daw ako kagaling sa kama. Langhiya!... ibinubugaw na pala ako ng di ako alam. Tinext ko yung taong nambugaw sakin para malinawan kung totoo ang sinasabi ng naka text ko. Well. awa naman ng Diyos... hanggang ngayon.. hindi pa nag rereply.... haaayyy... nag ilusyon yata siya na may nangyari samin.. at gusto akong ibugaw sa mga kakilala niya. At mabuti na lang, yung isang number ko ang gamit ko sa kanya na hindi ko naman masyadong nagagamit.


==================================

"cent... kung kelan yata nag decide ka na lie low ka muna sa mga sexcapades mo... ngayon ka pa ibinubugaw... hehehe"

1 comment:

  1. Grabe ang loser naman nung na-meet mo. Hindi ko ineexpect na may mga ganyang tao pa pala ngayon.

    ReplyDelete